Prologue - Ash Wednesday

“Sa wakas, sa haba-haba ng prusisyon, sa simbahan pa rin talaga ang tuloy.” I heard a familiar voice.

It was him, he’s standing by my side. Nakangisi siya ngayon habang chine-check ang mga larawang nakuhanan niya sa prusisyon.

Napangiti na lang ako at napatingin ako sa kandila habang hawak ko ang rosaryo, I quietly made a wish unto it. I know it seemed random, surely it was. Basta na lang akong humiling sa kandila, intention ito para kay Mama Mary, since kanina pa ’ko nagdadasal ng rosaryo.

I wished na sana ay may kahinatnan din ang prusisyon ng aking tadhana, na sana ay humantong na ito kay Isaiah at ang kalabasan nito ay sa simbahan na rin. Yeah, I must muster the courage to confess my feelings, because people tend to come and go.

Hindi nga nagtagal ay narating namin ang harapan ng basilica, matapos ang prusisyon ay sisinulan naman ang Easter Vigil para sa Linggo ng Pagkabuhay bukas. Napangiti ako nang makita ang basilica.

It gives off a different vibe this time. Seeing the people holding a lit candle, it gives off a vibe that I couldn’t really understood myself. Hindi ko maipaliwanag ang vibe na ’yon, the word I could only think of is the word; nostalgic.

The whole place suddenly hit me with nostalgia, and a feeling resides in me when I heard Isaiah talk. It seems like my world is about to change from black and white to colored. Hindi ko rin alam, hindi ko magawang ipaliwanag ang naramdaman ko.

“Hipan mo na ’yang kandila mo, nandito na tayo.” Napalingon ako sa kan’ya, kaagad ko nga ring hinipan ang kandilang dala ko.

“Salamat, I nearly forgot I was holding a candle with me.” I joked, he laughed lightly.

Saglit ko pa siyang pinagmasdan, at nang maisip ko nga ay tumama na sa ’kin ang isang reyalisasyon. I took a deep breath and smiled, I mustered the courage to say it.

“I think I like you.”

Katatapos lang ng misa, nakaupo ngayon sa isang monoblock chair habang umiinom ng tubig. Medyo mainit at pinagpapawisan ako ngunit ’di ko pinupunasan ang noo ko dahil kapapahid lang ng abo rito.

Today is Ash Wednesday, ngayong araw ay pinahiran kami ng abo galing sa mga sinunog na palaspas dito sa parish church namin sa Saint Clement’s Basilica. Huminga ako nang malalim at itinutok ko sa ’kin ang electric fan, sobrang init kasi.

“Delliah, ’di ka pa uuwi?” Napalingon ako sa nagsabi sa ’kin no’n.

“Ikaw pala, Peter, oo ’di pa ’ko uuwi kasi ime-meeting daw kami ni Kuya John mamaya para sa magiging takbo ng mga awitin this Lent.” I proceeded to answer back to Peter.

Peter Dela Rosa is a friend of mine, sakristan siya rito sa parish namin at matagal-tagal na rin siyang nagse-serve while I, Delliah Romulo, is a choir member since the quarantine due to the COVID Pandemic.

Nakasuot pa siya ng sutana habang ang noo rin niya’y may pahid ng abo, lahat kasi kami rito sa parish ay nagpa-pahid ng abo kanina kay Father at sa iba pang mga lei.

Nagtataka nga lang ako kasi trenta minutos na nang matapos ang misa pero naka-sutana pa rin siya. Normally, he takes it off in less than then minutes after the mass and then he goes home, at siya... ba’t kaya nandito pa siya?

“Ah, akala ko kasi may hinihintay ka.” Kamot niya sa ulo niya, rito ko na nga rin naisip na kung bakit nandito pa siya.

“Ikaw, ba’t nandito ka pa?” I asked him, he urgently answered my question.

“May inaantay kasi kaming bagong sakristan na papasok daw dito sa parokya natin para maglingkod. Kasama naming iwe-welcome nila Father Thomas mamaya ’yong sakristan na ’yon.” Saad ni Peter.

“Ah, gano’n ba? Sige, aalis na rin ako maya-maya, baka ’di ko na maabuta—” Bigla na lang akong natigilan nang makarinig ako ng isang boses mula sa likod ko.

“Peter! Nandito na ’yong sakristan! Pinapatawag na tayo ni Father sa Parish Hall!” saad ni James Beltran na kapwa sakristan dito sa parokya namin.

“Nandito na? Ang aga naman!” nabibigla namang tugon ni Peter.

“Oo nga! Dalian mo’t baka mapagalitan na naman tayo ni Father! Halika na!” Dali-dali silang kumaripas ng takbo patungo sa Parish Hall.

Gusto ko rin namang makita kung sino nga ba ang bagong sakristang ’yon, kaagad na rin naman akong tumayo sa kinauupuan ko at naglakad ako patungo sa Parish Hall.

I immediately thought that they’ll gonna be there so I hid behind the doors so that no one would notice me peeking. Wala pa rin naman ’yong I a kong mga kasama sa choir na ime-meet ngayon ni Kuya John.

“Bes, ba’t nandito ka sa Parish Hall? Tara na do’n sa may Transept, parating na raw ’yong iba nating mga kasama sa meeting.” Napalingon ako nang marinig ko ang bestfriend kong si Martha Liloan.

Hindi kami pareho ng school na pinapasukan ni Martha, naging mag-bestfriend kami rito sa church. Sabay kaming pumasok ni Martha as choir members, dito ay nagkakilala kami at nagkasundo hanggang sa maging matalik na nga kaming magkaibigan.

“Ngayon pa naman! May sinisilip ako rito, tinitignan ko ’yong bagong sakristang darating dito sa parish natin!” saway ko.

“Ikaw, puro ka kalandian, na sa simbahan ka pa man din.” I rolled my eyes.

“Hoy hindi, ah! Hindi ako lumalandi... interested lang.” Ngisi ko.

“Siya rin ’yon, landi pa rin ’yon.” Sumbat naman niya kaya sinumbatan ko rin siya pabalik.

“Sabi no’ng may dalawang manliligaw? ’Yong isa parishioner, ’yong isa naman, lector? Nako, ’wag mo akong sinusumbatan dahil mas masusumbatan pa kita nang malala.” Bahagya siyang nahiya at napaiwas siya ng tingin.

“Pero buti nga ikaw may pamimilian ka, eh. Tignan mo ’ko, wala man lang kahit na ka-fling.” Napahinga ako nang malalim.

“Sinubukan mo na bang magdasal sa Nuestra Señora Dela Merced? O kaya naman kay Santa Ana or kay Saint Valentine?” she proceeded to ask me.

“Ay, oo, matagal na. Ni animo si San Antonio de Padua eh nalapitan ko na kasi desparada na ’kong magka-love life... pero wala pa rin.” I took a deep breath after I said those words.

“Hay nako, talaga nga namang itong bestfriend ko. You know, ibibigay rin ’yan ni Lord. Aba’y ang dami mo na palang pinag-intersession-an, malamang eh dinig na dinig na ng langit ang panalagin mo.” Hagikgik naman ni Martha.

“Sana nga, I hope someday.” Napangiti na lang ako.

Sandali pa ay may narinig kaming naglakad patungo sa kabilang pinto nitong Parish Hall, sabay nga kaming nagtago ni Martha sa likod ng pintuan kung nasa’n kami at sinilip namin ang mga kagabanapan sa loob.

“Nandito na po pala kayo, Father!” Saad ng mga sakristang naroroon.

Sinalubong ng mga sakristan si Father kasama ang isang lalaking nakasuot ng puting polo, black na slacks, at black shoes. Nakasuot siya ng face mask kaya ’di ko masyadong maaninag ang muka niya.

Makapal ang buhok ng lalaki, medyo singkit ang mga mata at base sa hulma ng face mask sa muka niya’y ang tangos ng kan’yang ilong.

“Siya nga pala, ito nga si Isaiah Monte Cristo. Magiging kapwa niyo siya sakristan simula sa susunod na linggo.” Narinig kong nagsalita si Father Thomas Lorena—isa sa mga pari rito sa basilica.

“Ay, mag-face reveal ka naman, anak para makilala ka ng mga makakasama mong sakristan sa mga misa rito sa basilica.” Baling ni Father Thomas do’n sa bagong sakristang nagngangalang Isaiah Monte Cristo.

Immediately, the boy took off his mass revealing his face. My eyes widened upon seeing how angelic he looks. He wears a bright smile like Archangel Gabriel in his images. Napatakip ako sa bibig ko at kaagad akong tumingin kay Martha na kapwa rin nanlalaki ang mga mata sa nakita.

“Bes, ang igop!” she whispered excitedly.

“I know, right! Parang santo ang muka!” I whispered back, exclaiming my words silently.

“Nandiyan lang pala kayo, kanina pa kayo hinahanap ni Kuya John, Tara na sa may Transept at nando’n na’y iba nating mga kasama sa choir.” Napalingon naman kami sa likod namin at kapwa namin nakita ni Martha ang isa pa naming kasama sa choir.

Kaagad na nga rin kaming sumunod sa kasama namin, we didn’t tell a soul about the new sacristan in our parish.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top