Chapter 6 - Holy Child
Habang palapit nang palapit ang Holy Week, dito na namin naranasan ang pagdami ng mga taong nagsisimba sa simbahan kada linggo. Nadarama na namin ang pagdami ng mga nagbabalik-loob na parishioners ngayong panahon ng Kuwaresma.
Nag-serve ako nang umaga nang Sabado, iba sa kinagawian kong every Sunday. Kinulang kasi kami sa mga members kaya heto, napaaga ako ng serve. Maging si Isaiah nga rin ay napaaga ng serve kasi nagkaro’n ng shortage sa mga sakristan.
“Delliah, bukas daw ulit, kakanta ka sa choir.” Narinig kong sabi ni Martha kaya naman napangiti ako.
Narito kami ngayon at nagliligpit dahil katatapos lang ng misa, medyo pagod pa ang lalamunan ko sa tatlong magkakasunod na kantahan sa tatlong magkakasunod na misa rito sa basilica.
Bukas ulit ay pinapakanta nila ako kasi short-staffed na naman kami. Ngunit para naman sa Diyos ay gagawin ko pa rin kahit nakakapagod at p’wede akong malatin.
“Kahit hindi pa ’ko mag-serve bukas sa choir, pupunta pa rin ako rito kasi Palm Sunday.” Ngisi ko, tumango naman siya at lumapit siya patungo sa ’kin.
“Siya nga naman, you didn’t miss a Palm Sunday ever since I met you.” Martha then smiled at me, complimenting me on my ten-year streak on not missing any Palm Sunday.
Bago ko pa man kasi siya nakilala, ang Palm Sunday ay naging likas na sa ’kin para i-celebrate ko at ito rin ang pag-uumpisa ng mga Mahal na Araw. Dito ay sinusubok ang katatagan ko dahil hindi kami kumakain at ’di kami dapat kumain ng karne ng kahit anong hayop sa buong linggo.
Abstinence and fasting during the Holy Week became our yearly tradition. And upon entering the it, we all need to get ready for Palm Sunday—which is a special holiday for me in the Lenten Season.
“Siya nga pala, marami nang nagtitinda ng palaspas sa labas, hindi ka pa ba bibili?” tanong din ni Martha sa ’kin.
“Maya-maya paglabas ko, titingin na lang ako kay Manang Monica, alam mo namang gumagawa ng magandang palaspas ’yon tuwing Palm Sunday.” Saad ko naman kay Martha.
Inimpake ko na nga ang mga gamit ko sa na nakalagay sa isang maliit na sling bag bago ko ’to isinukbit sa balikat ko. I then spoke to Martha about my plans tomorrow.
“I’m going to eat as many meat as possible tomorrow kasi sa Monday... alam mo naman na ang tradition ng family namin.” Ngisi ko, napatawa naman si Martha.
“Girl, kada-taon na lang bukambibig mo ’yan! What if yayain kitang gumala bukas? Tara do’n sa bagong open na resto, do’n sa may Calle Escolta?” pagyaya pa niya sa ’kin.
“Sige ba! Gagastos na ’ko nang Todo bukas sa pagkain, magpapakabusog ako!” tawa ko pa.
Nag-apir kami ni Martha at pinag-usapan pa namin ang mga gagawin naming plano bukas. After mass, gusto niyang pumunta sa sinabi niyang resto kanina, gusto rin niyang gumala sa iba pang parte ng bayan.
Napag-isipan naming sa may museum dito sa bayan kami gumala since may ongoing Christian art exhibit sa museum ngayong linggo. At matapos nga naming pag-usapan ang mga bagay na ’yon ay kaagad na rin akong lumabas ng basilica.
I went to Aling Monica’s shop to buy some decorated palm leaves for tomorrow, malapit lang naman ang tindahan ni Aling Monica sa Minore Basilica of Saint Clement the Third kaya madali ko lang din ’yong narating sa pamamagitan ng paglalakad.
The shop wasn’t too crowded to my surprise, kadalasan kasi sa mga oras na ’to ay punong-puno na dapat ng tao ang shop ni Aling Monica. Nang pagpasok ko sa mumunti niyang shop ay tumunog ang bell sa pintuan nito, I then noticed a familiar someone standing infront of a shelf.
“Isaiah?” tanong ko.
Narinig niya ako at kaagad siyang lumingon sa ’kin, ngumiti siya at humawak sa one-sided sling bag niyang paniguradong naglalaman ng mga ginamit niya kanina sa misa. Hindi na siya nakasuot ng sutana ngayon, subalit ay black na slacks at V-neck na puting t-shirt na lang.
“What are you doing here?” I asked him, he giggled before he replied.
“Bumibili ako ng palaspas, ikaw?” tanong at sagot niya sa ’kin.
“Bibili rin ako ng palaspas.” I replied.
“Nako, napag-abutan ka na yata ng ubos. Dalawa na lang kasi ’yong palaspas ni Aling Monica, reserved na para sa ’kin ’yong isa, ’yong isa rin naman daw ay tiyak siyang may bibili kaya hindi niya na tininda.” Napangisi ako sa sinabi ni Isaiah.
“Suki ako ni Aling Monica ng palaspas, Isaiah. Baka nasanay na sa ’kin si Aling Monica na bumibili ng palaspas every Palm Sunday, kaya ayan, nag-reserve na siya for me.” Tawa ko.
“’Di mo rin sure.” Ngisi naman niya.
“Susmaryosep, eh ’di sige... you wanna make a bet on it?” I asked him for a bet, confident pa ’kong hinamon siya ng pustahan.
“Sige ba, anong kapalit?” tanong naman ni Isaiah.
“Ilibre mo ’ko bukas, tutal serve mo rin naman. Ilibre mo ’ko after mass!” kaagad kong tugon.
Walang alinlangan, gusto ko lang siyang makasama bukas nang kahit saglit. Isang malaking biyaya na ’yon. Tutal ay may lakad naman kami ni Martha bukas ay okay na rin kahit spare time lang kay Isaiah.
“Sige!” tanggap ni Isaiah sa hamon.
Hinintay muna naming lumabas si Aling Monica sa loob ng bahay nila patungo rito sa maliit niyang shop. Dala niya na nang makita namin ang dalawang palaspas na fresh na fresh pa ang pagkakagawa at sari-saring ang disenyo sa isang balot nito.
“Ay, salamat naman at dumating ka na, Delliah. Alam ko naman kasing bibili ka rito sa ’kin ulit kaya ipinag-tabi na kita ng isa. Sa ’yo na ’to. At bilang pang-sampong taon ng pagbili mo sa shop na ’to ng palaspas, ibibigay ko na sa ’yo ’to bilang regalo.” Ngiti ni Aling Monica sa ’kin nang makita niya ako.
Kaagad akong napatingin kay Isaiah na ngayon ay natameme na dahil natalo siya sa pustahan namin. Napatawa na lang ako sa harapan niya.
“Panalo ako sa pustahan! So... ano na ngayon?” pagmamayabang ko.
Tinanggap ko ang palaspas at gayon din naman siya. Binayaran pa niya ang palaspas niya kay Aling Monica bago niya ako muling tugunan, pero bago pa man siya makatugon sa ’kin ay narinig kong nagsalita si Aling Monica.
“Kayng mga bata kayo, hindi niyo ba alam na masama ang magpustahang gan’yan? Hay, sa uli ay ’wag niyo nang ulitin. Ikumpisal niyo ’yan sa pari.” Pag-payo sa ’min ni Aling Monica.
“Ay, opo... sorry po.” Nag-peace sign ako.
“’Wag ka sa ’kin humingi ng sorry, sa Kan’ya.” Aling Monica pointed to the nearby shelf.
Paglingon ko rito ay nakita ko ang isang image ng Santo Niño De Cebu. The miraculous holy child is said to be forgiving and is a symbol of innocence and youth. Lumingon ako kay Aling Monica at ngumiti.
“I’ll do po, Aling Monica.” I smiled.
Dito nga ay tumango siya sa ’min at iniwan niya muna ang shop niya upang maglinis ng loob ng bahay niya. Naiwan kami ni Isaiah sa loob ng shop, nagtingin pa kami ng magagandang images at iconography ng mga santo at santa na ibinibenta ni Aling Monica.
Matapos nga rin ito ay naghiwalay na kami ng landas ni Isaiah bago dahil kapwa na kami umuwi sa kani-kaniya kaming mga tahanan dala ang aming mga palaspas na gagamitin namin bukas, sa Linggo ng pagsisimula ng mga Mahal na Araw.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top