Flame 4 - Larkworth College
Flame 4 - Larkworth College
Tamad na tamad na tumayo si Krauser para buksan ang pintuan ng kwarto niya. Naririndi siya sa magkakasunod na pagkatok. Kung meron lang siyang mahahabang kuko gaya ng sa kaibigan niyang werepanther, he could've slit the throat of anyone that dares to disturb his deep slumber.
"Master Krau—"
"WHAT???!" he grunted as soon as he opened the door.
"Finally! Halos 30 minutes na akong nakatok sa pinto mo. Male-late na tayo! Hindi ka pa naliligo?"
"Late? Late what?" naiiritang tanong ni Krauser.
"Sa school mo! Hello?"
Nanlaki ang mata niya ng marealize niya ang oras. Napatingin siya sa wall clock sa kwarto niya. Alas otso y medya na. Alas nwebe sakto ang unang klase niya.
"Oh sh it! My major class!" he cu ssed out. Papasok na sana si Katherine ng biglang isarado ni Krauser ang pinto, hitting the door on Katherine's forehead.
"Ouch ah!!!" hawak ni Katherine ang noo niya. She rolled her eyes. "Bilisan mo Princess Krauser! You don't want to be late now, do you?" she mockingly said.
"Get the f uck off!" narinig niya pa ang pagsagot ng Master niya mula sa loob.
Naglakad siya papunta sa labas ng Mansion. Malamig ngayon sa New Wellington kahit may araw. Nakasuot siya ng makapal na jacket at tuwang-tuwa ang Silver Flame sa suot niyang uniporme.
Lord Marshall Vaughaun decided to enroll her to Larkworth College. Kailangang kasama siya ni Krauser kahit sa school na pinapasukan niya para mabantayan siya. Bilang butler, 24/7 dapat laging nakabantay, kaya naman agad siyang pina-enroll sa school.
Buong buhay niya, hindi pa siya nakakapasok sa eskwelahan. Tanging ang Mama at Papa niya ang nagturo sa kanya. She's homeschooled her whole life, kaya ganun na lang ang excitement na nararamdaman ni Katherine.
Maya-maya pa ay bumaba na si Krauser. Gulo-gulo pa ang buhok niya at may headphones sa leeg. He's wearing his uniform at may coat din para protektahan ang katawan sa malamig na panahon ng New Wellington. Dahil sa malamig na panahon tila mas namumula ang labi ng Master niya. Hindi niya maiwasang tumitig doon. Nakakadistract.
He looked at Katherine from head to toe. "You seemed excited. Ngayon ka lang ba papasok ng school? Tss. Pathetic," he said and rolled his eyes. May fog din na nalabas mula sa bibig niya dahil sa lamig ng panahon.
Katherine innocently nodded. "Oo nga. First time kong makakapasok sa isang totoong school. Home school lang ako dahil nga sa banta ng pagpatay sa mga Silver Flame dati. Mama at Papa ko lang ang nagtuturo saken."
Natahimik si Krauser at tila nakaramdam ng guilt sa pang-iinsulto niya sa dalaga. He wanted to apologized pero nauna ng nakasakay ang dalaga sa kotse. Akala niya ay excited lang siyang pumasok sa isang sikat na school, but it turns out, she's just basically excited to attend school for the first time.
Larkworth College is the leading college institution in New Wellington. It was owned by Sullivan Larkworth. Nang mamatay si Sullivan Larkworth, the local government unit of New Wellington decided to manage the school. It is a public college. Tinatanggap ang lahat, kahit anong uri ng nilalang ka pa. It is managed by the Federal Government kaya mura lang ang tuition.
Krauser decided to study here kesa sa mga internationally acclaimed at exclusive schools na para sa mayayaman dahil hindi gusto niya ang atmosphere ng school na ito. The school respects the diversity of people and the cases of other creatures. Hindi sila madamot sa edukasyon. Other schools are exclusive for humans only which Krauser never liked.
"Grabe!!! Ang laki ng school na toh!" manghang sabi ni Katherine as soon as she stepped out of the car. Nakinang ang mata niya sa paglibot ng kanyang mata sa lugar.
Krauser shrugged at dire-diretchong naglakad papunta sa main building. Nang mapansin siya ni Katherine ay agad naman siyang humabol.
"Wait for me!" tatakbong sabi ni Katherine.
"Sinong may sabi na pwede kang lumapit saken sa school? Don't talk to me," he replied at naglakad ng mabilis.
Tumaas agad ang kilay ni Katherine. "Hello? Paano kita mababantayan kung lalayo ako sayo? Duh. Magpasalamat ka nga may kasama kang magandang butler habang naglalakad ka sa campus!"
Nanliit ang mata ni Krauser sa pagiging arogante ng butler niya. Nagdaan ang dalawang araw at rinding-rindi siya sa presensya ng babaeng butler. Medyo hirap pa rin siya dahil hindi niya maiwasang basahin ang isip nito na nagreresulta sa pagkahilo niya. Bukod pa dun, ang daldal niya at lahat nalang ng gawin niya, bawal. His Dad's puppet ika niya.
"Kapal ng mukha mo. Go away from me. Nakakasira ka ng mood."
"No."
Kinuyom niya ang panga niya at walang nagawa kundi maglakad. Male-late na siya sa klase niya. Pagkadating niya sa main building, nakaramdam siya ng pagkirot ng kanyang ulo, kasunod ang tila pagbilis ng tibok ng puso niya at pagkahilo.
"May bagsak na naman ako!"
"Kelan ba ako papansinin ni crush?"
"Ano kayang lunch sa Cafeteria mamaya?"
"May quiz kaya si Sir Joe mamaya? Hindi pa ako nag-aaral!"
"Uy. Transferee!"
Agad niyang nilagay ang headphones sa tenga niya at sinubukang huwag magpaapekto sa mga naririnig niya. Bukod kasi sa silver, kahinaan din ni Krauser ang napakaraming tao. Hindi niya makontrol ang kakayahan niya. Kapag nasa isang lugar siya na napakaraming tao, feeling niya sasabog ang utak niya sa dami ng naririnig niya. Halos mawalan siya ng bait.
"Ang hot talaga ni Krauser!"
"Sino ba yung babaeng nakasunod sa kanya?"
"New student?!?"
Sinubukan niyang maglakad pero dahil malapit ng magsimula ang first period, lalong dumadami ang tao sa main building. Lalong kumirot ang ulo niya na parang turnilyong unti-unting bumabaon. Marahas niyang tinanggal ang headphones at naglakad ng mabilis. Didiretcho sana siya sa lockers ng may humawak sa braso niya at--
"T-Teka—"
Nanlaki ang mga mata ng binatang Vaughaun ng biglang tumahimik ang lugar. Para siyang nabingi saglit. Unti-unting bumabalik ang pandinig niya ngunit nawala ang pagkirot ng ulo niya. Tanging ang maingay na hallway lang ang kanyang naririnig. Standing beside him is his butler.
"You okay?" she asked somehow panting.
"You—" nagsalubong ang kilay ni Krauser dahil hindi niya maintindihan why all of a sudden the flood of thoughts drifted away like dust.
"I can block your abilities using physical contact. Kapag nakakapit ka saken, parang nagkakaroon ng shield or earplugs ang tenga mo, thus temporarily blocking your telepathic ability."
Tumingin siya ulit sa hallway at totoo nga. Wala siyang marinig na inner thoughts ng iba. Napangiti siya dahil sa magaan niyang pakiramdam.
Nahagip ito ni Katherine and smiled unconsciously as well. Somehow, she's glad her butler felt at ease.
"Cute ka pala kapag nangiti ka?" nawala bigla ang ngiti niya sa sinabi ni Katherine.
"Tss," umirap lang siya at tinanggal ang pagkakapit ni Katherine sa braso niya. Bumalik ang tila bumabahang mga boses sa utak niya. Da mn he can't stand it. Napapikit siya dahil sa muling pagkirot ng ulo niya. He reached for Katherine's hand and entwined his hands to her.
Namula si Katherine sa ginawa ng Master niya. Agad siyang hinila ni Krauser papunta sa una niyang klase. Hindi mapaliwanag ng Silver Flame ang biglaang pagbilis ng tibok ng kanyang puso dahil sa ginawa ng telepath. She shrugged that thought but her heart was restless.
Natapos ang pangatlong period at tila nagenjoy si Katherine sa unang araw niya sa Larkworth. Hindi niya lang naman maiwasan ang mga babaeng tila masama ang tingin sa kanya kanina pa. Aware siya na medyo sikat si Krauser sa mga babae. Kahit siya napapatitig sa Master niya. Lalo na sa mga labi niya.
Inaantay niya ang kanyang Master ng lapitan siya ng isang grupo ng babae. Ngumiti siya sa mga ito. Kinabahan siya dahil ni minsan hindi niya naranasang magkaroon ng isang grupo ng mga kaibigan noong nasa Steddleton siya. Tanging ang Aunt Judith at Mama niya lang ang naging babae niyang kaibigan.
"Uhm— hi!"
"Hi. Transferry ka?" tanong ng isang babae sa kanya.
"Oo, Katherine ang pangalan ko, butler ako ni Krauser! Nice to meet you." ngumiti siya at naglahad ng kamay sa kanila.
Tumingin lang ang apat na babae sa kanya. Tsaka sabay-sabay na tumawa. Tila napahiya si Katherine at iniisip niya kung ano bang nakakatawang ginawa niya at bakit sila natawa ngayon.
"Wow. Sa tingin mo makikipagkaibigan kami sayo? Now that we found out na butler ka ni Krauser? No way. Bagay toh sayo." ngumisi ang isang babae at niluwa niya yung chewing gum niya tsaka tinapon yun sa ulo ni Katherine.
"Yan. Mas deserve mo yan. I'm sure mamamatay ka rin soon enough dahil pahamak sa New Well ang Master mo! Hahahaha!" natatawa silang naglakad palayo.
Nag-init ang gilid ng mata ni Katherine dahil hindi man lang siya nakaganti. Naiiyak siya dahil akala niya may magkakainteres na makipagkaibigan sa kanya pero nagkamali siya. Her first attempt to meet new friends was an absolute fail.
Ramdam niyang may kumuha sa bubble gum na nasa ulo niya. Hindi niya iyon pinansin at tumungo lang tsaka umiyak.
"Miss, may chewing gum ka sa ulo," sabi ng isang lalaki sa kanya. Matangkad siya at maputla. Napa-atras siya dahil sa itsura palang ng lalaki alam na niya kung ano ito.
Vampire.
Agad naalarma ang mga pandama niya at iniwasan ang tingin ng bampira na kaharap niya. Malalakas ang mga bampira at minsan na siyang tinablan ng Glamour. Iyon ay isang kakayahan ng mga bampira that will leave you stunned at tila hindi makagalaw once you they made eye contact. It is a form of hypnosis na ginagamit to lure their prey. They can even manipulate other people because of it. It happened to her once and she won't let that happen again now.
"Whoa there. I'm not gonna hurt you," the tall vampire said while scratching his head.
Napatigil sa pag-atras si Katherine ng may mabangga siya sa likod niya.
"Where the f uck have you been? Kanina pa kita hinihintay sa main entrance!" sigaw ni Krauser sa kanya. Ewan, but after seeing him he felt relieved.
"S-Sorry I just—" napalingon siya sa lalaking bampira na kausap niya kanina at nakangiti lang ito habang tila nanunuod.
Hindi na naghintay si Krauser at hinawakan ang kamay ni Katherine sabay hila sa kanya palayo. Inis na umiling si Krauser dahil nararamdaman niyang nakuha ni Katherine ang atensyon ng bampirang iyon.
Once they are in front of Krauser's car, bumitaw din agad siya. Napanguso si Katherine habang hawak ang namumulang braso.
"Will you stop dragging me rudely? Hindi dahil ginagamit mo akong pain reliever ng telepath sickness mo eh may karapatan ka ng hilahin ako kung saan saan ng walang pakundangan!"
"Alam mo naman sigurong bampira ang kasama mo kanina, hindi ba?"
"Alam ko. I'm not dumb."
"But do you have any idea who he is?"
"Wala. Duh! Transferry. Duh?"
Umirap si Krauser at umiling nalang. Kahit kelan talaga hindi na naging magalang sa kanya ang babaeng toh. He hates her rude guts.
Natigil sila ng may pumaradang mga kotse sa tapat ng school. Parang convoy iyon. May flag pa ang harapan ng mga sasakyan. Yung mga estudyanteng pauwi ay nagkumpulan sa main entrance at nag aabang.
Naglakad ang isang magandang babae palabas ng Larkworth College. Mahaba ang buhok niya at may bangs. Tumigil siya at tumingin sa likod. Magkasalubong ang kilay niya at tila may inaantay. Nagsimulang magtilian ang mga babae ng lumabas din ang isang matangkad na lalaki—
"T-Teka! Yan yung lalaking—"
"Sila ang dalawa sa tatlong royal blood ng Scatterella Coven. Si Olivia Scatterella at Opium Scatterella."
Nalaglag ang panga ni Katherine ng marinig niya ang Coven na kinabibilangan ng lalaking nakausap niya kani-kanina lang.
"S-Scatterella? Nandito ang royal bloods ng Coven na iyon? Sa Larkworth? No joke???!"
Napasinghap nalang si Katherine habang pinanuod ang dalawang magkapatid na maglakad papunta sa sasakyan nila. Ang ganda nung babae at ang gwapo ng lalaki. Ang mga bampira talaga, parang may perfection genes sa katawan.
The Scatterella Coven is known to be one of the most powerful clan of Vampires. Hindi niya alam that the clan resides here in New Wellington and that the royals are studying in this school.
"You better stay away from them."
Napalingon naman si Katherine ng sabihin iyon ni Krauser. "Say what? Why should I stay away from them?!" tanong niya sa Master niya.
"I told you, didn't I? They are dangerous--"
"Haven't you forgotten that I am a Silver Flame? Silver runs in my veins. They can drink my blood but after an hour, my blood will eventually kill them."
"Ah so akala mo magaling ka na dahil naglalakad kang lason? Ganun?" naiiritang tanong ni Krauser.
"Oo!" pagtatanggol ni Katherine sa sarili niya sabay pout.
"Alam mo—"
"Kraus!" natigil ang pagtatalo nila ng tatakbong lumapit si Annielyn sa kanila.
"A-Annie! Hindi ka pumasok sa klase--"
"Krauser, I need your help!" she seemed anxious.
"Help? About what?"
"I can't do a full transformation since that night I encountered your annoying butler!" she hissed and looked at Katherine. Sinadya niyang iparinig sa dalaga ang hinaing nito.
"Pero nakapagtransform ka pa bago ka umalis ah?"
"After that, hindi na. Kraus— I'm scared. What if Earl finds out? I'm gonna be in big trouble!" she desperately begged.
Krauser immediately looked at Katherine na busy lang sa pagtingin sa kuko nito as if she doesn't hear the werepanther and her cry for help.
"Katherine—"
"Not my fault," sagot niya agad at ngumisi. "It's not my fault. I was just protecting myself and unfortunately pati ikaw kailangan kong protektahan kahit labag sa kalooban ko. And besides, I warned that idiot panther about going near the briefcase. Yan tuloy napala mo, werebitch."
"Katherine! Ano ba! Turn her back into a werepanther!"
She crossed her arms and raised her eyebrows. "First of all, hindi ako witch to zip and zap her back to normal. Pangalawa, I don't f ucking care what happens to your stupid shapeshifter friend at pangatlo— wala na akong magagawa pa sa kalagayan niya." Katherine really hated the panther dahil sa pag-atake nito sa kanya.
Kinagat ni Annielyn ang lower lip niya at pinipigilang umiyak. She's thinking twice of apologizing pero hindi kaya ng pride niya sa ngayon. But sh1t! Ilang araw na siyang nanghihina at walang lakas. She needs to hide this all from her pack dahil una, ayaw niyang mag-alala ang mga ito sa kanya. At kapag nalaman ito ni Earl, magagalit iyon kay Krauser at baka hindi na siya payagang makipagkaibigan sa kanya.
"Anong wala ka ng magagawa? What did you do to her?!"
"She was exposed to Silver Flame. Titigil talaga ang kakayahan niyang magtransform dahil sa paglapit niya sa silver hatch ko. But don't worry, temporary lang yan. Although, I don't know how long will she stay weak."
"T-Talaga?" tila nabuhayan ng loob ang shapeshifter sa sinabi ng babaeng butler.
"But I'd rather kill you though," pahabol niya pero agad din siyang binatukan ni Krauser.
"Will you stop saying you'll kill her! She's my friend for fvck's sake!"
"Ouch ha! Tss. Well okay, fine. I'll spare the werebitch," umirap si Katherine at sumakay sa kotse. Naiwan si Annielyn at Krauser sa labas.
"Sorry about my butler."
Annielyn smiled. "It's okay. Hindi ko parin matanggap na ganyan kabastos ang butler mo. But I'm glad hindi permanent tong nangyayari sa katawan ko. I just hoped that makarecover na ako bago pa malaman nila Earl ang nangyari," she worriedly said.
Krauser smiled at pat her head.
Habang pauwi si Krauser at Katherine, napansin nila ang nagkakagulong tao sa Town Plaza. Agad pinahinto ni Krauser ang sasakyan at lumabas. Sumunod sa kanya ang butler niya. Umiiling pa ito dahil mukhang alam niya ang balak ng Master niya.
Nagkakagulo ang mga tao sa Town Plaza dahil sa isang bangkay ng babae na sunog ang katawan. Ang bangkay ay nasa gitna ng napakalaking bilog na may bituin na nakasulat sa sahig ng plaza.
Wala pa ang NWPD pero pumunta si Krauser sa lugar kung saan nakasulat ang simbolo at ineksamin ito.
"Witchcraft symbol," he said. "And it's written in blood." agad niyang narinig ang iba't ibang bulong sa kanyang isip.
"Grabe! Shapeshifter ba iyan?"
"May patay na naman? Nakakatakot na talaga dito! Dapat na talaga akong mapromote at umalis sa lugar na ito!"
"As long as it will look like an offertory ritual, hindi maghihinala ang mga pulis."
Krauser's eyes widen. Agad siyang napatayo at--
"Master Krauser, mahigpit na pinagbilin saken ni Lord Marshall na huwag ka ng makielam sa mga ganitong—"
"That girl—sa Larkworth siya nag-aaral," nakatingin siya sa sunog na bangkay. He then scanned the people around the area para basahin ang mga isip nila, he's quite sure na narinig niya ang culprint pero—
"What the—"
"Uuwi na tayo!" sigaw ng babaeng butler habang nakayakap sa kanyang Master.
"Will you get the fvck off you stupid b1tch!!!" sinubukang alisin ni Krauser mula sa pagkakayakap si Katherine pero mahigpit itong nakakapit sa katawan niya na parang unggoy. Lumingon siya sa kumpulan ng mga tao at wala siyang marinig. Nawala ang culprint!
"We're going home!" hinila niya ang Master niya na sinusubukan pa ding magbasa ng isip mula sa kumpulan ng tao pero dahil hawak siya ng Silver Flame, wala siyang marinig at nahihilo na naman siya.
"Darn! Ano ba! I need to find the culprit!"
"Hindi ka pulis. Feeling detective ka pa. Let the police handle this. Kailangan mo ng umuwi sa bahay. Tama na yang detective sh1ts na yan!" pinaandar na ng driver ang kotse at nanatiling nakaupo at nakahalukipkip ang Master niya. Nakadungaw siya sa bintana ng kotse habang nakapout at nakakunot ang noo.
He perfectly resembles a kid na hindi nabili ang laruang gusto niya sa mall and Katherine finds it adorable.
* * * *
A/N: Will you guys freak out kapag nalaman niyo kung sino ang fictional character ni Opium at Olivia Scatterella?
Kim Woo Bin as Opium Scatterella
Kim Ji Won as Olivia Scatterella
Kasi ako emergord nagfi-freak out hanggang ngayon. Hahahahahaha. Lalo na yung dalawang nasa multimedia. Wag kayo! OTP ko sila. #School2013. Emergord. K.
Vote and comment! :3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top