Ikadalawampung Kabanata
“Kung sabi mo na hindi ikaw si Hanna at hindi mo kilala kung sino ka... Siguro naman ay kilala mo si Hanna?” naguguluhang tanong ni Harlene.
“Hindi.”
Napaisip nang malalim si Hanna. “But I feel that she knows me a little bit. Can you ask her soon?”
Napabuntong hininga si Maxvien. Naisip niyang baka ibang personality na naman ni Hanna ang kausap nila ngayon.
“When? Paano namin siya matatanong kung ikaw naman ang kaharap namin? Baka naman may naaalala ka kahit kaunti na tungkol sa iyo,” pahayag ni Andrea.
“Ah never mind. Maaalala ko rin mayamaya. For now, tapusin n’yo na iyang kinakain ninyo."
Sinunod nila ang sinabi ni Hanna. Nagpatuloy sila sa pagkain.
Sa isipan ni Hanna...
“How come you forgot your name? Pinapahiya mo pa si Hanna.”
“Shut up, Ann! Malalaman ko rin mamaya.”
“Bakit po kayo nag-aaway?”
“Hey, Annah! Baka naman kilala mo kung sino siya? Pinapahiya niya si Hanna e.”
“She’s Nana!”
“Really? Buti pa ikaw alam mo. Siya hindi.”
“Ikaw din naman hindi ako kilala!”
“Ah! Whatever.”
“They’re talking again,” mahinang sambit ni Hanna.
“Who?” tanong ni Maxvien na tapos nang kumain. Dalawa na lang silang magkasama sa pwesto nila.
“My alters.”
“You heard them speaking? To whom?”
Tumango si Hanna. “Yes, to each other.”
“Ano sinasabi nila?”
“Si Nana kasi, she forgot her name. Buti naalala siya ni Annah.”
“Nakikilala mo na ba sila?”
“Oo.”
“Paano?”
“Kasi noon ‘di ba sa ospital, sinabi ng mga doktor. Nandoon ka rin ‘di ba? Narinig ko ang usapan.”
Napaisip naman si Maxvien. “Oo nga pala. You heard everything.”
“Vien, crush kita.”
Nagulat naman ang binata. Napatingin si Maxvien kay Hanna.
“C-Crush m-mo ‘ko?”
“Oo.”
“Ang daya mo naman, Hanna!” nakasimangot na sabi ni Maxvien.
Nangunot-noo naman si Hanna. “Madaya? Naglalaro ba tayo”
“Mahal kita tapos ako, crush mo lang?”
Pilit namang ngumiti si Hanna. “Ano kasi... Ang totoo niyan—”
“Hanna, hello!” sabi ng isang babaeng nagngangalang Rosie, kasing edad lang ni Hanna. Lumapit siya kay Hanna at niyakap ito. Yumakap na lang si Hanna pabalik kahit gulat siya.
“Wrong timing ka naman, Rosie! May sasabibin pa sana sa akin si Hanna e, sumulpot ka naman bigla.”
Tinaasan lang ni Rosie ng kilay si Maxvien. Kumawala na sa yakap si Rosie.
“Nakikilala mo ba ako, Hanna?” tanong ni Rosie saka siya umupo sa tabi ni Hanna, sa kaliwang banda.
Tinignan ni Hanna si Rosie sa kaniyang mukha. Umiling siya. “Sorry, hindi e. Sino ka pala?”
Napabasungot naman si Rosie. “Bakit ‘di mo na ‘ko kilala? Katampo! Pero si Maxvien, nakikilala mo. Ang daya mo naman, Hanna!”
“Sorry na po,” wika ni Hanna saka nag-peace sign.
“No, it’s okay. I understand naman kung bakit nakalimot ka na. Pero para maalala mo ako... magpapakilala ako!” Bumuntong hininga muna si Rosie. “Naalala mo no’ng Sportsfest 2016? Doon tayo unang nagkakilala! First time ko no’n sumali ng youth activities e. Hanga ako sa‘yo no’n sa galing mo maglaro ng volleyball. Kulang iyong team namin noon ng isa kaya nagboluntaryo ka noon na sumama sa amin. Tapos pagkatapos ng laro ay nagkakwentuhan tayo.”
Napaisip naman si Hanna. “Ah! Naalala ko na. Ikaw iyong madaldal, ‘di ba?”
“Grabe ka ah. Madaldal— first impression mo sa akin!”
“Totoo naman kasi iyon. Ngayon ka lang yata ‘di madaldal at hindi napahaba ang kwento mo,” singit na sabi ni Maxvien.
Natawa na lang si Hanna samantalang kumusilap naman si Rosie.
“Rosie is your name, right?”
"Yes! Yes, it’s me Rosie. Naalala mo ako!" masayang sabi ni Rosie at tumili pa ito.
Napapangiti na lang si Hanna.
Pagkaraan ng limang oras ay kainan na naman para sa hapunan. Pagkatapos ng hapunan ay may naganap na Bible Quiz.
“Congrats group 2!” bati ng ibang grupo sa pangkat nina Hanna habang nasa harapan sila para sa pictorial at receiving ng prize nilang Tobleron. Sila kasi ang nanalo.
Bago sila pumunta sa tutulugan nila at ibinalik muna ang cellphone ng bawat participants. Kinuha kasi ang mga cellphone bago magsimula ang activities for the day.
Nang makuha ni Maxvien ang phone niya ay ibinalita niya kay Kasper ang nangyari kaninang tanghalian at sinabi rin ang mga naging usapan nila ni Hanna. Pakiwari niya kasi ay makatutulong iyon sa recovery ni Hanna. Si Kasper naman ay sinabi sa doktor ni Hanna na si doc David ang ipinarating ni Maxvien.
“Max, una na kami ni Hanna ah? Punta na kaming basement. Kayo? Saan kayo matutulog?” ani Harlene.
“Sa labas, gagamit kami ng tent.”
“Wow nice! Oh siya una na kami.”
Tumango na lang is Maxvien.
Naglakad na sina Harlene papunta sa basement ng simbahang kinaroroonan nila. Nadatnan nila ang iba na nag-aayos na ng hihigaan. Nag-ayos na rin sila para makatulog na.
Sa sumunod na araw sa oras ng alas tres, hinihingal na nagising si Hanna. Naalimpungatan naman ang katabi niya na si Harlene.
“Ayos ka lang, Hanna?” inaantok na tanong ni Harlene.
“Hinahabol nila ako. Nandiyan na sila.”
“Sshhh Hanna, it’s a bad dream. Matulog ka na lang ulit. Maaga pa masyado.”
May likidong umaagos mula sa mata ni Hanna. Nakita ito ni Harlene kaya pinunasan siya ito.
Ipinikit ulit ni Hanna ang mga mata niya. Inisip niya na, “Oo, masamang panaginip lang iyon.”
Hindi mapakali si Hanna. Gusto niyang matulog ulit ngunit hindi na siya makaidlip.
“Sa susunod na managinip kang hinahabol, huminto ka at harapin mo ang mga tinatakasan mo.”
Napaisip si Hanna sa sinabi ni Harlene. Naisip niya na may mas malalim na nais iparating ang kaibigan niya.
“Ano ba ang mga tinatakasan ko? Paano ko ba haharapin ang mga ito kung hindi ko malaman kung ano ba talaga ang dapat kong harapin,” sabi ni Hanna sa kaniyang isip.
“Your past, Hanna! Your past! Balikan mo muna at ayusin ang dapat ayusin. Hindi ka lubusang makakawala kung lagi ka na lang tumatakbo palayo rito.”
Napatanong si Hanna kung sino ang nagsalita. Hindi niya malaman kung kaninong boses ang narinig niya pero ramdam niya na kailangan niyang gawin ang sinasabi ng boses na iyon. Kailangan niyang balikan ang nakaraan. Magagawa niya ito kung makakaalala siya.
“Kailangan kong maalala ang nakaraan.”
“Sigurado ka, Hanna?” tanong ni Harlene. Narinig niya pala ang bulong ni Hanna.
“Oo, kahit na masakit para sa akin pero kailangan ko. Para sa akin at para sa inyo rin. Ayaw ko na nahihirapan kayo dahil sa akin. Alam ko, ramdam ko na naguguluhan pa rin kayo sa nangyayari sa akin.”
“Hanna,” sambit lang ni Harlene. Tama si Hanna, naguguluhan pa rin sila dahil sa kalagayan ni Hanna.
Nakatulog na ulit sina Harlene at Hanna.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top