Chapter 1

Sa huling sandali ay pinalo ko ang bola sa ere at lumanding ito sa kabilang net. Ginagawa namin ngayon ang usual self-practice namin na 6 vs 6.

Agad namang sinalo ni Irene na Team Captain namin na siyang nasa kabilang team. Bumalik sa amin ang bola matapos niyang i-spike pabalik sa amin kaya agad naman na receive ni Klea ang bola. Agad akong nag backset nang mapunta sa akin ang bola, ang nasa likod ko na si Jeanne ay agad namang nag spike ng bola papunta sa kabilang net. Natapos ang practice at ang grupo namin ang mas lamang ang score.

"Good job, guys!" sigaw ng Captain namin.

Sabay-sabay kaming pumasok sa locker room. Agad akong lumapit sa locker ko at kinuha ang uniform ko na pamalit. Umupo ako sa upuan kung nasaan ang bag ko, kinuha ko ang tumbler ko roon at uminom.

"Uuwi ka na, Allison, pagkatapos mong magpalit?" tanong sa akin ni Klea habang umiinom ako.

Tumabi siya sa akin habang inaayos ang kaniyang damit na kakapalit lang.

Umiling ako. "Hindi. Tatambay lang ako sa VDL café. Doon na lang ako magpapahinga at magrereview. Doon ko naman palagi ginugugol ang isang oras ko bago pumasok."

Iniwan ko na si Klea para makapagshower na. Nang matapos ako sa pagshower ay nakita kong unti na lang kaming nasa loob ng locker room. Siguro nagsi-uwi na o tumambay ang iba sa cafeteria.

Kinuha ko ang aking bag saka ko itinaas ang aking kamay at nag wave. "Alis na ako!" paalam ko sa kanila.

Lumabas ako ng University at pumunta sa VDL café. Pumasok ako at agad na pumunta sa counter para umorder. Naghanap ako ng table saka ko inilabas ang notebook ko.

Habang nagrereview ako ay narinig ko ang pangalan ko. "One cold brew coffee for Allison!"

Tumayo ako at lumapit sa counter at agad na kinuha ang in-order ko.

Ilang minuto din akong nagpahinga sa table ko. Nang makita kong 11:50 na ay tumayo na ako para ayusin ang notebook at highlighters ko na nakalabas.

Nang nasa gate na ako ng university, nakita kong bumaba ng sasakyan ang kaibigan ko na si Yuan kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita naman niya ako kaya naman lumapit siya sa akin at umalis na ang sasakyan nila. Nakangiti ako nitong sinalubong.

Inakbayan niya ako, "Pahingi nga ako niyang kape mo. Inaantok pa ako!"

Humikab pa siya.

Agad kong inilayo sa kaniya ang cup ko. "Bumili ka kaya ng sayo! Yaman-yaman mo tapos buraot ka. Bagong order ko 'to kaya wala pa 'tong bawas." sinamaan ko pa siya ng tingin.

"Damot nito," nakasimangot niyang sabi.

Umakyat kami papuntang third floor. Katabi ng building namin ang building ng mga elementary.

"Nagreview ka?" tanong niya.

"Malamang! Nasa coffee shop lang ako kanina."

Uminom ako habang naglalakad kami sa hallway ng third floor.

"Good morning, Ma'am!" sabay naming bati sa adviser namin na nasa room na.

Nginitian lang kami nito habang itinutuloy ang kaniyang sinusulat sa kaniyang notebook.

Naupo ako sa pangalawang puwesto sa unahan. Si Yuan naman ay nasa likod. Inubos ko na ang iniinom kong kape.

"Nagugutom ako. Alli, samahan mo nga ako sa cafeteria!" pagtawag sa akin ni Yuan.

Padarag niyang isinuot sa akin ang sweatshirt na suot niya kanina bago pumasok.

"Buti naman ibinalik mo na sa akin sweatshirt ko," pang-aasar ko sa kaniya habang naglalakad kami sa hallway.

"Nakalimutan kong ipalaba kay Manang eh. Nasa study table ko lang 'yan buong linggo." tumawa siya ng malakas habang ako naman ay umirap na lang at hinawakan ang dulo ng aking sweatshirt.

Bumili na rin ako ng puwede kong makain sa classroom para dudukot na lang ako sa bag ko habang nakikinig sa teacher ko. Natapos ang dalawa naming subject kaya pumunta na kami sa cafeteria. Iniwan ko ang wallet ko sa bag saka ko inaya si Yuan na kagigising lang mula sa kaniyang pagkakatulog sa kaniyang armchair.

Ano pa nga bang bago? Antok pa rin naman siya.

Magulo ang buhok niyang lumapit sa akin kaya nag tiptoe ako para maabot ang kaniyang nagulong buhok para ayusin. Agad siyang lumayo na para bang nagising bigla sa kaniyang magandang panaginip kaya pati ako ay hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko.

"Inaayos ko lang buhok mo tapos bigla-bigla ka ng parang nakukuryente diyan," salita ko habang bumababa kami sa staircase papunta sa cafeteria.

Nginitian lang ako nito at tahimik na nauna nang bumaba ng hagdanan.

"Libre mo ako, Yuan! Wala akong dalang money, naiwan ko sa classroom." sigaw ko ng makita kong nasa line na siya.

"Ayoko nga! Bahala ka diyan. Balikan mo wallet mo sa taas. Mauubos pera ko sayo eh." tinalikuran ako nito kaya nagmamartsa akong lumabas ng building para pumunta sa Field.

May 30 minutes pa naman kaya tatambay na lang muna ako sa field ngayon. Naglalakad ako ng may biglang humarang sa aking babae. Si Pearl.

"Oh! Bakit nandito ka? Wala kang pera ano?" she smirked. "Wala kang pambili ng pangkain mo. Kumakapit ka lang naman kasi kay Yuan." ani Pearl. Cross arms at nakataas ang kilay nito habang kinakausap ako.

Pagod ko siyang tiningnan pabalik. "Ano na namang problema mo?"

"Ikaw? Ikaw ang problema ko!" galit niyang sigaw sa akin. Wala masyadong malapit sa amin dahil nasa gilid at tago kami banda.

"Puwede bang manahimik ka na lang diyan sa tabi? Alam mo ba iyon? Wala naman akong ginagawa sayo pero palagi ka na lang galit sa akin at saka ikaw 'tong lumalapit sa akin tapos sisigawan mo lang na parang ako pa ang lumapit sayo?!" laban ko.

"Kasi palaging ikaw na lang ang bida! Papansin ka! Eh, mahirap ka lang naman!" sigaw nito sa akin.

Mariin ko siyang tinignan."Ikaw, hindi ba't mahirap ka? Oh, anong prinoproblema mo sa pagiging mahirap? Wala akong ginagawa sayo kaya puwede ba lumayo-layo ka."

Iniwan ko siya roon na parang walang nangyari.

Simula nang mag high school kami ay palagi na lang siyang galit sa akin. Sa una ay tungkol pa sa pagiging top 1 ko sa klase pero ngayon hindi ko na alam ang dahilan o baka tungkol pa rin doon ang ikinagagalit niya?

Hindi marunong mag move-on eh ang tagal na niyon.

May iilang students galing sa iba't-ibang grade levels ang narito ngayon sa field. Umupo ako sa isang bench. Inilabas ko galing sa bulsa ng skirt ko ang aking chocolates. Buti na lang pala naglagay ako sa bulsa ko ng chocolates. Parami na nang parami ang mga students na nandito sa field dahil na rin siguro tapos na ang class hour nila.

Nakaramdam ako ng luha na pumatak sa pisngi ko na ka agad ko namang pinunasan gamit ang likod ng kamay ko. Hindi naman sa iyakin ako pero ang sakit niyang magsalita. Dati pa niya ako pinagsasabihan pero ngayon lang ako naluha ng ganito.

Wala namang nakakaiyak sa sinabi niya pero wala lang feeling ko lang ang bigat ng pakiramdam ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko na umupo si Yuan sa bakanteng upuan kaya kaming dalawa ay nasa iisang upuan lang. Inilapag niya sa pagitan namin ang dala niyang cup of coffee. Mukhang lumabas pa ata 'to ng University.

Ngumunguso lang ako para mapigilan ang ngiting gustong kumawala sa aking labi.

"Here," aniya.

May inilapag din siyang spicy noodles na para sa aming dalawa na ikinatingin ko na talaga sa kaniya.

Nakangiti nitong hinawakan ang plastic na ang laman ay dalawang noodles. Inilabas nito ang dalawa na may kasama ng chopsticks. Ibinigay niya sa akin ang isang noodles na natutuwa ko namang tinanggap galing sa kaniya.

"Bati na tayo ah?" tanong niya habang tumatawa.

Hindi naman kami nag-away. Tumawa na lang din ako at kumain.

Humarap ako sa kaniya nang nakangiti at tumatango-tango. Hmm, sarap ng food!

"Hay nako! Sa susunod magsabi ka sa akin kapag nilapitan ka na naman ni Pearl ah." ani nito sa casual na paraan at saka siya sumubo ng noodles.

Gulat ko itong tinignan. "Nakita mo?"

"Oo, narinig ko rin. Grabe baliw ba ang babaeng iyon at hindi makapag move-on sa pagiging top mo sa class? Tapos sinabihan ka pang mahirap eh mas mayaman ka pa nga sa akin. Pangit ng ugali ng babaeng 'yon!"

Hindi na lang ako sumagot at ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain sa mga dala niya. "Saang lupalop ng bansa ba siya nanggaling at bakit hindi niya alam na mayaman ka? Baka alam niya talaga tapos in denial lang ano?" pagtatanong niya sa akin habang nakatingin sa mga naglalakad sa field.

Itinawa ko na lang iyon. "Yaman ng mga magulang ko, Yuan. Hindi ako mayaman."

Bago kami bumalik sa klase ay bumalik na ulit ang saya ko. Nagtatawanan kaming bumalik sa building namin. Nagawa niya pang mag joke ng mga corny.

He always comforts me when I'm sad... When I feel blue... When there's no one I can lean on. He's my anchor.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top