Flame 23 - Phyto Bandfest
Flame 23 - Phyto Bandfest
Ipinaling ni Katherine Lovell ang kanyang ulo sa kaliwa at kanan. Maigi niyang sinusuyod ang buong Cafeteria sa pag-asang makikita niya si Opium Scatterella. Ilang araw na itong hindi pumapasok na ikinababahala ng dalaga. Naramdaman niyang nakatayo sa tabi niya ang kanyang Master pero hindi pa rin niya maalis ang tingin sa buong lugar.
"Are you still looking for Scatterella? Because if you have no plans on eating lunch, I might as well leave you out here," pagtitimping sabi Krauser Vaughaun sa kanyang butler.
Natatawang itinuon ng dalaga ang atensyon niya sa kanyang Master. Nakanguso ito at halatang nauubos na ang pasensya. "Come on, Krauser. I'm just confused why Opium's been acting like this lately. Hindi siya nagpapapasok sa class and I haven't seen him for days!"
"So? Who the fck cares? Do I have to care? NO. Scatterella can do whatever the hell he wants kasi hindi niya ako butler. And you're not his butler either. Kaya pwede ba? Let's eat lunch already?"
Katherine giggled before walking towards an empty table. Padabog namang ibinagsak ni Krauser ang tray na may laman ng kanilang tanghalian. Katherine finds it adorable that he's been acting like a child these days. Sa tingin niya ay mas natural tignan kapag ganyan si Krauser para sa kanya.
"Oo nga pala, dadating na mamaya ang Dad mo. You better act nice to him. Halos tatlong linggo din siyang nasa ibang bayan para tumulong sa investigations," paalala niya sa kanyang Master.
"So hindi tayo aalis mamaya? Wow. Tonight will surely be boring," umikot ang mata ng binata habang nakain.
Malimit lumabas ang dalawa dahil nag-iimbestiga rin sila sa insignia na nakita nila sa Vaughaun Hall at sa mga pumatay sa Mom ni Opium. Pero halos isang linggo na ay wala pa rin silang lead.
"Siguro nagkataon lang na parehas. Malay mo insignia iyon ng mga pulis or ng fraternity. Brotherhood organization or baka magkahawig lang yung nakita mo sa isip noong nurse."
Kinuyom ni Krauser ang kanyang kamay at nag-isip. "Hindi. Sa tingin ko may malaking kahulugan ang insignia na iyan sa pagkatao ko. And I won't stop until I find it out."
"HELLO!" Leeroy Nixon appeared out of nowhere behind Katherine. He grinned at her and handed a ticket. "Manunuod ka, hindi ba? Please! Drummer ako sa banda na iyan eh! Gusto ko manuod ka!" he begged.
"Ah-- eh-- kasi ano..." naiilang na tumingin kay Krauser ang dalaga. Napalunok pa ito nang makita niyang magkasalubong ang kilay ng kanyang Master.
"Ayaw mo ba?" malungkot na tanong ng werewolf sa kanya.
Agad umiling si Katherine at ngumiti sa kanya. "I-It's not like that at all! Gusto kong pumunta! Seryoso, gusto ko talaga. Kaya lang kasi Leeroy--"
"Hindi ba dapat, sa akin ka magpaalam?" mataray na sabat ni Krauser. Agad namang humarap si Leeroy sa kanya at natawa.
"Ah! Hahaha! Oo nga pala! Master ka niya. So, pupwede bang manuod ng band fest si Katherine?" masaya pang tanong niya.
"Hindi. Ayoko," diretcho at walang kaabog-abog na sagot ni Krauser Vaughaun.
Napanganga nalang si Leeroy at halatang nanlumo ito. "P-Pero--"
"KRAUSSS!!!" nalipat ang atensyon nila nang biglang sumulpot sa tabi ni Krauser ang werepanther na si Annielyn Thompson. "Kraus! Nuod ka ah! Bassist ako sa banda namin eh! Kailangan mo akong panuorin kundi, magtatampo talaga ako sa'yo!" sabi niya at agad iniabot ang ticket.
"Annie--"
"Magtatampo talaga ako kapag wala ka doon! Sige ka!" sabay simangot ng panther sa kanya.
Krauser rolled his eyes and scratched his head. "Okay fine! Manunuod na!" labag sa loob niyang sagot.
"Yes!!!" sabay pang sigaw ni Annielyn at Leeroy nang marinig nila ang sabi ni Krauser Vaughaun.
Agad din nilang napansin ang isa't isa at napaatras. "What the-- you!" sabay duro ni Annielyn kay Leeroy.
"Huh! Tatalunin namin kayo! You will eat dust, panther!" pagyayabang nito.
Biglang humaba ang mga pangil ni Annielyn at agad umamba na susugod. "We will not let that happen, werewolf! NEVER EVER!" nagtitigan pa ang dalawa bago magpasyang umalis sa table nila Krauser at Katherine.
Nang makaalis ang dalawa, tila naging awkward sandali ang paligid. Natawa tuloy ang dalawa sa nangyari.
"Those two! Hahaha! I'm not surprised if that band fest will end up a riot!" sabi ni Katherine habang natawa.
Krauser was also laughing while stirring his ice tea using a straw. "Siguro nga. Competitive pa naman si Annielyn. Her mindset is to win and nothing else," he said and sighed.
"So I guess, we have no choice but to watch, right?"
Krauser shrugged and nodded. "I guess we have no choice."
Natapos ang araw ni Katherine na magaan ang loob dahil nalaman niyang hindi siya bagsak at maayos ang lahat ng kanyang subjects. Naglalakad na papunta sa carpark si Katherine nang sabayan siya ng kanyang Master na kakalabas lang sa klase. Diretcho lang ang tingin nito habang naglalakad. Hindi tuloy maiwasan ng butler ang pagtitig sa side profile ng kanyang Master.
Yung jawlines ni Krauser emphasized masyado. Ang manly din ng leeg niya at kitang-kita ang makinang na kutis niya. Makinang talaga! Hindi rin malaman ni Katherine kung bakit ganoon kaganda ang complexion ng kanyang Master. Daig pa ang balat niya. Palibhasa kasi, mayaman.
Maarte rin sa katawan si Krauser at halatang hindi masyadong lumalabas at nagpapaaraw. Nakakaramdam na si Katherine nang pananakit ng leeg dahil nakatingala pa ito sa sobrang tangkad ni Krauser nang bigla itong mabangga.
"Ahhh!" agad natalapid ang butler ngunit buti nalang at nasalo siya kaagad ng lalaking nabangga niya.
"My apologies, Miss," nagulat si Katherine nang maramdaman niya ang kakaibang aura ng lalaki kaya agad itong napaatras.
"Ah-- okay lang, ako nga ang dapat mag-sorry. Ako ang nakabangga sayo. Pasensya na," agad siyang nag-bow sa lalaki pero hindi siya tumingin dito nang diretcho.
"No worries. Next time, be careful," lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Tumayo ito sa tapat ng isang room at tila may inaantay.
"Bampira," bulong ni Krauser nang makalapit siya kay Katherine.
She nodded and looked at him. Nanlaki ang mga mata ni Katherine nang lumapit sa kanya ang nerd na laging binubully ni Opium. "W-Wait-- that's--"
"That vampire looks familiar... hindi ko nga alam kung saan ko siya nakita. But I'm pretty sure, he's a part of the Scatterella Vampire Guild," sabi ni Krauser habang sinusundan nila ng tingin ang nerd na lalaki at ang bampira na tinutukoy niya.
"And that guy he's with... siya si Ludwig. Yung binubully ni Opium."
Sabay pang napataas ang kilay ng dalawa at agad din naman nilang ipinagpatuloy ang paglalakad. Gustuhin man niyang alamin ang kaugnayan ng dalawa sa isa't isa ay hinayaan nalang niya iyon.
Napukaw naman ang atensyon ni Katherine sa kakakabit pa lang na poster ng Phyto Bandfest. Kinuha niya ang ticket na bigay ni Leeroy sa kanya kanina upang makumpirma na pareho lang iyon.
"The bandfest will be held in Phyto? Cool!" masayang sabi ni Katherine habang binabasa ang poster.
"That's a perfect place for an event like that." Dagdag ni Krauser nang makalapit din siya sa bulletin board kung saan nakakabit ang posters.
Phyto is a huge open field na madalas talagang pagdausan ng malalaking events at pagtitipon-tipon. Maraming nagsasabi na sa sobrang laki ng Phyto ay madaming naliligaw dito. Maraming sabi-sabi na ilan na rin ang naligaw sa lugar at hindi na nakabalik pa. Napakamisteryoso ng lugar na iyon kahit pa madalas itong pagdausan ng mga concerts at events.
"Teka--" biglang natigilan si Katherine nang mapansin niya ang disenyo ng poster. Napaatras ito nang makita niya ito at mapagtanto. "C-Could it be?!" hindi ito makapaniwala.
"Hey-- what's wrong? What did you see?" Krauser worriedly asked.
"Ang six symbols na pinakita ng Cronus..." bulong nito habang nakatingin lang sa poster.
Ang anim na simbolo ay tila naging disenyo o border ng poster kaya hindi ito agad napansin ni Katherine. Hindi niya malaman kung matutuwa siya o matatakot siya dahil kung ang anim na simbolo ay konektado sa bandfest--
"Ang sabi nang nakasakay sa kabayo at maraming uwak ay mayroon pang maramihang pagpatay... at maaaring maulit ang nangyari sa Dorell Forest... hindi kaya--"
"No. Hindi. I won't let that happen again," Katherine quickly said before Krauser would even finish what he was about to say.
"Well, if that's the case... we can ask the Thompson's. They are one of the organizers for the event. Maybe they know what are these symbols," Krauser suggested.
Katherine nodded and they ran to the car park and head straight to the Thompson pack. She can feel a little bit nervous knowing that there's a possibility of another huge massacre just like what the Cronus had foretold. And what's bothering her even more is the fact that she has to stop it before it could take so many lives again. It is her responsibility as a Silver Flame afterall.
"The six symbols? You drove all the way here to ask me that?" natatawang sabi ni Earl nang makarating sila doon at maitanong iyon. "I think one of our creative werepanthers designed the posters. Ipapatawag ko siya," he said.
"Pasensya na sa abala, Earl," Krauser said and bowed his head.
"No worries, Vaughaun. Maraming salamat sa pagsuporta mo kay Annielyn. Alam mo naman ang babaeng iyon, hindi papatalo lagi. Kaya malimit na napapa-away sa sobrang pagiging competitive."
"I understand," nakarinig nang yabag ng paa ang tatlo at pumasok sa loob ng silid ang isang payat na lalaki na may salamin.
"Hugo. Come here, they wanted to ask a few questions about your poster," natutuwang tinawag ni Earl Thompson ang freelance artist at werepanther na si Hugo Tartavosky.
"Magandang araw. May itatanong po kayo sa poster?" naiilang pang tanong niya kila Katherine.
"Ah yes. About these symbols..." sabay turo ni Krauser sa poster. "Is there any chance that you--"
"I saw those symbols in the Ancient Book of the Mythical Creatures. The symbols have been said to be controlled by the Seeker. The seeker shall have the power to control the elements of the Earth as foretold by ancient Oracles. Land, Sea, Wind, Fire, Trees and Heart. Those elements are the ones represented by each symbols. Napansin ko lang na cool siyang pang-border kaya nilagay ko. Plaigiarism ba iyon?" he asked.
"Hindi naman. Nacurious lang kami!" nagkamot ng ulo si Krauser at tumawa. "Salamat sa pagsabi ah."
They heard Earl chuckled too. "Mukhang nasosobrahan na ang pagiging detective mo, Vaughaun. Curious ka na sa napakaraming bagay," he grinned.
"H-Hindi naman," he laughed along with the panther leader. "We have to go, thanks for accomodating us, Earl."
"Always a pleasure, Vaughaun. See you on the day of the Bandfest!"
Agad dumiretcho ang dalawa para maghanap ng libro tungkol sa Ancient Mythical Creatures. Nakita nga nila doon ang anim na simbolo at ang ilang impormasyon tungkol sa Seeker.
"The Seeker finds light and ends darkness. He shall brought forth light unto anyone who desires and will shower darkness to whoever he desires," Krauser read a part of the book.
Katherine still cannot understand the Cronus signals. Tumutugma din ang Seeker sa unang riddle. Bukod sa nalaman na nila ang totoong kahulugan ng mga simbolo na pinakita noon.
"Ang simbolo ng tubig... this was used by the stupid warlock in Mermius. Wait-- don't tell me kaya kayo pumunta doon ay--"
"Yes. We wanted to know about the symbols. Bigo kami dahil isang simbolo lang iyon. Ibig sabihin, kayang kontrolin ng seeker ang mga elementong ito nang sabay-sabay. Not like warlocks and other witches that are given only one element to control and master."
"Nakalagay din sa libro na ang mga nagdaang mga seeker ay kakampi ng pinuno ng Underworld. If I'm getting this right, the Seeker can help you then."
But Katherine was unsure if she will believe this fact. Natuto siyang huwag basta-basta magtiwala at sa mga panahong ito hindi siya maaaring magkamali dahil maaaring marami na namang buhay ang mawala.
"I will not consider it as fact until I have proof." Katherine said and came across her mind to tell what they found out to Opium Scatterella only to her dismay, his phone was out of reach.
***
Madungis at puno ng dugo ang buong leeg, naglakad papasok ng bahay si Opium Scatterella. Mud from his shoes stick on the pearl white granite flooring. His eyes were still scarlet... Scarlet... his Mom.
"Kuya Opium?" Oraion was taken aback to see his older brother's transformation. Hindi niya pa ito nakikita bilang isang bampira, ito ang unang beses at hindi niya maitago ang takot.
"Are you scared?" he chuckled and grab his neck. Ang matutulis na kuko ni Opium ang unti-unting nagtatanggal ng hininga ng kanyang kapatid.
"K--Kuya--"
"You're weak! How dare you bring our family's name to shame! Shame on you! You're a worthless piece of sht in this family! Mas mabuti pang--"
"Opium!" agad nagtatakbo si Deborah at kinuha si Oraion mula sa mga kamay niya. May ilang gasgas ang bata at nawalan na ito ng malay.
Opium bit his lower lip and clenched his fist. He then walked out and went straight to his room. Ilang araw na siyang wala sa sarili. Ilang araw na siyang balisa dahil sa pagkawala ng kanyang ina. Akala niya madali lang kalimutan iyon pero sa tuwing pipikit siya ay nakikita niya ang mukha ng kanyang ina.
Unti-unting nawala ang mahahabang kuko sa kanyang mga kamay at bumalik sa dati ang kulay ng kanyang mga mata. Napalitan ito ng mga luha na agad tumulo sa kanyang pisngi nang makarating siya sa loob ng kwarto niya.
"Mom... I'm sorry... I wasn't strong enough to save you from him."
In front of his room was Olivia Scatterella. Unti-unting nadudurog ang puso ng dalaga sa tuwing maririnig niya ang pag-iyak ng kanyang nakakatandang kapatid. Kakatok na sana siya ng makita niyang dumaan ang kanyang ama.
"Olivia," tawag ni Lord Gifford Scatterella sa anak. Kasama niya ang ilang mga bampira na nasa Vampire Guild.
"D-Dad..." agad itong nag-bow bilang respeto.
"Have you seen Opium?" tanong nito.
"Ah-- si Kuya? N-Nasa loob. I think he just got home from feeding," she answered.
"Ah! Excellent! That's my boy! Hayaan mo na siyang magpahinga--"
"Pero Dad--" pag-alma ni Olivia. Gusto sana niyang sabihin ang totoong kalagayan ni Opium but she doesn't even know where to start.
"Bakit? May sasabihin ka pa ba, Olivia?"
"W-Wala Dad. Itatanong ko lang po kung aalis kayo."
"Yes. Tell Opium that I shall be busy for a few days, I need to train the Vampire Guild," he said and left. Naiwan doon ang isa sa mga kasamang bampira sa Guild.
"Mauna na kami, Lady Olivia," he said and smiled at her.
"Sige, mag-iingat kayo sa training, Zirco," she said at umalis na rin ito kasunod ng kanyang Dad.
Olivia looked at Opium's door worriedly. Gusto niya pa ring tignan ang kapatid pero mas minabuti nitong hayaan nalang siya. At the back of her head iniisip niya na lumabas ang kanyang kapatid, the moment Zirco started talking to her but Opium didn't show up.
She sighed and entered her own room hoping that Opium will go back to normal tomorrow. He's maybe annoying and a bit of a jerk, but she can't stand the fact that Opium is hurt. It breaks her heart.
"Good night, Opium. Please be fine..."
* * * *
Hello mga SB friends! Salamat sa walang sawang pagcomment, pag-vote at pag-aantay ng updates ko! Happy Summer! *u*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top