Flame 8 - Deal
Flame 8 - Deal
Nagkulong sa kwarto si Katherine at paulit ulit na iniisip ang riddle na ipinakita sa kanya ng Cronus. Oo. Mas iniisip niya iyon kesa sa pagtatalo nila ng Master niya kanina. Pero saglit na natigil sa pag-iisip ng riddle si Katherine at napabuntong hininga.
"Ang sama ng ugali mo. Akala ko pa naman, mabait ka dahil sa mga sinabi mo noon tungkol sa pagtulong mo sa mga murder cases at paggamit ng kapangyarihan mo. Tapos ngayon? Tumulong lang ako sa binubully nagalit ka na?" ginulo niya ang buhok at nagpaikot ikot sa kama.
Naiinis siya dahil parang nasasaktan siya sa mga sinasabi ng Master niya. Masyado na siyang humahanga dito. Ibang klaseng paghanga na nga yata. Dahil dapat hindi siya maaapektuhan.
Padabog siyang tumayo at dumiretcho sa pinto pero laking gulat niya ng makita niya roon ang butler na parang kakatok palang.
Nanlaki ang mga mata ni Krauser ng biglang bumukas ang pinto kung saan siya nakatayo. Ni hindi pa siya nakatok. At lalong hindi pa siya handa.
"K-Krauser?!"
"K-Katherine..."
Tumingin lang si Katherine sa mga mata ng Master niya at parang alam na niya ang pakay ng binata. He can't look at her straight at parang nahihiya. He pouted his red lips and hold on to his nape awkwardly.
"I'm here to- ano- I just want to apologize. I was just mad about you talking to Opium Scatterella. I made it clear to you before about avoiding him and-"
"Yes I know Master Krauser. And I'm sorry about not following that order. I am trying to avoid him but I can't let the situation earlier pass by like that without doing anything."
"I know... I get it. I'm sorry for yelling at you- uhh- yeah," lalong naging awkward para sa dalawa dahil natapos na ang usapan.
"So?"
"Are we good?" tanong ni Krauser.
"Yeah. We are good," sagot ng butler niya at ngumiti ito sa kanya.
Krauser felt relieved habang dahan-dahang sinasarado ni Katherine ang pinto. Napapikit siya and sighed na parang nabunutan ng tinik ang dibdib niya.
"I'm feeling weird but I feel good feeling weird. Wait- what?" napailing nalang si Krauser sa mga sinasabi niya.
Kinabukasan, palihim na pumunta si Katherine sa school grounds para tawagan si Cohen. Siya yung bagong police officer at crawler na kasama nilang nakakita ng riddle na sinabi ng Cronus.
It took the crawler 10 seconds to appear in front of her. Agad hinila ni Katherine si Cohen sa isang sulok para makausap.
"So? Have you figured out the riddle?" tanong nito kay Cohen.
Umiling ang crawler. "Diba dapat ikaw ang makakasagot ng riddle? Ikaw ang Silver Flame hindi ba?"
"Oo nga pero buong gabi ko ng iniisip pero wala akong maintindihan sa riddle. Meron ka bang ibang alam na tao na pwedeng makaintindi sa riddle na iyon?!"
Saglit na nagisip ang crawler at pinalutang niya ang sarili sa ere. "Hmm... let's see..." paikot ikot ang katawan nito sa ere ng bigla siyang sumigaw. "Aha! I know one kind of creature that might actually help you!"
"Really?"
"Yep! VAMPIRES!"
Napaatras si Katherine ng marinig niya ang sinabi ni Cohen. "W-What???! Why them?!"
He smirked and stop himself from floating. "Well Miss Katherine, vampires are familiar with riddles dahil kagaya ko immortal din sila. Ang angkan nila ay matagal ng nabubuhay at naililigtas nila ang kanilang lahi dahil sa mga babala. Kung ang Silver Flames ay may Cronus, ang mga bampira ay may Oracle. Ang pinagkaiba lang, ang Cronus ay isang libro samantalang ang Oracle ay isang tao."
"Tao?"
"Yep. Isa sa mga tinatagong sikreto ng mga bampira ay ang kanilang Oracle. Dahil dito nagagawa nilang protektahan ang Coven nila sa ano mang banta. Dahil na rin sa Oracle, mas napapaigting nila ang pagprotekta sa Coven at napipigilan ang ano mang threat at panganib."
"So the Vampires can help me solve the riddles dahil meron din sila ng kagaya ng Cronus?"
"Oo. Ang Oracle nila ay nagbibigay ng babala sa pamamagitan din ng riddles o matatalinhagang salita. Depende sa kung ano mang makikita nila."
Napahawak sa noo si Katherine dahil sa nalaman. Wala kasing ibang napasok sa isip niya kundi ang hambog na bampira na nakaaway niya kahapon.
"May kakilala ka bang bampira?" tanong sa kanya ni Cohen na ngayon ay nakabaliktad habang nakalutang sa harap niya.
"W-Wala. I'll just try to answer it on my own."
Nagkibit balikat ang crawler at ngumisi. "Okay. Sige. May pupuntahan pa kami ni Judith. Tawag ka lang kung may naisip ka na."
Ngumiti siya dito. "Salamat sa tulong, Cohen."
"Walang anuman, Silver Flame. Galingan mong mag-isip ng sagot. Tandaan mo, isa itong babala. The sooner you find out what the Cronus is saying, mas makakapaghanda ka."
Naunang pumasok sa loob ng Vaughaun Mansion si Katherine habang nakasunod sa kanya ang Master niya. Naiinis siya dito dahil gusto niyang umalis mamayang gabi para pumunta sa isang party.
"Come on, Katherine. Hindi murder case ang pupuntahan ko. It's a party."
"Mahigpit na ipinagbabawal ni Lord Marshall ang gusto mong gawin, Master Krauser."
"Sasama ka naman eh. If anything happens, you can jump right in and save me, right? Sige na!" kahit pa tumingin siya ng masama sa kanyang Master ay nauunahan siya ng mga nangungusap nitong mata.
"No."
"Uuwi tayo bago mag-12. Promise!"
"Krauser Vaughaun, 'wag ng matigas ang ulo. Hindi ka pupunta sa party na iyon!"
"Pero-"
"Hindi, hindi ka pupunta. That's my final decision." Iniwan niya ang Master sa living room at umakyat siya sa kwarto nito tsaka naglock.
Nanghihina ang tuhod niya. Nakakapanlambot ang makita siyang nagmamakaawa. Ano bang meron sa lalaking iyon at hirap na hirap siyang iwasan ang mga mata nito?
Tumawag naman agad si Krauser sa kaibigang shapeshifter para ibalita ang naging desisyon ng kanyang butler.
"You need to fetch me here, Annie. Mukhang hindi sasama ang butler ko."
"So tatakas ka? Are you sure? Baka isumbong ka ng butler mo sa Dad mo!"
"Yeah. Minsan lang naman toh eh. Bilisan mo nalang and I'm sure hindi siya magsusumbong," agad binaba ni Krauser ang telepono at nagpalit agad ng damit tsaka inantay na dumating ang werepanther. Bago man siya sumama sa kaibigan, nag iwan siya ng note sa study table niya.
I'm at Eccles Pub, down south of New Wellington. The passcode is Vaughaun if you want to tag along. I'll be home before 12mn.
"Tara na?" tanong ni Annielyn sa kanya.
He smirked bago tuluyang tumalon sa bintana.
Oras na para dalhan ang Master niya ng snacks kaya naman agad bumangon si Katherine. Dire-diretcho siya sa kwarto at kinabahan na agad siya ng madatnang walang tao iyon.
"Krauser?" binaba niya ang tray at tumingin sa bukas na bintana. She also noticed Krauser's note. "That brat!" she said and crumpled the piece of paper bago tumakbo palabas ng kwarto ng Master niya.
First time niyang pupunta sa pub. Or kahit man lang pumunta sa isang bar. Naiilang nga siya dahil mukhang mahihirapan siyang umaktong normal sa dami ng tao na nakikita niyang napasok sa loob.
"Whoa. Miss, wait. Are you invited?" tanong agad ng guard sa kanya at hinarang siya.
"Uhh-"
"What's the passcode?!"
Nataranta saglit si Katherine pero naalala niya ang note na iniwan ng Master niya kanina. "V-Vaughaun."
Ngumisi ang guard at nagbigay daan sa kanya. "Okay. Come in," sabi nito.
Nabingi si Katherine sa maingay na tunog ng makatungtong siya sa loob ng Eccles. Madilim ang lugar at ang tanging ilaw lang doon at ang makukulay na ilaw na paikot ikot. Maaamoy mo ang usok galing sa sigarilyo at matapang na amoy ng alak sa paligid. Maya't maya rin siyang nabubunggo ng mga taong nasayaw habang patuloy siya sa paghahanap kay Krauser.
Hindi naman siya nahirapan dahil nakita niya agad ang Master na nasa isang table kasama ang iilang lalaki at ang werepanther na kaibigan. Mukhang nagsasaya lang talaga sila. Hindi siya sanay sa ganitong lugar kaya minabuti niyang lumabas saglit para makalanghap ng sariwang hangin.
Napaupo siya sa gutter ng kalsada. Tila nanghina siya sa dami ng taong nandoon sa loob. Nakakasuffocate. Buti pa sa labas mas tahimik at may sariwang hangin. Napagpasyahan niyang dito nalang antayin ang Master niya.
"Ugggh!!!" nakarinig siya ng isang ungol mula sa may likuran ng Pub. Agad siya napatayo at nilabas niya agad ang kanyang baril.
Palapit palang siya sa isang dumpster ng may bumulagtang babae sa harap niya. Puno ng dugo ang leeg niya pero nahinga pa ito.
Tinutok ng Silver Flame ang baril niya sa madilim na bahagi kung saan nanggaling ang babae. May isang anyo ng tao na papalapit sa kanya.
"S-Sino ka??!"
Nagulat siya at nabitawan ang baril ng umatake ang nilalang palapit sa kanya. He pinned her down the wall and grabbed both her arms para hindi ito makatakas.
"Argh!!! Get off me!!!" hirap siyang makaalis dahil malakas ang lalaking may hawak sa braso niya.
Nanlilisik ang mata nito at ramdam niya ang mainit na hininga sa leeg niya ngayon. And that hit her--
"Vampire!" agad humugot ng lakas si Katherine para makaalis bago pa tuluyang makagat ang kanyang leeg. She managed to escaped at mas nakita niya ang anyo ng bampirang umatake sa kanya.
"O-Opium Scatterella?!"
She heard a chuckle at nakita niyang pinunasan niya ang bibig na puno ngdugo gamit ang likod ng kanyang palad. There were still smudges of blood from his cheeks at sa kanyang baba.
"Of all the places, dito pa kita makikita? Huh, Vaughaun butler?"
Nawala ang pamumula ng mata niya at tumayo siya ng tuwid tsaka niya sinuklay ang buhok niya. "Teka, are you feeding?" tanong ng dalaga.
"Not really. Makulit kasi ang babaeng yan. Gustong gusto niyang magpakagat saken. Ano pa bang gagawin ko? Sinong bampira ang aayaw sa dugo ng tao, right?"
"And you attacked me?"
"May kasabihan kayong mga tao diba? Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising. Well, vampires have that one too. You can go see vampires all you want but don't let them see you when they're in the process of feeding. That's the only time we cannot control ourselves."
"Well that was close enough," Katherine said while holding on to her neck.
"Every girl wants to be biten by a vampire. It gives them pleasure. Ayaw mo ba?" he smirked and licked his lips na may kaunting dugo pa.
Katherine rolled her eyes. "Don't even think about it, Scatterella. You'll probably thank me dahil niligtas pa kita kanina."
Opium laughed and walked towards her. "Pasalamatan ka? Save me? I don't get it, what are you talking about?!"
"I'm a Silver Flame, you asshead."
Nalaglag ang panga ni Opium ng marinig niya iyon. "Y-You mean the one with silver blood and silver bones? So hindi lang kayo myths? I mean- you're real? For real??!"
"Yep."
Napasinghap si Opium at napahawak sa bibig niya. "Fvck-- accck!!" natigil si Opium ng batukan siya ni Katherine. "Hey! What was that for??!" inis niyang reklamo.
"Makinig ka saken. Ngayong sinabi ko na kung sino ako, I need you to help me."
"Help? What help?"
"Do you know how to answer riddles?!"
"Riddles? Ano ka bata- ackkk!!! Ouchhh!!!" hindi matuloy ni Opium ang pang-aasar dahil hawak ni Katherine ang tenga niya.
"Just answer me!!!"
"Ouuuuch! Wait- hindi ako magaling dyan-"
"Then maybe your Oracle can help me!"
Humiwalay saglit si Opium sa dalaga at marahang hinawakan ang namumula niyang tenga. "No one dares to hurt me like that for the past 400 years! I am the next heir of the Scatterella Coven! The audacity of you to do that to me!!!" he yelled.
"Well, are you done whining about your stupid coven? Now bring me to your Oracle!" sabay halukipkip ng dalaga.
Kumunot ang noo ng bampira. "But the Oracle died eighteen years ago."
"What?!"
"Oracles exist to give us warnings and prophecies and the such. Pero mortal lang silang tao. We have to protect them habang patuloy ang banta sa Coven but after that they serve us no purpose. After the war, the Oracle died at wala pa ulit nagpapahiwatig na may bagong Oracle. Kapag may napiling bagong Oracle, ibig sabihin may banta na naman sa Coven namin."
Napakagat ng labi si Katherine. Mukhang hindi nga makakatulong sa kanya ang bampirang ito.
"Why do you want to see an Oracle? May nagbigay ba sayo ng signos?"
"Signos?"
"Oo. Signs. Babala. Meron ba?"
"Meron. Ang Cronus ng mga magulang ko. Yun ang nagbibigay ng babala sa aming mga Silver Flame. Pero wala akong alam-" natigil si Katherine sa pagsasalita ng may mapansin siya. "Wait- may sugat ka sa pisngi-"
"Wala yan!" iniwas ng bampira ang mukha sa dalaga. "Anyways, sige. Dahil nakakatuwa ka, tutulungan kita tungkol sa paghahanap ng sagot sa riddle. Pero ibibigay mo saken ang phone number mo?" ngumisi ang bampira at pinakita ang itim niyang phone.
Labag man sa kalooban niya ay hinablot niya ang phone ng bampira at nilagay ang contact number niya.
"Alright then. It's a deal!" nag-handshake pa ang dalawa. "Now tell me the riddle."
"Seek the light, seek the dark, the signs that will leave the world a mark."
Natahimik ang bampira at malalim na nag-isip. After a few seconds he sighed and scratched his head. "Puta. Ang hirap!"
"Ugh! Salamat ah. Laki ng tulong mo," naiinis na sabi ng dalaga.
"I'll try to figure it out and when I do, I'll call you. I have to leave. See you, Katherine."
Tumango lang si Katherine. Naglakad na palayo ang bampira hanggang sa maglaho siya sa kadiliman.
Bumalik ang butler sa loob at naabutan niyang nandoon pa rin ang Master. Nagpakita na siya dito na ikinagulat ng iba niyang kasama sa table. Pati si Annielyn ay hindi inaasahan ang pagsulpot ng butler sa party.
"Uuwi na tayo, Master Krauser," puno ng awtoridad na pagkakasabi ng butler.
Ngumiti si Krauser sa kanila tsaka ibinaba ang baso niya. "Sinusundo na ako. Salamat sa party, Earl."
"Ingat kayo, Vaughaun. Salamat sa pagpunta," the leader of the panther pack said.
Tumango lang si Krauser bago tuluyang sumunod sa butler niya. Hanggang makarating sila sa mansion ay tahimik lang si Katherine. Hindi maiwasang maguluhan si Krauser dahil dito.
"Hey- are you mad at me dahil sa hindi ako nagpaalam?"
"Sa tingin mo?" mataray na sagot ng butler niya pagkaharap nito sa kanyang Master.
"Sorry na, okay?! Nagpromise kasi ako kay Annielyn eh," pagpapaliwanag ng Master niya.
"Go to sleep," she said coldly bago isarado ang pinto ng Master niya.
Inis na ginulo ni Krauser ang buhok niya at nahiga siya sa kama. "That girl! Siya pa talaga ang nagagalit saken eh ako ang Master niya? Nakakainis! Nagagawa niya lahat ng gusto niya! Samantalang ako lahat pinagbabawal niya! Ugh!" tsaka siya nagbalot ng kumot at tila mabait na batang sinunod ang utos ng kanyang butler na matulog kahit masama ang loob nito sa kanya.
Pagdating naman ni Opium sa Scar Mansion, tahimik na ang lahat. Maayos na din ang nasirang mga gamit mula sa pag-aaway nila ng kanyang ama before he went out and go feeding.
Nainis siya sa ama niya dahil hindi man lang niya naitanong kung kumusta na sila Olivia at Oraion mula ng umalis siya sa bahay noong nakaraang buwan. Ni hindi niya ito nabanggit at tanging siya lang ang gustong kasabay ng ama sa pagkain.
He punched his Dad but his Dad punched him even harder. Nabasag ang ilang mwebles sa salas ng mansion pero ngayon ay maayos na ito na parang walang nangyari.
Ramdam pa rin ni Opium ang kaunting hapdi sa pagkakasuntok ng kanyang ama. Kahit nakainom na ito ng dugo ay hindi agad gumagaling ang sugat lalo na kung gawa ito ng kanyang ama.
Papasok na siya ng kwarto ng bumukas ang pinto ni Olivia. Magkatapat lang sila ng kwarto. He faced her and smiled.
"Why aren't you asleep yet?" tanong niya kay Olivia na halos pabulong to avoid waking anyone up.
Olivia showed her first aid kit to him. "Can I come in?" sabi niya kay Opium.
He was surprised pero hindi na niya pinahalata. He sighed and opened the door of his room. Pumasok si Olivia doon at tsaka siya sumunod. Umupo siya sa kama ni Opium, she tapped the bed and looked at her brother.
Opium obliged and sat down beside her. She then started putting oitment on his face. "Were you out feeding again?" tanong ni Olivia.
"Not really my plan but I ended up doing it. Is Oraion sleeping already?"
"Kanina pa. He was waiting for you but he fell asleep already."
"Ahh..." nabalot ng awkward na katahimikan ang buong kwarto. Napapapikit si Opium sa saglit na hapdi na nararamdaman niya habang nilalagyan siya ni Olivia ng gamot.
"This is what you get for talking back to Dad," inis na sabi ni Olivia sa kanya after putting the plasters on his face.
"Ah talaga? Siguro nga," natatawa nalang si Opium sa sinabi ni Olivia. Bigla talaga itong nagiging bipolar.
"Can you just stop being an ass and grow up? Ikaw ang magmamana ng buong Coven balang araw! You should feel grateful to Dad dahil ikaw ang pinili niya! Pero you always disappoint him! Stop doing things for your own good, Opium!"
He clenched his jaw and looked at her intently. "I'm not doing this just for my own sake, Olivia."
"Well then just follow him para hindi ka nasasaktan!" pikit mata niyang sigaw sa kapatid.
"Why do you care so much, Olivia?" pagtataas ng boses ng binata. He cupped her cheeks and moved closer. "Why do I feel like you care for me?" he whispered.
"I- I don't know," Opium can see tears falling down from her cheeks. "Basta ang alam ko- the way I care for you feels so wrong pero-- pero hindi ko mapigilan." She pushed him and walked out of his room.
Opium frustratedly combed his hair with his fingers. He sighed and drop his body on the bed. Pumikit siya saglit at narinig niya ang riddle na sinabi ng babaeng butler sa kanya kanina:
'Seek the light, seek the dark, the signs that will leave the world a mark.'
"Kadiliman? Liwanag? Signs? Mark?" kahit siya napapaisip sa kakaibang babala na iyon. Napaisip siya kung ano nga bang mapapala niya sa pagtulong sa butler ng mga Vaughaun.
"Kung may bagong babala, hindi rin malabong may bago rin kaming Oracle. Konektado ang bawat nilalang sa Underworld at sigurado akong may lalabas din na babala para sa aming mga bampira."
* * * *
A/N: Credits sa reference about sa Oracle. Nakuha ko yan sa TPV ni Author Lei. May mga binago ako or what ewan ko. Basta ginamit ko yung term na ORACLE. Hi Author Lei, I hope you don't mind. Huehuehue. Tsaka yung nasa multimedia ko. Hehehehe. OTL Bagay talaga kay Kim Woo Bin maging bampira. EYEKENE. (T/\T)
Vote and comment! ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top