Special Chapter - Answered Prayer
"Ganito na lang ba palagi ang buhay ko, Lord? Gusto ko lang po sana ng kasagutan kung bakit ayaw niyo akong magka-love life, bakit po ba?!" Umiiyak si Martha habang nakaluhod siya sa kneeler ng isa sa mga upuan ng Minore Basilica of Saint Clement the Third.
Bakit nga ba siya umiiyak? Simple lamang ang kasagutan. Dahil ito sa nalaman niya mismo kay Delliah-ang matalik niyang kaibigan, na may boyfriend na ito at ilang buwan na rin pala silang mag-on bago nila sabihin sa iba. Ang akala kasi ni Martha ay magkaibigan lang ang dalawa kaya madalas naglalapit.
Martha distanced herself from them because Delliah might think horribly of her is Martha will interrupt with her and her boyfriend-well, that's what on her mind.
"Bakit po ba kasi 'di pa 'ko magkaro'n ng jowa para 'di naman ako naiinggit sa iba? Para 'di na lang ako 'yong palaging third wheel?" iyak niya sa Diyos.
May mahabang kasaysayan na kasi si Martha ng pagiging third wheel simula pa lang noong elementary siya. She felt like she's in between two perople's romance so she often distance herself from them. Nag-umpisa 'yon sa mga crush-crush no'ng elementary pa lang siya hanggang sa maging jowa-jowa na nayong high school na siya.
It then happened again when she learned that Delliah is dating Isaiah-a newly-appointed sacristan in their basilica. Alam naman na ni Martha na matagal nang may-gusto ang kaibigan niya sa binata pero nagulat pa rin siya nang malaman ang balita. She must've underestimated her friend when going through a relationship.
"Dadasal-dasal ka pa riyan, nandito naman ako." Nanlaki ang mga mata ni Martha nang marinig niya ang boses ng isang binata.
It echoed to her ear, and to her soul. She thought she's the only one inside the basilica because the mass was already over and most of her co-members of the choir she's into got home from the mass.
Kaagad siyang napatingin sa kung saan man nanggaling ang boses, napansin niya ang isang binatang may kapungayan ang buhok at may malalagong kilay. May kapayatan ang katawan nito ngunit sakto lamang para sa edad niyon.
Suot ng lalaki ang isang pares ng sutana at surplice. Siya'y isang sakristan sa basilica at kase-serve lamang niya kanina sa misa. Hindi naman saktong naabutan niya si Martha na nagra-rant ng mga hinaing niya sa buhay sa Diyos.
"What did you say, Peter?" tanong ni Martha kay Peter Dela Rosa.
"Ang sabi ko, kung naghahanap ka, bakit 'di na lang ako... I like you, nasabi ko na sa 'yo no'n na gusto kita, 'di ba? Would you give me a chance?" Nanlaki ang mga mata ni Martha sa narinig niya.
"Sorry, pero 'di kita type. So if you please excuse me, nagdadasal pa 'ko." Martha continued to pray but silently this time.
"Ikaw ang bahala. Basta kung magbago man ang isip mo, narito na ang ako, sagot na 'ko sa mga panalangin mo." Pagmamalaki ni Peter sa sarili niya.
"As if, hindi kita sasagutin, uy! Asa ka, tse!" Martha turned peter away.
Napangisi na lang si Peter at naglakad na siya palayo kay Martha. She was always been in that way and whenever it may be, Martha will be the one that Peter had laid eyes on.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top