Flame 2 - Meet the Butler
Flame 2 - Meet the Butler
Iginala ni Katherine Lovell sa kabuuan ng syudad ang kanyang mga mata. Maunlad ang New Wellington kaysa sa tinutuluyan niya sa Steddleton. May nagtataasang building sa mismong downtown at may subway train pa. Malaki ang New Wellington at maituturing na makapangyarihang syudad.
Agad namang binitbit ni Katherine ang malaki niyang maleta sa gilid ng daan para mag-abang ng taxi. Bukod sa isang maleta ay may hawak pa siyang briefcase. Hindi niya inasahan ang malamig na klima sa lugar kung kaya't namamanhid na ang kanyang kamay.
Agad may tumigil na cab sa tapat niya. Sumilip siya sa driver na parang nasa kanyang late thirties na ang edad. Ngumiti siya at tumango ang driver. Lumabas ito para tulungan siya sa kanyang bagahe. Isinakay ng driver ang maleta sa compartment habang hawak pa rin ni Katherine ang silver briefcase.
"Maraming salamat ho," sabi ni Katherine sa driver.
"Walang anuman. Bagong salta ka ba dito sa New Well?" tanong ng matanda.
"Opo." Agad naman silang sumakay. Mukhang mabait ang driver dahil parati itong nakangiti. "Sa Elmson Street po ako. Sa may NWPD."
"Anong gagawin ng isang magandang dilag sa lugar na iyon?" tanong naman agad ng driver ng marinig nito ang destinasyon ng dalaga.
"Andoon po kasi ang Auntie ko."
Nagulat si Katherine ng humarap ang driver at tila manghang-mangha. "T-Teka, Auntie mo ba si Judith Lovell ng NWPD?!" tanong nito agad.
Awkward namang tumango si Katherine kahit hindi niya alam kung papaano niya nalaman ang pangalan ng Auntie niya.
'Siya lang ba ang babaeng pulis doon?', tanong niya sa isip niya.
"Nako! Sa dami ng traffic accidents na nangyari sa New Well na kasangkot ako, lagi kong nakikita ang Auntie mo. Maraming babaeng pulis sa NWPD pero kakaiba ang Auntie mo." Humalakhak ito at pinatakbo ang cab. "Isa pa, kahit malaki ang syudad ng New Well ay pamilyar na ako sa mga tao dito!"
Madami pa siyang ikinukwento pero nanatili ang atensyon ni Katherine sa labas. Iniisip niya kung bakit pinapunta siya ng Auntie niya sa New Wellington. Kung ano ang magiging buhay niya dito.
Napadaan ang taxi sa New Wellington Community Church at saglit na pumikit si Katherine para magbigay galang. Nakita niya sa malaking relo sa simbahan ang oras.
07:36 PM
Madilim na ang langit at basa ang kalsada dahil kakatapos lang ng ulan. Kapag hindi tumigil ang mariing pag-ihip ng malamig na hangin, maya-maya pa ay magyeyelo ang daan.
Habang nasa taimtim na pagmamasid ang dalagang Lovell nang nakarinig ito ng nagsisigawang by stander sa daan at agad na tumawid sa kalsada ang isang malaking itim na lobo.
"Shapeshifter," bulong ni Katherine sa sarili niya.
"Jusko po! May mga taong lobo na naman!!!" takot na sigaw ng driver ng taxi. Agad itong lumiko sa kabilang direksyon ngunit mukhang puntirya ng werewolf na paglaruan ang sinasakyan nila.
Tumalon ang lobong shapeshifter at pumaibabaw sa hood ng sasakyan ng taxi. Nagpanic na pinatakbo ng mabilis ng driver ang sasakyan habang nakakapit lang ng mahigpit sa kanyang briefcase si Katherine.
"Ahh!!!" kinabig ng driver ang manibela pakaliwa at pakanan upang mawala ang lobo sa harapan ng sasakyan. Ngunit tumigil ang sasakyan ng tumama ito sa fire hydrant. Dahil sa impact ng pagbangga na bitawan niya ang silver briefcase niya dahil para pumailalim ito sa upuan ng sirang kotse. Duguan ang driver na agad namang nahila ni Katherine palayo bago pa sunggaban ng tila galit at nagwawalang lobo.
Hinila niya ang walang malay na driver sa gutter na may nagkukumpulang tao. Her head was spinning dahil siguro sa impact ng pagkakabangga. The werewolf looked at Katherine na nakatayo a few meters away from the wreck.
Sumigaw ang by standers para balaan ang dalaga na tumakbo. Pero mukhang wala siyang balak tumakbo at naglakad pa papunta sa taxi. Babalikan niya ang briefcase sa loob. Kailangan niyang balikan iyon.
Bumaba ang lobo at maririnig dito ang garalgal na ngitngit kasabay ang hingal nitong paghinga.
Malamig lang siyang tinitigan ni Katherine at sa isang kisapmata ay sumugod sa kanya ang lobo. Sumigaw ang mga tao at tila namangha na makitang nakailag ang dalaga at agad nakapasok sa taxi para kunin ang maleta niya.
Isa itong silver case na parang lalagyan ng laptop. Agad hinawakan ni Katherine ang magkabilang lock ng maleta habang nakatingin sa lobo nang-
"Freeze! NWPD!" sigaw ng isang lalaki. Agad naalarma ang itim na lobo at napaatras.
May dumating pang limang lalaki na may baril na nakatutok sa lobo. Mukhang mga pulis sila. Maririnig mo din ang palapit na sirena ng police mobile at mas madaming tao ang nagsilabasan.
"Grr..." mas nalukot ang mukha ng werewolf ng marinig niya ang sirena. A shot was fired pero pampatulog lang iyon. Agad bumagsak ang lobo at unti unting bumalik sa tunay niyang anyo. Isang hubad na lalaki ang ngayo'y nilagay sa stretcher at isinakay sa ambulansya.
"Katherine!" tawag ng Auntie Judith niya ng makalabas ito ng sasakyan. Niyakap niya agad ang dalaga at hinaplos ang likod nito. "Nasaktan ka ba? Ano bang nangyari! Jusko!"
She chuckled. "I'm fine Aunt Judith. Napagdiskitahan lang ng nagwawalang lobo."
"You scared me! Akala ko--"
"Muntik ko ng gawin Auntie. Buti nalang dumating kayo agad."
***
Halos hindi magkandaugaga ang mga pulis na kasama ni Judith Lovell nang makarating sa New Wellington Police Department ang kanyang pamangkin.
Isa si Judith sa lady officer ng syudad na namamahala sa traffic at road cases and incidents sa buong New Wellington. Lahat ng kapwa niya pulis ay mukhang interesado sa dalaga.
"Dith, single ba siya? Mahilig ba siya sa mga lalaking balbas sarado, huh?" tanong agad ni Brian Williams na naka-assign ngayon sa help desk.
"Brian, hindi papatol sa isang 26 years old na may asawa ang pamangkin ko, quit it."
"Eto namang si Judith. Ang damot."
Umirap nalang siya at hinila si Katherine sa kanyang office. Mataas ang ranggo ni Judith dahil matagal na siya sa serbisyo. 36 years old na siya, namatay ang asawa nito 2 years lang matapos nilang ikasal at hindi sila nagka-anak.
"Auntie--"
Nilock muna ni Judith ang pinto bago siya humarap kay Katherine. "Makikipagkita ka kay Chief Officer Vaughaun mamaya."
"S-Sino? Teka siya ba ang nag-hire sa akin? Wala man lang bang briefing, huh Auntie?"
"Siya ang magbi-briefing sayo. But listen to me-" lumapit ang Auntie niya at hinawakan ang magkabilang braso ni Katherine. "...lagi kang mag-iingat. This is different from Steddleton. This city is a jungle," she whispered.
"Are you talking about the shapeshifters?" tila wala lang ito sa dalaga.
"They're dangerous and the city cannot control the violence out here."
Katherine sighed and pat her Aunt on the back. "Hey Auntie, chill. I'm Katherine Lovell. I'm a Lovell, remember?"
"I know. I know that quite well, sweetheart. But- these creatures are immortal. They heal faster, iba sila sa atin. They can tear your flesh and maybe drink your blood or cast a spell on you. And accepting Chief Officer's offer will put you to that kind of danger."
"So? Why'd you called me in the first place?" nababagot na tanong ni Katherine sa Auntie niya.
Her Aunt sighed. "He found out about you- about our family- and I can't say no to my boss." Natawa tuloy si Katherine dahil sa sagot ng Auntie niya. "Kath, I don't want to risk the last burning Silver Flame in our family. You know that, right?"
"Aunt Judith, ayaw ko ng magtago. Ikaw na ang nagsabi na hindi ako immortal, so why would I deprive myself of a little adventure?"
"Putting your life at risk does not sound like an adventure to me, young lady."
She snorted into a loud laugh. "Auntie, you sound like my Mom. Will you relax?"
"I can't--" natigil si Judith ng may kumatok sa pinto. "Who is it?" tanong niya.
"It's me. Rob. Chief Vaughaun arrived and he wants to see Katherine."
"Okay. Susunod kami." Judith sighed and obviously was trying to keep calm. "Katherine you can say no, okay?"
"Yes. But if the offer is acceptable, I can say yes either." She left her Auntie inside the office wearing a grin.
***
"You must be Katherine? A pleasure to meet you." Chief Officer Vaughaun greeted and pointed at the chair beside his table. "Please make yourself comfortable."
Umupo naman si Katherine doon at ngumiti. "It's an honor, Mr. Vaughaun."
"So I found out that your Mom and Dad are famous gun experts from Steddleton. I was surprised that Judith was related to the clan of calibur experts since I've known her as an excellent officer since before. Maybe a little connected since she has good aiming skills."
"Well, Aunt Judith wants to be a police officer ever since that's why she left Steddleton."
He leaned forward on his table. "About my offer... you see I've been badly looking for a butler to be with my son. I ran out of options and was lucky enough to see your profile."
"Butler? Ako? Butler ng anak niyo?" nanlaki ang mata ni Katherine.
"Yes. $300,000 a month. Your own dorm in the Vaughaun mansion, free rent, free food, free expenses."
"Magbabayad kayo ng ganung halaga? Anong klase ba ng tao ang anak ninyo? Bampira? Kailangan ko ba siyang painumin ng dugo? O di kaya werefox ba siya at gagawin ninyo akong sandpaper para pampapurol ng kuko niya?"
"No. He's completely normal."
Nalaglag ang panga ni Katherine. Bigtime yung offer at tila lumipad na sa hangin ang sinabi sa kanya ng Aunt Judith niya. Hindi naman niya kailangan ang pera pero naging interesado siya sa New Wellington at sa karahasan dito. At isa pa, ang offer na iyon ay sadyang nakakaakit.
"Well?"
Just then, nakarinig ng pagkatok sa pinto ang dalawa at agad tumambad sa kanila ang isang maitim at malaking lalaki na may bitbit na binata sa kanyang balikat.
Napalingon si Katherine at nahagip nito ang pagsapo ng Chief Officer sa kanyang noo kasabay ang pagbuntong-hininga.
"Chief, nahuli po siya sa Were Facility. Pinakawalan niya yung nag-amok na werewolf malapit sa New Wellington Community Church," pagreport ng higanteng police officer at parang wala lang sa kanya ang buhat niya.
"Salamat sa paghuli sa kanya, Wesley. Bumalik ka na sa Were Facility. Ako na ang bahala kay Krauser," utos ng pinunong Vaughaun.
Tumango si Wesley at binitawan ang noo'y bitbit niyang si Krauser Vaughaun. Maririnig ang mala-higanteng mga hakbang ni Wesley palabas ng office.
Hirap na tumayo si Krauser mula sa pagbagsak sa sahig simula ng bitawan siya. Matalim itong tumingin sa kanyang Ama. May galos siya sa kaliwang pisngi at mantsa ng dugo sa suot niyang tshirt.
"Sinong may sabi na makielam ka sa Were Facility?" inis na tanong ni Chief Vaughaun sa anak.
"Nobody."
"Then why did you let the werewolf free? He was detained because he almost killed a cab driver and your butler."
Napatingin naman si Krauser sa ama at tila nagulat. "Really? Cool," natatawa niya pang sabi.
His Father remained motionless although you can hear a painful gritting of teeth from inside his mouth.
Katherine looked confused on why the guy's acting like a jerk around a powerful and highly respected person like Chief Officer Vaughaun. And that thought hit her as soon as she realized who the guy standing in front of her is right now.
"Katherine, this is my son. Krauser Vaughaun."
***
Halos maglaway si Katherine ng makapasok siya sa loob ng Vaughaun Mansion. Glass mansion iyon at kitang-kita ang ektaryang mga puno sa palibot. Naglalakihang chandelier ang nagsisilbing ilaw at nagningning ang royal staircase sa gitna.
Natigil lang sa paglalaway si Katherine ng binangga siya ni Krauser na nakapamulsa at sinipa pa ang mga bagahe na nakaharang sa daan.
"Hoy. Problema mo?" inis na tanong ni Katherine.
Tinaas ni Krauser ang kilay niya at ngumiti ng pilit. "Ah? Andyan ka pala?" walang gana siyang tumingin kay Katherine. "Oh by the way, maghintay ka muna dito. Aayusin pa nila ang kwarto mo eh," his lips curved into a sly smile. "I'm sure you're dead tired."
Kinilabutan si Katherine sa ngiti ng Master niya. Nagpaiwan si Chief Vaughaun sa NWPD at sumabay na siya kay Krauser papunta dito pero wala man lang kahit katiting na pinakitang reaksyon ang lalaki sa kanya maliban sa pagtitig nito sa kanya. Idagdag pa ang pagiging mainitin ang ulo nito. Kaya ngayon gulong-gulo ang dalaga sa ngiti na pinakita sa kanya.
"S-Sige. Dito muna ako." binuhat niya ang ibang bagahe nito habang pinanuod niya ang Master niya na umakyat sa hagdan. Iniisip ni Katherine na baka mabait din ang amo niya at hindi ito gaanong kasama. Binaba niya ang silver briefcase sa malambot na sofa at tumingin tingin sa mga palamuti sa bahay.
Mula naman sa ikalawang palapag, kunot noong tinitignan ng binatang Vaughaun ang kanyang bagong butler. Inis na inis ito dahil tila hindi niya mabasa ang isip ng isang iyon.
"Minsan lang pumalya ang kakayahan ko and that's when I'm sick as f uck. But I'm sure I'm not at that state," sabi nito sa sarili sabay kagat sa labi.
Pinagmasdan niya si Katherine habang paikot ikot ito sa sala. Nasa gitna iyon ng bulwagan kaya kitang kita ang bawat galaw niya kapag nasa ikalawang palapag ka.
Natatawa nalang si Krauser na isiping ganito siya maliitin ng kanyang ama. Isang babae ang inatasan niyang gawing butler niya. Iyong mga makikisig na lalaki nga hindi umubra kay Annielyn, eto pa kaya?
"Sorry Miss Lovell, mukhang hindi ka na makakatulog sa mansion namin ngayong gabi." He fished out his phone at agad pinindot ang speed dial 8.
["Hey Kraus! Heard you got caught at the Were Facility. How you doin'?"] sagot agad ng shapeshifter sa kabilang linya.
"I'm good. Did the wolf managed to come back from its pack?"
["He did. Thankfully, hindi pa nagsisimula ang pageeksperimento sa kanya. The wolf leader expressed his deepest gratitude to you."]
Krauser heaved a sigh of relief. Nang malaman niyang may nagwalang werewolf sa Downtown New Wellington, dumiretcho agad siya sa Were Facility para pakawalan iyon. Hindi niya hahayaang manatili doon ang kahit sinong nilalang para pag eksperimentuhan lang.
"No worries. Where are you, Annielyn?"
["Club, hanging out."]
That explains the noise Krauser was hearing at the background.
"You hungry? I got some dinner for you, my friend," ngumisi ito habang hawak ang phone at muling sumulyap kay Katherine na abala pa rin sa pagtingin.
["For real? May bago ka na ulit na butler? Dang! I'm drooling right now!"]
"Well move your butt here before Dad arrives. I hate explaining to him after seeing all the mess you made."
["Be there in a jiffy!"]
Ibinaba na ni Krauser ang phone at inantay ang pagdating ng kaibigan. Hindi naman siya nabigo at agad sumulpot sa tabi niya ang werepanther. Amoy alak siya at sigarilyo.
"Hindi halatang gutom ka, Annielyn?"
"Where's my food?" palingon lingon siya para hanapin ang dinner niya.
"You won't believe it. Pero siya ang bagong butler ko." Tinuro ni Krauser si Katherine na nasa baba at busy sa kakatitig sa isang painting.
Tila umurong ang mga pangil ni Annielyn ng makita ang dalaga. "That girl? Is your butler? Ang hard ng tatay mo ah! Talagang minamaliit ka na." she exclaimed and laughed.
"Will you shut up and eat her already? Dadating na si Dad." He said irritated and somehow napipikon na din sa panunukso ng kaibigang shapeshifter.
"Okay, fine. But she's so pretty. Ang kinis ng balat niya at sigurado akong alaga niya ang katawan niya. Her flesh will tear off easily kesa sa mga lalaki mong butler. Damn she's delicious!" agad lumabas ang mahahaba niyang kuko at pangil.
Krauser smirked. "Enjoy your dinner. Dig in," and the werepanther dived right in.
Walang planong umalis si Krauser doon. Interasado siya na marinig ang huling mga panalangin ng kaisa-isa niyang babaeng butler. Gustong gusto niyang mabasa ang iniisip nito. At umaasa siyang baka bago siya mawalan ng buhay ngayong gabi ay mabasa niya iyon.
"Let's see what Dad sees in you."
* * * *
A/N:
Nana as Katherine Lovell
Paano kaya makakaligtas si Katherine kay Annielyn?
Vote and comment guys!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top