Chapter 10 - Via Crusis
Sabado de Gloria. Ito lang ang araw na magkakasama kaming pamilya g nag-attend ng misa sa basilica. Siyempre, hindi muna ako nag-serve as choir dahil gusto kong ma-feel ang misa nang kasama sila.
Nakita kong nag-serve si Isaiah, natural pa rin sa kan’ya ’yon. Nagkatinginan nga kami nang maglapit kami dahil tapat lang ng aisle ng basilica ang inuupuan namin. He smiled upon seeing me, he nodded at me and so am I to him.
Ang laman ng misa ay about sa pagpapakasakit Kristo at ang kan’yang pagkamatay at muling pagkabuhay. Nag-umpisa rin ngayon ang archbishop namin sa lalawigan dito sa basilica kaya espesyal ang araw na ’to para sa mga taong simbahang tulad ko.
Matapos ang misa ay nag-ipon kaming lahat dahil may prusisyon ngayon. Lumalahok kami para sa prusisyon bilang panata na rin namin tuwing Semana Santa. The said procession signifies the vigil of waiting for Easter.
Nang masindihan namin ang mga kandila namin ay kaagad na kaming pumuwesto sa linya. At dito ay nanalangin muna kami bago nag-umpisa ang prusisyon.
Makikita ang sari-saring mga images na itinutulak at hinihila ng mga deboto. Ito ay tinatawag na mga caro, each caro containing an image of Biblical characters that was present on Jesus Christ’s story of death and resurrection.
Napapalamutian ang mga caro ng sari-saring mga bulaklak at ilaw. Ang isa pang nagugustuhan ko sa mga caro ay ang mga santo mismo. The expression of sadness on their faces, the way they were clothed amazes me. Their whole appearance is endearing to see.
Nagsimula kaming maglakad, hawak ko ngayon ang rosaryo habang nagdadasal kaming mga nakiki-prusisyon ng rosaryo. Habang nagdadasal naman kami ay may kumakanta ng pasyon sa ibang himig, ang himig na ito ay sinadyang kantahin lamang para sa prusisyon.
“Pagkapako’t paghihirap...”
“Pagkapako’t paghihirap...”
“Pagkamatay na nahayag...”
“Ni Hesus...”
“Aba, Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Panginoon Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.” Saad ng nagle-lead ng rosaryo.
“Santa Maria, Ina ng Diyos. Ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kami’y mamamatay. Amen.” Tugon naman naming lahat sa dasal.
Hawak ko ang kandila, at tinitignan ko ito habang naglalakad ako. It was then I felt like someone tapped my shoulder. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Isaiah, nakangiti siya sa ’kin habang naglalakad din kasama namin sa prusisyon.
He’s wearing a black sutana topped with his white surplice. May nakasabit na camera sa leeg niya, I assume na siya ang nangunguha ng pictures ngayon. Is he fond of photography as well?
“What are you doing here? Aren’t you supposed to be with the others in front?” I asked to get some clarity.
“No, I’m in charge of the photos that the basilica would post on social media later. I’m here because I saw you, and I wanted to take a photo of you.” He smiled, the then aimed the camera at me.
I wasn’t ready so I looked away, but upon looking away, he snapped the camera and I noticed that it flashed. Nakangiti niyang ipinakita ang larawan ko sa ’kin habang naglalakad kami.
“Here, see this if it’s okay.” Ngiti niya, tinignan ko nga ang larawan ko at nagulat ako sa resulta.
“Great heavens! It was me wasn’t I? It looks like it wasn’t me!” bulalas ko.
Ang ganda ng larawan ko sa camera, the photo was focused on me. Ang background ko ay mga mumunting mga orange na bilog that I assume are candles. I’m looking away at the camera, looking at my front and the photo was taken on my side.
I’m holding my candle, and it shines as I hold it together with my rosary. My hair flutters as the gentle wind blows it, kumikinang ang mga mata ko dahil sa ilaw ng kandila. Dito ko masasabing ang ganda ng kuha sa ’kin. Parang hindi ako.
“Ipasa mo ’yan sa ’kin, ah! Ipro-profile ko sa social media!” bulalas ko. Ngumisi naman si Isaiah at tumango siya.
“Sige ba!” pagpayag niya.
“Well then, I’m gonna take some other photos. Bye for now!” I then saw him run, I lost sight of him when he dived on the sea of people.
I smiled, knowing that this warmth feeling in me is activated again. Pero bigla na lang naputol ang kilig sa pakiramdam ko nang makaramdam ako ng sakit. Natuluan pala ako ng candle wax!
“Aray ko, Susmaryosep!” mahina kong daing.
“Okay ka lang, Delliah?” I heard Mama.
Nanlaki ang mga mata ko, did they all saw the whole thing?! I mean, hindi lang sa pagkapaso ko sa candle wax kung ’di ’yong kanina pa?! Baka may sabihin na naman sila!
“I smell something fishy within you and that sacristan. Tell me the truth, siya ’yong nagyaya sa ’yong manood ng Senaculo kahapon, ano?” sabad na tanong ni Kuya Poncious.
“I told you, it was Martha!” reklamo ko pa.
“Na sa prusisyon tayo, care to lie or not?” ngisi pa niya. Iginulong ko naman ang mga mata ko at nagdasal na lang ako ng rosaryo.
“Aba po, Santa Mariang hari, ina ng awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan. Aba, pinapanaligan ka namin. Ikaw nga po ang tinatawag naming pinagpanaw na taong anak ni Eva...” dasal ko.
Lumayo ako sa pamilya ko dahil naiirita ako kay Kuya, palagi na lang kasi akong pinipikon. Although he was right, ayaw ko pa rin namang sabihin niya sa mga kapamilya ko sng taong nagugustuhan ko—at ipagsigawan niya sa mga tao ngayon dito sa prusisyon.
Hindi nga nagtagal ay narating namin ang huling istasyon ng prusisyon, nagsiluhod kami at nagdasal ng sampung Aba, Ginoong Maria bago kami magpatuloy sa pagbalik sa basilica na hindi na kalayuan ang distansiya.
“Sa wakas, sa haba-haba ng prusisyon, sa simbahan pa rin talaga ang tuloy.” I heard a familiar voice.
It was Isaiah, he’s standing by my side. Nakangisi siya ngayon habang chine-check ang mga larawang nakuhanan niya sa prusisyon.
Napangiti na lang ako at napatingin ako sa kandila habang hawak ko ang rosaryo, I quietly made a wish unto it. I know it seemed random, surely it was. Basta na lang akong humiling sa kandila, intention ito para kay Mama Mary, since kanina pa ’ko nagdadasal ng rosaryo.
I wished na sana ay may kahinatnan din ang prusisyon ng aking tadhana, na sana ay humantong na ito kay Isaiah at ang kalabasan nito ay sa simbahan na rin. Yeah, I must muster the courage to confess my feelings, because people tend to come and go.
Hindi nga nagtagal ay narating namin ang harapan ng basilica, matapos ang prusisyon ay sisinulan naman ang Easter Vigil para sa Linggo ng Pagkabuhay bukas. Napangiti ako nang makita ang basilica.
It gives off a different vibe this time. Seeing the people holding a lit candle, it gives off a vibe that I couldn’t really understood myself. Hindi ko maipaliwanag ang vibe na ’yon, the word I could only think of is the word; nostalgic.
The whole place suddenly hit me with nostalgia, and a feeling resides in me when I heard Isaiah talk. It seems like my world is about to change from black and white to colored. Hindi ko rin alam, hindi ko magawang ipaliwanag ang naramdaman ko.
“Delliah, hipan mo na ’yang kandila mo, nandito na tayo.” Napalingon ako kay Isaiah, kaagad ko nga ring hinipan ang kandilang dala ko.
“Salamat, I nearly forgot I was holding a candle with me.” I joked, he laughed lightly.
Saglit ko pa siyang pinagmasdan, at nang maisip ko nga ay tumama na sa ’kin ang isang reyalisasyon. I took a deep breath and smiled, I mustered the courage to say it.
“Isaiah, I think I like you—” but before I could even finish the sentence, I heard the bells of the basilica.
Dumagundong ito, nanlaki ang mga mata ko at natauhan ako, nakita ko naman si Isaiah na parang nagulat din. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa ’kin kanina o nagulat lang din siya sa kampana.
“Misa na para sa vigil, Delliah, aren’t you coming?” he asked me.
“Hindi na... I need to go home with my family. Bukas na lang kami magsisimba sa Easter Sunday. Magse-serve rin ako bukas kaya ’di ako p’wedeng magpuyat.” Simpleng ngiti ko na lang.
“Ah, ako kasi may serve pa, eh. Bukas din, kaya paguran talaga.” Mapait siyang ngumiti, nakikita ko ang pagod sa mga mata niya.
“By the way, what was that you’re saying earlier? I was checking the photos so I didn’t catch you there?” he asked me. Saka ko na lang din naalalang nag-confess nga pala ako.
“Ah, wala... it was about the procession earlier. Natuluan ng candle wax ’yong kamay ko. ’Yon ang gusto kong sabihin.” Palusot ko na lang.
Mas masakit pa sa tulo ng candle wax ang nararanasan ko ngayon, he didn’t hear me, or somehow catch what I was saying because he was checking the photos he took.
Bakit gano’n na lang kaya? Pinapakilig ako then... bigla akong maga-gan’to? Tutol ba ang langit ngayon? Bakit kung kailang may lakas pa ’ko ng loob umamin eh ’di naman niya narinig ngayon?
I don’t have the courage to repeat my confession, so it’s just a wasted opportunity. It made me sad, parang sinaksak ako sa puso sa sakit.
“Just joking, I like you, too. Bakit ako ’di papakalapit sa ’yo kung ’di kita gusto? I liked you since the day I met you here in this mere basilica, and I’m glad that you feel the same. Naunahan mo lang akong umamin.” Ngisi niya na may pagkamot pa sa ulo niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Isaiah, napahawak ako sa dibdib ko at napansin kong mabilis ang pagtibok ng puso ko. I’m glad that he reciprocated what I feel towards him, and I’m glad that he likes me back!
“Gusto kitang ligawan, pero nahiya akong tanungin sa ’yo noon. At nang mag-start tayong paglapitin ng—I don’t know... pagkakataon, ng Diyos, basta. I fell for you more and more, but I didn’t have the courage to say it.” Ngiti pa niya.
Minsan pa ay narinig ko muling tumunog ang kampana, napatingin si Isaiah sa krus sa itaas ng bell tower at ngumiti siyang muli.
“Sa harap ng Diyos, I ask permission for me to court you.” He looked back at me, he held both my hands.
“You don’t need my permission, kasi kaagad... sinasagot na kita, tayo na.” It was then, my heart exploded when I accepted him to be my... boyfriend.
“Sa bawat pagtawag ko Sa ’Yo...”
“Sa bawat hakbang mong palayo...”
“Nananangis ’tong yaring puso...”
“Hangad pa rin ang piling mo...”
Bigla na lang umalingawngaw sa trompa ng basilica ang isang awaiting inaawit ng choir ngayon, it was like it was meant to show us how I mustered to be in this way. Sinabayan din ang kanta ng pagbugso ng malamig na hangin mula sa hilaga.
Sa bawat pagtawag ko sa Diyos noon para bigyan ako ng love life, siyang tanggi ang nararamdaman ko. But I did not give up, even though I cried and become desperate, he still did gave me a young man that did marked an impact to my soul... at hangad ko ngayon ay makapiling ang lalaking ito—si Isaiah Monte Cristo.
The more I became closer to Isaiah, the more I fell. He made my heart race literally every he’s around, he made me feel a certain feeling. And I did fell for him for not just being good-looking, but I admired how he treated me when he’s with me.
“Yes! Salamat, salamat!” he exclaimed. It was then, he held my hands tighter.
“I promise, I promise na hindi kita binigyan ng rason na ikakalungkot mo. I promise... hindi kita sasaktan.” Ngiti pa niya, napangiti nalang din ako sa kan’ya at tumango ako.
“I hope that you fulfill your promise.” I replied with a smile.
Minsan pa ay tumunog muli ang kampana, at ito na nga ang huling tunog bago ang misa. Napatingin kaming parehas ni Isaiah sa bell tower ng simbahan. Napatingin ako kay Isaiah at muli akong ngumiti.
“Serve the Lord as thanks for this blessing, and I shall serve Him tomorrow. Sige na, mag-serve ka na bago ka pa mapagalitan ng sakristan mayor niyo.” Ngisi ko, napahagikgik naman siya at tumango.
“Sige, mauna na ’ko.” Tango niya sa ’kin.
“Later, Delliah.” Saad niya bago tuluyang tumakbo patungo sa loob ng basilica.
“Ingat ka ha!” He shouted before entering.
I lost sight of him in the sea of people entering the basilica, I smiled upon knowing that Isaiah and I are now dating. And so, I thank God for that.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top