Chapter 4
Kinabukasan, sa Infirmary Building na agad kami dumiretso. As the usual, nag-assist kami sa mga staff sa pagligo sa mga beneficiaries at pagpapakain sa kanila. Tapos, nilinisan namin ang buong lugar, lalo na ang sahig.
Napansin naman ni Roselyn ang napapadalas kong paghikab, madaling araw na kasi ako nang makatulog. Hindi na ako nagreply sa kaniyang mga mensahe at pinili na lamang ang magpahinga na napunta sa paglalakbay ng isip.
“Ma'am Annie, saan po ang tapunan ng mga basura rito?,” tanong ko pa sa isang social worker na kasama namin sa Infirmary.
“Sa pinakalikod ng building na ito, sa may dulo, may dumpsite roon, pero puno pa yata. Doon mo nalang itapon sa may niyogan, may isa pang dumpsite rin doon.” Napakunot-noo naman ako dahil wala akong nakikita na niyogan sa paligid. Parang nabasa ni Ma'am Annie ang facial expression ko kaya itinuro niya kung saan.
“Doon ka dumaan sa gilid ng rest house ni Don Pablo tapos sa tapat ng Administration Building. May gate roon na binabakuran ng vines ng bulaklak, pumasok ka, at makikita mo ang dumpsite sa may niyogan.” Tumango lang ako at nagpasalamat. Habang bitbit ko ang basura sa loob ng itim na plastic bags, narinig ko ang boses niya na kakapasok lang sa Infirmary. Mabuti nalang at nasa likod ako ng building habang kinokolekta ang basura roon kaya hindi niya ako nakita. Mabilis akong naglakad at nilisan ang lugar. Binagalan ko naman ang lakad ko nang makita ang paparating na si Ma'am Demeter. Mukhang galing siya sa Administration Office, at ngayon ay papunta siya sa kitchen na ilang metro lang ang layo mula sa rest house kung nasaan ako.
“Good morning, Ma'am,” magalang kong bati rito at nagbigay daan pa.
“Ano yang bitbit mo?,” mausisa niya pang tanong.
“Basura po galing sa Infirmary Building.” Nakurot ko 'yong sarili kong kamay nang kumunot ang noo niya.
“Sa may dumpsite sa may niyogan mo balak itatapon? Ang layo-layo.” Casual lang naman ang tono niya pero ewan ko ba at natataranta ako.
“Puno na raw po kasi roon sa malapit na dumpsite.”
“Says who?”
“Sabi ni Ma'am Annie po,” napalunok ako habang pilit na pinanatili ang eye contact sa kaniya. Tumango ito.
“Okay. Just make sure na properly segegrated na yan.” Nang umalis na ito sa harapan ko, saka ako nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Hindi ko na binuksan pa ang gate na katapat ng office ng President sa Administration Building dahil bukas na ito. Itinulak ko nalang para bumukas ito ng tuluyan, nakasiwang lang kasi.
Ang malawak na coconut trees ang bumungad sa akin. Sa bandang kanan, natunton ko ang dumpsite. Agad na ibinagsak ko roon on each corner ang iba't-ibang basura na dala. Hindi ako umalis agad sa lugar, bagkus sinuri ko ito. May narinig kasi akong pagbugso ng tubig at kakaibang asim sa ihip ng hangin. Is there an ocean here? Tanong ko sa isip.
Naglakad-lakad ako at lumapit sa pinakadulong Talisay na kahoy at dumungaw mula roon. Tama nga ako sa aking hinala, may dagat sa ilalim nitong bangin. Dumako ang tingin ko sa maliit na daanan pababa na nakapatagilid sa rock formation. Napakadelikadong daanan. Natakot ako nang maisip ang sariling tahakin iyon. Kalaunan, bumalik na ako sa niyogan at isinarado ang gate. On my way back, may isang kotse na naghatid ng isang kabaong. Bagay na ikinakaba ko.
“Bakit may sasakyan na may dalang kabaong na papunta riyan sa katabing bakanteng silid sa Infirmary Building?,” kuryosong mensahe ko kay Roselyn gamit ang Messenger na app.
“Huwag kang mag-alala. Normal lang daw yan dito. Walang masamang nangyari rito kung 'yan ang iniisip mo, Yeng. Noon pa man, naghahanda na raw sila ng kabaong para sa mga beneficiaries dito.” Parang may pumiga sa puso ko sa nabasa. Salamat naman at safe lang ang mga matatanda roon, pero nakakalungkot isipin na darating tayo lahat sa punto na kabaong ang pagkakalagyan natin.
“Ang tagal mo ha, malayo ba?”
“Medyo,” sagot niya kay Roselyn. Nang sinuyod ko ang paningin sa loob, saka ko lamang namataan ang kanina pa nakatinging si John. Tila umurong ang dila ko. Akala ko kasi wala na ito rito. Agad akong nag-iwas ng tingin.
“Interns, sinong magvovolunteer na kunin sa clinic ang mga gamot?,” malakas na tugon ni Ma'am Annie.
Napatingin naman silang lahat sa akin dahil ako lang iyong walang ginagawa.
“Ako na po, ma'am,” pag-iinitiate ko pa. Magandang ideya rin iyon para makawala ako sa nagbabagang pagsulyap niya. Hindi ko pa rin kasi siya matignan ng diretso ni ng matagalan.
“Magpatulong ka nalang sa kung sino man na staff ang naroon sa clinic kasi medyo mabigat yung nakapatong na kahon sa mga gamot na tinutukoy ko.”
“Okay po, Ma'am.” Akmang aalis na ako nang magsalit si John.
“Ako na ng tutulong, Ann. Tutal, papunta na rin naman ako roon. Samahan na kita.” Tumango naman si Ma'am Annie, at ako'y napipilitan nalang din na sumang-ayon. Nakita ko pang halos lumuwa ang mga mata ng mga kasama sa nasaksihan. Nauna akong naglakad at tahimik lang, walang balak na makipag-usap sa nasa likuran.
“Saan ka ba galing at ngayon lang kita nakita?,” saglit akong napahinto nang magtanong ito.
“Sa dumpsite,” maikli kong tugon na hindi ito nilingon. Nagpatuloy ako sa paghakbang pero kinuha nito ang kanang kamay ko dahilan para mapaharap ako sa kaniya.
“Are you trying to avoid me?,” confused at may pag-aakusa ang naging tono nito. Ang unang binigyan ko ng pansin ay ang paligid. Natatakot ako na may makakakita sa amin sa ganoong posisyon.
“Bitawan mo ako,” nauutal pero may diin kong saad at tinaboy pa ang kamay nito. Bigla akong hindi mapakali.
“Bakit naman kita iiwasan? Wala naman akong atraso sayo.” Wala itong isinagot sa akin bagkus tiningnan ako na parang nangsusuri.
“Baka kailan na ni Ma'am Annie ang gamot. Kukunin ko na.” Kulang nalang kumaripas ako nang takbo pero sinubukan kong normal lang na maglakad para hindi ito magdududa na tama nga ito sa tanong nito kanina. Binati ko ang nadatnang si Miss Lovie sa loob.
“Kukunin ko po 'yong gamot na kakailangan ni Ma'am Annie, Miss Lovie.”
“Ah, yes. Nasa table niya. Ihinanda ko na kanina.” Dali-daling ko itong pinuntahan at kinuha. Hindi naman ako nagbalak na dumaan muli sa daang tinahak kanina dahil may ibang daan naman. 'Yon ay ang daan para sa mga malalaking sasakyan papuntang Rest House at Infirmary. 'Yong kabilang daan papuntang kitchen ay maliit lang kung ikukumpara rito.
“Oh, Jed. Tapos ka na?”
“Yep. Gotta rest early,” rinig kong sagot nito sa tanong ni Miss Lovie. Hindi ko na ito binalingan pa ng tingin. Hawak ko na ang kailangan ko roon. My business there is done. As expected, siya ang bukambibig ng mga kasamahan ko nang maglunchtime.
“Si Sir Jedrick pa talaga guys ang nag-offer na samahan si Marileigh papuntang clinic. Nakakaloka,” kuwento ni Carmi sa ibang grupo.
“Ay, iba ang beauty ng nag-iisang Marileigh.”
“Sana lahat.” Natatawa na lamang ako sa mga komento ng ibang kaklase.
“Hoy, Carmi ang isyu mo ha. Ganun na talaga ang nature ni Sir Jedrick. Kaninang umaga nga inalalayan niya itong si Britanney nang muntikan nang mahulog sa silya na pinapatungan niya habang nililinis namin ang dingding ng male ward.” Napaismid naman si Carmi at naging blanko lang ang expression ko.
“Ay, wala pala siyang pinipili. Parang mas lumala ang pa paghanga ko sa kaniya,” kinikilig na hirit ni Angela.
“Sa lahat naman pala siya ganun. Edi siya na ang gentleman ng taon,” banat ni Roselyn sa tabi ko. Matapos kumain at magpahinga, ipinukol ko ang atensiyon sa pakikipag-usap sa mga lalaking beneficiaries sa Infirmary Building. Nang uwian na, nauna ako sa mga ka-roommates ko dahil plano kong dumiretso sa palengke. Syempre, kinolekta ko ang mga ambag nilang pera pambili ng groceries namin bago ako tumungo roon.
“Saan po kayo, ma'am?”
“Sa Carmen's Store po, manong.”
Agad na umandar ang trycicle nang sambitin ko ang destinasyon. Ang Carmen's Store ang pinakamalaking grocery store sa Salaia.
“Bayad po,” walang sobra ni kulang ang inabot kong pamasahe rito. Isang two-storey building ang Carmen's Store kung saan halos lahat ng ingredients ng pagkain ay ibinabenta nila. Nang makakuha ng cart, I started pushing it until I reached the canned goods section. Tigsasampung mga 175 grams na beef loaves and beef meat in a can ang aking nilagay sa cart, 5 lata ng tuna, 10 instant noodles, and a few frozen foods like spring rolls, ham, and then a tray of eggs. I also did not forget about the cooking oil, some seasonings, and other fresh vegetables. Nang matapos, agad na akong pumila sa counter at binayaran ito. Hindi naman ito sobrang bigat, pero nasisigurado ko na mangangalay akong bitbitin ito. Nang lumabas ako sa establishment, makulimlim na ang kalangitan. Mag-aalas sais na kasi ng gabi. Bago ako naghanap ng driver ng sasakyan pauwi sa boarding house, nagpunta muna ako sa isang bake shop. Magkakahalaga ng isang daang peso na tinapay ang binili ko.
“Parang pamilyar 'yong uniform mo, hija. Saan ka nagtatrabaho?,” natigilan naman ako sa pag-abot ng bayad.
“Ah, hindi pa po ako opisyal na nagtatrabaho. Isa po akong caregiver OJTs sa Sacred de Salaia de San Pablo.” Napangiti ang ale na bakery vendor.
“Kaya pala pamilyar ang uniform mo kasi parehong-pareho sa ipinatahi kong uniform ng anak ako. Doon din kasi sila nakadestino na mag-OJT.”
“Talaga po? Kung ganoon, may high school po pala rito sa Salaia na nag-ooffer ng caregiving bilang kanilang major?” Agad na umalma ang ale.
“Ay hindi caregiving ang major ng anak ko, hija, kundi housekeeping. Pero baka sa ibang paaralan dito may caregiving na major.” Tumango ako at kuryusong tinanong ito kung kailan magsisimula ang OJT ng anak niya sa institution kung nasaan din kami.
“May klase pa raw kasi sila eh, kaya ngayong sembreak sila magsisimula para walang klase na maaaberya.”
“Teka nga, hija, hindi ka ba taga rito sa Salaia?”
“Tama po kayo. Taga ibang lungsod po ako, pero hindi naman masyadong malayo rito sa Salaia.”
“Kung ganun, hija, may sasakyan ka siguro na dala ngayon? Marunong ka bang magmaneho ng motor? Kasi—”
“Pabili po nito.” Hindi ko na nasagot ang ale nang may dumating na ibang customer, at doon natapos ang aming pag-uusap. Magalang akong sumenyas dito na ako'y aalis na, at pumuwesto sa gilid ng daan para maghanap ng masasakyan. Magsasampung minuto akong nakatayo lang pero wala talaga maskin isa na nag-aya. Usually kasi, yung mga drivers na ang nagtatawag ng pasahero, pero bakit kaya ngayon wala? Napapansin ko rin na mga malalaking sasakyan lang ang halos dumadaan. Kinuha ko ang cellphone para tingnan ang oras. Nakita ko na may mensahe si Roselyn kaya agad ko itong tiningnan.
“Hoy, bruha. Bilisan mo riyan. Sabi ni Ateng caretaker sa boarding house, hanggang 6:30 lang ang mga available tricycle, jeep, at motorcycle riyan sa palengke.” Napanganga ako matapos basahin ito. Saktong 6:20 PM ito nang ipadala ni Roselyn, ngayon mag-aalas 6:40 PM na. Napasapo ako ng noo nang maalala na nakikipagchikahan pa ako sa ale. Kaya naman pala ganun ang panghuling tanong niya sa akin na hindi ko na nasagot.
“Patay, hindi pa ako nakasakay,” reply ko kay Roselyn na may sad emojis pa. Napatingin ako sa tiyan ko nang tumunog ito. Nagugutom na nga ako. Dumako ang mga mata ko sa kabilang parte ng daan. May nakahilerang mga street foods kasi. Kung wala talagang sasakyan ngayon na maghahatid sa akin, wala akong choice kundi maglakad nalang. Bahala na kung mapagod ako kaysa naman maghintay ako rito sa wala. Pero hindi ko iyon magagawa kong gutom ako. Kaya naman nang wala nang dumaan na sasakyan, umamba akong pumunta sa kabila. 'Yun nga lang may biglang nagsalita sa gilid na ikinalaki ng mga mata ko.
“Marileigh?”
Hindi ako puwedeng magkamali kung kaninong malalim na boses iyon. Sa dahan-dahang paglingon, nakumpirma kong si John Jedrick Cui nga ito na nasa loob ng itim niyang kotse na nakababa ang bintana.
“Ah, uhm, hi?,” hilaw akong ngumiti. Sa lahat ng tao na pwede kong makasalamuha sa palengke, bakit siya pa? Tiningnan nito ang mga dala ko.
“Namalengke ka?” Tinanguhan ko lang ito. Tumingin ito sa mamahaling relo nito at ibinalik sa akin ang tingin
“Sinong hinihintay mo?” Gustuhin ko mang magpakatotoo at aminin dito ang sitwasyon pero umiral ang pagiging ma-pride ko.
“Driver malamang.”
“Sa ganitong oras?” Natameme akong tumingin dito. May ngisi kasing namuo sa mga labi nito. Mukhang pinagtawanan pa ako kawalang-alam sa patakaran dito sa Salaia. Narinig kong bumukas ang driver seat ng kotse at iniluwa ito roon. Naaniag ko na ngayon ang kabuuang itsura niya. Simple lang ang suot nito, isang black V-cut plain shirt, white shorts, at typical sandal for men ng mga mayayaman.
“Kung maghihintay ka rito ng masasakyan considering the time right now, probably bukas ng mga 5:00 AM ka pa makakauwi sa inyo,” nakasandal sa kotse nitong sambit sa akin. Nanlumo ako sa narinig. Naglakad ito papalapit dahilan para mas lalong mangatog ang mga tuhod ko.
“Akin na 'yang mga pinamili mo,” kalmadong sabi nito at walang permiso na kinuha lang mula sa'king mga kamay ang dala. Hindi ko naman 'yon inakalang gagawin niya kaya malaya niya nang bitbit ito ngayon. Ang aking tanging nagawa ay ang pagsinghap at paglaki ng mga mata, clueless sa kung anuman ang binabalak niya.
“Instant noodles, canned goods, at frozen foods. Ang unhealthy naman ng mga ito.” Napanganga ako sa narinig. Totoong unhealthy nga iyon pero nakakainsulto naman na iparinig niya pa sa akin ng harap-harapan. May mga gulay rin na kasama iyon noh. Hindi niya lang nakita dahil nakabalot iyon. Parang umakyat ang dugo ko sa utak kaya naman sinumbatan ko kaagad siya.
“Pakialam mo ba sa pinamili ko? Ako ang kakain niyan, hindi ikaw. Ibalik mo nga 'yan sa'kin.” Kahit anong effort ko na kunin ito, hindi ko maabot kasi tinataas at nilalayo niya sa akin.
“Hoy, ano ba! Akin na.” Pilit ko pa rin na inabot kaya naman hindi ko na namalayan ang aking natatapakan, may maliit na butas pala roon dahilan para ma-out of balance ako. Hindi ko alam kong nakakabuti ba na hindi ako sa lupa natumba dahil sa kaniya ako napunta. Napahawak pa ako ng mahigpit sa balikat niya habang napasubsob ang mukha sa kaniyang dibdib. Napanganga akong nag-angat ng tingin. Gulat sa nangyari at sa sobrang lapit ng distansiya namin. Iyong dagundong ng puso ko ang tangi kong narinig habang ganoon ang posisyon namin. Napakatangos ng kaniyang ilong, kapal ng kaniyang kilay, kay pula ng mga labi, amoy na amoy ko pa ang kaniyang pabango, at randam ang tigas at tatag ng kaniyang katawan na patuloy na nakasuporta sa'kin ngayon. Isang busina ng sasakyan sa aming likuran ang nagpabalik sa aking ulirat. Agad-agad akong umayos ng tayo at pumagilid sa unahan niya para makadaan ang kotse. Sinundan ko pa ng tingin ito hanggang sa makalayo. Isa pang busina at nakakasilaw na liwanag ang sumunod, ngayon hindi na galing sa kung sino mang hindi ko kilalang tao.
“Get in the car,” sigaw niya sa loob. Ngayon ko palang namalayan na wala na siya sa'king tabi.
“Ako na ang maghahatid sayo. Tara na.” Nag-aalinlangan pa ako noong una pero nasa kaniya na ang mga pinamili ko, may choice pa ba ako? Ramdam ko rin ang nagkakagulong mga paru-paru sa aking kaloob-looban kaya tahimik nalang akong pumasok sa nakabukas niyang passenger's seat. Ang lamig ng aircon sa loob pero hindi ako nagreklamo. Agad ko ring hinanap ang seatbelt at isinuot ito. Nang magsimula siyang magmaneho, nakinig lang ako sa kantang Huling Sandali by December Avenue na kasalukuyang pinatugtog sa radio ng kotse niya. Mabuti nalang 'yon para maipsan ang katahimikang bumabalot sa amin. Pero hindi ata nakisama ang kantang iyon, mas lalo lang akong nakaramdam ng pagkailang nang sumiksik sa isip ang linyahan ng kanta.
“Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
Sa tuwing ako'y papalapit sayo
Maaari bang hingin ang iyong kamay
Hawakan mo't huwag mong bitawan”
“Hey?,” tawag ko rito pero talagang malakas ang tunog ng musika kaya hindi ako narinig nito.
“Hindi mapigil ang tibok ng aking puso
Sa tuwing ako'y nakatingin sayo
Maaari bang huwag kang humiwalay
Dahil sandali na lang”
I dared to turn down the volume. And now, I got his attention.
“Alam mo ba 'yong daan papuntang MA's Boarding House?” Naiisip ko na wala akong maalalang ruta na sinabi para rito o kung pinag-usapan ba namin ang tinutuluyan ko. Kaya naman nakakaduda na pinaandar nito ang kotse na hindi ako nito tinatanong.
“Yup. I heard from one of your classmates that you are all staying altogether?” Tumango lang ako. Alam niya na naman pala, mabuti. Pero sino sa mga kaklase ko ang nagsabi sa kaniya? Ang seryoso naman pala ng getting to know each other nila at talagang pati 'yon na-ikwento pa.
“Sinong nagsabi sayo?,” hindi ko na napigilang itanong. Sakto namang nagkatraffic kaya napahinto kami saglit.
“The one with the always high heels on.” As I expected, si Britanney nga. Mukhang close na close na sila ah? Pansin niya rin na lagi itong nagsusuot ng stilettos? He must have been checking her out every time they came across.
“Speaking of her, it actually shocked me that her parents and mine are acquainted to each other.” Patago akong napairap pero pinilit na pinamukhang interesado akong nakikinig. Naalala ko 'yong tagpo namin ni Britanney na tinawag niya si Ma'am Demeter bilang Tita. I thought trip niya lang 'yon. It turned out na may rason pala talaga para tawagin niyang ganun ang head nurse ng institution.
“Seems like the world is not really big,” komento ko naman.
“She has actually told me things about you.” Tila bomba naman iyon sa aking tenga. Bakit naman napunta sa akin ang usapan nila? Ano naman kaya ang pinagsasabi ng babaeng 'yon tungkol sa'kin?
“Things about me? Like what?,” naiintriga kong sumbat. Talagang hindi ako napakali. We are not that close enough that she has to spread information about me to others. Even mag best friends nga, isa iyong bagay na hinding-hindi o basta-bastang gagawin. Does she know about privacy?
“Things like you have this Japanese boyfriend that always gets you after class.” Napanganga ako sa narinig at napatawa. The audacity of that bitch to spread false information!
“Really? She said a hilarious thing like that?,” may diin kong saad.
“What do you mean?,” seryoso niyang tanong.
“Obviously, that bitch was lying. Nanami is just my homie,” I furiously claimed.
“Nanami is the name then,” he said with a smirk.
“Yes, 'yan ang pangalan ng half-japanese kong kaibigan. Teka nga, paano ba ako napunta sa usapan ninyo ng babaeng 'yon? Sa dinami-dami ng pwede niyong pagchismisan, buhay ko pa talaga? Okay lang sana kung katotohanan, hindi lang mga kasinungalingan,” hiningal pa ako matapos harap-harapan siyang pagsabihan ng ganun.
“Ano pang mga kasinungalingan tungkol sa'kin ang sinabi niya? Sabihin mo.” I really lost my cool. Kung nasa harapan ko pa ang bruhang 'yon ngayon, tiyak na masasabunutan ko siya.
“Yun lang naman.” Napataas ako ng kilay. Hindi ako naniniwala.
“I won't buy that answer of yours. Just spill everything, alright? Paanong 'yon lang ang napag-usapan niyo? Ano, magsasalita siya ng diretso ng ganun?”
“Well, I asked her things regarding that.” Napaiwas naman ako ng tingin sa pag-amin niya bigla. Pinamulahan ako ng mukha.
“Good thing, I knew the truth now. Ilang gabi rin akong ginambala sa lintik na kasinungalingan na iyon.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top