Chapter 2 - Communion Song

Naka-uniform pa ’ko nang dumiretso ako sa may simbahan dahil may choir meeting ulit. It was three days after the first Sunday of Lent, pinatawag kami ni Kuya John ngayon dahil ime-meeting niya ulit kami about ulit sa kakantahin ng choir sa susunod na Linggo.

Bumaba ako sa bus na sinasakyan ko, pagbaba ko ay tumambad sa ’kin ang basilica na siyang dinarayo pa rin ng mga tao kahit walang misa. Hahakbang pa lang sana ako nang makita kong may isang pamilyar na lalaking bumaba mula sa isang bus sa gilid ko.

I then knew it was going to be Isaiah, hinahangin ang mahabang coat na suot niya na pakiwari ko’y ang uniform ng eskuwelahang pinapasukan niya. Kulay black ’yon, ang panloob niya naman sa coat at polong puti at ang kan’yang pang-ibaba ay itim na slacks at black shoes.

Pinansin kong mabuti ang logo na nakakabit sa coat na suot ni Isaiah, nanlaki ang mga mata ko nang malaman kung saang eskuwelahan siya pumapasok.

Catholic Academy of Saint Francis Xavier.

“Mayaman pala ’tong si Isaiah.” Bulong ko sa sarili ko at napaiwas ako ng tingin sa kan’ya.

Napansin naman ng peripheral vision ko na bahagya siyang lumingon sa ’kin, Nagulantang kaming parehas at pareho kaming napaiwas ng tingin sa isa’t isa. Hindi ako makagalaw, nanatili lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa naramdaman kong parang may kumalabit sa ’kin.

“Bes, nandito ka na pala, you’re quite earlier today than last week’s meeting!” Kaagad kong ibinaling ang tingin ko kay Martha na siyang tumawag sa ’kin.

Kaagad akong lumapit sa kan’ya at hinila ko siya palayo, tinakbuhan ko ang tulalang si Isaiah. Martha was too stunned to speak and she couldn’t process what just happened, kaya no’ng huminto ako sa paglalakad ay binato niya na ako nang binato ng maraming tanong.

“Ano na naman bang trip mo, bes?! Nagugulat ako sa mga ikinikilos mo ngayon! Ano bang nangyayari sa ’yo!” sunod-sunod niyang tanong.

Tinakpan ko naman ang bibig niya gamit ang kanang palad ko at luminga-linga muna ako sa paligid upang siguraduhing walang taong taga-simbahan ditong makakarinig ng mga sasabihin ko.

“Bes, sa Saint Francis Xavier mag-aaral si Isaiah!” I exclaimed as I whispered. Nanlaki rin ang mga mata ni Martha sa marinig niya mula sa ’kin.

“As in? Do’n sa exclusive school for boys? ’Yong pang-mayamang private all-boys school?!” tinadtad niya ulit alo ng tanong. Muli ay tinakpan ko ulit ng kanang palad ko ang bibig niya.

“Keep it down, will you?! Napaka-hampas lupa ko naman kung sakali, pero, Bes... hindi ko na alam!” Inalog-alog ko siya.

“Ang OA mo naman sa hampas lupa, parang ’di ka naman sa private school nag-aaral, ah? Para kang tanga diyan.” Martha rolled her eyes.

“Pero, Bes, walang laban ang Academia de San Nicolas na pinapasukan ko sa Saint Francis Xavier, ginto na ang tuition do’n, kung alam mo lang!” ganti ko naman.

“Nahihiya akong bestfriend mo na sa Mataas na Paaralan ng Nueva Esperanza lang nag-aaral, atleast kayong dalawa naka-private. Ako, naka-private ba ’ko?” sarkastikong tanong naman ni Martha.

“Okay lang ’yon, maganda ka naman.” Pagbabaluktot ko sa kuwento.

“Bahala ka, iyo ’yan, ituloy mo kung gusto mo.” Hagikgik naman ni Martha sa ’kin.

“Baka nga mamaya eh alukin ako ng limang milyon ng mga magulang niya kapalit ang pag-iwan sa anak nila, nakakabigla lang... sa Saint Francis Xavier ba naman kasi nag-aaral!” mariin ko muling bulong.

Nakita ni Martha si Isaiah na papalapit na sa kinaroroonan namin kaya umarte na lang kaming parang kaswal na nag-uusap ni Martha sa harap ni Isaiah. Unti-unti nga ay lumapit siya sa ’min.

“He’s coming this way, act normal!” saad ni Martha.

Nahagip ng paningin kong hinubad na ni Isaiah ang coat niya at naka-long sleeves na lang siya ngayon, nakasuot siya ng face mask at nag-sign of the  cross muna siya bago pumasok sa loob. Nang makapasok na siya sa loob ay nakahinga na kami nang maluwag.

“Gusto mo talaga ’yong tao, hano?” tanong ni Martha. Lumingon muli ako sa kan’ya at tumango ako.

“Yeah, I like him, inaamin ko. ’Di na ’ko magsisimungaling, alam ko namang halatang-halata na sa mga ikinikilos ko.” Ngiti ko naman.

“I hope na siya na ang ibinigay sa ’kin ng Diyos na ipinalangin ko sa mga santos. I just hope, sana siya na nga.” I smiled once again.

Just suddenly, I felt Martha’s palm slapped against my arm. Tumatawa siyang nagsalita, habang dumadaing naman ako dahil sa lakas ng hampas niya sa braso ko.

“Aray ko, aray ko! Ikaw kung kailan ka na lang talaga!” Gumanti rin ako ng hampas.

“Tara na sa loob, baka hinahanap na tayo nila Kuya John.” Hinila ko na nga rin paloob sa basilica si Martha.

Pagpasok namin sa loob ay namataan namin ang mga sakristang nagpra-practice ng lakad nila para sa Sunday mass. Dumiretso kami ni Martha papunta sa Transept at namataan na nga naming mine-meeting ni Kuya John ang mga choir members.

“Ikaw kasi eh, ang dami mong chicka, tuloy nahuli tayo.” Bulong ni Martha sa ’kin, huminga na lang ako nang malalim at nakinig sa mga sinasabi ni Kuya John.

“So kaya ko kayo pinatawag lahat dito dahil magbabago tayo ng communion song, hindi raw kasi nagustuhan ng mga pari ’yong communion song natin no’ng nakaraang linggo kaya sinabi ni Father Thomas na baguhin daw natin.” Saad ni Kuya John.

“Ito lang naman pala, ’di po ba’t p’wede na lang sa Group Chat ito pag-usapan?” tanong naman ni Kuya David Sandoval—ang kasamang choir master ni Kuya John.

“Siyempre nagpra-practice na rin tayo ngayon at aayusin na natin ang rendition ng kanta para ’di kayo nangangapa sa mga susunod na araw.” Seryosong sagot naman ni Kuya John kay Kuya David.

“So, may suggestion ba kayo para sa communion song natin next week?” Walang sumagot sa tanong ni Kuya John kaya naghintay lang siya na may magtaas ng kamay.

Alongside this, it was so sudden that I felt like using the comfort room. Tumingin ako kay Martha at muli akong bumulong sa kan’ya.

“Bes, CR lang ako, update mo ’ko kung anong nangyari if ever na may madagdag sa usapan.” I whispered, tumango lang si Martha.

Tumayo na nga ako at pinaalam ko ang aking sarili upang magpunta sa banyo. Once I’m getting into the comfort room, I encountered Isaiah secretly snooping into our choir meeting as the wall before the Transept. Hindi naman siya nagulat na nakita ko siya.

“Oh, hello there.” I greeted him.

“Hi, how’s the meeting?” he asked. Umiling ako bilang tugon.

“Magbabago ng communion song kasi ayaw raw ng mga pari ’yong communion song last week, wala pa namang naisa-suggest na kapalit.” I replied, he smiled as he nodded.

“Ah, kung gano’n may suggestion ako.” Ngisi niya.

“Oh, sige ano ’yon para masabi ko kay Kuya David at Kuya John.” Ngiti ko naman.

“Hiram sa Diyos.” Isaiah stated.

Bahagya akong nagtaka, ’di ba pang-Ordinary Time ang Hiram sa Diyos? Bakit sina-suggest niyang patugtugin in the middle of Kuwaresma. Nagbibiro ba siya o sadyang ’di lang niya alam?

“’Di ba pang-Ordinary Time ’yon?” I clarified, nakangisi lang siya habang umiling sa tanong ko.

“Hindi ah, pang-Kuwaresma rin ’yon.” Tanggol niya.

“Bakit?” I asked seriously.

“Ano bang English ng hiram?” tanong at sagot niya.

“Borrowed?” kamot ko sa ulo ko.

“Or?” he followed.

“Or?” pag-uulit ko.

“Lent...” sagot naman niya.

Nanlaki ang mga mata ko at huminga muna ako nang malalim, pasimple akong ngumiti kay Isaiah.

“Ay oo, punta muna pala ako sa CR, naiihi na kasi ako kanina pa. Sige, sasabihin ko kay Kuya John ang suggestion mo.” Ngiti ko sabay karipad ng takbo papunta sa CR.

Pagkarating ko ro’n ay pumasok ako sa isang cubicle, doon ay inilabas ko lahat ng naipong tawa sa loob-loob ko sa corny na joke ni Isaiah. Halos maluha-luha ako katatawa.

Nang lumabas ako ng cubicle ay pinanatili kong normal ang mga kilos ko, but when I see Isaiah, naaalala ko lang ’yong joke niya na ’yon.

Dalawang araw din ang lumipas bago ako maka-recover sa banat niya, Ewan ko ba kung anong mero’n sa joke na ’yon at kapag iniisip ko’y talagang natatawa ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top