CHAPTER 3

Brianna Ziegler ' s POV :

(Hozier Martinez Calling...)

Agad ko itong sinagot.

"San kana?Nandito na ako sa harap ng gate nyo."

"Palabas na rin ako.Hintayin mo nalang ako jan."

Nagmadali akong bumaba ng hagdan.

Nakakamiss naman sila mama at papa,pero sakto, malapit na raw silang dumating.Hindi lang malinaw kung kailan.


Binuksan ko ang gate at bumungad sakin ang seryosong mukha ni Hozier.Nakapamulsa ang dalawa nyang kamay.

Tumitig ako sa mata nya at unti unting ngumisi.Lagi ko syang napapangiti kapag tinititigan ko sya.
Unti unting umangat ang dalawang sulok ng labi nya.

Nakakabuhay ng araw ang mga ngiti nya.

Napailing nalang sya.

"Tagal mo.Kanina pa ako naghihintay."

"Bakit kaya ang lamig sa kin ni Zed kahapon?"

Nasa loob na kami ng sasakyan ni Hozier.

"Ewan ko sa yo.Kausapin mo nalang sya para mas malinaw.Atsaka talagang cold naman na si Zed.Wala na tayong magagawa don.Mula pagkabata hanggang ngayon."

Napabuntong hininga nalang ako.

"Sigurado kabang dapat tayong pumunta sa bahay nila?"

"Oo naman.Dapat nyang malaman lahat.At dapat din kayong mag usap."

Kung tutu usin ay hindi naman talaga kailangan, pero kung yun talaga ang gusto ni Hozier, at ito rin ang tingin n'yang tama ay hindi na rin ako tututol.
Nagmaneho na si Hozier papunta sa bahay nila Zed.Tahimik lang kami habang binabaybay ang daan.

At ilang minuto lang ay narating na namin ang bahay nila.Tinitigan ko muna ito bago tuluyang lumabas sa kotse ni Hozier.Napakaraming ala-ala ang naiwan dito sa bahay na 'to.

Naalala ko dati,lagi kaming naglalaro dito kasama si Hozier,kuya Aries at Zed.

Lumabas ang ngiti ko ng hindi ko namamalayan.

Para na kaming tunay na magkakapatid non.Magkakaibigan ang mga magulang namin kaya ganon nalang kami kalapit sa isa't - isa.

Pero nagbago ang lahat,kasama narin don ang ugali ni Zed,nang biglang nawala si kuya Aries.

Ang tumatayong kuya sa aming apat ay nawala at kasama na rin non ang kasiglahan at kaligayahan ni Zed.
Buong pagkatao nya ay nabago.

Naging bato sya,bihira nalang kung magsalita at unti unti ng napalayo ang loob samin lalo na kay Zie.

"Brie."Tawag ni Hozier.

Nilapitan ko sya at inakbayan nya ako.

Nag doorbell sya at pinapasok na kami nung katulong.

"Hozier!Brianna!Damn I miss you so much dear!"

Sinalubong kami ng halik at yakap ng mommy ni Zed.

"Kami rin po tita.Ahm.Nasan po si Zed?"tanong ko.

"Upo muna kayo."

Umupo kami sa sofa.

"Natutulog pa sya eh.Di bale gigisingin ko nalang"

"Ah wag na po.Ako nalang pupunta tita.Kakausapin ko pa po kasi sya."ako at tumayo na ako at tinungo ang kwarto nya.

Hozier Martinez's POV:

"Sympathy and condolence for Alliyah.She's been a good girl to Zed."sabi ni tita na may sinseridad sa tono at muka nya.

"No tita.You don't know her."

"I know.I mean the way she treated my son.She's good at taking care.She knows how to do it well, like a concerned lady.But her motives are obvious, and that makes me dissappointed to her. "

"Tita lets not talk about her.She's now resting in peace."

"Allright.Nakausap nyo na ba ni Brie ang daddy mo tungkol dun sa naging kalagayan nung bata at ni Alliyah?"

"Hindi pa po.Actually kaya nga po kami nandito ay susunduin po sana namin si Zed para kausapin si dad.Ilang araw na rin po kasing ini examine ni dad yung bata.At siguradong ngayon ay meron ng resulta yon."

"Well.I get it."

Zedrick Reign Imperial's POV :

"Zed?"

I can hear her soft voice behind the door.

I'm expecting this.

After what I've seen earlier.

Naka akbay si Zie sa kanya at wala lang syang ginawa para tanggalin ang kamay na naka akbay sa kanya.

Pero bakit nya naman gagawin yun?Syempre hahayaan nya lang yun.Magkaibigan sila eh.

"Zed?"She call again.

I ran my fingers through my hair.Pinagbuksan ko sya.

Nakatulala lang sya sa akin habang nakaawang ang mga labi nya.Nakatitig sya sa katawan ko.
Her innocent face looking at my half naked body.

I can't resist that soft pink lips.

Napakuyom ang panga ko.
I don't want to tempt my self.Baka makalimutan ko pang galit ako sa kanilang dalawa ni Zie.Baka sa mga titig nya ay mawala nalang lahat ng galit ko sa kanya.

Ewan ko, nasisiraan na yata ako ng ulo.

I fake cough para magising sya sa pagkakatulala.

Tumalikod na ako at hinanap ang damit ko.

No tempting time for now.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ahm.S-sunduin ka lang s-sana namin ni Hozier."

"For what Brie?"

Brianna Ziegler ' s POV :

"For what Brie? "nakasalubong ang dalawa nyang kilay.

Ang aga aga pero parang galit sya.

Gusto ko syang yakapin.

Namiss ko sya.Pero parang galit eh.

"For the examination and investigation of that junior high student and Alliyah."

At tumingin ako sa sahig para maputol ang nakakamatay na titig nya sakin.

"I don't fucking care.Kayo nalang ni Hozier ang pumunta."

"No."

Pagmamatigas ko.

"We need you."Dag dag ko pa.

"Really?"

Napaatras ako ng bahagya at nakasandal na ako sa pintuan ng unti unti nya akong lapitan.Kinulong nya ako.Ang mga palad nya ay nasa pintuan.

"You need me?For what?"

Naamoy ko na ang pabango nya.

Bahagya syang nakayuko at nakatingin sakin.

"Go with Hozier."

Napasalubong ang kilay ko sa sinabi nya.

"Zed?Whats wrong with you?"

Naguguluhan kong tanong.

"Whats wrong?Maybe its you.You're the problem.I can't read you anymore. What's between you and Zed?"

Nabawasan ng kaunti ang kabang nararamdaman ko. At kailangan bang dapat mabasa nya ang isip at kilos ko?

"Crap!Why Zed?Are you jealous!?"

Wala sa sarili kong sinabi.

Nakita kong mas nagalit pa sya ng kaunti.Kitang kita ko sa mga mata nya.

Tinanggal nya ang mga kamay nya sa pintuan.

"Anong pakialam mo kung nagseselos ako?Wala ka namang pakialam diba?"

Tumalikod na sya.

"Get out."

Hindi pa rin ako gumagalaw at tinititigan ko lang sya ng masama habang nakatalikod sya.

"I won't"may diing sabi ko.

"Get the hell out of here!"

Bahagya akong nagulat sa sigaw nya.

Parang kinukurot ang puso ko.

What is his problem.Kung nagseselos nga sya ay bakit ganto nya ako tratuhin.Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng takot ng hiyawan nya ako.

Dali dali ko ng pinihit ang door knob at bumaba ng hagdan.

Zedrick Reign.I feel the same thing too.
Pero hindi naman ako nagagalit pag may kasama kang ibang babae.
Hinahayaan lang kita kung saan ka masaya.

Minsan hindi kita mintindihan. Once in a blue moon ka lang mag lambing sa akin kapag nag sawa kana sa mga babae mo.

Don't treat me like I am your's.I am not yet.But I will accept you if you really want our feelings to work out and you really work hard, I will always accept you Zed, there's always a place for you in my heart, besides, I consider you my home, and I wish I could say these words to you someday.

"Brie?Are you okay?"

Tanong ni tita habang nakatingin sakin.Tumayo na si Hozier sa sofa at hinintay akong makalapit sa kanila.

"Opo tita."

"Then,what's with the face?"

Hinawakan nya ang dalawa kong kamay ng tuluyan na akong nakalapit sa kanila.

"Pagpasensyahan mo na si Zed ha.Kilala nyo naman sya.Napaka suplado.Teka,sasama daw ba sya?"

"Hindi daw po.Tita sanay naman na ako sa ugali nya.Mauna na po kami,mamaya na rin po kasi aalis ang daddy ni Zie.Baka hindi namin maabutan."

"Oo naman.Ingat kayo ha."

Lumabas na kami ni Zie at tinungo ang bahay nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top