Chapter 14

Chapter 14


"We're near the Palace, please everyone, be ready." anunsyo ng aming Commanding Chief.

Lulan kami ngayon ng Military truck pabalik sa Main Headquarters ng mga Silver Knights. Lahat kami ay hindi inaasahan ang pangyayaring ito. Wala ni isa sa amin ang may alam na aabot sa ganitong sitwasyon. Wala kaming ideya na darating na lamang ng biglaan ang aming boss at ang masaklap pa roon, si Cameron ang nagdala sa kanya rito.

Walang nagsasalita sa amin, tahimik at hindi mapalagay. Bubuo pa lamang kami ng desisyon kung anong gagawin namin kay Moira pero dahil pinangunahan na kami ni Cameron ay naapektuhan din kami sa ginawa niyang pagdedesisyon sa sariling kapakanan. Ang narinig na lamang namin ay kagabi pa ipinalaam ni Cameron sa aming Commanding Chief na hawak na namin si Moira. Hindi niya iyon sinabi sa amin dahil gusto niyang sarilihin ang kung ano mang habol niya rito.

Tikom ang bibig ni Brody. Ayaw niyang magbigay ng komento. Gano'n din naman sina Duncan at Ryle na piniling manahimik kaysa ibahagi ang kanilang saloobin. At para sa akin, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nagawa iyon ni Cameron sa amin?

It was like betrayal. Iyon na mismo iyon. Ginawa niya kaming tanga na isipin pang magbubuo kami ng desisyon pero pinangunahan na pala niya kami. Kung hindi pa pala dumating ang aming boss at pinagpalipas pa namin ng ilang oras o araw ang pagdidiskusyon, masasayang lang din pala ang oras namin dahil walang kwenta rin ang aming magiging resolusyon.

Ang grupo na lang din namin ang huling babalik sa Headquarters at ang lahat ng Silver Knights ay inaabangan na ang pagbalik namin. Matapos ipaalam ni Cameron kagabi sa aming pinuno ang kanyang anunsyo ay mabilis ding ipinagpaalam nito sa iba pang Silver Knights ang mabilisang pagbabalik ni sa HQ. For everyone, it is a good thing dahil hindi na kailangan pang magpaka-pagod sa paghahanap sa wala at hindi na magkaroon pa ng risks sa ibang mga grupo.

Siguro masaya sila ngayon para sa magiging rewards namin pero naka-akibat pa rin ang panghihinayang sa kanila. Pero para sa akin, biglang nawala ang simbolong hinahanap ko sa misyong ito. It wasn't an honor for me anymore. Oo, gusto kong ibalik si Moira sa mga magulang niya at matapos na ang paghahanap sa kanya pero hindi sa ganitong paraan. Maidaraan ito sa bagay na napagkakasunduan ng lahat, hindi sa paraang may pandaraya.

At sa tingin ko para kay Moira, she felt what happened was to much for her. Pero hindi ko rin naman masisisi ang lahat kung bakit umabot pa sa ganitong sitwasyon. Kung hindi siya umalis at nagtago, hindi sasailalim ang mga Silver Knights sa ganitong misyon. At kung dumaan man siya sa maayos na sitwasyon kung saan ipinagpaalam niya ang kanyang gagawin, siguro maiintindihan pa rin siya ng kanyang mga magulang.

If she doesn't want to take the responsibility of their family business, pwede naman niyang tanggihan iyon at humanap siya ng ibang bagay na pagkakaabalahan niya na mayroon siyang interes. May mali si Moira roon at alam kong naiintindihan niya rin ang nangyari.

Pero hindi ko pa rin mapapalagpas ang pagkakataong idinaan ni Cameron sa sikreto ang lahat at ginulat na lang kami sa ganitong sitwasyon. Tahimik din siya sa kanyang kinauupuan. Hindi ko sigurado kung proud ba siya sa ginawa niya o hindi. Pero mukhang kampante naman siya sa nangyari. Taas noo niyang hinarap e. Bahala na kung anong mangyayari pagbalik namin sa HQ.

Gaya ng anunsyo ng aming Commanding Chief, nakarating na rin agad kami sa HQ kung saan pagkababa namin ng Military truck ay sinalubong kami ng ibang mga SIlver Knights. Pinalakpakan at mga hiyaw ang nangingibabaw. Ngiti at pagsaludo na lamang ang ibinigay namin sa kanila. Bagamat pansin ng karamihan na iritado si Moira at hindi nagpapahawak ay hinayaan na lamang.

"Magpapaliwanag ako," ani Cameron sa amin habang naglalakad kami kasunod ng aming pinuno. "Ipapaliwanag ko kung bakit ko nagawa 'yon."

Walang sumagot. Tumango na lamang kami sa kanya hangga't nawala na sa paningin namin si Moira. Nalaman naming idinala na pala ng aming Commanding Chief si Moira sa kanyang magulang habang tumungo naman kami sa Cabin kung saan nagtipon-tipon ang mga SIlver Knights at doon nagsimula ang pagtanggap nila sa amin bilang nagwagi sa paghahanap kay Moira.

Does it really look like a game? Kasi kung gano'n? Ano pang silbi ng pagiging Silver Knight namin kung parati na lamang kaming hahabol sa rewards? Nananalig pa rin naman akong may importansyang nadudulot ang paglilingkod namin. Pero kung iyon ang tingin ng iba sa kanilang trabaho at serbisyon, wala ako karapatan para pagsabihan sila kung anong dapat gawin. They know what to do so they decide for themselves.

Kung sa tingin nila ay nakakabuti, masaya ako para sa kanila. Dahil hindi naman lahat ng tao ay pare-pareho ng istilo o pag-iiisip. Naiiba talaga ang pag-uugali ng mga tao kapag may mga bagay na hindi na pagkakasunduan. Gaya na lamang nang nangyari kay Moira. Kung ano man ang ipapaliwanag niya sa amin, handa kaming makinig at intindihan siya pero sa pagkakataong ito, mukhang mag-iiba na ang tingin ko sa kanya.

Ang mga Silver Knights ay tuwang-tuwa naman para sa amin, nagbukas pa sila ng bote ng mga alak para sa mumunting selebrasyon. Ang sabi ng iba ay deserve namin 'to o naming lahat. Para sa akin ay deserve naming lahat na magsaya matapos ang misyong ito. Kahit pa iyong mga grupong napauwi ay hindi naman naiiba. Ginawa pa rin naman nila ang trabaho nila/

Ginawa naming lahat ang trabaho pero sa huli may isa talagang mangingibabaw at sa pagkakataong ito, na kay Cameron ang buong atensyon.

Ako ang nakahanap sa kanya pero napunta sa kanya ang titulo. Ano nga bang ginawa kong mali? Mas inisip ko ang kalagayan ni Moira imbis na ipahamak siya pero isang pagkakamali nga ba ang ginawa ko at hindi ko kaagad sinunod ang dapat kong gawin? Dapat ko bang pagsisihan ang mga ito? 

I only want the honor pero sa tingin ko ngayon, nawalan na iyon ng silbi. Wala akong pakialam sa reward. Anuman man maging resolusyon nila ay lubos kong tatanggapin. May pagsisisi man o wala, ginawa ko pa rin naman ang trabaho ko. Iyon ang nararapat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top