Flame 15 - The Vaughaun Hall

Flame 15 - The Vaughaun Hall

Isang makulimlim na umaga ang sumalubong sa New Wellington. Matapos ang serye ng imbestigasyon ay hinatulan ng korte si Duke Davis ng guilty. Napawalang-sala ang werewolf na si Leeroy Nixon. At nagluluksa pa rin ang mga biktima ng madugong massacre.

Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin ganoon kaganda ang kalagayan ni Krauser matapos ang laban niya sa mage. May sugat siya sa binti na dahilan ng pagiging bedridden niya.

Matiyaga siyang inalagaan ng kanyang butler. Yun nga lang, kailangan niyang pumasok sa Larkworth para ikuha ng mga notes si Krauser. Tuwing umaga niya lang naaasikaso ang binatang Vaughaun.

"Mukhang umaayos na ang kondisyon ng sugat mo sa paa, Master," masayang sabi ni Katherine.

Sinubukang umupo ni Krauser mula sa pagkakahiga. Pikit mata niyang tiniis ang kaunting kirot na nararamdaman mula sa iba pang sugat sa braso, likod at tagiliran.

"I wish I can heal faster. I hate being here. I'm bored!" reklamo niya.

Katherine giggled. "Don't worry, gagaling ka din. Matatagalan nga lang." She said, somehow taunting him.

"Tss. Sige na. Umalis ka na," sabay pinagpag niya ang kamay sa hangin na parang tinataboy ang butler palabas.

"Sungit nito eh. Inumin mo mga gamot mo ha! Ikaw rin, mas babagal gumaling ang mga boo-boo's mo kung 'di ka iinom ng antibiotics!"

"Oo na! Get out!" umirap ito at humiga nalang ulit.

Katherine smiled before closing the door. Naglakad lang siya papunta sa Larkworth College, kahit pa inalok siya ni Hansel na ihatid siya hanggang doon. Pangatlong araw na siyang papasok sa school na hindi kasama ang Master niya. Unti-unti na siyang nasasanay pumasok.

Mas nakikita ni Katherine ang pagiging diversed ng kolehiyo dahil nirerespeto ng bawat isa ang pagkakaiba ng bawat estudyante sa isa't isa.

"Katherine!!!" sigaw ni Leeroy mula sa likuran niya. He ran towards her and greeted her with a wide smile. May usok din na lumalabas sa bibig nito dahil medyo malamig ngayon.

"Leeroy. Good morning!" masayang bati ni Katherine sa werewolf. Simula ng makalabas siya sa kulungan at maging regular ulit ang pasok, lagi na niya itong binabati tuwing umaga.

"Hindi pa rin papasok si Vaughaun?!" tanong niya.

She shook her head. "Hindi pa. Siguro next week na. He needs a full rest."

"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang totoo pala ang mga katulad mo." He said and grinned at her.

"Well I hope you keep this as a secret."

Masayang itinaas ni Leeroy ang kanan niyang kamay. "I won't tell anyone. I promise! Cross my heart!"

Natatawa siya sa werewolf dahil napakamasayahin nito at laging nakangiti. Nakakagaan sa loob na nakatulong siya dito. Kung hindi niya natulungan ang werewolf ay baka makulong ito at magdusa sa loob ng kulungan sa bagay na hindi naman niya ginawa.

"Lovell," tawag sa kanya ni Opium ng mapadaan ito sa harapan ng classroom nila. "Pumasok na ba si Krauser?"

"Hindi pa," sagot niya sa bampira.

Opium chuckled. "Pakisabi sa kanya na ang weak niya," tsaka siya ulit tumawa bago pumasok sa classroom.

Katherine rolled her eyes. "What an arrogant jerk! Palibhasa kaya niyang gumaling agad. Well, telepath lang naman si Krauser at hindi kayang mag-mutate ng mga sugat niya noh!" inis nitong bulong.

Leeroy pats her head. "Let him be. Masanay ka na sa pagiging arogante niya," he said.

"Sanay na ako! But I can't stand him! Argh!" inis na umalis ang babaeng butler kasama ang werewolf sa tapat ng classroom ni Opium.

"Miss Lovell?" both of them stopped when they saw the police officer in front of the Science Lab door.

"Officer Dawson?" Katherine walked towards him.

"Can I ask you a favor?"

***

Lumipas ang maghapon sa Vaughaun Mansion, naiwan na namang mag-isa si Krauser. He's switching channels but ends up closing the television because he doesn't like any of the shows on air.

"Oh God, I hate being in this house!" he said and sighed. He was about to go to sleep when he heard the windows opened and his black panther friend jumped inside his room.

In a form of a panther, Annielyn snuggled herself in Krauser's bed, underneath his thick blankets. Nang lumabas ang ulo nito ay isa na siyang babae ulit. She pulled all of Krauser's blankets dahil wala itong saplot.

"Tadah!" she lifted a tiny glass bottle filled with black liquid. "Dumayo pa ako kay Mercielles para makabili ng isang kakarampot na bote ng black deer blood!" masaya nitong sabi.

Krauser just looked at her at umirap. "Annielyn, I told you I don't need that right now. I'm fine!" he said.

"What? Okay ka lang? Ilang araw ka ng absent! Don't tell me nag-eenjoy ka sa kalagayan mo? Dati rati naman, kapag napapahamak ka, lagi ka namang nainom nito para gumaling ang sugat mo. Even though you hated the taste of it, you'd still drink this," nanlulumong sabi ng panther.

"I—"

"Is there something bothering you, Kraus?"

Nag-iwas ng tingin ang binatang Vaughaun pero hinila siya ni Annielyn pabalik sa kama. "It's nothing--"

"No it's not. Tell me what's bothering you!"

He sighed in defeat. He clenched his fist and closed his eyes firmly. "I'm weak. Yung laban namin ng mage... just proves how weak I am, Annielyn. I can't even protect myself... or—"

"Katherine?" pagpapatuloy ng panther. "You know what Kraus, I think you like her already."

"Yeah, I can read what you're thinking. You don't have to say it,” umirap ito. “And no, I do not like her. Hindi ko lang talaga matanggap na... ganito ako kahina. I want to become stronger... I want to know more about my ability..."

"You don't have to rush things out, Kraus. You'll discover it sooner or later. Greatness never comes in a rush, always keep that in mind."

He smiled. "Thanks, and about that black deer blood, can you give my leg a drop of it. Hindi ko na talaga kaya yung sakit eh."

Annielyn smiled and wrapped her body with blankets bago tumayo at lagyan yung sugat ni Krauser sa may binti. Sanay na siya na makitang hubad ang kaibigan dahil sa pagiging panther nito. Mga bata palang sila ay matalik na silang magkaibigan kaya hindi na alintana ang ganitong mga sitwasyon.

Umusok ang sugat nang malagyan ito ng isang patak ng dugo galing sa itim na usa at unti unting naghilom. Nabibili ang black deer blood sa ancient herbs and medicine merchant na si Mercielles na nakatira sa paanan ng isang bundok na may isang daang kilometro ang layo mula sa New Wellington. Mabisa itong antedote sa mga lason at nakakagaling ito ng sugat.

"Thanks."

Umirap si Annielyn at pinatong ang maliit na bote sa lamesa. "Bakit kasi ayaw mong inumin para magaling ka na talaga? You need to help out with the police. There's this news going around in New Wellington beach. May mga biktima na naman daw ng mermaids."

"Mermaids?" napataas agad ang kilay ni Krauser.

"Yeah. Hindi ako naniniwala na sila ang pumapatay. They are nice creatures!"

"Yeah, your ex was a merman, right?" he mocked her.

Hinampas naman agad ni Annielyn ang braso ni Krauser. "Shut up! Kailangan mo pa talagang banggitin saken yan?! Ikaw nga eh, siguro kaya ayaw mong inumin yang gamot dahil may iba kang dahilan!" she said and pouted.

Napatingin naman si Krauser kay Annielyn at narinig niya agad ang komento nito sa kanyang isip.

'If I know, nag-eenjoy lang siya na inaalagaan siya nung butler niya. Dami pang sinasabi.'

"Hoy Annielyn, hindi ko nga sabi gusto ang babaeng yun. Kulit mo!" saka niya binato ng unan si Annielyn.

"Indenial!"

Natigil ang kulitan nila nang may pumasok sa kwarto. Si Officer Wesley iyon, agad nagpalit anyo si Annielyn at humarang sa kama ni Krauser na tila pinoprotektahan ito.

"Whoa!" takot na humakbang ng paatras ang pulis. Nakita ni Krauser na pumasok ang Dad niya. Composed ito at hindi natakot sa pagbabanta ng werepanther.

"Krauser, we need to talk about something. Pupwede mo na bang paalisin ang panther na ito sa pamamahay ko?" he said coldly.

The panther hissed at him but Krauser pats her head. "Sige na Annie, umalis ka na. I'm fine."

Sinunod ng werepanther ang sinabi niya at tumalon palabas ng bintana. Tumayo si Krauser, nakayanan na niya dahil sa gamot na dala ni Annielyn pero masakit pa rin ang iba pang parte ng katawan niya.

"What do you want, Dad?" isang di masayang bati ni Krauser sa kanyang ama.

Lord Marshall showed a picture of a police officer. Ang crawler na tumulong sa kanyang makaalis sa loob ng spell ni Duke Davis.

"Are you familiar with this guy?" he asked him.

"Yes."

"Well, he's no longer in NWPD. I fired him today."

Nagulat si Krauser pero hindi niya iyon pinahalata. "You're pathetic. Ginagalang ka ng buong New Wellington pero ganito ang ginagawa mo sa mga subordinates mo? You just fired them kahit wala silang ginagawang masama. I don't care if he's fired."

"He got fired dahil nilabag niya ang napakaraming protocols. At ang pagtakpan ang mga ginawa mo sa loob ng Police Station ay isang malaking pagkakamali."

"I still don't care!"

"Well, I was expecting that kind of reaction to you, but I was hoping that when I ask you if firing this guy would even matter to you, what will you feel then? Will you still not care?" natigilan si Krauser ng makita niya ang litrato ni Officer Dawson.

He felt that lump in his throat. He felt the need to punch his Dad in the face dahil napakasama nito.

"Well? I gave him a warning. And I might as well give you a warning. Kapag naulit pa ang pangingielam ninyo at pagpasok sa Police Station ng palihim, mananagot na ang mga dapat managot, do you understand, Krauser?" sigaw ng Dad niya.

"Y-Yes Dad," tumungo siya at halos hindi makapagsalita. Naisip agad ni Krauser ang pamilya ni Officer Dawson. Hindi siya madadamay kung hindi na nakikielam ang binatang Vaughaun. Napakabait ni Officer Dawson at hindi niya hahayaang madamay ito.

Naiwan si Wesley sa loob ng kwarto ni Krauser. "At si Wesley muna ang magbabantay sa iyo. May kasalanan din ang butler mo," pahabol pa ni Lord Marshall.

"What?!!?" hindi makapaniwalang tanong ni Krauser habang nakatayo. "Tell me your kidding, Dad!"

"Next week mo na makikita ang butler mo," sabi niya bago lumabas.

Krauser dropped himself on his bed habang gulong-gulo ang isip. Tumingin siya kay Wesley na nakatayo lang sa may pinto.

"Aren't you staying outside?" he asked.

"I'm staying here, that's your father's orders."

He sighed and lay down to bed. He covered himself with blankets and tries to shut his eyes.

Sa labas ng kwarto ni Krauser ay nanatiling nakatayo si Marshall Vaughaun. Nakangiti niyang binati ang babaeng butler na nakaabang sa pintuan.

Hawak ni Katherine ang isang envelope. Nagkita sila ni Officer Dawson kanina sa school at pinaaabot  ang envelope na iyon kay Krauser pero dahil sa mga narinig niya mula sa kwarto ni Krauser ay itinago niya ito sa paningin ng Chief Officer.

"Lord Marshall—"

"It's alright, Katherine. Si Wesley na ang bahala kay Krauser." He assured her at maglalakad na sana pero pinigilan ito ng dalaga.

"N-No... Lord Marshall, it was my fault. I asked Krauser to help Leeroy Nixon when instead I should stop him from helping the werewolf I—"

"I understand, Katherine. That's why you will not be on duty until next week as your punishment."

"But Krauser shouldn't be punished—"

Lord Marshall chuckled and raised his hand to make Katherine stop. "You don't have to feel guilty. I'm doing this to protect my son. May nagawa pa rin siyang kasalanan at kailangan niyang madisiplina. You are doing a great job, Miss Lovell." He tapped her shoulders and smiled. "Keep up the good work."

"But—" she was about to say a lot more things pero naglakad na ito palayo. Napatingin siya sa pintuan ng kanyang Master. She badly wants to see him and break another one of her protocols but she calmed herself down.

She placed the envelope na pinapabigay ni Officer Dawson sa study table nito. Nanatili siya sa kwarto niya pero hindi siya makatulog kaya bumaba siya sa kitchen at kumuha ng pagkain. Paakyat na sana siya ng may maaninag siyang anino na naglalakad sa hallway. Napakalaki ng Vaughaun Mansion at may posibilidad na maligaw ka. Aminado din si Katherine na hindi pa siya ganoong pamilyar sa lugar. Sinundan niya ang anino at nagpatuloy ito sa paglakad hanggang makarating ito sa dulo ng pasilyo.

"Lord Marshall?" bulong niya sa sarili niya ng makita niya ang taong naglalakad. Tumigil ito sa pinakadulo ng pasilyo, may lamesa doon at isang pader na may nakasabit na painting. She heard a scratch at nakaamoy siya ng posporo. Nagsindi si Marshall Vaughaun ng kandila at nilagay niya ito sa isang metal na lalagyan tsaka ito binitbit.

Itinaas ng matanda ang kandila sa tapat ng painting. Nakapinta dito ang isang eksena sa isang engrandeng bulwagan. Sa painting ay parang nagkakasiyahan ang lahat. Hinawakan ni Marshall ang kaliwang bahagi ng frame at tinagilid ito ng bahagya.

Nanlaki ang mata ni Katherine ng biglang hinawi ang painting at bumukas ang pader. Isang lihim na lagusan ang nabuksan. Pumasok si Marshall Vaughaun sa loob dala ang kandila at nagsara ang lagusan.

Hindi maipaliwanag ni Katherine ang kabang nararamdaman niya. May secret passage sa loob ng Vaughaun Mansion? Alam ba ito ni Krauser? Aalis na sana siya at kakausapin si Krauser pero natigilan siya ng maalala niyang hindi niya pupwedeng makita ang Master ngayong linggo.

May ilang saglit pa ng makarinig ng ingay ang dalaga. Nagtago agad si Katherine ng marinig ang muling pagbukas ng lihim na lagusan. Hinipan ni Marshall ang kandila at iniwan iyon sa lamesa na nasa tapat ng pader. Diniin ni Katherine ang katawan sa pader para itago ang sarili. She made sure that the coast is clear before even getting close to the dead end of the hallway where the painting is.

"Katherine, you'll get yourself in trouble," bulong nito sa sarili niya. Nagkibit balikat siya at huminga ng malalim. "I really want to enter a secret passage before I die. At least may natupad ako sa bucket list ko diba? Okay. Good point. Here goes nothing."

She reached for the frame and tilted it. She heard a rubble and before she knew it, bukas na ang secret passage. Nakaramdam ng kakaibang excitement ang dalaga dahil sa ginawa niya.

"So this is how Indiana Jones felt like when he discovered hidden temples in the jungle?! Awesome!" she exclaimed before fishing out her phone and used it as light.

Pababang hagdan agad ang sumalubong sa dalaga. Bato ang kabuuan ng lagusan at mapapansin mo ang kalumaan nito hindi tulad sa interior structure ng mansion. Siguro ay hindi ito nakasama sa renovation.

Natapos ang mahigit tatlumpung baitang ng hagdan ay namangha si Katherine sa kung anong meron sa dulo ng lagusan.

"Whoa!" pinaikot niya ang phone habang namamangha sa lawak ng bulwagan na meron dito. "Isang underground Hall? Wow! This is huge!" hindi makapaniwala si Katherine sa nadiskubre niya. May nakita siyang naka-engrave sa gitna ng sahig.

"So this is the Vaughaun Hall, huh? Grabe! Why would Lord Marshall keep this as a secret? Siguro, he used this place when he throws secret fraternity parties during his college days!" she said as she saw the words engraved and laughed at what she thought.

Natigilan siya ng may makita siyang isang malaking painting sa gitna ng Hall. A dashing young man with brown hair and emerald eyes. He doesn't look like Lord Mashall. Kapansin-pansin ang insignia na nakaukit sa ibaba ng malaking portrait. Isang shield na may dalawang espada. May nakasulat na 'G' sa gitna ng shield. Sa baba ng insignia ay ang salitang 'ALTEMUS'.

Napataas ang kilay ni Katherine. "Altemus? Lugar ba iyon?!" napaisip tuloy siya kung may lugar na ba siyang napuntahan na may ganoong pangalan.

She stepped back and looked at the portrait one last time. She smiled and said, "He's very handsome. Sino kaya siya?" and giggled before going back inside the mansion.

She sighed after making sure that the secret passage is secured and shut. "Why would Lord Marshall have a hidden Hall inside his mansion? I need to ask Master Krauser, kung may alam ba siya tungkol dito!" she eagerly said and walked back to her room.

When she reached her room napatingin siya sa envelope na nasa study table. She looked left and right before opening it. She rolled her eyes ng makita ang laman noon.

"Hindi na talaga mapipigilan si Officer Dawson," napailing nalang  si Katherine habang binabasa ang case reports tungkol sa mga sirena. "Mermaids? I don't think so. He can't be involved in another trouble." She crumpled the papers and throws the rest of the envelope in the trash bin.


He's grounded. The detective is grounded so NO. He's not helping the mermaid case.

Tumunog ang phone niya at kinuha niya iyon. Nakita niyang nag-flash sa screen ang pangalan ng Aunt Judith niya.

From: Aunt Judith

Katherine, the Cronus lit up again.

* * * *

Information overload.

Mermaids, secret hall, Krauser grounded, CRONUS, something fishy about Lord Marshall... grabe. I don't know with you guys pero nakakalito na talaga ang story na ito. Hahahahaha. Salamat sa lahat ng nagbabasa! Naaappreciate ko lahat ng comments at reviews niyo. Sorry kung medyo nakakalito, first story ko toh na medyo fantasy chuva chenes so bear with me!

#SilverButler is the hashtag, tweet din kayo if ever. Hahaha. K. Vote and comment niyo ah?

love love cc

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top