Epilogue - Easter Sunday

Maaga akong nagpunta ngayon dito sa basilica dahil sa pinakaabangan kong ganap sa lahat ng ganap. Bago kasi ako mag-serve ng pang-umaga tuwing Easter Sunday ay may nagaganap munang isang reenactment bago mag-misa ang mga kaparian.

It is called the “Salubong”. The Easter festivity unfolds at dawn around five o’clock with a procession heralding the resurrection of Christ and His reunion with Mary. Kaya nga alas kuwatro pa lang ng umaga ay na sa harap na ’ko ng basilica.

My family didn’t go with me today because they were too tired of the Via Crusis last night, so I’m the only one here enjoying this. It would be so nice if they’re here, though. Pupunta naman sila mamaya para sa misa, ayaw lang kasi talaga ng pamilya kong maaga silang ginigising kapag napagod sila.

Regardless, they’re going to the mass so that means anything. Ako lang kasi talaga ang excited sa mga ganap dito sa simbahan namin sa pamilya namin. They are too busy with all their stuffs, pero kahit gano’n naman ang pamilya ko ay nakapaglalaan naman sila ng oras para sa misa.

Nang makarating nga ako sa labas ng basilica pagsapit ng alas kuwatro ay marami na ring tao, lubos-lubos ang paghahanda nila para sa event. Buti na nga lang at mamaya pa ang schedule ko kaya mapapanood ko ’to ng live na live sa ’king mga mata.

Tumingin akong muli sa facade ng basilica, wala roon ang image ng Our Lady of Manaoag at Risen Christ, tanging ang image lang ni Saint Clement the Third ang naiwan sa itaas na bahagi ng facade ng simbahan.

Lumipas ang isang oras, medyo maliwanag na ang langit kaya alam kong darating na ang prusisyon. Palagay ko’y ginamit ang mga images sa prusisyon kaya nawala ’yon sa facade ng simbahan. Unang pagkakataon nila ’yong ginawa, actually, they often use different images for the Salubong Procession.

“You’re here.” I heard a familiar voice.

My eyes widened when I turned to my side and I saw Isaiah wearing his surplice and sutana. Nakasabit muli sa leeg niya ang isang camera, he must be taking photos of the procession again.

“Isaiah! You’re here.” Napangiti ako.

Hinawakan niya ang kamay ko at nag-init ang pakiramdam ko nang halikan niya ’yon. He smiled at me after doing that.

“Of course, may serve ako mamaya and photographer ako ng nga procession sa activities ng church noong Lent at ngayong Easter.” He replied holding his smile on his face.

“Delliah, can I take a photo of you?” he asked.

“Oo naman.” Sagot ko kay Isaiah.

He aimed his camera at me and snapped it, it let out a flash. It captured me, smiling while looking at its lens. My eyes sparked because of the flash, and my background wasn’t that unfocused so it implies that on my back was the basilica.

“Ang ganda mo.” Ngiti ni Isaiah habang tinitignan ang larawan sa camera. Tumingin siya sa ’kin at muli siyang nagsalita.

“Sa larawan at sa personal, maganda ka. You look like a saint.” I felt this warm feeling towards me when he said that.

“T-thanks...” utal kong saad dahil sa compliment niya.

“Oh, the procession is here!” Ngiti ni Isaiah at natanaw na namin ang image ng Our Lady of Manaoag.

Iba ang bihis niya ngayon, hindi niya hawak si Baby Jesus sa kamay niya at hindi rin gano’n ka-garbo ang porma ng kan’yang damit. Simpleng robe lamang ito na kagaya ng suot ng Immaculada Conception. May itim na belo na nakapatong sa ulo ng imahen, it signifies the sadness and her grief upon the death of her Son.

Sa kabilang dako naman ay nanaw na namin ang imahen ni Kristo na muling nabuhay. Nagpalakpakan ang lahat nang magsalubong na ang dalawang imahen nang pareho silang makarating sa harapan ng basilica.

Isaiah couldn’t stop to take pictures of if all, he snaps his camera faster than flash because the event wouldn’t last much longer. Hindi siya umalis sa puwesto niya habang kumukuha siya ng litrato, at nang matapos siya ay humawak siyang muli sa kamay ko.

Nagdilim ang buong paligid, at mula sa bell tower ng basilica at nakita naming may suminag na spotlight. May nakatali roong lubig na parang pabg-zip line. At may isang babaeng nakasuot ng angel costume ang dahan-dahang nag-slide patungo sa image ni Mama Mary.

Naghagis ng mga petals ng bulaklak ang angel nang matapat siya sa image ni Mama Mary, pagtapos niyang budburan ng bulaklak ang image ay kinuha niya ang belo sa ulo nito at inangat siyang muli pataas sa bell tower dala ang itim na belo.

Nagpalakpakan ang lahat, at kasabay nito ang pagpapalipad ng marami ng kulay bughaw at puting lobo. Umugong din ang mga kampana ng basilica. Then, we all gasped as we saw a firework exploded. May fireworks display na nagaganap.

Kulay gold ang fireworks. Dahil hindi pa nga sumasapit ang umaga ay nakikita pa ang kulay nito, its color registered to the transitioning sky. At habang nakatingin ako sa fireworks display, may naramdaman akong kamay na nag-grab sa pisngi ko.

Napalingon ako kay Isaiah na siya pang humawak sa pisngi ko. Paunti-unti ay nilapit niya ang ulo ko sa muka ko, he landed his lips on my forehead. He gave me a smile after, while I was left in complete shock.

Luwalhati, luwahati sa Diyos...”

Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan...”

Luwalhati, luwalhati sa Diyos...”

Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan...”

“Happy Easter.” He smiled, he shook his head and repeated.

“Happy Easter, Delliah.” He said in pure bliss.

“Happy Easter din, Isaiah.” Ngiti ko rin kay Isaiah.

Pinanood nga namin ang nagliliparang mga lobo at ang magandang fireworks display. At hindi nagtagal ay nagsimula na ang talagang paggunita sa pagdiriwang my muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.


“Sa Iyong muling pagkabuhay...”

“Buong bayan ay nagdiriwang...”

Handog Mong buhay dulo ng pag-asa’t katarungan...”

“At kaligtasan...”

Sa muling pagkabuhay ni Kristo ay mas muli pang nabuhayan ang aming pananampalataya sa kan’ya. Mas napatunayan ko sa sarili kong nandirito lang si Hesus. Sinagot niya ang matagal ko nang panalangin at ngayon ay sabay na kaming nagse-serve sa misa ngayon.

Nakangiti lang kami ni Isaiah at nakatingin kami sa isa’t isa habang nagma-martsa siya sa aisle dala ang isang thurible. He smiled making me too. Itinuon niya ang sarili sa pagma-martsa sa aisle hanggang marating nila ang altar.

I continued to sing. And when the mass ongoing, I would often look at Isaiah here from the Transept and I’ll secretly take photos of him. It was for me to admire. I’m quite the lucky one for being his girlfriend, because he’s quite popular with girls in our choir.

Hindi nga rin siguro magtatagal ay malalaman na ng lahat ang tungkol sa ’min ni Isaiah. Lalagay lang ako sa tiempo para sabihin sa mga magulang ko na may jowa na ’ko. They were not the strict type of parents, gusto na nga nila akong magkaro’n ng jowa kasi parang ang lonely ko raw na tao.

And as for Martha, hindi mo muna sasabihin dahil tiyak kong hindi niya rin matitiis na ipagkalat sa maraming tao na may boyfriend na ’ko. Mabibila siguro siya kapag nalaman niya? Tini-tiyak ko lang.

Nakinig nga ako sa misa, at ang homily ay about sa pagmamahal, pagmamahal sa kapwa tao, sa magulang, sa ating mga kaaway—sa lahat ng klase ng tao. ’Di ko tuloy maiwasang maka-relate sa homily ni Father. Talagang sinasadya siguro ’to ng Diyos para sa ’kin.

Hindi nga nagtagal ay sumapit na rin ang pag-aalay, gayundin ang kumunyon. Kayraming tao ngayon dito sa loob ng simbahan kaya nakaikang kanta kaming choir bago matapos ang kumunyon.

Nakikita ko mula sa Transept na si Isaiah ang may hawak ng panalok sa kung sakaling mahulog ang ostiya sa kamay ng bibigyan nito. Nangangawit na rin siguro siya, knowing na maraming taong nangunguminyon. Well, parehas kaming nahihirapan, as much na minamalat ako kaka-kanta, as much naman na nangangawit sa paghawak ng panalok.

“Humayo’t ihayag, purihin Siya...”

“At ating ibunyag, awitan Siya...”

Pagliligtas ng Diyos, na sa krus ni Hesus...”

“Ang siyang sa mundo’y tumubos...”

“Langit at lupa, Siya’y papurihan...”

“Araw at tala, siya’y parangalan...”

“Ating ipagdiwang, pag-ibig ng Diyos sa tanan...”

“Aleluya!”

Kalaunan nga ay natapos ang misa. At sa dating kinagawian, nag-linis muna kami ng simbahan bago kami umuwi. Nauna nang umalis ang buong pamilya ko, at nang naiwan nga ako rito sa basilica upang maglinis, siya namang paglapit sa ’kin ni Isaiah.

“Wanna go somewhere after we tidy up the church?” yaya ni Isaiah.

“Sige ba, game on!” masiglang pag-sang-ayon ko.

“Where would you want to go?” he asked again.

“In your heart.” I joked. Kaagad naman siyang napahagalpak ng tawa.

“Ito seryoso, gusto kong gumala sa museum ngayong linggo. Balak sana namin ni Martha last week pero naudlot dahil sa treat mo sa ’kin kasi nga... you lost the bet.” Ngisi ko.

“Sa museum? Sige, if that’s what you want. I would also love to try some Lomi, may alam akong lugar na p’wede nating pagkainan. I knew that last time we went out na favorite mo ang Lomi.” He suggested.

Nabigla ako sa sumagi sa isip ko, naaalala niya pa ’yon. Saka if nagyayaya siyang gumala at kumain sa labas ngayon, would that make it a... wait lang, ’di pa ’ko ready!

“Date na ba kaagad ’to? Wait, parang ’di pa ’ko ready!” I exclaimed, napatawa ko ulit si Isaiah.

“Well, that’s clearly the case... pero ayo’ko munang isipin mo ’yon. Let’s think of this as an ordinary gala, kasi kung magde-date tayo... I would surely pick a nicer place to go and to dine.” Ngisi niya.

“Yabang, lakas ng dating mo.” I teased him, nginisian niya lang ako.

“So, after the clean-up?” he then asked.

“Yeah, after the clean-up.” I replied with a smile.

“I’ll meet you by the entrance later. See you, my dearest, Delliah.” He waved farewell.

Dito na nga umalis si Isaiah upang maglinis ng mga kagamitang ginamit kanina sa misa. Naiwan ako ngayong nag-aayos ng mga monoblock chairs dito sa loob ng basilica kasama ang ilang youth ministry member.

Hindi na ’ko makapag-hintay para mamaya, mahihimatay siguro Ako kapag kasama ko nang gagala si Isaiah? Mamamatay kaya ako sa kilig? Well, the answer lies upon what will happen later on.

Kadalasang naririnig natin sa ibang tao na ang panahon ng Kuwaresma ay puso hapis at kalungkutan ang dala, dahil nga sa sinapit ni Kristo sa pagpapakasakit niya sa krus para isalba tayong lahat at patawarin tayo sa ’ting mga kasalanan.

But in my case, I saw lent in a different perspective than what the others saw. I saw lent to be the season when I fell in love. This is the season when I first felt this sudden raise upon my feelings, this sudden rage of emotions flowing in me and wanting to come of from inside.

Ang Kuwaresma ay ang panahon kung kailan ko naranasang umibig sa kauna-unahang pagkakataon. Out of desperation, the heavens sent me a guy whom I fell into and was he then said that he likes me back.

Like the old pick-up line, my life was indeed a rosary because it was full of mysteries. Hindi ko alam kung ano pang mga biyaya at pagsubok ang ibibigay sa ’kin ng Diyos sa pagtungtong ko ng buhay taken.

Pero palagi ko na lang pakatatatandaan na kasama ko ang langit sa mga laban kong ito at alam kong Hindi ako pababayaan ng Diyos sa kung ano man ang kaharapin ko.

Within this stage of being a person—falling in love, I know that God will provide a way to make everything work and give everything a spark. At kung papalarin kaming umabot ni Isaiah sa desninasyon ng prusisyon ng nadarama namin para sa isa’t isa...

Baka sa simbahan nga ang maging tuloy nito balang araw.

---end---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top