Chapter 9 - Senaculo

Alas onse ngayon ng umaga at naghuhugas ako ng pinggan dahil kakakain lang namin ng tanghalian nila Mama. Kompleto na ngayon ang pamilya namin at narito rin ang asawa at anak ni Kuya, narito rin si Papa na ngayon ay naka-break sa trahabo niya dahil Holy Week.

Suddenly, may naramdaman akong nag-vibrate sa bulsa ng suot kong skirt, tumunog din ito. It was my phone and someone is calling. I quickly turned off the water from the faucet and I dried my hands using a towel on my side. I then grabbed my phone in my pocket.

“Hello?” sagot ko sa tumatawag.

It was an unknown number, kaya hindi ko alam kung sino ’yon at kung ano ang pakay no’ng tumatawag na ’yon sa ’kin.

Delliah, is this Delliah Romulo?” tanong ng na sa kabilang linya. Bigla na lang nanlaki ang mga mata ko nang matuklasan ko kung sino ang nagsasalita.

“Isaiah?!” bulalas ko.

“Yeah, uhm... I just want to tell you something.” He also jolted.

Saglit pa ay luminga-linga ako sa paligid ko, walang tao rito sa kusina dahil na sa terrace ang buong pamilya ko. Ako lang ang natira rito sa kusina dahil naghuhugas ako ng pinggan.

“How did you even get my number?” I asked him again.

“I got it from Martha, I figured it out since you’re not online sometimes and I can’t call you directly on Soc-Med.” He reasoned.

Tama naman siya, madalas nga akong inactive these days dahil sa mga ginagawa ko sa simbahan. Kapuouyat ko nga lang kagabi dahil sa pabasa, at ngayon ay magpapagod na naman ako dahil may dadaluhan akong event mamayang gabi.

“I called you because I want to invite you to watch the Senaculo later, if you like?” My eyes widened when I heard what Isaiah stated.

He wants to invite me to watch the Senaculo later?!

A Senaculo is a play reenacting the passion of Jesus Christ, it was often shown on Good Fridays and was traditionally significant to us. Pero hindi ako fond manuod ng Senaculo, it scares me. Natatakot ako habang nakikitang pinapahirapan ang taong gumaganap bilang Jesus.

Gusto kong humindi dahil ayo’ko pero kabaliktaran ang sinabi ng puso ko, at ang sinasabi parati ng puso ko ang kadalasang lumalabas sa bibig ko.

“Oo naman, anong oras ba ’yong Senaculo?” tanong ko. Kaagad kong tinakpan ’yong bibig ko pagkatapos.

Gusto kong sumigaw pero pinigilan ko, I wanted to cry. I never really understood myself, bakit ba gan’to ako sa ngalan ni Isaiah? Why would my heart dare to bare watching a Senaculo that I’m not fond to watch for just... a boy?!

“Two thirty raw mamayang hapon ang start ng Senaculo. Antayin kita mamaya sa pintuan ng Basilica of  Saint Clement the Third.” He beamed.

“Sige, I’ll see you there na lang. May serve pa ’ko ngayong umaga kaya bye na muna.” Nagpaalam din siya at pinatay ang linya kalaunan.

“Ingat ka.” Narinig ko pa siya.

“Goodbye.” He spoke again.

“B-bye.” Sagot ko naman, ilang sandali pa ay naputol na ang linya.

I was left speechless, I can’t believe that I’ll watch a Senaculo for the first time in my life. Kahit bata pa lang talaga ako ay ’di ako fan ng Senaculo, hindi ko nga rin pinapanood ang mga palabas sa TV about sa pagkamatay ni Kristo dahil maging ako rin ay nasasaktan sa pagkapako sa kan’ya sa krus—literal na nararamdaman ko ang sakit ng pagkapako sa mga kamay niya, I mean.

Pero ngayon, wala na ’kong magagawa kasi naka-oo na ’ko kay Isaiah. I’m afraid to turn him down when he asked because he might feel bad. But on the other hand, it might be an opportunity to be with him.

These past few days, madalas na talaga kaming paglapitin ni Isaiah, nagsimula noong Palm Sunday, and then just yesterday... then now! I was wondering if God is paving a way for the two of us to be together. If it’s his doing, then I’m thankful to say so.

“Ngiting-ngiti siya, ah! Ano ’yan, my dearest little sister?” I heard someone asked from my back.

It was my Kuya Poncious, he was carrying his son, Dismas. Dali-dali akong umiling, ngumiti rin ako matapos.

“Wala, naisip ko lang kung gusto niyong mag-outing sa Easter Sunday.” Palusot ko.

“Kaila ka pa, eh! Narinig ko ’yang ka-tawagan mo. Sino ’yon, ah? Niyaya ka yatang manuod ng Senaculo mamaya, ah!” Kuya teased me.

“It was my bestfriend, Martha. And why do you care if I like or I’m in love with a guy anyway?” I asked him directly.

“You know, I do care if you’re in love with a guy because you are my sister, after all. It’s my job para kilatisin ang taong nagpapatibok ng puso ng aking kapatid—kung karapat-dapat ba siya para sa ’yo.” Ngisi ni Kuya.

“’Di ba, Dismas? My cutie baby boy!” Kuya pinched Dismas’ cheeks.

“Opo, Papa!” sang-ayon niya.

Si Kuya talaga, kahit tatlong taong bata idadamay niya sa mga trip niya. I just took a deep breath and I nodded, maybe it was safe to open up to my family. But no... I like to tell them once na naging kami na, baka mapahiya ako kapag sinabi ko ngayon ay na-reject ako.

“Bahala nga kayong dalawa ni Dismas diyan.” I rolled my eyes on Kuya and I left.

I didn’t realize that I still have to do the dishes. But since I took the opportunity to escape my task, kay Kuya napunta ang gawain. Nagtampo-tampuhan lang ako saglit at ayo’n sinermunan siya ni Mama.

Makaraan ang ilang oras, nagpunta na nga ako sa basilica para i-meet si Isaiah. Hindi ko suot ang palagian kong suot sa tuwing pumupunta ako rito. I’m wearing a white blouse and a red skirt.

Hindi rubber shoes ang suot ko ngayon kung ’di ang doll shoes na pinamana sa ’kin ni Mama—lucky charm ko raw dahil sa kadahilanang ang sapatos na ’yon daw ang unang regalo ni Papa sa kan’ya no’ng mag-asawa na sila.

Kasya naman sa ’kin ang sapatos, kaso nga lang ay nangangamba ako na baka masira ’to any second kasi sa tagal na panahon ba naman bago ’to muling magamit ay baka rumupok na ’yong quality ng sapatos.

Si Mama talaga, kahit kailan. Sinabi ko na nga kasing si Martha lang ang kasama ko pero kontra pa rin siya nang kontra. Well, it wasn’t clearly Martha, tama naman ang hinala nila pero hindi lang nakaludot ’yong palusot ko.

“Delliah! Over here!” I looked when someone called me.

Nakita ko si Isaiah na kumakaway sa tapat ng pintuan ng basilica, may mga taong pumapasok sa loob at ang iba naman ay nagtutuloy na sa katabing grandstand para manuod ng Senaculo. Medyo crowded ngayon ang lugar na ’to dahil sa rami ng tao.

Pinagmasdan ko si Isaiah sa suot niya. He’s wearing a light blue polo and a pair of khaki pantaloons, his shoes is made up of Brown leather partnered with white socks. A vest gray on top of his polo gives him vintage vibes, he’s also wearing a brown fedora hat that incorporates to his vest.

Lumapit siya sa ’kin, at paglaput niya ay saktong pagbugso ng malakas na hangin. Naitangay ng hangin ang fedora hat niya at itinangay ito patungo sa ’kin. Luckily, I catched it. Isaiah smiled upon seeing me catch his hat.

“Nice catch!” puri niya.

“Magaling ako, eh.” I praised myself sarcastically.

I handed him the hat but he put it on my head that made me shook. Biglang tumayo ang mga balahibo ko nang ginawa niya ’yon, hindi ako makaalis sa puwesto ko o makagalaw man lang.

“Mainit ngayon, baka matupok ulo mo.” He teased me.

I laughed, I hid what I’m currently feeling towards him right now. It was like he’s giving me these, it’s like he’s doing all of these purposely! He makes me fall for him harder, but I don’t want to set my hopes up.

“Tara, nood na tayo ng Senaculo.” Ngiti niya.

Magkasama nga kaming lumakad patungo sa grandstand kung saan ay magaganap ang Senaculo o ang play ng kung paano pinahirapan at namatay si Hesus.

I took off the fedora hat that Isaiah handed me when we sit at a monoblock chair provided at the grandstand. Sa gawing unahan kami sa tapat ng stage para kitang-kita raw namin, sabi ni Isaiah.

Wala akong nagawa dahil hinila niya na ako papunta sa gusto niyang upuan, magkatabi nga kami at excited na excited na siya sa play habang ako’y takot na takot na mag-umpisa ’yon.

Nang mag-umpisa na ang play, nagulat ako sa sound effects dahil may kalakasan. Sa pagkagulat ko ay napakapit ako sa braso ni Isaiah. When I touched him, I quickly felt the warmth of his arm. Kaagad kong binawi ang mga kamay ko at umarte akong parang walang nangyari.

Napangisi na lang si Isaiah at umiling-iling, nagpatuloy kami sa panunuod ng play at talagang na-eenjoy niya ang panonood. I started to get serious on watching and understanding the play.

I’ve met various biblical characters that I haven’t know was a part of Jesus’ life and upon his execution. Like Dismas—not my nephew but the one promised by Jesus that He’ll meet him in paradise when they were hanging upon crucifixion.

I also knew about Veronica, the one who wiped a white cloth on Jesus’ face because His face is covered in blood. As a reward to this good-hearted lady, the face of Jesus was imprinted on the cloth she wiped on the face of Jesus.

The play then came to the point where Jesus is crucified, nakita kong inilabas ni Isaiah ang cellphone niya at kinuhanan niya ng video ang play. Napatakip naman nako sa mga mata ko nang pahigain na ang aktor sa krus.

Then, a loud bang came out of the speaker as a Roman soldier punched the nail on the hands of Jesus with a hammer. Nakita ko ang mala-totoong special effects ng play, at talagang ang galing ng acting at musical scoring.

Mas maganda ito kumpara sa mini-play namin noong nakaraang misa sa Palm Sunday. Talagang pang-theatrical ang datingan ng Senaculo na ’to.

The play ended with Jesus’ resurrection and Him appointing the apostles to spread the good news. Nang matapos ang play ay nag-bow ang mga gumanap na mga aktor at aktres habang pinapalakpakan sila ng mga audience.

The Senaculo wasn’t really scary as I thought it might be, baka na-traumatized lang ako since bata pa lang ako no’ng napanood ko ang eksena sa isang program sa TV. Growing up, I carried the fear to watch the crucifixion of Jesus.

But then, Isaiah came and broke this fear upon me. And now, I look forward to watching another Senaculo again next year, thanks to Isaiah who invited me to watch this year’s.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top