CHAPTER 8

Nia Runde's POV:

Pilit kong minulat ang mabigat kong mga talukap.Pumikit ako ng paulit-ulit para maibsan ang panlalabo ng paningin ko.Ramdam ko parin ang sakit ng tagiliran ko.

"Nia?Nia?"Isang malabong larawan ng lalaki ang bumungad sa paningin ko.

Kilalang-kilala ko ang boses nya.Unti-unting luminaw ang paningin ko at napagtantong nasa isang kwarto ako.Malinis at moderno ang kwarto.

"Anong nararamdaman mo?"

Tama nga ang hinala ko.

"Anong ginagawa ko dito sir Xian?"

Tanging naaalala ko lang ay ang katangahang ginawa ko.Binaril ko si Nile.Para kaming mga bata na nagpapalitan ng bala at para bang tuluyan na naming kinalimutan ang mga pinagsamahan naming dalawa.Wala naman akong pinagsisisihan.Balewala na ang lahat ng yun.

"Naalala mo nung binaril ka ni Nile?"

Dahan-dahan akong tumango.Paano ko ba naman makakalimutan yun?

"May halong GD ang bala nya.Buti nalang at naabos na ang mga nakahanay na bala sa magazine nya na my lason kaya naglagay sya ng bagong bala na walang lason matapos maubos ang nasa magazine kaya hindi masyadong malala ang epekto sayo nung GD."

He's really a demon.He can kill me.And the worst is,he will kill me.
He doesn't care to me.Tuluyan na ngang nawala ang nararamdaman nya para sakin at ganun din ako sa kanya.

Biglang sumagi sa isip ko yung mga sinabi ni sir.Ang magazine nalang ang may lason nun kaya kahit bago ang mga balang ginamit nya ay may natira paring lason sa baril.

"Buti nalang at napunta sa hangin ang mga bala nyang may lason."

Dagdag nya pa.

"Ikaw gumamot sakin?"Tanong ko.Wala akong pakealam kung ano man ang nararamdaman nya sa paraan ng pakikipag usap ko sakanya.Ilang taon rin lang naman ang agwat namin kaya pakiramdam ko ay hindi ko na kainalangan pang mag lagay ng 'po' sa mga salita ko.

"Nope."

"Then who?Why I am here?"

"Si tito Romeo ang gumamot sayo.Nang matapos ka nyang gamutin ay nagprisinta na akong dito ka muna tumuloy sa akin,kilala mo naman si tito Romeo diba?Masyado syang busy at maraming ginagawa.At sa tingin ko ay di ka pa rin kayang alagaan ni Hozier."

"Hindi mo man lang ba naisipang ihatid ako sa apartment?"

"Oh come on,walang ibang tao dun at walang mag-aalaga sayo."

Tumango nalang ako at sinubukang umupo.Ngunit hindi ko kaya.Masakit parin ang tagiliran ko.

"Wag mo munang pilitin."Inayos nya nalang ako sa pagkakahiga at kinumutan.Medyo malamig din kasi ngayon.

Walang emosyong mababakas sa mukha nya habang ginagawa ang mga bagay na yun.

Tumayo na sya at naglakad na sa pintuan

"Take a rest,wag kang aalis dito sa kwarto,hintayin mo lang ako dito at ihahatid kita sa apartment mo kapag magaling kana."

Hindi ko na naitanong ang mga dapat kong itanong ng tuluyan na syang lumabas at sinarado ang pinto.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at nilibot ang aking paningin sa silid.

Nakabukas ang bintana kaya pumapasok ang malamig na hangin sa buong kwarto.

Pinilit kong umupo,kahit masakit at pakiramdam ko ay bumubuka ang sugat ko ay pinilit ko.Nakakahilo narin,ang tagal ko ng nakahiga.

Nakaramdam ako ng pagka-ihi,dahan dahan akong tumayo at hinawakan ang dingding para masuportahan ang paglalakad at bigat ko.

Nakarating ako sa mini dining area ng kwarto.May refrigerator at may ilang mga wine sa lamesa.Pakiramdam ko ay gusto ko nang tumira dito habang buhay.Napaka kumportable dito.

Nang matapos na ako sa cr ay bumalik na ako sa kusina at binuksan ang ref.Marami itong laman,mga gulay,prutas,itlog,drinks at chocolate na hindi ko madalas makain dahil puro mga instant noodles lang ang kinakain ko sa apartment ko.

Bata pa si Sir Xian pero napakayaman na nya.Bilib din ako sa kanya dahil pinili nya pang maging isang guro eh sabi nila mahirap maging teacher.Nakaka stress daw.

Kumuha nalang ako ng isang apple at bumalik sa higaan.

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may nag ring na cellphone.Lumingon ako sa bed side table at nadun ang cellphone ko.Buti nalang at hindi ito nawala.

Tingingnan ko ang screen.

Ms. Lita calling....

Pakiramdam ko ay bumalik ang stress ko ng makita ang pangalan nya.Nanginginig ang kamay kong sinwipe ang answer button.Inis kong tinapat sa tenga ang cp ko.

"Good morning ma..."

"What do you think you're doing?!"

"I am sorr..."

"You better shut up ha,Nia."

"Okay okay,I'll explai..."

"You don't have to.Alam ko na ang nangyari."

Tumahimik nalang ako at kahit labag sa aking kalooban ay pinilit ko ang sarili kong tumahimik at pakinggan sya.

"Hindi ka talaga nag-iisip ano?Don't you know how stupid you are? Huh?"

I gritted my teeth as she say those words.Oo madalas padalos-dalos ako sa mga desisyon ko pero hindi naman yata tamang sabihan nya ako ng ganun.

"Dati nakipag relasyon ka sa isa sa mga kalaban,tapos ngayon gumawa ka pa ng gulo sa eskwelahan na alam mong ang may-ari ay isa sa nasa mataas na posisyon kung saan nasa ilalim ka."

Naririndi na ako sa mga pinagsasasabi nya pero mas malaking gulo kapag hindi ko sya pinakinggan.Asawa sya ni tito Theodore na syang nag alaga at kumupkop sakin.Pero nasa ilalim ako ng grupo nila Sir Alistair o tinatawag na Tres, kung saan kasama ko sila Zedrick, Hozier, Cristian, Hyacinth,Curt,Romuel,Jefferson Micha at Drew. Sina Erwin, MJ, Sydney, Dwayne, Sasha at iba pa ay sa ilalim naman ni Sir Theodore. And Don Seira is the main head of his organization.

Dati akong nasa grupo ni Sir Theodore na tinatawag ding Triton pero pinilit ng asawa nyang si Mam Lita na ipalipat ako sa grupo nila Sir Alistair na tinatawag ding Tres.Hindi ko nga alam kung bakit ang init ng dugo nya sa akin eh.

Dati kong kasama sa Triton sila MJ, Sasha, Sydney, Cyainne,Erwin, Dwayne,Romer, Cameron,Spencer,Sky,Daynielle at Franco.

Apat kaming babae dun, ako ang may pinakatagong personalidad noon kaysa kay MJ.Maski ang buong Triton ay hindi ako kilala maliban lang kila Sir Theodore at Mam Lita.Kaya walang nakakakilala sakin sa Triton kahit nilipat ako ng Tres.

Hindi alam ng miyembro ng Tres na galing ako sa Triton, ayaw ipaalam sa kanila nila Sir Theodore at Sir Alistair kaya hindi ako nagsasalita tungkol sa nakaraan ko sa Triton. It's an itchy secret to keep.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa paligid.

"Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo jan sa isipan mo.For me,you're just a mess,wala ka namang naitutulong eh,pasalamat ka at may malasakit parin sayo ang tito mo.Mahiya ka naman at tinanggap ka pa sa Tres."

"Wala kang karapatang pakialaman ako,ginagampanan ko lang ang trabaho ko bilang tauhan ni Sir Alistair pero wala kang karapatang husgahan at pag sabihan ako ng masasakit na salita.Wala na ako sa kustodiya nyo."

Ako na mismo ang nagbaba.Ibang gulo nanaman tong napasok ko.Walang duda na magsumbong yun kay tito Theodore.Kailangan kong magpaliwanag sa kanya dahil alam kong iibahin nanaman ni tita Lita ang kwento.

Pinilit kong tumayong muli papunta sa pintuan.Binuksan ko ito at dahan-dahang naglakad ng may narinig akong boses.

"Dadaan muna sila sa'kin bago sila makalapit kay Nia.Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maprotektahan s'ya Hozier."

Nagtago ako sa pader at sumilip ng kaunti.Si Zie at si Sir Xian.Anong ginagawa ni Zie dito?

Anong nangyayari?Bakit kailangang marinig ko pa 'tong mga to?

Tumalikod na ako at nagbadyang bumalik nalang ulit sa kwarto.

"You think you can protect her from your own father?"

Napahinto ako sa paglalakad.

Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa buong bahay.Hindi rin kaagad na kasagot si Sir Xian.

"I can and I will.Kaya kong kalimutang ama ko sya para sa babaeng dahilan kung bakit ako may rason para mabuhay."

Hindi ko na nakayanan at bumalik nalang sa kwarto.Ayaw kong mag assume.Hindi ko na narinig pa ang mga pinag uusapan nila dahil nagmadali na ako baka mahuli pa ako.Kahit masakit na ay minadali ko na para hindi na ako umasa pa sa mga susunod pa nyang mga sasabihin.

Bakit ngayon pa Xian?

Bakit ngayon kalang nagpakita ng motibong nagmamalasakit ka pala sakin.Kung kailan sira na ang lahat,nakakainis talaga.

Hindi ko nanaman napigilan ang mga luhang kay tagal ko nang pinipigilan.

Kay tagal kong nagtiis sa relasyon namin ni Nile, kung saan alam ko sa sarili kong nag titiis lang ako.

Sinuko ko pati ang katapatan ko sa mga taong tumulong saakin para lang sa relasyong iyon.Bakit hindi mo agad sinabi noon pa?

Napakalaking epekto ng desisyon mo sa buhay ko Xian.

Brianna Ziegler ' s POV :

"Anong gusto mo?"

May ngiting mababakas sa mukha ni Zie

"Kahit ano,basta libre mo."

Tumawa nalang sya ng bahagya at tumayo na para um-order ng pagkain.

Kaunti lang ang tao ngayon dito sa canteen,dahil may klase ang ibang section habang kami naman ay library period.

Madali lang na nakabalik si Zie na may dala ng tray.

Nilapag nya na ito.Dalawang coke in can,dalawang fries, Tito's taco at dalawang blueberry muffin.

"Ang dami naman yata."

Ngumiti nalang sya.

Napatingin ako sa entrance ng canteen ng may pumasok na mga seniors.

At hindi lang sila basta seniors.Sila rin yung mga kasama nila Zie kahapon o sa madaling salita,nandito ang ilang members ng Tres at ilang Triton.

Mukha silang mga harmless na nilalang kung titingnan.Ang iba sa kanila ay mga officers sa student council,ang iba naman ay popular sa sports at mga pambato sa mga quiz bee at arts at ang iba naman ay may natural na ganda na dahilan ng pagsikat nila.Lahat sila ay kilala at sikat.

Sa tingin ko ay dito ang direksyon nila,nawalan ako ng ganang kumain.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top