Flame 1 - The Lost Vaughaun
Flame 1 - The Lost Vaughaun
Nakatayo ang isang binata sa gilid ng New Wellington Plaza habang ang lahat ay hindi na halos magkanda-ugaga sa pagsilip sa isa na namang bangkay na natagpuan doon.
Nakapako sa isang kahoy na poste ang isang shapeshifter gamit ang isang silver dagger. Ang mga braso at binti nito ay tila nagbagong anyo ngunit ang katawan nito ay nasa kanyang pangtao na anyo. Natuyo na ang dugo nito na tumulo hanggang sa ibaba ng kahoy na poste at ang mukha nito ay maputla na.
Kumunot ang noo ng binata dahil sa pagkirot ng kanyang ulo. Marahan siyang napapikit at pinilit na hindi pansinin ang kanyang mga naririnig. Hindi niya maiwasan ang ganito lalo na sa napakaraming tao.
Napansin agad siya ng isang malaking pulis na may hawak ng isang notepad. Ngumisi ito sa kanya at tila napunta ang atensyon ng mga tao sa kanya.
"Ayan na naman ang pakielamerong anak ni Chief Officer Vaughaun!"
"Mahuhuli niya kaya ang pumatay sa werepanther na iyon?"
"Grabe. Ang pogi niya talaga."
Napa-ismid ito sa huli niyang narinig. Pati ba naman mukha niya ay kailangang pansinin? Sabagay, may itsura nga ang nag-iisang anak ni Chief Officer Marshall Vaughaun. Hindi na maipagkakaila iyon.
At kahit siya ang anak ng pinuno ng NWPD, naroroon pa rin ang mga may ayaw sa kanya. Pakielamero, pasaway, takaw-gulo, you name it. Sa dami ng kantyaw ng tao sa kanyang pagsulpot sa Plaza, hindi na niya malaman pa kung paano pansinin iyon dahil kahit kailan ay hindi niya ito binigyan ng halaga.
Ngumiti siya sa pulis at naglakad papunta sa crime scene. Lumapit ang pulis sa kanya at bumulong. "Nandito ba ang killer?"
He smirked and narrowed his eyes. Humarap ang binata sa mga tao at pinaikot ang kanyang mata na tila sinusuyod ang mga usiserong mamamayan ng New Wellington. Mayroong mga taong tila napadaan lang, may gustong mainterview ng media para makita sa news mamayang gabi, mayroon ding pinagpipilian kung masarap bang dinner ang braised baby back ribs o kaya ay pork stew. Ngunit napatuon ang atensyon niya sa isang babae na nakatayo sa di kalayuan.
"She's here," sagot agad ng binata. "The killer is wearing a black coat and white capri pants. Brown hair, pail skin, mahogany eyes. East north east from my direction," dagdag niya pa.
Agad naalerto ang mga pulis at hinanap agad ang babaeng itinuro ng Vaughaun. Nagkagulo mula sa kumpulan ng mga tao at maya-maya pa, nakaposas nilang dinala ang isang babaeng eksakto ang deskripsyon sa sinabi ng binata.
Nagpupumiglas ang babae at nagsisisigaw. "Hindi ako ang pumatay sa kanya! Pakiusap! Pakiusap maniwala kayo sa akin!" sigaw nito sa mga tao na tila naghahanap ng makakaunaw at makikisimpatya sa kanya.
Tinignan ng binata ang babae habang kaladkad ito ng mga pulis. "Mas mapapababa ang hatol sayo kung aamin ka."
Natigilan ang babae at ngumisi na parang baliw sa harap niya. "Ano bang alam mo? Itinuro mo lang ako dahil nagmamagaling ka! Paano mo mapapatunayan na ako ang pumatay? Isa ka lang normal na batang lalaki na nagmamagaling! Ni hindi ka pulis o imbestigador! Hindi ako ang pumatay sa hayop na yan!" sigaw nito.
"Tinawag mong hayop ang sarili mong asawa?"
Napaatras ang babae at tila nagulat sa sinabi ng binata. "H-Hindi ko siya asawa!" giit nito.
"Asawa mo siya. Full moon kagabi at hindi mo sinasadyang makita ang pagbabagong anyo ng asawa mo bilang isang werepanther. Sa takot mo, kumuha ka ng rifle at binaril ang asawa mo. That explains kung bakit maputla na siya at tila naubusan ng dugo. Nataranta ka dahil hindi pwedeng makita nila ang bangkay sa mismong bahay mo kaya ipinako mo siya sa harap ng plaza para palabasing Were execution ito."
"H-Hindi-- Hindi totoo yan! HINDI!!!"
"Ipinako mo siya sa gitna ng plaza dahil akala mo palalagpasin ito ng mga pulis. Akala mo malilito mo sila sa palabas mo. Sa sobrang galit mo sa kanya ay nagawa mong patayin ang asawa mo dahil hindi niya sinabing isa siyang shapeshifter."
Napaluhod ang babae habang hawak ang ulo niya. "Tumigil ka! Tumigil ka na! Oo na! Pinatay ko siya! Pinatay ko siya dahil isa siyang hayop at hindi ko siya matatanggap! Hindi kahit kailan!" kasunod ng pagsigaw niya ang pag-iyak at pagtawa.
Napailing ang binata dahil tila nasobrahan ang pag-ungkat nito sa mga nangyari.
Hinila ng mga pulis ang babae habang manghang-mangha ang lahat sa pinakita ng binata. Isa na namang kaso ang kanyang nalutas sa loob lamang ng ilang minuto. Self proclaimed detective, yan si Krauser Vaughaun.
Binigyan ng isang ngisi ni policer officer Dawson ang binata. "Maraming salamat, Krauser," sabi nito bago sumakay sa police mobile. Umalingawngaw ang sirena ng kanyang kotse.
Tumango siya at inilipat ang tingin sa bangkay na iniaalis na mula sa pagkapako. Nang maialis ang silver dagger mula sa pagkakatusok sa kamay ng werepanther ay bumalik sa pangtaong anyo ang kanyang mga kamay at paa. Hindi tulad ng mga bampira, hindi nagiging abo ang kanilang katawan matapos mawalan ng buhay.
Agad lumapit ang isang grupo na kinabibilangan ng pack o grupo ng patay na shapeshifter. Agad nilang inamoy ang kasama na wala ng buhay. Naghahanap ito ng mga traces o amoy ng kanyang killer. Isang itim na usok ang binuga ng kanilang pagbabagong anyo at saka dinilaan ng mga itim na panther ang patay nilang kasama. Isa itong ritual ng kanilang grupo.
Humarap ang pack leader na si Earl Thompson kay Krauser na nag-iisang hindi nagpalit anyo. "Thank you for helping the police, Krauser," malumanay nitong sabi. Bakas sa mukha nito ang pagluluksa. "Klein was a great loss to our pack. Thank you for giving justice to his untimely death."
"He is. I'm sorry this happened," Krauser replied and gave Earl a pat on the back.
"Malulungkot si Annielyn kapag nalaman niya ito."
Tumango si Krauser dahil ganoon din ang naiisip niya. Annielyn's heart will break upon the death of Klein. Her heart always break when one from their pack dies.
"Ayoko din siyang nakikitang malungkot. Cheer her up for me." Krauser said to Earl.
"Sure. Salamat ulit. Hindi pumapalya ang kakayahan mo. Mag-iingat ka lang palagi, Krauser. New Wellington is dangerous lalo na sa mga katulad mong mahilig makielam."
He smirked and nodded. "I will Earl. Thanks for the tip."
***
Nakauwi si Krauser sa mansion at naabutan ang mga maid na nagpupunas ng sahig. May mga bakas pa ng dugo ang natira sa maputing sahig pero iniwasan niya lang iyon. Nakapamulsa siyang naglakad paakyat sa hagdan at nang makarating ito sa taas ay nandoon ang kanyang ama. Naka-ekis ang mga braso at halos mamula sa galit.
"Saan ka galing?!?!" umalingawngaw ang galit na sigaw ni Marshall Vaughaun sa buong bahay. Napatigil din ang mga naglilinis sa ibaba.
"Sa Plaza, Dad," mahinahong sagot ni Krauser.
Tila nagtitimpi sa galit ang ama ni Krauser. Kahit kailan ay hindi sila nagkasundo. Kahit kailan ay tila ang pagkikita nila ay nauuwi sa away. Bukod sa manipulative ito, sadyang ayaw lang talaga ni Krauser sa buong pagkatao ng kanyang ama.
"Ikaw ba ang nagpapatay kay Rigor?"
"Ah Rigor pala ang pangalan niya? And wait? Patay na si Rigor? He was just hired this morning. Sa kanya ba yung bakas ng dugo na nililinis ng mga maid? Wow. That was fast."
"I am not playing games with you! Natagpuan ang katawan niya sa living room na gutay-gutay. I will bet on my own life, kagagawan ito ng shapeshifter mong kaibigan!!!"
Umirap lang si Krauser at umiling. "Kung kukuha kasi kayo ng Butler ko, dapat yung kayang protektahan ako laban sa iba't ibang nilalang dito, gaya ng mga werepanther kong kaibigan, diba?" he said then smirked.
Hindi maatim ng kanyang ama ang pinaggagagawa niya. Pang-ilan na bang Butler ang napatay sa loob mismo ng mansion nila?
"Tell your werepanther friend to stop killing your butlers!" duro ni Marshall sa anak.
"Ayoko. I don't need a butler. Kaya kong protektahan ang sarili ko."
"But you're just a boy! Iba't ibang nilalang ang naglipana sa buong New Wellington! Bampira, shapeshifters, witches, leprecauns-- and don't even mention the mermaids along Wellington beach-- Krauser, hindi mo alam ang panganib sa lugar na ito!"
"Iniisip niyong mahina ako at hindi ko kayang protektahan ang sarili ko, hindi ba?"
Natahimik ang Dad niya. "Krauser, anak--" tinabig nito ang kamay ng ama niya at dumiretcho sa kwarto.
Huminga siya ng malalim habang nakasandal sa pinto. Dahil sa kakaiba niyang pagkatao kaya araw-araw sa buong buhay niya, iniisip niyang sumpa ang kanyang kakayahan.
Hirap siyang magtiwala kahit sa kanyang ama. Mismong ama niya ay nagsisinungaling sa kanya.
Ama? Wala nga pala siyang Ama dahil ampon lang siya. Hanggang ngayon itinatago pa rin ng Ama niya ang katotohanang iyon sa kanya.
Kung sa iba, tila isang magaling na detective si Krauser Vaughaun, para sa kanya isa lang siyang empty canvas. Walang laman, walang espesyal, ni walang kulay. Kung sana alam niya ang totoo niyang pagkatao, kung saan siya nanggaling, ang mga totoong magulang niya at kung saan nanggaling ang abilidad niya, baka sakaling magbago iyon.
Naglakad siya sa loob ng kwarto papunta sa balcony. Makikita ang malawak na ektarya ng kanilang mansyon.
Maya-maya pa ay may isang panther ang lumukso sa harapan niya at pumasok sa loob ng kwarto. Hindi man lang nagbigay ng reaksyon si Krauser at nanatili na nakatingin sa malayo.
Itim na usok ang lumabas mula sa loob ng kwarto. "Kraus, nadumihan ko yung robe mo." lumabas ang isang magandang babae na may brown na buhok mula sa bathroom niya habang nagtatali ito ng bathrobe. May bakas ng dugo sa itaas na bahagi ng robe nito na galing sa dibdib ng babae.
Kinailangan niya ng robe dahil hubad ito kapag nagpalit siya ng anyo sa pagiging panther.
"That's okay. I'll just have it cleaned."
"Your butler's flesh is so kadiri. Hindi siya masarap at makunat na siya. He's too old. Tss," reklamo ng babae habang dinidilaan ang kamay nito na may dugo pa.
Napansin ni Krauser ang magkaibang kulay ng dugo sa leeg ng babae at sa dugo sa kamay niya. Ang dugo sa leeg nito ay medyo natuyo na samantalang ang dugo na bumabalot sa buong kamay niya ay sariwa pa.
"Saan ka galing, Annielyn?" naghihinalang tanong ni Krauser.
"Sa Police Station."
"You killed the girl who killed Klein? Is that her blood?" tanong ni Krauser.
Tumango ang babae. "Serves her right for killing Klein and calling him an animal."
"You should've let the police take care of her, Annielyn. Pag nalaman toh nila Earl, you're going to be in big trouble."
"Mas masarap namang kainin ang babaeng yun kesa sa makunat mong butler, no regrets." ngisi nito kay Krauser at inabot ang duguang kamay. "You want to taste her blood? Her blood tastes sweet, just like my revenge." she smiled at kitang-kita ang matatalim nitong pangil.
Mukhang tama ang hinala niya, malulungkot nga talaga si Annielyn sa pagkamatay ni Klein. Yeah right.
"Dahil sa ginawa mo, you'll put your pack at risk. Mas magagalit ang mga tao sa inyo."
She shrugged and leaned over the balcony. "I prefer that. If people started attacking us then we have no choice but to defend ourselves. As if they'll win. Silly humans."
Napailing nalang si Krauser sa pag-iisip meron ang kaibigan niya. Oo, may kaibigan siyang werepanther. Si Annielyn Thompson. Hot na blondie, pero deadly.
"Well, thanks for taking care of my stupid butler. I'll call you again if Dad brings another one."
Ngumuso si Annielyn sa kanya. "Sana yung mas bata naman at gwapo. Yung may konting muscles at mabango. Duh! Kahit werepanther ako, I also prefer to eat not just with my mouth but also with my eyes," pagreklamo niya.
"Ang arte mo. Be thankful for the food I'm giving you."
She hissed and with a blink of an eye biglang nawala si Annielyn sa itim na usok at lumipad ang suot nitong bathrobe. Natanaw ni Krauser ang pagtakbo ng panther ng matulin sa kakahuyan na pumapalibot sa mansion nila. Pinulot nito ang bathrobe na ginamit ni Annielyn at lumabas para maghanap ng maid.
May nakasalubong siya agad at inabot iyon sa kanya. Napahawak sa dibdib ang maid dahil sa gulat ng makita ang duguang robe.
"Palabhan nalang ako niyan--"
Natigilan si Krauser dahil tila nausal ng isang dasal ang maid at dinig na dinig niya iyon kahit pa walang kahit anong salita ang lumalabas sa bibig nito.
'Jusko po, 'wag po ninyo akong patayin maawa na po kayo. May mga anak pa ho ako at gusto ko pa pong mabuhay pakiusap ho Master Krauser jusko po!'
He clenched his jaw and walked away. Dinig niya pa rin ang dasal ng maid. Hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya tuwing may mga tao na itinuturing siyang parang halimaw.
I am Krauser Vaughaun. I'm not weird. I'm not someone you should be scared at. I'm just neglected, hurt and longing for my real identity. And yes, I can hear you, because I'm a telepath.
* * * *
A/N: Author Lei!!! Diba sabi ko gagawa ako ng Fantasy chu chu? Inspiration kita kaya emergerd eto na yun. Ipupush ko toh. Kahit masakit pala sa brain cells ang mag-ayos ng plot pag ganito. IPUPUSH KO TOH. I lab you Author Lei!
Ang untimely nga nito dahil parehas na parehas ang identity ni Lee Jong Suk dito sa story ko at sa I Hear Your Voice. Parehong telepath chu chu. Inspired toh sa Snookie Stackhouse novels, True Blood. Mehehehehe. Tsaka sa The Perverted Vampire/ The Prodigious Vampire. Mehehehehehehe.
Again, hope you will enjoy my fifth story. Yay. Third person POV ito all throughout. Push ko toh! XD
Vote and comment guys, rawwwwwr. :3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top