One

---

I stared at my gray-painted ceiling as I recalled what just happened. I could say I was still tired, but I could still remember what happened.

"Good morning," ang pagkarinig ko. Napabangon ako bigla, pero kasabay nito, naramdaman ko ang pagod.

"Why are you here?" ang tanong ko nang makita ko si Lannie na nakatingin sa akin habang naka-upo pa siya sa sofa. The same pink outfit I last saw her in. The same bag I could remember. Seriously, she stayed?

"Alam mo naman siguro ang nangyari kanina, 'di ba?" she said with her real-concerned tone as she stood up. "Pumasok ka sa Town in a Building."

"Yeah, yeah, I know what happened, although 'di ko alam na. . . 'Town in a Building' ang name ng lugar na 'yon," ang sabi ko, "pero bakit ka pa nandito?"

I made a glance at the digital clock on my nightstand. 10:24 PM. Around 5 PM siguro ang oras no'ng hinabol ako ng mga lalaking naka-itim. Lannie just said "good morning" to me, but it's already 10 in the evening. Sarcasm, but woah, Melanie. I almost believed.

"I and Maddie took you home," ang sabi ni Lannie at saka umupo sa gilid ng kama ko. "So. . . siguro naman ay masasabi mo na sa akin kung bakit ka napadpad sa Town in a Building," ang pag-uulit niya.

"Nasaan na si Maddie?" ang off-topic kong tanong.

"She went home," ang mabilis niyang sagot. "Sabihin mo na kasi 'yong nangyari. Hindi ako titigil kakatanong, sige."

She rolled her eyes and then laughed. Purat talaga 'tong babaeng 'to.

"Galing kasi ako ng school noon," ang sabi ko, finally, at saka nag-unahan ang mga mas detalyadong pangyayari sa utak ko. "Tapos naisipan kong lakarin na lang ang second trip ko dahil hindi naman ako nagmamadaling umuwi. Habang naglalakad ako, napadaan ako sa hindi masyadong mataong lugar. Doon ko na napansin na parang may humahabol sa aking mga naka-itim. Tumakbo ako hanggang sa 'di ko na alam kung saan ako napunta, then napadpad ako sa walang-taong lugar."

"I'm an idiot kasi hindi ako dumiretso ng daan papuntang bahay. Medyo nawala talaga siguro ako sa sarili ko no'ng hinabol na nila ako. Dala rin siguro 'yon ng panic."

Nakatingin lang sa akin si Lannie habang pinakikinggan niya nang maigi ang mga sinasabi ko.

"May naaalala ka sa mga mukha nila?" ang bigla niyang tanong. "Nagpakita ba sila ng motive ng. . . anything bad?"

" 'Di ko maalala 'yong mga mukha nila, e, pero may nakita akong tattoo sa isa nilang kasamahan," ang sagot ko. "Hindi ko alam kung kasama nila 'yon o ano, pero nabangga ko siya sa pagtakbo kasi nakaharang siya. You know the feeling na talagang parang may plano sila? It's not concrete, but it scared me. Basta. . . . Tapos noose ang design ng tattoo niyang 'yon."

"Stephanie, kailangan mong maalala ang mga mukha nila," ang sabi ni Lannie.

"Hindi ko na maalala, e," ang sagot ko. "Bakit ko pa kailangang alalahanin?"

"Itatanong natin sa mga pulis," ang mahina niyang sabi. "Kaya lang kasi wala naman akong nababalitaang gano'n."

"You mean. . . sa akin mo pa lang unang narinig?"

"Oo," ang sabi niya, "pero sasabihin natin kay Tita Michelle."

Napatigil ako, at agad akong napasimangot. Malamang ay tinadtad ni Mom ng tanong si Lannie. Paano niya kaya sinagot ang mga tanong ni Mom? Baka mamaya, napagalitan siya.

" 'Wag mo nang sabihin," ang sabi ko. "Para naman kasing 'di kapani-paniwala ang nangyari. Ano 'yon? I just saw men in black, and I assumed that they were gonna kill me? Magdududa rin ang mga pulis if we'll tell them."

"Sa bagay. . ." ang bulong niya sa sarili niya. "Hindi rin nila dapat malaman ang tungkol sa Town in a Building. Pero kasi. . . baka mapahamak ka na naman, and I can't blame you for being afraid."

"Hindi naman siguro," ang sabi ko at saka kinapa ang bulsa ko para kuhanin ang pocketknife ko nang ma-realize kong naka-pj's na pala ako. Seriously? I didn't even realize that I'm not in my school uniform anymore. I wonder who changed my clothes and how they did it. Tulog-mantika pa man din ako.

Okay. . . ano connect?

"May pocketknife naman ako, e," ang dagdag kong pabulong. "Secret lang, please?"

"Secret," ang sabi niya at inilahad niya ang kamay niyang nag-aaya ng pinky promise. Agad kong tinanggap ang action niya nang nakangiti.

"Putulin natin 'yang pinky finger mo if you spill my secret."
"Putulin natin 'tong pinky finger ko if I spill your secret."

Napatawa na lang kami dahil nagkasabay kami ng sinabi. Oh, Lannie is the sister I never had.

"Now, you explain why you're there. . ." ang sabi ko, ". . . in the Town in Buildings."

"Town in a Building, Stephanie," ang sabi niya habang natatawa. "Pero tama naman. Town in a Building is not composed of just one building."

"Ay, sorry. Basta 'yon."

"Town in a Building is a great place. It's a hidden one though," ang pagsisimula niya. "Nasa part siya ng city na hindi masyadong matao, kaya 'wag ka pupuntang mag-isa at naglalakad. Normally, may mga Arabs kang makikita sa paligid ng labas—mababait sila—but I don't know why. And yeah. . . hangout namin ni Maddie 'yon."

Maybe that's why I saw Arabic words on a shop yesterday.

"Why is it a great place?" I asked. "Bakit lagi kayong nando'n?"

"Masarap kasing makihalubilo roon," ang sabi ni Lannie habang nakangiti. "It's an escape from the real world and from the real you."

"Talaga?" ang tanong ko. "Kailan ka ulit pupunta roon?"

"Tomorrow," she said. "Bakit?"

"I wanna go there," ang mabilis kong sabi.

"Sure ka?" ang tanong niya. "Baka makita mo na naman 'yong mga lalaking naka-itim, at saka hindi mo pa masyadong alam ang mga nangyayari roon."

"Hindi 'yan," ang buong-loob kong sabi. "Tell me all about Town in a Building tomorrow. Pero buti na lang talaga, hindi pumasok 'yong mga lalaking naka-itim sa Town in a Building. Hindi mo ba sila nakita?"

"Wala naman, e," Lannie said. "Pero sasama ka ba talaga bukas?"

"Oo," ang sabi ko. "Ano bang kailangan ko sa pagpunta roon?"

Tumayo si Lannie sa pagkakaupo sa kama ko, at lumapit siya sa couch na inupuan niya kanina. Kinuha niya ang shoulder bag niyang never ko pang nakita dati, bago mangyari 'to, and she went back to sit beside me again. Binuksan niya naman ang shoulder bag niya, at bumungad sa akin ang mga iba't ibang maskara. Inilabas niya ang mga ito, at inilapag sa kama ko.

"These are my masks," ang sabi niya nang malapag niya na ang huling masquerade mask. "This is one of the main things you've to have."

I counted the masks, and I noticed that some of the masks aren't, like, for girls. And they were all beautiful.

"Bakit may mga panlalaki ka?" ang sabi ko habang tinitingnan ang mga panlalaking masquerade mask. "Ay, panlalaki ba 'to?" Tatlo. Tatlo ang mga ito.

"I use them to make them believe I'm a guy," ang sabi niya. "And. . . I also do cross-dressing. I have wigs, too."

"I wanna see you wearing a mask again," I said and smiled. "Excited na ako!"

"I know," she chuckled. "Uuwi na ako, okay? I'll help you dress tomorrow."

Matapos no'n ay isa-isa niyang kinuha ang pitong maskarang nasa harapan ko. Isinilid niya ang mga 'yon sa shoulder bag niya, at saka naglakad palayo.

"Thank you, Lannie," ang sabi ko bago pa siya makalabas ng pinto.

Lumingon siya sa akin, at sinabi habang nakangiti, "Welcome, dear."

"Good night!" ang huli kong sabi bago pa siya tuluyang lumabas. Nang marinig at makita ko ang pagsara ng pinto, nahiga na ako. Buti na lang ay sinara niya ang pinto, hindi tulad ng iba. Nakakatamad kayang tumayo lalo na't pagod ako.

---

"Ingat, anak," Mom said as I was walking around the kitchen. I already took a bath, and I was munching on the last pieces of my cookies. Ang tagal naman ni Lannie, I thought. Tumayo ako para isara ang pinto. Ako lang naman mag-isa, kaya walang ibang maaaring asahan sa pagsara ng pinto.

Itinulak ko ang pinto para masara ito, habang sinusundan ko ng tingin si Mom na palayo na nang palayo. Bumalik ako sa kitchen para itapon ang wrapper ng cookies. Nasaan na kaya si Lan—

The sound of the doorbell reached my ears. Nang masigurado ko nang nasa basurahan ang wrapper, I ran to the door. I don't know why I'm so excited. I should be scared, actually, but I don't care. Pinihit ko ang doorknob para mapagbuksan si Lannie. Once the door was opened, I saw. . . no one. No one?

Oh, shit.

"Hoy!" ang panggugulat sa akin ng boses na kabisado ko na kasabay ng pagsulpot ng isang babaeng naka-pink na shirt mula sa gilid. What the heck, Melanie?

"Ba't mo ginawa 'yon?" ang bigla kong sabi. "Kinabahan ako!"

Isang malakas na tawa lang ang narinig ko mula sa kanya. Ang lakas ng tama. Purat talaga.

"Lannie naman, e," ang sabi ko. Tumuloy na sa pagpasok si Lannie. Oh.

"Sorry na, dear," ang sabi niya at saka ako niyakap. "Alam mo namang—"

Ang lakas nga ng tama nito. Niyakap ko siya pabalik at saka bumitiw.

"Shh. . ."

"Bad ka, dear," ang sabi ko. "Pero excited na ako!"

Napatalon ako nang kaunti dala ng saya. There's something in that place that makes me excited. And it's weird.

"Magpapalit din ako ng damit," she laughed out of the blue. "Ang gara naman kung lalabas ako ng bahay nang naka-jumper na. . . parang dress. That's not so me. Really."

Tiningnan ko ang suot na damit ni Lannie. Bubblegum pink t-shirt. . . and black jeans.

"Oh, so. . . ."

"Yup, so girly ang type natin ngayon."

Oh. . . "Okay," I said. "Toothbrush lang ako."

"Ako na ang mamimili ng damit mo, ah?" ang sabi niya nang makapunta na ako sa sink. Oh, yeah. Sabi ko nga.

---

"O, ha?" ang natatawang sabi ni Lannie habang nagpo-posing sa harap ng salamin. Nice pick, Lannie—jumper over her pink shirt. . . taffy pink high tops, I thought as I let her spend her time posing. She's gorgeous. I wish she knows and loves the fact.

"Okay, game," ang sabi niya nang makita niya akong nakangiti nang palihim. "Ikaw naman, dear."

She took those that I will wear by the hangers, and she showed it to me.

"Yeah, gir—girly," ang sabi ko habang nakangisi. She handed me the clothes she picked then left. Ni-lock niya ang pinto, at saka ko tiningnan ang mga damit.

Out of the blue, my charging phone went ringing. I unplugged it before answering.

-

Mom calling...

-

"Hello?"

"Anak, 'yong gas, naiwan ko palang nakabukas," ang sabi niya sa kabilang linya. "Pakisara, anak, ha?"

"Sige po."

"Ingat ka, 'nak," ang sabi niya. "I love you."

"I love you, too," ang sabi ko, at saka pinatay ni Mom ang linya.

I checked my phone if there were notifications, but there were none, so I placed my phone down. I recharged it, and I immediately changed my clothes into those that Lannie picked. Nagmamadali akong lumapit sa salamin para makita ang sarili ko.

Ay, oo nga pala.

Tumakbo ako papunta sa pintuan, at binuksan ito nang kaunti. Nakita ko si Lannie, naghihintay lang sa labas habang nagse-cellphone.

"Tapos ka na?" ang sabi niya nang mapansin niya akong nakasilip.

"Uh. . . Lannie, pakisara naman 'yong gas sa baba," ang sabi ko. "Thank you."

"Sige, sige." Agad siyang bumaba para patayin ang gas. Muntik ko nang malimutan.

Patakbo akong lumapit sa salamin. I was already in a pewter Peter-Pan-collared blouse, and that went well with the cerulean-colored gypsy skirt. Nice. That looks good. . . but I'm not sure about me.

I don't think. . . it looks good on me.

Now, shoes? I took a quick look at my shoes. Lannie said that it should be girly. It took me a moment to realize that... the idea of her wearing high tops makes it look half-girly to me.

Ano raw?

While saying "whatever" in my head, I grabbed my ankle boots. I think that's enough, I thought as I put my phone in my smallest shoulder bag. Immediately, I rushed out of my room. I ran down, at nakasalubong ko si Lannie sa hagdan.

"Let'szzz go!" ang masigla kong sabi, at agad naman kaming bumaba. "You look great, dear."

"You, too," ang tugon niya nang tuluyan na kaming nakababa. Bakit kapag kasama ko si Lannie, I feel okay? I thought while smiling secretly. I love the way she gives me confidence. I grabbed the keys lying on the dining table as Lannie and I were about to run out the door. The air outside greeted us; with excitement in my blood, I locked the door. I had already closed all the windows, anyway, I thought then walked out of the gate.

"Kaninong kotse 'to?" ang tanong ko nang makita ko ang itim na kotse sa harap ko. I did not wonder about the brand of the car anymore. I don't know much about cars. Only Lannie shows interest in that.

"Kay Maddie," ang sagot ni Lannie.

"Bakit hindi mo sinama sa loob?" ang isa ko pang tanong habang binubuksan namin ni Lannie ang magkabilang pinto ng passenger seat.

"Hayaan mo na," ang natatawa niyang sagot. "She'll just use her phone throughout the wait."

I stepped inside with care as I saw Maddie on the rearview mirror's present reflection. She isn't in her mask yet. . . of course. Without a word, Maddie locked the doors of the car before we could. Ooh, Maddison is driving us to Town in a Building.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top