Flame 9 - Unexpected Savior
Flame 9 - Unexpected Savior
Nagising si Krauser na mabigat ang pakiramdam at malabo ang paningin. Sinubukan niyang makatayo pero tila mas lalo siyang nahihilo dahil naikot ang kanyang paningin. Bumibilis din ang tibok ng puso niya at pinagpapawisan.
Doon niya din naramdaman ang pangangatog ng tuhod at hirap na paghinga. Mabigat ang pakiramdam ng mga mata niya at tila wala na siyang lakas kahit pa kumurap man lang.
"Ah shit. This always happens after every panther pack party!" napasapo siya sa noo at iika-ikang gumapang pabalik sa kama. Nanginginig niyang kinuha ang kumot at binalot ang sarili.
Napapapikit siya sa sakit ng ulo niya. Hindi iyon dahil sa hangover. Kung normal kang tao, siguro nga iyon ang posibleng sanhi ng nararamdaman ng binata matapos ang party. Pero hindi normal si Krauser Vaughaun tulad ng inaakala ng lahat. Sa dami ng tao kagabi sa Eccles Pub, nagkakaroon siya ng kakaibang klase ng migraine attack na resulta ng pagiging exposed niya sa isang closed space na madaming tao.
Bukod sa kanyang bagong butler, kahinaan niya din iyon. At hindi niya ito maiwasan sa tuwing iniimbitahan siya ng panther leader. Hindi siya makatanggi sa imbitasyon ng kagalang-galang na leader ng panther pack kaya tinitiis niya ito kinaumagahan.
"Good morning, pasaway kong Master. Late ka na naman!" masiglang bati ni Katherine ng makapasok siya ng kwarto. Hinawi niya ang kurtina upang pumasok ang liwanag.
Imbes na sumagot, Krauser covered himself with his comforter and turned to face the other side.
"Ay nako. Nag-iinarte pa ang mokong na toh? Matapos mong magparty ganyan ka ngayon? Hindi yan uubra saken. Ginusto mong magparty eh!" sermon ng butler niya. Nang makita niyang hindi natinag ang binata, lumapit ito sa kama. "Hoy tamad ka talaga, Vaughaun!" nakaramdam ng sipa si Krauser sa likod niya at napabangon siya agad.
"Did you just kicked me?!" hindi makapaniwalang tanong niya sa dalaga.
"Oo. Bakit? Problema mo?" sabay halukipkip ng dalaga.
"You—"
"Late ka na! 'Wag ka ng mag-inarte dyan. Hindi na bebenta saken yan!"
Nagngitngit ang mga ngipin ni Krauser dahil sa inis. Ang babaeng ito lang talaga ang may lakas ng loob na pagsalitaan at sipain siya ng ganyan sa buong buhay niya. Ang lakas ng loob!
"Tss. Fine," padabog siyang tumayo at dumiretcho sa banyo. Kahit pa nahihilo siya at masakit ang ulo, pinilit niyang maligo at magbihis. Hindi niya kinalimutang dalhin ang headphones niya dahil sigurado siyang magiging masaklap ang araw niya dahil sa migraine attack niya.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Katherine sa Master niya ng makasakay ito ng kotse. "You look weird. Ang pangit mo ngayon." Aabutin na sana niya ang noo ng binata pero umiwas ito.
Tinignan niya ng masama ang dalaga. "Shut up and don't touch me," pinaandar na agad ng driver ang kotse.
Hindi maialis ni Katherine ang tingin sa kanyang Master dahil tila namumutla ito. Hindi ganoong kapula ang mga labi niya at tila lubog ang mga mata niya. She sighed and shook her head. She needs to stop worrying about him like he's a kid. Matanda na siya. He can handle himself.
Nang marating nila ang Larkworth, agad umalis ang binata sa kotse. Hinabol siya agad ni Katherine pero hindi siya nililingon ng Master niya dahil sa headphones na suot nito.
"Grabe!" she exclaimed ng tumigil siya sa pagtakbo. Hindi na niya ito inabutan. Napahawak nalang siya sa noo niya.
"T-Tabi!!!" napalingon agad si Katherine ng may isang lalaki na papalapit sa kanya at tila nagmamadali.
Hindi na nagawang umiwas ni Katherine at parehas silang natumba sa sahig. Nakita naman ni Katherine ang salamin ng lalaki na nahulog. Aabutin na sana niya ito pero may pares ng paa na umapak doon at tuluyang sinira ang salamin.
"Oh look. Talagang nagiging dependent ka na sa knight in shining skirt mo ah? Talagang hinanap mo pa siya?" nakangising sabi ni Opium sa dalawa habang ang paa niya ay nakatapak pa rin sa durog na salamin ng lalaki.
Katherine gritted her teeth dahil hindi pa rin tumitigil ang binatang Scatterella sa pamimirwisyo sa kawawang lalaki. Siya din iyong parehong lalaki na niligtas niya noon.
"What the hell? I thought we made a deal?!" inis na sigaw ng dalaga sa kanya.
He smirked and black veins showed in his face kasabay ang pag itim ng kanyang mata. Lumabas din ang mga pangil niya. Napaatras ang iba dahil sa nakakatakot na itsura ni Opium.
"This was not part of the deal, Katherine. Iba ang napag-usapan natin. Remember?" he hissed.
"B-But—"
"See? Now stop protecting that kid and fuc k off," he growled pero hindi natinag si Katherine.
"Okay. Let's have another deal then. Para lang layuan mo siya."
Namangha ang ibang tao sa pagiging kalmado ng dalaga sa harap ng halimaw na Scatterella. Sinulyapan niya ang binatang nakaupo sa sahig na nanginginig sa takot. Kailangan may gawin siya para itigil na ng lalaking ito ang pambubully sa kanya.
"Deal? Ayoko. Ludwig has always been my toy. Hindi mo na mababago ang kapalaran niya. Siya ang laruan ko at hindi mo siya maililigtas."
She clenched her fist. "No. You'll stop this, Opium. Hindi ako papayag na saktan mo ulit siya!"
Huminga ng malalim si Opium bago ito bumalik sa normal niyang anyo. Pero halata pa rin sa mukha niya ang pagkapikon sa pangingielam ng dalaga.
"Well fu ck this!" sigaw niya tsaka umalis. Agad nahawi ang daan at nagsialisan ang mga tao sa hallway.
Naririnig ni Katherine ang bulong-bulungan ng mga ibang estudyante at hindi niya maiwasang mapapikit at sisihin ng palihim ang sarili sa pagiging pakielamera. Nasabihan na siya noon ng Master niya tungkol dito pero hindi siya nakinig. Hindi niya mapigilan ang sarili niyang hindi makielam.
Napansin naman niya ang lalaking nakaupo sa sahig at agad itong inalalayan. "Ayos ka lang ba?" tanong niya.
"O-Oo. Salamat. P-Pero sana hinayaan mo nalang si Opium. B-Baka ikaw pa ang saktan nun!"
She smiled. "Hindi mangyayari yun," she confidently said. "Gusto mo ba dalhin kita sa infirmary?!"
Umiling ang lalaki at ngumiti. "No need. S-Salamat.” Gusto man tumulong ng dalaga pero mag-isang inakay ng lalaki ang sarili niya palayo.
Papunta na sana si Katherine sa klase niya ng harangan siya ni Opium. He pinned her to a wall using his speed and glared at her intently.
"Why do you have to interfere?" he spat.
"Why do you have to do that to him? May nagawa ba siya sayo?"
"Wala!"
"Oh yun naman pala eh! Stop pestering his life! Stop bullying the weak, Opium!"
"Hindi mo kasi naiintindihan. I am the King here. Everyone here knows that! I can bully who I want, whenever I want! And then you came and interfere and—"
"Listen Opium, you don't need to do this. You are the next heir of the strongest coven in this city. You don't need to prove anything!"
Opium calmed down and stepped backwards. "I need to appear strong. I need to rule out everywhere, because I'm a Scatterella. Always remember that, Katherine." He walked away leaving Katherine alone, leaning on the wall.
Natapos ang isa na namang araw na bored ang dalaga sa mga klase niya. Wala naman siyang maintindihan. She doesn't need to study either dahil she's just attending school to watch over her Master.
'Speaking of the prick, where is he?' she checked her phone only to find no messages. Naalala niya ang kalagayan ng Master niya kaninang umaga.
Habang naglalakad, may kakaiba siyang naramdaman. Tumaas ang kilay niya at naglakad nalang pababa sa building ng may kung anong humila sa kanya at agad tinakpan ang mukha niya. Manlalaban pa sana si Katherine pero may kemikal siyang naaamoy dahilan para mahilo siya at unti-unting mawalan ng malay.
Nagising si Katherine ng maramdaman niya ang kirot ng kanyang braso. Naalimpungatan siya ng maalala niya ang huling mga pangyayari. She found herself tied up inside a room. Alam niyang nasa school pa din siya pero hindi niya alam ang eksaktong lugar.
"What the—"
Lumabas ang dalawang lalaki na nakauniform din ng Larkworth. Hindi siya pamilyar sa dalawang lalaki. Ang isang lalaki ang lumapit at ngumisi sa kanya.
"Hindi mo dapat pagsalitaan ng ganoon si Opium Scatterella. Tignan mo tuloy ang napala mo."
'Si Opium? Pero...'
Kumunot ang noo ni Katherine dahil sa naisip niya. Hindi niya matanggap na gagantihan siya ng bampira. Pilit na itinatanggi ng dalaga ang iniisip niya.
"S-Siya ba ang nag-utos nito?" tanong niya sa dalawa.
"Oo. You should learn not to mess with him. Kalabanin mo na ang lahat 'wag lang siya. You got that?" the second guy said and pulled her hair saka siya sinampal.
Agad nakaramdam ng hapdi ang dalaga. Wala siyang magawa kundi ang gantihan lang sila sa tingin.
"Lousy pricks! Why tie me up then? Kung gusto ninyong gumanti, why do you have to tie me up here? Are you scared na baka matalo ko kayong dalawa?" she smirked.
Isang sampal ang ginanti ng isang lalaki. "Shut up b itch! Gagawin namin ang gusto namin!" umalis ang isa at pumunta sa gilid. Kinuha niya ang dalawang steel bat na nakasandal sa pader. Binigay niya ang isa sa lalaking nakatayo sa harap ko.
"After this, sana matuto kang rumespeto kay Opium Scatterella." binuhat niya ang bat at ipinatong iyon sa balikat niya.
"Tama. Now don't move and—"
Nabigla ang dalawang lalaki ng bumukas ang pinto at pumasok si Krauser Vaughaun. Malamig ang mga titig nito sa kanila dahilan para manginig sila sa takot at agad tinutok ang hawak nilang bat sa binata.
"K-Krauser V-V-Vaughaun??!"
"A-Anong ginagawa mo dito???!" nauutal na tanong ng lalaki.
Nakapamulsang tinitigan ni Krauser ang dalawa na agad ding sumugod para paluin siya ng steel bat. Tatayo pa sana si Katherine pero nanghihina din siya dahil sa pampatulog na pinaamoy sa kanya.
Agad nasalag ni Krauser ang bat ng isang lalaki at sinuntok niya iyon. Umiwas naman siya sa isa pang bat bago sinipa ang isa pang lalaki. Tumayo muli ang dalawa pero yun ay para tumakbo papalabas ng kwarto.
Ramdam ni Krauser Vaughaun ang unti unting panghihina. Pinilit nalang niyang hanapin ang butler na kanina niya pa inaantay sa entrance. At naabutan niya iyon na nandito sa kwarto, nakatali at muntikan pang mabugbog ng mga lalaki.
"K-Krauser—" hindi niya pinansin ang butler at agad kinalagan ang tali sa mga paa at kamay nito.
Habang tinatanggal ni Krauser ang pagkakabuhol ng tali sa paa ni Katherine, napansin ng dalaga ang pamumutla ni Krauser. Sa palagay niya ay mas lalong lumala ang itsura nito ngayon.
"Krauser, are you okay? You look—"
"Let's just go home, please.” His eyes were pleading.
Tatayo na sana si Krauser ng bigla siyang mahilo. Sa pagpikit niya naramdaman niya ang biglang pagbagal ng oras. Kasunod iyon ng isang pagbuhos ng putol-putol na alaala. Nanghina lalo si Krauser at parang mas lalong sumakit ang ulo niya.
"Ugh!"
Napahawak siya sa ulo niya at parang hindi na niya makaya ang biglang pagbaha ng kakaibang pangitain sa kanyang isip. Isang sanga-sanga ng alaala na hindi niya malaman kung kanino. May kung sinong tao ang may-ari ng nakakapangilabot na mga alaala na mas lalong nagpapahina sa binatang Vaughaun.
"Krauser? Krauser!!!" nang marinig niya ang boses ng butler biglang tumigil ang pagsakit ng ulo. Naramdaman niya ang banayad na paghagod ng kamay niya sa kanyang likod.
Doon niya lang namalayan na yakap siya ng dalaga. Unti-unting naging kalmado ang lahat. Nalimutan niya na pupwedeng mawala ang abilidad niya basta hawak niya ang dalaga.
Wala sa sarili niyang niyakap ng mahigpit si Katherine. He nuzzled through her hair. Kumalma ang buo niyang sistema at napapikit siya dahil sa mabangong amoy ng buhok niya.
"Krauser, are you okay? Hindi na kasi ako makahinga—"
"5 minutes. Just 5 more minutes. Please hold still," bulong niya sa dalaga habang nakayakap siya sa bewang nito.
Naguguluhan man, nanatili siyang ganoon gaya ng sabi ng kanyang Master.
Nagising si Krauser na nasa sarili na niyang kwarto. Napabangon siya at nakita niyang nasa study table niya si Katherine. Nakasubsob ang ulo at tulog.
Tatayo na sana siya ng magising ang dalaga at agad siyang pinigilan. "A-Anong kailangan mo? Ako na ang kukuha! Magpahinga ka nalang!" sabi niya.
"Magc-CR ako. Kaya mong kunin yun?" mataray na sagot ng Master niya bago tuluyang tumayo. Inalalayan siya ni Katherine hanggang makarating siya doon.
Sumandal si Katherine sa pinto ng banyo at nagbuntong hininga. "S-Salamat sa— salamat sa pagligtas mo saken kanina, Krauser."
Nanatili doon sa loob si Krauser. Narinig niya ang sinabi ni Katherine and washed his face.
"Nakakahiya. Ako yung butler pero ako pa yung niligtas ng Master ko. At hindi ko man lang napansin na masama ang pakiramdam mo. Napilitan ka tuloy na pumasok sa school. I sincerely apologize, Master Krauser."
He dried his face with a towel and opened the door only to catch Katherine.
"Ahhh!" sigaw ng dalaga. Nakasandal pa rin kasi si Katherine sa pinto ng buksan niya iyon. "S-Sorry!!!" namumula niyang sabi sa Master niya. Nakakahiya na talaga siya.
"Okay lang. Wala naman akong magagawa kung malapit ka sa gulo," maingat siyang tinayo ng Master niya.
She pouted and followed her Master back to his bed. "Hindi naman ako malapit sa gulo. Talagang gusto ko lang tulungan yung tao.”
"Siya ba ang Master mo? Hindi ba ako?" naiiritang sagot ni Krauser sa butler niya.
"Kahit sino tutulungan ko," katwiran ng dalaga.
"So kahit sino Master mo? Is that what you're saying?" tumaas ang kilay ni Krauser at umirap.
"It's not like that! Siguro nga tama ka. Muntik ka pa tuloy mapahamak ng dahil saken," napatungo si Katherine.
"Who are those guys? Inaway mo din ba sila?" Krauser asked after lying down on his bed.
"H-Hindi. Ang sabi nila, inutusan daw sila ni Opium Scatterella," sagot niya. Napamulat naman ang noo'y nakapikit na si Krauser.
"What? Inutusan sila ni Opium?"
Katherine nodded. "Hindi ako naniniwala sa kanila. Even though the guy's an airhead, alam kong hindi niya magagawa yun."
Nanliit ang mga mata ni Krauser habang nakatingin sa butler niya. "Mukhang kilalang-kilala mo na si Opium in just a short period of time," he said and grinned pero kapansin-pansin ang tila pagsasalubong ng kilay niya na parang naaasar din ito sa sinabi niya.
"Will you cut that out?! Hindi ko siya kilala. Hindi kami close. Basta feeling ko hindi niya yun gagawin."
"Why are you so defensive?" he chuckled at pumikit na ulit.
"Shut your mouth, Vaughaun. Go to sleep and rest." Inayos ni Katherine ang comforter niya. Papalabas palang siya ng kwarto ng marinig niya ang Master niya.
"I'm sorry for going out last night without your consent." He said without opening his eyes.
Katherine smiled unknowingly. "You're forgiven, Master Krauser. Sleep tight," she gently closed the door.
Pababa na siya sa kitchen ng makasalubong niya si Lord Marshall. Agad nagbigay galang ang dalaga dito. "Welcome home, Lord Marshall," bati nito.
"Thank you. By the way, is Krauser feeling well?"
Nagulat naman si Katherine sa sinabi ng kanyang amo. "O-Opo," but she still managed to answer.
"Nakatanggap ako ng report na galing kayo kagabi sa Eccles Pub. Kapag galing siya sa party ng mga panther, sadyang nanghihina siya. Napansin mo ba iyon?" tanong niya sa dalaga.
"Ah opo. Hangover siguro!" pagsisinungaling niya. Ngayon niya lang napagtanto kung bakit ganoon ang Master niya. Dahil iyon sa pagiging exposed niya sa maraming tao. Kahit ang ama ng kanyang Master ay napapansin ang kahinaan niyang iyon.
"Well, hindi mo rin siguro maiwasan na tumakas ang lalaking iyon. Pero mas panatag ang loob ko sa tuwing kasama mo siya, hija."
"Sorry po kung minsan nakakatakas po siya—"
"It's all fine, as long as you keep him safe and unharmed."
Katherine smiled. "Lord Marshall, can I ask you why are you doing this to your son? Hindi naman siya ganun ka-espesyal tulad ng ibang nilalang dito sa New Wellington. Kahit pa kamuhian ka niya dahil sa pagiging mahigpit mo sa kanya?"
Lord Marshall just chuckled and pat her head. "He's my son. That's what makes him special. Hindi ko alam pero, there's this urge to protect him. He's a normal boy but for me he's special."
"Krauser is lucky to have you, Lord Marshall."
"I am lucky to have him as well. And I will do everything to protect him."
Napaisip tuloy ang dalaga dahil dito. Kung alam lang ng kanyang Master kung gaano siya kahalaga sa kanyang Ama, hindi siguro ganito kalamig ang aura sa napakalaking bahay na ito.
"Dapat malaman ni Krauser kung gaano siya ka-espesyal."
Umiling ang matandang Vaughaun. "Malalaman niya rin iyon sa tamang panahon."
Papasok palang sa kwarto niya si Opium ng may maghagis ng matigas na bagay sa likod niya. Lumingon siya at nakita niya si Olivia na namumula ang mga mata sa galit. Tinignan niya ang bag ng kapatid na ginamit niya na pambato sa kanya.
"Why are you suddenly throwing your bag at me, huh?" walang gana niyang tanong. Hindi niya maintindihan ang kapatid niya. Magkasabay naman sila ni Olivia na umuwi tapos biglang galit na siya.
"Why is that girl always talking to you?? Why does she have all this guts to talk back?! And what deal?!" she yelled.
"Huh?"
"ARGH! I want to kill you so much!!!" she hissed bago naglakad at padabog na sinarado ang pinto.
"Hey you forgot your bag— ugh. Nevermind," he rolled his eyes and was about to enter his own room when Oraion showed up.
"Hello Kuya!" the youngest Scatterella greeted his brother.
"Get the f uck off, dwarf. Wala ako sa mood."
"I heard you and Ate Via fighting. Anong nangyari?"
"Hah. You don't have to know, kid."
Oraion pouted and grabbed the hem of his shirt. "You need to tell me, I want to help you!"
"You can help by shutting the fu ck up, Oraion."
"But I am old enough to help you. I’m old enough to know all the things! I can understand them! I am also a Scatterella!" he demanded using his tiny voice that echoed in the hallway.
Opium chuckled and smiled slyly. "Yeah. You’re right. You are a Scatterella indeed. A worthless one."
Oraion glared at his older brother. Hindi na talaga nagbago ang pakikitungo sa kanya ng nakakatandang kapatid. Lagi nalang siyang minamaliit.
"I am not worthless! Tsaka pwede ba, stop making Ate Via upset all the time! Lagi mo nalang siyang inaaway! Akala ko ba mahal mo siya?!"
Inis na umupo si Opium para lang makapantay sa bunso niyang kapatid. "Listen kid, I don't know why she's mad at me. And I am trying everyday to not make her upset. Mahal na mahal ko siya so stop questioning me about this dahil wala kang alam,” duro niya sa kapatid.
"If you’re really doing everything then why is she mad at you right now?!”
"What do you know about this? Wait— ano bang alam mo aside from being a brat bag in this family? You’re just a weenie with a nanny. Wala kang alam, Oraion. So shut up."
He angrily went inside his room and pulled his hair because of so many frustrations. He tried to calm down but he kept on thinking what that twerp just said. The kid gets in his head every time. It's insane! Agad din siyang lumabas bitbit ang bag ng kapatid at dumiretcho sa pinto ni Olivia.
He breathes in first before knocking the door. "Look. Olivia. I know you're listening. If this is about Katherine Lovell, well fine, I had a deal with her. She's a Silver Flame and she told me about the Cronus bullcrap and she wants me to find the Oracle because she foresees that the Coven is in danger. Now please talk to me and let's fix this out," he begged.
After a few minutes, Opium heard the doorknob being turned. Olivia showed her face but the door is just partly opened. Opium hands over her bag.
"You don't have to explain everything," she said.
"But I have to. Are you still mad at me?"
Umiling si Olivia. Opium grinned and scratched his head.
"So uhh— good night?"
"Good night," he smiled before the door shuts. He sighed and went back to his room.
Oraion, however, smiled after eavesdropping with their conversation. I guess he still listens to his younger brother after all. Pero agad siyang napahawak sa baba niya.
‘Cronus? Silver Flame? I think I should research about that. I need to protect the coven too.’
* * *
A/N: May isheshare akong scenario sa inyo. Natatawa kasi ako sa boyfriend ko eh.
(Me and boyfriend watching Bangtan videos)
Boyfriend: Babbu (endearment namin) magpakulay na din kaya ako ng silver na buhok gaya ni Rap Mon para ako na ang Silver Butler mo.
Ahehehehe hehehe hehe heh ;u;
Cute ng boypren ko heh. Okay. Sorry inactive talaga ako. Nawawalan ako ng feels sa pagsusulat. Leche. Wtf. Ugh.
Vote and comment! :3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top