Chapter 4 - Cassock and Surplice

Natapos ang misa dito sa chapel, masaya kaming lahat dahil naitaguyod namin ang misa sa kabila ng biglaang preperasyon para rito. I wasn’t expecting that I could sing with the other choir members and having a good performance despite some small technical difficulties we faced while on the mass.

Nagliligpit ako ngayon ng mga ginamit naming equipment dito sa chapel nang marinig kong may tumawag sa ’kin. I heard a familiar voice, I smiled as I faced him. Nakangiti rin naman siyang lumapit sa ’kin habang suot niya pa rin ang kan’yang sotana at rokete.

“I’m so glad na natapos natin ang misa nang maayos, I was quite nervous back there.” Isaiah giggled while helping me carry some microphone stands to take it to the equipment room.

“Yeah, I’m glad that we did it good. Perhaps, magagalit sa ’tin si Father kapag ’di maayos ang daloy ng misa.” I chuckled too.

“Siya nga pala, wala ka na bang ibang gagawin? Baka may gagawin ka pa, ako na lang rito.” Saka ko na lang din naisip ang bagay na ’yon nang tulungan niya ako sa pagliligpit.

“Wala na, niligpit na namin ang mga ginamit ni Father sa misa ro’n sa may Sacristy. Nakikipag-kuwentuhan pa ’yong mga kasama kong sakristan sa iba pa nilang kakilala rito sa Academia de San Gregorio.” Ngiti naman ni Isaiah, and I’m glad to know that he could help me.

“Bakit ’di ka sumama sa kanila?” I asked, I wanted to know why he’s here helping me and he’s not by his other peers.

“Probably thought that helping you was a nice choice, we could talk. Somehow, I wanted to talk to you about Academia de San Gregorio.” Tinutulungan pa rin niya ako habang kinakausap niya.

We started to walk down the aisle because the equipment room is separated from the chapel itself. Lumabas kami ng pinto dala ang mga microphone stand, bumungad sa ’min ang malakas na bugso ng simoy ng hangin.

Napansin kong medyo maulap ang panahon ngayon at malamig at presko ang hangin, nagpatuloy nga kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang hallway ng school kung saan ay may naglalakad pang estudyante.

Suddenly, I thought na mahihiya si Isaiah while walking with his Cassock and Surplice on but he’s not. Sabagay, ano nga ba naman ang dapat ikahiya sa pagsusulat nito? Somewhat, I do feel what he feels wearing them.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante habang naglalakad kami, ang iba ay kay Isaiah mismo nakatingin. He’s still talking to me while wearing a bright smile, and I was wandering around my thoughts while listening to what he says.

“Sa second floor bago rooftop ang equipment room namin dito. Medyo malayo kaya medyo pahirapan din ang pagdadala ng equipment mula ro’n hanggang sa chapel. Pasensiya ka na, ha.” Tumingin ako kay Isaiah at humingi ako ng tawad dahil baka nalalayuan na siya sa nilalakad namin.

“Wala ’to, hindi naman problema ang layo ng room sa ’kin eh. Masaya nga ako dahil napagmamasdan ko ang school na ’to, ang ganda pala rito.” Mangha niya namang sabi.

Umakyat nga kami sa hagdan patungo sa second floor, at nang makarating na kami ay lumakad pa kami ng ilang metro bago namin marating ang equipment room.

Walang tao sa pasilyo, our steps are echoing out of the hallway while we’re walking. Our words also flutters around, bouncing at the walls creating a vivid vibe. I feel like I’m having this sort of feeling while talking to him, this sort of intimacy.

Naibalik na nga namin ang mga microphone stand sa equipment room, matapos nga ’yon ay ini-lock n a rin namin ang kuwarto dahil wala naman nang ibang ilalagay doon.

I thought Isaiah would then go after we return the equipments in the room, but he didn’t. Nanatili siya sa tabi ko at sinamahan niya pa ako sa paglalakad, na sa dulo na kami ng pasilyo malapit sa hagdan na humahati sa rooftop at first floor.

“Aren’t you gonna go?” tanong ko kay Isaiah.

“No, I wanna stay here a bit longer. Buong araw daw dito si Father at mag-iikot-ikot siya rito kaya kailangang nandito rin kami, what a coincidence dahil gusto ko rin naman talagang manatili pa rito.” He spoke directly without hesitation.

“Is that so?” I asked him again.

“Yeah, also... I wanted to spend some time with you, is that alright?” he asked me directly again.

Bahagya akong nabigla, sandali pa ay umihip ang malakas na bugso ng hangin mula sa kanluran at tumama sa ’min ang sikat ng araw. The light from the sun sparked through his eyes, wearing a bright smile as the wind takes away his thin surplice on top of his sturdy cassock.

“Fine, then... saan tayo pupunta?” tanong ko sabay iwas ng tingin sa kan’ya.

Suddenly, he held my hand tightly and he pulled me towards the stairs going upwards. Hindi ako nakaimik at basta na lang akong sumunod kay Isaiah, at dito nga’y bumungad sa ’min ang rooftop na walang tao.

Tumama sa ’min ang sikat ng araw pero hindi kami nakadama ng init dahil malamig ang bugso ng hangin. Naramdaman kong tinatangay ng hangin ang buhok at ang suong kong skirt, gayon din naman si Isaiah sa suot niyang kasuotang pang-sakristan.

Isaiah let go of my hand and he ran towards the metal barriers, as the wind blew up his clothes, he smiled. Tumingin ako sa muka niya at diretso akong tumingin sa mga mata niya.

Kulay kayumanggi ’yon, kaparehas ng kulay kayumanggi at buhok niyang may kahabaan para sa isang lalaki na itinatangay din ng hangin. Nakikita ko sa kan’ya ang pagkamangha niya sa lugar na ’to, tunay nga naman kasing nakamamangha ang ganda ng lugar kung nasa’n kami ngayon.

“This place is beautiful, Delliah! It’s refreshing up here!” he exclaimed in pure bliss.

“It sure is!” I shouted back.

The place was full of our laughter, we told stories about ourselves there. I learned so much about him and I think, we grew close towards each other. Ang saya lang isipin na nakakamtan ko na ngayon ang sana’y matagal ko nang hinihiling.

Sana si Isaiah na nga ang tamang tao, sa kan’ya ko unang naramdaman lahat, and I don’t want to loose this person. He understands me as I do for him, he talks a lot of things just like how I babble much of my words.

Kung si Isaiah na nga ang hinihiling ko mula sa Diyos, sana nga lang. Ayo’ko nang mag-settle pa sa iba, ayo’ko na ring humanap pa ng iba. Hindi ko alam, basta sa kan’ya ko lang natatanaw at namamataan ang mga nakikita at nararamdaman ko ngayon.

I sure do like Isaiah, and I wish that... God will give a way to make us closer.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top