Chapter 3 - Altarpiece
“Mass sa school natin? Kailan?” tanong ko sa kaklase kong si Ruth Zaragoza. Na sa classroom kami rito sa school kung saan ako nag-aaral—ang Academia de San Gregorio.
“Oo, girl! ’Di nga’t fiesta ni Saint Gregory, bukas na ’yon and lahat daw ng students ay kailangang makidalo sa gaganaping misa bukas sa school chapel.” Tinanguan ko lang si Ruth.
Ngayon lang din sumagi sa isip ko na fiesta na nga pala ni San Gregorio bukas, tiyak kong any moment now ay ipapatawag na ’ko para mag-practice sa school choir. Kasali rin ako sa choir ng school namin, kumakanta lang kami tuwing may okasyon and minsan, late practice pa.
“Sige, salamat, dai. Buti na lang pinaalala mo, baka may practice ang choir mamaya. Tapos naman na ang klase so within this moment baka tawagin na ’ko.” I thanked Ruth.
Hindi nga nagtagal ay umalis na si Ruth at naiwan ako rito sa classroom na mag-isa, kinuha ko na nga rin ang bag ko at lumabas na rin ng classroom total ay uwian na.
I then decided to go to the chapel and wait for the choir practice myself total wala naman na ’kong gagawin. Nang makababa ako ng building ay dumiretso na rin ako kaagad sa chapel.
Napansin kong medyo maulap at mahangin ang panahon, malakas ang bugso nito at tinatangay ng hangin ang nakalagay kong buhok. I looked up at the chapel, I smiled without noticing it. Ang ganda kasi ng chapel na ’to, hindi siya basta-basta lang.
This chapel was built over fifty years ago, popular din na desninasyon ang chapel na ’to kahit na sa loob pa ng school dahil sa kagandahan at aesthetic vibe nito. Katulad siya ng Saint Clement’s Basilica na pinagse-serve-an ko rin as choir.
Kasabay ng chapel na ’to ang pagtatayo ng Academia de San Gregorio, at kasabay ng paglago ng school ay ang pagtanda ng chapel na ’to, nasalanta na ito ng maraming lindol at bagyo ngunit nanatili itong nakatayo rito on its original shape—this chapel was neither repaired nor retouched, it’s authentic.
Bigla akong nagulat nang may marinig akong tunog ng kampanilya na nagmumula sa loob ng simbahan, napahawak ako sa dibdib ko at napatawa na lang. I walked straight to the church and as I entered, I was even more surprised of what I saw.
“Buksan ang aming puso
Turuan mong mag-alab...”
Naririnig kong kumakanta ang choir habang may mga kabataang sakristang nagpra-practice ng lakad sa loob ng simbahan. Naka-uniporme sila, at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang logo ng suot nilang uniform.
Saint Francis Xavier’s Academy.
Napatakip ako sa bibig ko at kaagad akong tumakbo sa gilid ng simbahan para walang makapansin sa pagkabigla ko. I calmed myself down, I looked at the practicing sacristans and I’m not surprised to see him serving—Isaiah is here.
Tumingin ako sa retablo kung saan ay nakalagay ang imahen ni Hesukristo, napangiti ako at wala sa sarili akong napadasal sa pamamagitan ng aking isipan.
“Lord, ito na nga ba talaga ang hinihingi ko ka inyo? Please, ito na po sana, sana siya na nga po.” I wished using my mind, I closed my eyes and I let my prayers reach up to heaven.
Bumalik ako sa ulirat, nagpunta na nga ako sa Transept ng simbahang ito kung saan naka-puwesto ang school choir. Pagdating ko ro’n ay kaagad na rin akong dumiretso sa practice.
“Sino kayang uusig sa di makatarungan
Sino kayang lulupig sakim na umiiral
Sa sinumang sa Diyos mulat
Katarungan magbubuhat”
After a couple of practice, we decided to take a short break while the sacristans continued to practice their walk during the mass tomorrow. Matapos nga rin ang ialng sandali ay tumigil muna ang mga kalalakihan ng Saint Francis Xavier’s Academy para nag-take ng short break.
Umiinom ako ngayon ng apple juice na nakalagay sa isang plastic bottle habang kinakain ang dala kong monay na natira ko kaninang meryenda. Nakaupo ako ngayon dito sa isa sa mga upuan ng chapel, and I’m staring blankly at the retablo right I’m facing.
“Ang ganda pala ng school niyo, napansin ko na rin sa uniform mong suot kapag nagpra-practice tayo sa basilica na dito ka pala mag-aaral.” Napalingon ako sa gilid ko, nakita ko si Isaiah na nakaupo na sa tabi ko ngayon.
“Ay, ikaw pala, Isaiah.” Simpleng Ngiti ko. Napakamot naman siya sa ulo niya habang nakangiti pa rin.
“Sorry I came here so sudden. Maraming mga sakristan ang nag-aaral sa Saint Xavier, for a long time ay likas nang magkaibigan ang mga eskuwelahan natin, kaya humingi ang pabor ang Academia de San Gregorio sa Saint Francis Xavier’s Academy para kaming mga sakristan ng ang mag-serve bukas.” He told me.
“And so do we, kasali ako sa choir and biglaan lang ang practice para sa feast day bukas.” I let out some air.
“Well, I guess we’re both going to be busy for tomorrow.” Ngisi niya.
Nahagip ng tingin kong mula sa retablo ay bumaling ang tingin niya patungo sa ’kin, bigla akong napatahimik at umayos ako ng upo. Nagpatay-malisya ako sa mga tingin niyang ’yon hanggang sa marinig ko muli siyang magsalita.
“Delliah, would you mind if I try to talk to you on Soc-Med?” Nanlaki ang mga mata ko at kaagad akong napatingin sa kan’ya.
I tried my best to hide what I’m currently feeling inside me, I managed to hide it but I couldn’t stop thinking about what’s happening right now. Totoo ba ’to o nananaginip lang ako?
“Ah, oo naman, sige! Delliah Monte Cristo ang name ko, search mo na lang.” Ngiti ko naman.
Gusto kong ngumiti na halos mapunit na ang bibig ko pero baka kung ano pang mangyari, ’di ako p’wedeng magpahalatang kinikilig. Ayo’kong magpahalata kasi baka ’di lang si Isaiah ang ma-wirduhan sa ’kin kung ’di lahat na siguro ng tao rito sa chapel.
“Sige, I’ll search you up later. I’ll talk to you this evening, total wala naman akong ginagawa because uh...” he stuttered. Bahagya akong naintriga kung bakit.
“Why?” tanong ko.
“Ah, saka mo na lang din malalaman. Basta, it’s such a nice thing meeting you. You’re my first friend sa campus na ’to, ikaw lang din ang una kong naging kakilala rito.” Ngiti naman sa ’kin ni Isaiah.
Muli ay nabigla ako sa sinabi ni Isaiah. He’s considering me as a friend already?! Oh, gold heavens! Ito na yata ’yon! Magkaibigan na kami sa paningin niya, and I would grab this opportunity to be his friend also.
“Ikaw lang din ang unang naging kaibigan at kailala kong taga-Saint Xavier’s Academy.” Ganti ko naman.
“Well, not for lo—” natigilan si Isaiah nang may marinig kaming boses mula sa Sacristy nitong chapel.
“Isaiah, tulungan mo nga akong ilabas ’tong mga candle holders, gagamitin daw mamaya sa practice at gagamitin din daw sa misa bukas ang mga ’to!” sigaw ng isang sakristang kasama ni Isaiah na magse-serve bukas.
“Sige, I’ll go there!” he replied standing up from the seat.
“Tulong muna ako ro’n, bye na muna.” Ngiti niya sa ’kin. Pasimple na lang akong tumango bilang tugon.
Umalis na nga si Isaiah sa kinauupuan niya at nagpunta ro’n sa Sacristy. Naiwan akong mag-isa ritong nakaupo sa simbahan. Kaagad akong napatingin sa retablo, dito ko na naisip ang mga ipinanalangin ko sa Panginoon at sa lahat ng mga santo na dinulugan ko.
“San Antonio, Santa Maria Dela Merced, San Valentino, at sa lahat pa ng mga santos at santas na nag-intercede ako, salamat po at mukang naririnig na ni Lord ang prayers ko.” I whispered, kneeling while closing my eyes—praying.
“And sana po, ito na po talaga ang the one ko! Please, Lord, ibigay niyo na po sana sa ’kin ’to, please, Lord, please!” I whispered in my prayers.
Desperado na nga talaga siguro ako, that is why I prayed on every saint and patron of love there is in Catholicism. Siguro nga, ito na ang sagot sa mga dasal at intercession ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top