Chapter 5 - Patron Saints

Quiz day ngayon, hindi ko maipaliwanag ang muka ko dahil blankong-blanko ako ngayong araw. Magkakasunod kasi ang quiz namin nitong umaga at pare-parehas naming ibinigay sa mga teachers lahat ng output namin. Sila raw ang magche-check ng mga papel dahil marami raw nandadaya sa checking.

Nandito ako sa Academia de San Gregorio kung saan ako nag-aaral, maraming mga Gawain ngayong umaga at talaga nga namang magkakasunod ang kalbaryo namin nitong mga nagdaang oras.

Dumukdok ako sa lamesa ko at nakaisip ako ng paraan upang kahit papaano’y gumaan naman ang loob ko. I stood up and grabbed my bag, lunch break naman na kaya p’wede nang lumabas ng classroom ngayon.

I stepped down the hallway and I proceeded to go directly at the candle area of the school chapel. May free candles doon na maaaring sindihan sa intercession prayers, para ito sa mga nananalangin para sa kanilang academic performances at iba pang school matters.

Since we’re a Catholic Academy, natural na lang para sa school namin ang mga ganitong bagay. Marami nang mga panalangin ang nabubuno sa chapel na ’to ng school namin at marami na ring mga panalangin ang natupad sa pamamagitan ng pag-aalay ng kandila at pagdarasal ng taimtim upang ipahayag ang hiling sa kahit sino mang santo ko kaya naman ay sa Diyos na mismo.

Nagtulos ako ng kulay pulang kandila upang humiling na sana ay maging maganda ang scores ko sa mga quiz ko. First off, nag-intercession ako kay Saint Thomas Aquinas at sumunod naman ay nagdasal din ako kay Saint Joseph of Cupertino—parehong sakop ng mga santong ito ang patronage of academics at patungkol sa matters na kagaya ng quizzes at exams kaya sa kanila ako unang lumapit.

Taimtim akong nagdasal at ni-recite ko ang prayers sa kanilang kabisado ko na since this was not my first time making my intercession prayers through them. Idinalangin ko ngayon sa mga santong ito ang about sa quiz ko at sana nga’y mapanatag na ’ko sa scores ko sa mga quiz na ’to.

Idinilat ko ang mga mata ko pagkatapos kong magdasal, at saktong pagkamulat ko ng mga mata ko ay humangin nang malakas at narinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa ’di kalayuan. Bahagya akong nagulat at kaagad ko itong nilingon.

“Delliah!” bulalas ni Isaiah.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya dito sa loob ng school namin, wearing the same uniform as ours and he even has an I.D with the lace like ours. I was mind blown, kaagad siyang tumakbo papalapit sa ’kin.

“Hey!” he exclaimed once more.

With sweat on his forehead due to the warm weather, his eyes sparked once the rays of the hit it. He’s wearing a smile, a genuine one. Dito ko na rin napansin at natanto ang sitwasyon kung bakit siya naririto ngayon.

Kaagad kong kinuha ang I.D ni Isaiah at kaagad ko itong binasa, mas nanlaki pa ang mga mata ko at nabigla ako sa nabasa ko. Tama nga lang ang hinala ko.

Academia de San Gregorio

Isaiah Monte Cristo

Grade Twelve San Jose

Kaagad akong napatingin kay Isaiah, kumakamot na siya sa ulo niya ngayon habang nakangisi, humahagikgik na para bang may kung anong plano siya. Bakit kaya siya lumipat dito gayong mas maganda naman ang Saint Xavier kaysa rito sa Academia de San Gregorio?

“But why did you...” I am put of words, hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at napatakip na lang ako sa bibig ko.

“Well... Saint Xavier wasn’t the school for me, that’s for sure. It might look as fascinating as it could to the eyes of the ones who’ve never been there but trust me, that school was full of spoiled brats.” Kaswal niyang saad saka siya ngumiti.

“Hay, kahit saang school naman siguro, kahit sa public. Hindi lang ako makapaniwala na lilipat ka rito kasi Saint Xavier na yata ang pinapangarap na school ng lahat ng kalalakihan dito sa siyudad natin.” Tugon ko naman.

“Ayo’ko lang sa pakikitungo ng mga tao ro’n sa ’kin. Mas marunong pa nga ako sa mga teachers do’n eh, wala akong natutunan kung ’di pa’no hindi maging isang reklamador kagaya ng nga kaklase ko. ’Yong mga kasama ko nga lang yatang sakristan do’n ’yong kagaya kong ayaw na rin sa school na ’yon.” He laughed about it.

“Well, it’s nice to be free out here for sure. Ginusto ko naman dito kaya okay na ’ko. Besides, kaklase mo naman ako, ayaw mo ba no’n?” dagdag pa niyang tanong sa ’kin. He giggled after.

Oo, kaklase ko siya kasi sa Grade Twelve Jose rin ang section ko. Kaagad naman akong napaiwas ng tingin habang nararamdaman kong nag-iinit ang muka ko.

“Ah, oo nga pala! Since dito ka na mag-aaral ngayon, e’di sasamahan na kita sa classroom para makilala mo ’yong nga classmates natin!” bulalas ko naman.

“Saka bakit ngayong tanghali ka nga pala nagpunta? Sana sinimulan mo nang pumasok kaninang umaga para nakilala ka na rin ng mga ibang teacher.” I then asked Isaiah.

“I have to go to the Saint Xavier’s Chapel earlier to say my farewells on my co-sacristans there, it was a painful goodbye pero makakasama ko pa naman sila sa pagse-serve sa basilica.” Sinagot naman ako nang deretso ni Isaiah.

“Oh, is that so? Then tara na sa classroom. Magugulat siguro sila kapag nakita ka nila, who would expect a transferee in the middle of the second semester?” I teased.

“That’s also what I thought, who would? Ilang buwan na lang gra-graduate na ’ko tapos lumipat pa ’ko? Nakakabaliw isipin, ano?” ginawa niya na lang ’yong isang biro.

Hindi nga nagtagal ay sinamahan ko siya patungo sa classroom namin at kaagad siyang naging lamang ng mga usap-usapan. Everyone was fascinated by him, marami kaagad naging kasundo si Isaiah dahil sa maganda na kaagad ang naging pakikitungo niya sa mga tao sa loob ng classroom namin.

Ilang araw nga ang lumipas, gano’n pa rin siya sa lahat. Hindi nabago ng impluwensiya ng mga bago niyang naging kaibigan ang mga gawin niya, bagkus, sila ang nabago niya at naging kagaya nila si Isaiah na hiling ay ang pag-aaral. Isaiah really made a huge impact when he arrived here.

It makes me so proud of him. And it makes me glad knowing that somehow, Isaiah didn’t forget me when he had new friends. Sa ’kin pa rin siya sumasama knowing that I don’t have a particular friend group.

Pero hindi ’yon naging issue kay Isaiah, he treats me much denser than the rest of his new bound friends. It makes me glad knowing that I have this so-called space inside him.

That made me realize how much I like this person, kasi kahit anong impluwensiya sa kan’ya ng mga bago niyang naging kaibigan ay hindi niya pa rin ako nakalimutan.

On the other hand, hindi ko pa rin nakalimutan ang mga quiz ko, nakahinga naman ako nang maluwag dahil matataas ang score na nakuha ko sa mga quiz na ’yon.

Salamat naman dahil dininig ni Lord ang mga intercession prayers ko kila Saint Thomas Aquinas at Saint Joseph of Cupertino.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top