CHAPTER 7

Brianna Ziegler ' s POV :

Nakaramdam na ako ng takot ng makitang nag aagawan na sila ng baril.
Muli akong tumingin sa babaeng asul ang panyo.

''Wala man lang ba kayong gagawin jan?!Can't you see?!Bakit may baril?!Pigilan nyo sila.!"Hindi ko maiwasang magalit at halata na rin sa boses ko.

Napatingin ang buong Triton sakin na kanina lang ay nanunuod sa dalawang grupo.

"We can't do that.It will be a big issue kapag tinulungan namin ang isa sa kanila.Am I right MJ?"Sabi nung babaeng medyo pula at pinkish ang buhok sa babaeng may panyo na tinawag nyang MJ.

"Positive,baka magsumbong ang isa sa dalawang grupong yan kapag tinulungan namin ang isang grupo."Sabi nung lalaking pula ang buhok.Oh Ghad.Nagsalita ang hindi warfreak!

"Hindi ko naman sinabing kampihan nyo ang isa sa kanila!Ang sabi ko pigilan nyo sila!"Hiyaw ko at sabay turo kila Zed.

Napatingin ako sa babaeng may puting panyo.Nakakunot ang noo nya.Parang pinag-iisipan nya ang sinabi ko.Hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari.

Lumapit sya sa likod ni Erwin at kinuha ang baril ni Erwin na nakatago sa likod nya.Pipigilan pa sana s'ya ni Erwin pero wala na syang nagawa.

Nagpaputok s'ya ng tatlong beses sa ere.

Napako ako sa kinatatayuan ko.Napatigil ang dalawang grupo.
Lumapit si MJ kila Zed at kinuha ang baril na nagmistulang referee.

''What do you think your doing?"Sabi ni Nile na hindi parin nawawala ang pag kairita sa boses.

"Hindi sa nangingialam ako.But you know?You two are such a fucking immature.You Ares, belongs to Don Seira, who is an ex-ally of Sir Theodore and Sir Alistair.And you Tres, belongs to Sir Alistair.Just remember that Sir Theodore is the only one who can protect each in everyone of you from being dead laban sa isa't - isa. And we are Sir Theodore's instrument to keep you safe."Sabi nito at tumalikod na.Napaka pamilyar nya talaga sakin.

"Wag kang umastang Napakataas mo, wag kang magmayabang, wala lang si Don Seira kung umasta ka ay napakagaling mo. At sino ba naman yang panginoong Theodore n'yo para i deklarang s'ya lang abg makakapigil sa amin."

Sigaw nung lalaking unang nagpaputok sa Ares na para bang naglalabas ng hinanakit.

Muling humarap si MJ.

"You really think I can't say it in front of Don Seira?."

Nagsukatan nalang sila ng tingin, hindi pa sana sila titigil kung hindi lang sila inawat ni kuya Erwin.

She had that friendly eyes at ang kanyang tindig.Hindi ko pa ito kayang kumpirmahin hanggat hindi pa ako nakakakita ng ibang mga factors na magpapatunay na sya nga hinala ko.
At isa pa,orange ang buhok nito at ang kakilala ko naman ay normal lang na medyo brownish.

Maya maya lang ay may narinig kaming sunod sunod na tili.
Na sa tingin ko ay dahil sa mga putok ng baril kanina.

"Next time,think before you kick Nile."Sabi ni MJ

Nag igting ang titig ni Nile na hinihingal pa habang nakikipag titigan parin kay Zed na masama rin ang tingin.

Mukhang napaka makapangyarihan nga ang sinasabi nilang Don Seira.

Muling nagkasalubong ang mata namin ni MJ.Walang mababakas na emosyon sa kanyang mga titig.Pero ramdam ko ang cheerful side nito beyond that unemotional stare.

Nag iwas na ito ng tingin at tumalikod na.

"Think before you kick."Sabi pa nung babaeng pinkish red ang buhok na ginagaya pa ang tono ni MJ at tumalikod na rin.

''I swear, our next meeting will be the last."Sabi ni Nile na pinapatamaan sila Zed.Dinadaing pa rin nito ang tama ng baril sa kanyang katawan.

"Why not, 'cause you'll run away??"Nakangising sabi ni Nia na normal lang ang pananalita habang maraming dugo na ang nang gagaling sa tagiliran n'ya. Sobrang lala ng kalagayan n'ya, pag hindi pa natigil ang pag daloy ng dugo n'ya baka ikamatay n'ya pa.

"Fuck off!"Bakas ang galit sa boses ni Nile.

''What?."

Kung hindi lang siguro sila nagbarilan ay mapagkakamalan mong magkasintahanan lang talaga sila na may madugong paglalambingan.

''Di ka parin talaga nagbabago Nile Lim."

Nakipagtitigan si Nia kay Nile.Bakas ang mabigat na emosyon sa mga mata ni Nile.

''It's all your fault kung bakit ako naging ganito."Dugtong pa ni Nia.

Hindi ko napansin ang tuluyang pag alis ng Triton.

Nabasag ang tensyon ng dalawa ng biglang nagsalita si Zie.

"Pupunta dito si Sir Alistair at Sir Davidson.Better go now Ares."Sabi ni sir Xian.

"Yan!Jan kayo magaling.Ang magsumbong at magpaawa kay Sir Alistair nyo.''Sabi ni Chester na galit na galit habang matiim na tinititigan si sir Xian.

"We're not done yet.''Dugtong pa nito na may halong pagbabanta sa boses.

Naghiwahiwalay na sila ng direksyon at tuluyan ng umalis.

Do they mean,Sir Alistair.Yung headmaster? At Sir Davidson yung chancellor?

''How do you know Xian?"Hinihingal pang tanong ni ate Nia na pinatutungkulan kung paano nya nalamang paparating na ang dean.

Tinagilid nya ng bahagya ang kanyang ulo at ipinakita ang bluetooth piece na nakalagay sa kanyang tainga.

Inaasahan ko ang pag ngisi ni ate Nia dahil sa pinakitang katalinuhan ni sir Xian ngunit napakunot na lang ang noo nya.Hindi ko alam kung bakit.

Pero ilang sandali lang ay napaluhod nalang ito at unti unting lumabas ang dugo sa kanyang bibig.Inaagaw ng kadiliman ang kanyang mata ngunit parang nagkukusa ang kanyang mata na pigilan ito.

"What's happening?!"Sir Xian.

''It's the sign of the Golden Death Flower."Sabi ni Zie.

''Dalhin nyo sya sa ospital.Para maagapan agad.!"Sabi nung isang kasamahan nila.

"No!Hindi kayang gamutin ng isang hamak na doktor lang ang atake ng GD.!"Sir Xian na tumataas na rin ang tono ng boses.

"Alam ko kung sino ang makakatulong satin."Sabi ni Zie na piniprisinta pa ang kanyang kanang kamay at nakataas na mga kilay.

"Who could he be?"Zed na may pagtatanong at irita sa boses dahil nauubusan na sila ng oras.

"May dad.!"

Tama.Walang hindi kayang gawin si tito Romeo.

Binuhat ni Sir Xian si ate Nia na iniinda parin ang sakit ng katawa.

Xian Alistair the 3rd' s POV :

Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa at galit dahil sa nakikita ko ngayon.Alam kong masakit pero binuhat ko nalang sya.

Hindi nya alam kung gaano ako nagseselos at nagagalit nung nakita ko kung paano nya titigan at tuksuhin si Nile.

Wala akong magawa.Sino ba naman ako?Isang hamak na pakialamero na nag a assume sa pag ibig na isang taong kahit kailan ay hindi ako magugustuhan pabalik.

Gusto ko s'yang yakapin pero alam kong masasaktan s'ya.Pati ba naman sa gantong sitwasyon ay ipigkakait sa akin ang yakap na inaasam ko.

Gusto ko s'yang ikulong lang sa mga bisig ko pero hindi pwede.Nasasaktan lang sya sa t'wing kasama ako.

Nang makalabas na kami sa Restricted Area na yun ay sumalubong sa amin ang mga nagtatakbuhang estudyante ng Sun University.Wala man lang akong magawa para sa mga estudyante.Apo ako ng chancellor at isang guro pero hinayaan ko lang na magpanik at magsitakbuhan ang mga estudyante.

Halos takbuhin ko na ang kotse ko habang buhat buhat si Nia sa bisig ko.Hindi ko alintana ang nakakabunggo kong ibang mga estudyante.

Tiningnan ko ang mukha nya na para lang anghel na natutulog ng mahimbing.

Wala ka talagang kontrol Nia.You put yourself to trouble at wala man lang akong nagawa para iligtas at saluhin ka.

Binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa nakarating na kami sa kotse ko.

'Di ko namalayang nasa likod ko lang pala at nakasunod sina Zed,Zie at ang estudyante kong si Brianna.

Pumasok si Brie sa likod.

"Akin na sya."Sabi nya.Hindi naman ako nag alinlangang ibigay sa kanya si Nia.Sinandal nya ang ulo ni Nia sa balikat nya.

Sumunod naman pumasok si Zed at sinaradi na ang pinto.Ako ang magda drive at katabi ko naman si Zie.

Damn!She's so stubborn!

"Sir,wag mo na kaming sundan.Asikasuhin mo nalang ang campus.Ako na sa Tres"Sabi ko sa kabilang linya kung saan nakikinig lang si Sir Alistair at dad sa mga nangyayari.

"It should be me taking care of my mafia and you should be the one who's taking care of Tres inside the university. Xian,that's okay.That girl needs some punishment when she wake up.If....she will wake up again."

Napahigpit ang hawak ko sa manibela.

Not again Nia.I can't loose you again...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top