Chapter 10

Sa pagmamadali kong makalayo sa lugar, may nabangga pa akong lalaki. Saglit lang akong tumingin dito at nagpatuloy sa pagtakbo. Nagawa ko pang humingi nang pasensya bago umalis.

“No worries, miss,” saad nito. Sa labas ng resort, nakita ko si Clarkson na naghihintay sa akin.

“Tara na. Ilayo mo ako sa lugar na ito.” Halos magmakaawa na ako. Wala na akong pake kung lumalandas ang luha ko.

“Anong nangyari sayo?” Umiling lang ako. Ayokong magsalita. Naintindihan niya naman iyon at pinaandar na ang motor.

“Sa may bus stop mo ako ibaba.” Hindi naman siya kumontra pero nang nandoon na kami. Tinatanong niya ako kung ano ang iniisip ko. Salaia is never been my comfort place, there is only one hometown that I can feel loved. Uuwi ako sa amin. Inabot ko kay Clarkson ang bayad at nagpasalamat.

Nang may humintong bus, muli akong nagpaalam sa kaniya at sumakay na. Siguro, almost 11 pm ako nang dumating sa amin. Walang tao sa bahay. Mukhang si mama ay nasa bahay ng lola't-lolo ko. Sa aking kwarto, umiyak ako nang umiyak. Bago ko pinutol sa apat na piraso ang aking sim card, nagtext ako kay Roselyn na nasa bahay na ako. Napahagulhol at napapasabunot sa buhok. Wala ng mas mabigat pa sa aking nararamdaman. Parang gusto ko ng mamatay. Dumating si mama kinabukasan at naabutan niya akong sige pa rin sa pagdadalamhati. I know that she's the first person in this world that I could rely upon, hence, I confessed everything to her. Sa susunod na araw, hindi ko inasahan ang bisitang dumating. It's my boy bestfriend Nanami.

I cannot clearly remember how many days I spent crying in my room, but the next thing I remember when my senses were really back to normal. We were in a foreign land. Kakaiba ang ihip ng hangin at malamig ang paligid. Even my senior high school graduation, hindi ko nadaluhan. Nang nasa Japan na kami ni Nanami, saka ko palang naisip ang mga gamit na naiwan sa boarding house in Salaia. Mabuti at alam ni Nanami na kinuha raw ito ni mama ko roon.

Three months in vain for not even a month love affair. Kung iisipin ito ngayon, mapapatawa nalang talaga ako. Kung sakali mang nagpunta si John noon sa bahay namin after I left Salaia, hindi ko na matandaan na nagkita o nagkausap man kami. My presumption, siguro masaya na siya sa buhay with McDonell at naging busy sa preparation sa kasal nila. Kung hindi naman, siguro hindi siya nakakaapak ng bahay namin dahil iba magalit ang aking ina kapag ako na ang nalagay sa alanganin. Base sa kuwento ni Nanami, I only spent 2 weeks lang pala sa bahay namin. Then, a month and 2 weeks after, sa condo niya sa syudad ako namalagi. Si mama ay paminsan-minsan naman daw na bumisita sa akin. My mother trusted my boy bestfriend like her father's. Kaya walang problema na nandoon ako kay Nanami. We've been friends and been with each other since elementary at noong junior high school. Kasi noong senior high school, kinuha na siya ng parents niya at pinapaaral sa Japan. Noon kasi, sa bahay ng grandparents na nasa hometown ko rin siya nakatira. But even in Japan, I'm still feeling lost for like a month. Mabuti at dahan-dahan ko ring natagpuang muli ang sarili. Si Nanami pala ang nagproseso ng application ko sa isang fully-funded course kaya naman nakapagtapos talaga ako sa pag-aaral ko rito sa Japan.

Now, it's been almost 5 years since that first and last heartbreak of mine. Naalala ko lang ang lahat habang pauwi na ako sa Pilipinas. Nang isulat ko ang storyang ito, nasa loob ng eroplano ako.

If there is one thing I can conclude to our love story, That love came like a strike of lightnin' and ended following a single gush of the wind.

To John Jedrick Cui, yes that's his real and full name. I am not also using any fraud names, because in this story, nothing's fabricated.

I arrived a few days ago in my hometown and found something in my room from my diary. A letter I wrote the night when John ripped my heart into two and pulverized it into pieces. ]”

Dear John,

Sana pala noong una palang hindi na ako tumitig sa mga berde mong mga mata. Sana hindi ako naglinis ng cr sa clinic. Sana hindi ako nagpunta sa likod ng mga ward buildings o sa likod ng concrete house. Sana hindi kita nirereplayan sa mga chats mo gabi-gabi. Sana hindi ako nagpahatid sayo noong wala akong masakyan sa palengke. Sana hindi ako nagkuwento at umiyak sayo tungkol sa uhaw na pagmamahal ko kay papa kasi pareho naman kayong dalawa na manloloko. Sana hindi ko tinanggap at kinain ang mga dala mong pagkain noong may lagnat ako. Sana hindi ako lumabas ng gate sa resort ng pinagdaosan namin ng Christmas Party para makita ka. Sana hindi ako nakipagkita sayo bago ang Pasko. Sana hindi kita pinatulog sa kwarto ko. Sana hindi ako sumama sayo sa tatlong araw na trip sa syudad. Sana hindi ko binigay sayo ang pagkababae ko sa huling gabi natin doon. Sana hindi nalang kita ipinangalandakan sa mga kaklase ko nang tawagin nila akong malandi nang aksidenteng maisend ni Roselyn ang litrato nating dalawa sa aming groupchat. Sana hindi ako nag-aksaya ng oras para magselos kay McDonell kasi siya naman pala ang papakasalan mo. Sana hindi ako nagpunta sa gabi ng lintek na engagement party niyo. Sana bangungot nalang ang lahat ng ito. Para kung sakaling magising ako, masaya ang puso ko na hindi ikaw ang lalaking unang minahal ko. Sana ganun nalang, John. Sana!

Sincerely Yours,
Marileigh

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top