Ika-apat Na Kabanata

May alaalang biglang pumasok sa aking isipan. Nasa isang simbahan ako at may nakita akong lalaki. Siya ang kaharap ko ngayon. Hindi ko pa rin malaman ang pangalan niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Unang kita ko pa lang naman sa kanya ngunit bakit may iba akong nararamdaman?

Tinignan ko siya sa mukha. Ang matatangos nitong ilong na pinaligiran ng mapuputing pisngi. Habang ang mga kulay kayumanggi niyang mga mata ay kinurbahan ng mga pilikmata. Dumagdag pa ang makakapal niyang kilay. Nabaling ang tingin ko sa hugis palasong labi niya na mamula-mula. Nabigla ako nang ngumiti siya sa akin.

“Siya si Maxvien,” bulong ng isang boses.

“Maxvien?” tanong ko. Mas lalo siyang napangiti.

“Naalala mo na ako!”

Umiling ako. “Hindi pa rin e. Pero totoo? Maxvien ang pangalan mo?”

“Oo, Hanna,” nakangiti nitong saad.

Napaupo ako sa isang upuan na malapit sa kinatayuan ko kanina. Naupo naman siya sa aking tabi.

“Why you all call me Hanna?”

Nakita ko siyang nangunot-noo. “It’s your name.”

“Really?”

“Yeah. Ah, I forgot. You have an amnesia.”

Napangiti na lang ako at pinagmasdan ang mukha niya. Hindi maitatangi na ang gwapo niya.

“Baka matunaw ako kakatitig mo.”

Natawa ako nang mahina.

“Hindi ka naman ice cream e.”

Natawa siya sa sinabi ako.

“May ipapakita ako sa iyo,” saad niya at may inilabas siyang cellphone. Lumapit naman ako sa kaniya.

“Ikaw ‘to oh,” sabi niya sabay pakita ng isang larawan na ako raw at kumakain ng ice cream. Kamukha ko nga ngunit wala talagang akong maalala na pangyayari na kumakain ako ng ice cream.

“Ang kyut mo.”

“Eh? Ang gwapo mo.”

Napatikhim siya. “Kumusta ka na pala?” tanong niya.

Ngumiti na lamang ako at hindi sinagot iyon.

“Do you have a movie in your phone?”

“Meron. Sige, manood tayo.”

May inilabas siyang earphone.

“Ang title nito ay Perfect and Casual. Nasa episode 7 na ako e. Okay lang?”

Tumango ako. “Ayos lang. ‘Di naman ako mahilig manood e.”

Sinimulan na naming manood.

“Bagay sila ‘no?”

“Oo naman.”

Pagkaraan ng ilang minuto ay tila nakaramdam ako ng antok.

Nagising na lamang ako at nasa silid na ako.

“Nasaan si Maxvien?” tanong ko sa nasa tabi ko na Jana raw ang pangalan.

“Umuwi na. Bibisitahin ka niya siguro mamaya.”

Ngumiti na lang ako. “Anong oras na po ba?”

“4:00 o’clock na ng umaga.”

Napatango naman ako.

Nagdaan ang tatlong oras at nakaligo na ako. Ang bango naman ng sabon na ginamit ko pati na rin ang shampoo na Hana.

Nasa parke ako ng ospital ngayon. Iba ‘to. Hindi ito iyong nagkausapan namin ng unang doktor ko raw.

Bakit parang mas maganda pala ang parke kaysa sa hardin?

Naglaro na lang ako sa cellphone ko.

“Victory!” Buti naman panalo.

“Naglalaro ka pala niyan.” Nagulat ako at muntikan ko pang mahulog ang cellphone ko.

Nilingon ko ang nagsalita. “Ikaw pala Maxvien.”

“Oo, ako nga. Ako lang na may gusto sa iyo, wala ng iba.” Naupo siya sa aking tabi.

Ano na naman pinagsasabi niya? Pinagmasdan ko na lang na naman ang mukha niya. Ang tangos talaga ng ilong niya.

“Selfie nga tayo, Hanna.”

Ngumiti naman ako.

Tinignan ko ang reflection ko sa phone niya. Ang haba na talaga ng buhok ko na umaalon-alon pa.

Ngumiti ako kasabay ng pag-click ng camera ng phone niya.

“Bakit ang ganda mo?”

“Dahil — basta maganda ako!” sabi ko at tumawa nang mahina.

“Bakit nga pala nandito ka kahapon?”

Napabuntong-hininga siya. “Binisita ko ang aking kapatid.”

“Pumunta ka sa silid ng kaniyang kapatid,” bulong ng isang boses.

“Tara! Gusto ko siyang tignan.”

“P-Pero baka hanapin ka,” pag-aalinlangan niya.

“Mahahanap din naman nila ako e.”

Nagpunta na nga kami sa silid ng kaniyang kapatid at may nagbabantay na isang ginang. Ang nanay siguro nila.

“Sige, maiwan ko muna kayo.” Lumabas na sa silid ang ginang.

Nakatulog ngayon ang kuya niya.

May nag-udyok sa akin na haplosin ang noo niya kaya naman ginawa ko.

“Ano pa lang nangyari sa kaniya?”

“Naaksidente siya ng motor,” sagot ni Maxvien.

Naupo ako sa sofa rito. “Kailan pa?”

“Nitong nakaraang buwan lang at hanggang ngayon hindi pa siya nagigisi—” Hindi niya na natapos pa ang kaniyang sasabihin nang magising ang kuya niya at tinawag ang pangalan niya.

Agad niyang tinawag ang kaniyang ina, mga nars at saka doktor.

Pumasok naman sila agad. May mga tinanong sila sa pasyente.

“Kahanga-hanga, alam niya ang kaniyang ngalan at iba pang impormasyon tungkol sa kaniya.”

“Hindi po ba sabi n’yo noon na malaki ang chansa na hindi siya makaalala?”

“Iyon na nga po, Ma’am, ngunit ito nakaaalala siya. Hindi rin namin inaasahan na ngayon siya gigising. Sa tingin ko’y isa itong himala.”

“Alis na ako,” paalam ko kay Maxvien at agad na lumabas ng silid bago niya pa ako mapigilan.

Naglakad ako patungo sa parke ng ospital. Agad akong naupo at napatulala.

Ilang sandali pa ay may kamay na kumakaway sa harapan ko kaya napabalik ako sa realidad.

“M-Maxvien?” gulat kong tanong.

“Paano mo nagawa iyon?”

Naguluhan ako at kumunot ang noo. “Ang alin?”

“Nang haplosin mo ang noo ng kuya ko, mayamaya’y nagising siya.”

“H-Huh? Anong ibig mong sabihin?”

“Nakakagamot ka, Hanna!” sabi niya at hinawakan ang aking mga kamay.

Natawa ako. “Hindi ako doktor!”

“Pero iyong nangyari sa —”

“Milagro iyon. Iyan na lang ang paniwalaan mo. Bumalik ka na roon at baka nais ka niyang kakwentuhan.”

Napabuntong-hininga siya. “Sige. Ah nga pala, itong cellphone mo naiwan mo sa silid niya.”

Agad ko namang kinuha sa kaniya ang phone ko. Ngumiti siya at nagpaalam na.

Naglaro na nga lang ulit ako ng ML.

“Bunso!” napatingin ako roon at nakita ang papalapit na ate ko raw na nagngangalang Jana. May kasama siya, Nimpha ang ngalan.

“Kanina ka pa namin hinahanap. Nandito ka lang pala,” sabi ni Jana.

“Ngunit saan ka galing? Naparito ako kanina pero hindi kita nakita,” wika ni Nimpha.

“Wala lang. Diyan lang sa malapit,” sagot ko at tumutok na naman sa nilalaro ko.

Nanalo na naman. Yes!

“Balik na tayo sa silid mo. Malapit na ring magtanghalian e.”

“Gusto ko ng cup noodles,” ani ko bago tumayo.

“Sige at ibibili ka namin,” sabi ng ate Nimpha ko raw.

Napangiti na lamang ako. Iniabot ko kay ate Jana ang phone ko at agad naman niya itong kinuha.

Lakad lang kami nang lakad. Mukhang malayo pala ang aking silid mula sa parke.

Napahinto ako sa paglalakad dahil tila nanigas ang kaliwang paa ko at hindi ko na maigalaw. Tila nandidilim rin ang aking paningin. Napahawak ako sa ulo ko dahil kumirot ito.

Ang sunod na nangyari ay naramdaman ko ang pagbagsak ko sa sahig.

Narinig ko ang boses nina Jana at Nimpha na tumatawag ng tulong.

Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakaramdam ako ng sobrang lamig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top