II
Pinangako ko dati, kapag ako ay napamahal sa isang dalaga
Palagi ko siyang aalayan ng mga sinusulat kong tula
Ngunit paano kapag hindi ko kaya isalin ang aking nararamdaman sa mga salita
Lalo kapag araw araw ko nang nasasabi lahat lalo na ang mga katagang siya ay maganda
Pinapangarap ko na makagawa ng detalyadong piyesa
Na kaya ipaliwanag lahat ng mga bagay na nagustuhan ko sa kaniya
Ngunit alam ko naman na magiging sobra itong mahaba
Lalo kapag ang mga dahilan ng pagkabighani ko ay nadadagdagan pa
Masusukat ba ang aking nararamdaman kung sinusulatan ko siya palagi
Kung ang pagmamahal ko ay mas lumalalim kapag nasisilayan ko ang kaniyang ngiti
Sa tinagal tagal ng panahon ay naghahanap ako sa aking mga sinusulat na magiging paksa
Ngunit nagpapasalamat ako sapagkat natagpuan ko ay isang obra maestra.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top