Flame 7 - Cronus
Flame 7 - Cronus
Nagsusulat si Katherine sa notebook niya at nakikinig sa professor ng biglang pumasok sa loob ng classroom nila si Krauser. Napasinghap ang iba sa pagpasok niya pero yung iba tila nagulat sa kanya.
"H-Hoy! May klase pa ako-"
"You need to come with me now," sabi nito tsaka humarap sa teacher. "If you'll excuse us, Miss Herchester. Pinapatawag kami ng Dad ko."
Agad silang umalis sa room at nagmadaling sumakay sa kotse. Pinaandar agad ni Hansel ang kotse. Hindi malaman ni Katherine ang balak ng Master niya.
"Pinapatawag ba talaga tayo ni Lord Marshall?"
Krauser grinned. "Nope. May nangyaring murder sa kabilang bayan. Pupuntahan natin yun."
Umikot ang mata ni Katherine ng marinig niya iyon. "Vaughaun! Ano ba! I told you-"
"Blah blah blah. Wala ka ng magagawa. Sasama ka saken kahit ayaw mo. I'll make sure Dad will never know about us leaving. I'm sure Hansel will keep us covered. Right, Mister Hansel?"
Sinuntok ni Katherine ang braso niya. "Umayos ka nga Vaughaun! Kapag nahuli tayo hindi lang ako ang mawawalan ng trabaho. Pati si Hansel! Can you please stop this and go back to Larkworth?!"
"Ayoko."
Walang nagawa ang butler kung hindi sumama kay Krauser papunta sa kabilang bayan. Habang palayo sila sa syudad mas nagiging makulimlim at malamig. Nang marating nila ang Oakdale, agad pumukaw sa pansin ng dalaga ang ilaw na nanggagaling sa police mobile. Pinalilibutan ng yellow tape ang crime scene na tila sunog na bahay.
Sinalubong si Krauser ng isang matabang pulis. Kumpara sa mga pulis sa NWPD, mas palangiti ang mga ito at mukhang kaclose ni Krauser.
"Sa wakas, I thought you're going to turn down our invitation, Mister Vaughaun."
Inabot ni Krauser ang kamay ng matandang officer at nakipagshake-hands ito. "Hindi yun mangyayari Officer Reigh," he said at tumawid sa yellow tape.
Sumunod si Katherine sa loob pero agad hinarangan ng ibang pulis. Krauser held her hand and smiled. "She's with me," sabi nito.
"Oh! Sino siya? Aba!"
"She's my butler, pwede naman siyang sumama sa loob, hindi ba?"
"Sure," agad lumayo ang mga pulis at nagpatuloy sila sa isang lumang bahay.
Ang lumang bahay ay gawa sa kahoy at mukhang nasunog iyon. Natupok ng apoy ang halos lahat ng nasa loob. Nakita ni Katherine ang nakabigting bangkay ng isang lalaki sa may kitchen. Napaatras siya dahil nakakakilabot ang itchura nito. Nakamulat ito at puti ang mga mata. Nakanganga din ito at nangitim ang mukha. Ang paa't kamay niya ay nanigas at nasunog pero ang mukha niya ay hindi ngunit tila nagkaroon ng senyales ng pagkaubos ng dugo sa kanyang mukha dahil sa pangingitim nito at hindi dahil sa sunog.
"Can you sense something?" bulong ni Krauser sa kanya.
"S-Sense? A-Ano?"
"The struggle he had gone through. Alam ko nararamdaman mo yun. Yung paghihirap niya, yung sakit ng pagkasunog ng paa niya at paghihirap niya para makahinga mula sa pagkakabigti at pagkakasuffocate sa sunog. But do you know what pains him the most?"
Napatingin si Katherine sa kanya.
"He was betrayed. He trusted so much and was betrayed. He died because someone betrayed him. His eyes... I can see how he suffered physically and emotionally. Alam ko nararamdaman mo din lahat yun even without the use of my ability, kahit sino mararamdaman iyon."
Napalunok si Katherine. Tama ang sinabi niya. Nakaramdam ng pighati ang puso niya ng makita ang kalagayan ng lalaking nakabigti.
"Who did this to him? Kilala mo kung sino?"
Tumingin si Krauser sa butler niya at tumango. Nag-aabang din ang mga pulis sa susunod na sasabihin ni Krauser.
"N-Nasaan ang pumatay?" nanginginig na tanong ng kaibigan niyang pulis.
He sighed. "He's dead. Nasa basement."
Naglakad si Krauser sa isang pinto at binuksan niya iyon. May hagdan na pababa at pinuntahan niya ang bangkay ng isa pang lalaki. May tama ng baril sa ulo niya.
"He killed him? Pero diba nagpakamatay siya?" tanong ni Katherine.
"Hindi suicide ang nangyari. The guy could have been saved-"
"F-Froilan- help me-" he said struggling to break loose from the rope wrapped around his neck.
Tinignan ni Froilan Johnson ang nakababatang kapatid habang nakabitin sa lubid. Agad siyang tumakbo sa isang cabinet at kumuha ng gas, he poured it around the kitchen.
"F-Froilan- w-what are y-you doing?!"
He poured everything on the floor and smirked before giving his younger brother a deadly glance.
"I'm just making sure that you're dead, Nate." He fished out a lighter from his pocket and within seconds, the whole kitchen blazed. Froilan can hear the agonizing voice of his younger brother hanged in the ceiling, burning his flesh and slowly losing its breath from that rope wrapped around his neck.
He laughed hysterically and went down the basement. Holding a gun he laughed and cry while hugging his knees.
"Everyone loves Nate. Nobody loves Froilan. Ever since Nate is always the favorite. No one loves me. I did not kill Nate, right mommy? I didn't!!! He hung himself. It wasn't my fault. It wasn't my fault! Hahaha!!!" He was whispering and giggling before he aimed the gun on his head and shoot himself to death.
"Thank you for solving this case. You are brilliant as always, detective Vaughaun."
"That was nothing. We have to go now," sumakay ang dalawa sa kotse at padabog na isinandal ni Krauser ang likod sa malambot na leather seat ng sasakyan. That was an awful death. Nakakaubos ng lakas para kay Krauser na basahin ang huling mga alaala ng mga murder victims. Lalo na sa kasong ito na kailangan niyang balikan ang ganoong eksena. Parang nalagay siya sa sitwasyon ng mga biktima. It was definitely terrifying.
"You tired?" Katherine asked and sits beside him at the back. She placed her hands on his forehead.
Krauser felt her warm hands and the relief of being deaf from other people's thoughts after what she did. The quietness was soothing.
"Wait, I'll just get my-"
Krauser held her hand and placed it back on his forehead while his eyes were still closed. Katherine smiled and brushed her hands to his hair.
"You really are tired, huh?"
"Yeah. Just- just make me deaf until we reached the mansion. Please."
Umupo siya sa tabi ni Krauser and let him sleep on her shoulders while holding his hands. Krauser fell asleep for the rest of the trip.
Nagising si Krauser na nasa kama na. Tinignan niya ang oras at nakita niyang 9:30 pm na. Tumayo siya at napansin niya ang isang tray ng pagkain sa study table niya. May note doon na nakalagay.
Master,
Eat your dinner and stay inside your room.
Katherine
Umirap siya tsaka nagpalit ng damit at lumabas ng kwarto. Agad niyang tinanong sa mga maids kung saan nagpunta si Katherine pero walang nakaalam kung saan siya pumunta. Palabas na sana siya ng Mansion ng makasalubong niya ang Dad niya.
"Where are you off to? Gabi na. Wala pa naman ang butler mo," his Dad said while removing his coat.
"Where is she?"
"Nasa NWPD. Binisita niya ang Aunt Judith niya. Don't bother following her. Babantayan ka pansamantala ni Wesley." Napaatras si Krauser ng pumasok kasunod ng Dad niya ang alalay nitong si Wesley. Malaking tao siya at siya lagi ang nagbibitbit kay Krauser sa kung saan saan tuwing nahuhuli ito sa mga kalokohang nagagawa niya.
"Pero-"
"No buts. Stay inside, Wes, ikaw na ang bahala kay Krauser."
Tumango lang si Wesley at ngumiti ito kay Krauser. Hindi man lang ngumiti ang binata at padabog na umupo sa living room. Tumabi sa kanya si Wesley at binuksan ang TV.
Sa NWPD, nagkakagulo na naman ang mga pulis dahil sa pagdating ni Katherine doon. Hindi magkamayaw ang mga ito dahil sa babaeng butler.
"Aunt Judith, bakit niyo ba ako pinapunta? And why should we lock the door?!" nagtatakang tanong ni Katherine sa Auntie niya habang sinisiguradog nakalock ang pinto ng office niya.
"Nakakatakot ang epekto mo sa mga kasamahan ko. Eto na siguro ang huling beses na pupunta ka dito," she sighed and sat down.
"May problema ka ba Aunt Judith?"
"Oo. May ipapakita ako sayo." Agad nilabas ng Auntie niya ang isang lumang libro. Agad naging pamilyar ang libro kay Katherine at tila nagbalik ng ilang alaala.
"T-Teka- that's Mom and Dad's-"
"Oo. Eto ang Cronus. Ang Cronus ng parents mo."
"Cronus? Yan pala ang tawag dyan, akala ko simpleng journal lang. Pero ang naaalala ko sa tuwing umiilaw yan, indikasyon iyon na lilipat na naman tayo ng tirahan, tama ba Aunt Judith?" maliwanag pa sa alaala niya iyon.
Ang pag-ilaw ng libro na hawak ng kanyang ina noon ay nagpapahiwatig na aalis sila agad sa lugar na tinutuluyan nila at magtatago. Nagbigay ng kakaibang takot ang alaalang iyon kay Katherine.
"Oo. Ang Cronus ang nagsisilbing gabay ng Mama at Papa mo sa panganib na dadating sa kanila. Gabay din ito sa mga pahiwatig ng Underworld. Ang mga Silver Flame lamang ang may ganitong aklat na nilikha para magkaroon ng koneksyon sa Underworld. Your parents gave this to me para itago at ibigay sayo sa tamang oras."
The book was old and dusty. Mababatid sa itsura nito na marami na itong napagdaanan. May marka ng buwan ang gitna ng libro at tila may scratch iyon gawa ng isang nilalang na may matutulis na kuko. May nakasulat na 'Silverus' sa may baba ng libro.
"So? Are you giving the Cronus to me?"
"Hindi pa sa ngayon. Pero kagabi, umilaw ang Cronus. Hindi ito mabubuksan ng ordinaryong tao. Kailangan nito ang kamay na may puting apoy."
"But why would the book light up? May nagbabanta ba sa buhay ko??"
"It depends on the book. May ibibigay siyang babala sa'yo. Maaaring banta sa iyo, sa mga tao o sa Underworld."
Katherine showed her palm at nagpalabas ng kakaunting white flame dito. Muling umilaw ang Cronus. Dahan-dahang nilapat ni Katherine ang nagbabagang kamay sa ibabaw ng libro. Unti-unting nabalot ng puting apoy ang libro at padabog itong bumukas.
May puting ilaw na lumabas mula dito at may mga katagang tila nakasulat sa ere gamit ang puting usok.
"Seek the light, seek the dark, the signs that will leave the world a mark."
Agad ding nagsara ang libro at naiwan ang dalawa na tila malalim ang iniisip.
"Wow! Interesting!" nagulat silang dalawa ng biglang sumulpot ang isang lalaki na nakalutang sa ere habang nakabitin ng patiwarik.
"W-What the-"
"Cohen!!!" saway ni Judith dito. "Anong ginagawa mo dito?!"
Ngumiti ang lalaki at dahan dahang nilapag ang mga paa sa sahig. "Sorry kung nagulat ko kayo, Judith. Hahaha! Nacurious kasi ako sa pinaguusapan niyo kaya pumasok ako sa loob."
"What is he?" natatakot na tanong ni Katherine habang nakayakap sa Auntie niya.
"He's Cohen, one of the new police officers here in NWPD. Galing siya sa Oakdale. He's a CRAWLER."
Crawlers are creatures na may kakayahang mag teleport at maging invisible. May kakayahan din silang lumutang sa ere. Tinawag silang Crawlers dahil noon, mahilig silang tumira sa mga puno at ang mga naunang crawlers sa mundo ay gumagapang. That's why they have sharp teeth and long pointed nails. Patulis din ang tenga ng mga ito sa tuwing gagamitin nila ang hearing ability nila. Maihahalintulad sila sa mga paniki na walang pakpak. They eventually evolved and can stand up straight gaya ng isang ordinaryong tao. Cohen Olsten is one of the new breed of Crawlers from Oakdale.
"Silver Flame nga pala ang mga Lovell. I almost forgot about you dahil akala ko matagal na silang naextinct," sabi nito habang nakangisi.
"Shut up Cohen. Who says you can just pop out like that and join in our discussion?" inis na sabi ni Judith.
"I heard the riddle! And I think I can help in solving it!" he said at tsaka niya naisipang ilapag ang mga paa sa sahig.
"Riddle? So the Cronus gave us a riddle?!" curious na tanong ni Katherine.
"Yep. I am alive for almost 100 years and a Cronus riddle is damn legit. May ibig sabihin ang nabasa niyo kanina and the Cronus is giving a warning to the Silver Flame to be alert."
"P-Pero-"
"May nakaambang panganib at hindi ito isang biro, Silver Flame," Cohen said seriously.
Napalunok ng laway si Katherine dahil sa narinig niya. Panganib? At nasa kanya ang responsibilidad na iyon? Pero ano bang alam niya?!
"Ako? Ako talaga?!"
"May kilala ka pa bang ibang Silver Flame dito maliban sayo?" nakahalukipkip ang nakatayong Crawler at napataas ng kilay.
"Pero-- ano bang alam ko? Wala akong alam tungkol dito!!!"
Cohen gave him a meaningful smirk. "Well, Silver Flame, you have to figure that out for yourself then," he disappeared in a flash leaving Katherine and Judith inside the office, puzzled.
Habang papunta sa school kinabukasan, hindi maiwasang magtaka ni Krauser sa pagiging tahimik ng kanyang butler. Sayang lang talaga at hindi niya mabasa ang nasa isip nito.
"Stop trying to read my mind, Vaughaun. Baka sumakit lang ang ulo mo." Katherine said while still looking out the window.
"Hindi ko binabasa ang utak mo. Asa ka pa," sabay irap ni Krauser.
Kahit sa pagpasok niya sa klase ay wala siya sa focus kakaisip sa pagiging tahimik ng babaeng butler simula ng manggaling ito sa NWPD kagabi.
'Siguro may nangyari sa NWPD. Baka sinumbong na niya ako kay Dad! Oo nga. Lagot saken ang babaeng yun!' palabas na siya ng room ng biglang sumulpot si Annielyn sa tabi niya.
"Kraus!!!" masayang bati ng panther sa kanya. Napatingin din si Krauser sa suot ng kaibigan. Napaka-iksi ng palda niya at kita pa ang tiyan niya dahil bitin ang pantaas na uniform nito.
Inis na tinanggal ni Krauser ang jacket niya ay pinatong iyon kay Annielyn. "Ang lamig na ngayon tapos hindi ka man lang magsuot ng maayos na damit?!"
"Eh hindi naman ako nilalamig. Hello? Werebitch right here!" He smiled at her. Sabay silang naglakad sa hallway. "Oo nga pala, I can do a full transformation again. Buti hindi pa full moon kundi lagot ako kay Earl."
"I'm glad to hear that."
"May party si Earl bukas ng gabi. Pumunta ka naman. Sa Eccles Pub. 9 pm. I'll see you there okay?"
Napaisip naman si Krauser saglit dahil mukhang hindi na ganun kadaling sumama sa mga party na kasama ang shapeshifter na kaibigan dahil kay Katherine.
"Uhhh, Annie-"
Annielyn pouted. Hindi maiwasan ni Krauser na marinig ang iniisip ng panther. Napangiti siya dahil sa mga naiisip ng kaibigan.
'Grabe! Dati rati, kahit hindi ko siya niyayaya napunta siya! Ngayon parang ayaw na niyang sumama saken! Nakakapagtampo!'
He pats her head and chuckled. "'Wag ka ng magtampo dyan. Oo na. Sasama na ako."
"Hey! Stop reading my mind!"
"Ikaw kasi eh!" pinitik niya ang noo ng kaibigan. "Ang drama mo. Iniisip ko lang kasi na mahirap ng makatakas dahil may nagbabantay na saken. Hindi tulad dati na I can freely hang out with you and with the other Weres."
"Then you can bring her along. Basta ah? You're coming?"
"Yes I will," nagtatawanan pa sila ng mapatigil si Annielyn sa paglalakad.
Napatingin si Krauser sa kumpulan ng tao na nasa hallway. Agad lumapit ang dalawa at nagulat sila ng makita ang butler niya doon habang nakikipagtalo kay Opium Scatterella.
Nakaramdam ng saglit na paghanga ang binatang Scatterella sa babaeng nasa harapan niya ng pigilan siya ng babaeng butler sa pangbubully. Nakaupo ngayon sa sahig ang lalaking binubully niya at tatadyakan niya na sana pero hinarangan iyon ng matapang na butler ng mga Vaughaun.
"Wow. For a cute girl like you, you're brave. You're turning out to be more interesting than I thought." He smirked at her.
"Just leave the boy alone, Scatterella. Hindi mo ba alam na ang pangbubully ay nagpapatunay na isa kang duwag? Na isa kang nilalang na walang magawa sa buhay and will pick on someone to boost your own ego? Is this how you cure your insecurities? Huh?!" tinulak niya pa ang dibdib ni Opium at tila hinahamon ito ng suntukan.
Nakakuha sila ng atensyon at nagsimulang dumami ang taong nanunuod. Pero imbes na magalit ang binatang Scatterella sa ginagawa ni Katherine, he finds her adorable.
"Grabe," natatawa siyang nagkamot ng ulo. Tinaas niya ang kamay at ngumisi. "Fine. You win. Hindi ko na siya ibubully. In one condition..."
Napanganga si Katherine sa narinig niya. "H-Huh? Suko ka na agad? B-But I was ready to fight you! Handa na akong makipagsuntukan tapos susuko ka na agad?!?" she said and stomped her foot.
He laughed at the sight of her doing that. "Oh God! You are adorable! Haha!"
"Tss. Ewan ko sayo! Oh? Anong condition mo?!"
"Give me your phone number."
"W-What???!"
"Sabi ko, give me your phone number. Yun lang and I will leave that guy alone. Deal?"
Napatingin si Katherine sa lalaking nakaupo sa sahig na binubully kanina ni Opium. Napatingin din siya kay Opium. Pabalik balik ang tingin niya ng biglang sumulpot mula sa kumpulan ng mga tao ang Master niya.
"K-Krauser!"
Her Master did not say any word and just dragged her out of the scene. Nang lumingon siya sa bampira nakangisi lang ito sa kanya.
"How rude! Kausap ko pa siya Vaughaun!" sigaw nito pero hindi na siya pinansin ni Krauser.
Agad siyang pinasakay ng Master sa kotse at umalis na sila ng school. Tahimik lang silang dalawa at walang nagsasalita. But Krauser break the ice before they reached the Mansion.
"Diba ang sabi ko, stay away from Opium Scatterella?! Was that even hard to comprehend?"
"But I was just-"
"The only person that you need to protect from bullies is ME. The only one you need to protect is ME, Katherine. Hindi ka binayaran ng lampa na yun para protektahan mo siya. I am the one doing that!"
Galit na galit si Krauser pero tila hindi natinag ang butler niya na nakataas lang ang kilay sa kanya at nakatingin ng diretcho sa mga mata niya.
"I didn't know you are this immature. You taught me the value of using one's ability for others and here you are being selfish about a small thing. I don't get you at all!"
Padabog na lumabas ng kotse si Katherine at naiwan doon si Krauser na inuumpog ang sariling ulo sa leather seat ng sasakyan.
* * * *
Vote and comment! ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top