CHAPTER 19

Drew Peign's POV:

Nanginginig ang katawan ko habang pinipigilan ang sarili ko na magwala ulit, gamit ang boses ay malakas kong nilalabas ang galit. Hindi ko kayang maipaliwanang ang inis at poot. Pilit kong pinapalag ang posas sa mga kamay ko pero hapdi at dugo lang ang kapalit.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito sa madilim na lugar na 'to. Sobrang inip na inip na ako. Nakakabaliw ang katahimikan, nakakangawit ang limitadong espasyo kahit hindi na ako sa upuan naka tali.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto na s'yang nagpa pitlag sa akin.

Sina Erwin at Zed na naka suot pa ng uniform. Mananatili muna akong kalmado at pipilitin kong hindi sumabog.

"Ang tao nga naman, handang kalimutan ang lahat maprotektahan lang ang sarili."

Salubong ko sa kanila.

"Definitely a fact Drew. "

Sagot ni Erwin at lumapit sa harap ko habang si Zed naman ay nakasandal sa pader sa bandang likuran ni Erwin.

Mahabang katahimikan ang nanatili sa madilim na lugar. Tinititigan ako nung dalawa habang ako naman ay nakatitig sa semento. Iniiwasan ang mga titig ng mga makasariling tao. Pagod na ang mga mata ko, ang hirap huminga, nakakanginig na lamig na s'yang dumagdag sa pananakit ng buo kong katawan.

"You won't understand the pain unless you're in the situation. "

Muli kong pahayag ng pait na nararamdaman ko. Dahil kahit anong gawin kong paliwanag, hindi nila ako maiintindihan.

"Fear drives us insane. Ready to kill for their own survival."

Dagdag ko.

"It's a survival for the fittest Drew."

Sagot ni Zed mula sa likod, tumingala ako sa kanilang dalawa.

"What are you surviving from? It's not a game. That's your mindset selfish people, to survive, to survive. Unity and a little sin keeps the world moving. Such a shame all of you are in the higher rank while I'm in the bottom, and heck, you don't know these things..."

Hindi sila sumagot bagkus naghihintay lang ng mga susunod kong sasabihin. I will keep talking bright until they change their mind, these two sillies.

"Or maybe you're just afraid na malaman ni Sir Alistair na ang sikreto n'ya ay hindi na ligtas."

Muli kong sumbat.

"Yes, you have the point Drew. Indeed we're all selfish, but I don't think you can see the purpose of a secret. It can save lives ."

"Well I think I'm dead."

Agad kong sagot sa dahilan ni Erwin.

"No you're not. Kung sa tingin mo ay pinapatay ka namin, hindi, nililigtas lang namin ang buhay nating tatlo."

"You should expound your sight."

Dagdag ni Zed at lumapit na sa amin.

No one really cares about you, you're just a nobody, and these people will only be interested in your story if you win. So I will do anything to win. No underdogs, no protagonist neither antagonist. Just casual people with problems, a world revolving with karma, that's all. No one is in the spotlight.

"Look Drew, papakawalan ka namin dahil hindi namin kayang makita ang sino man sa grupo ang nagdurusa."

Sabi ni Erwin habang nakatitig sa mga mata ko. Problemado ang lagay ng mukha n'ya.

"I really hope he can shut his mouth."

Dagdag ni Drew at tumingin sa katabi n'ya.

"I can zip it as long as I want, you should acknowledge that I kept it almost a decade."

Rason ko na pinapaalala sa kanila ang bigat na dala ko higit sampung taon na, sikretong hindi ko dapat nalaman. Sila ang dahilan kung bakit ako nagdurusa ngayon, at hindi ako papayag na gan'to lang ang kahahantungan ng pananahimik ko.

"Drew, we're serious, sa atin nakasalalay ang sikreto ni Sir Alistair. It's our responsibility we must be cautious."

Pagmamakaawa ni Erwin, bakas ang sinseridad at takot sa mga mata n'ya.

"I may be Pandora but I can be Harpocrates if the situation doesn't fit my will."

I decided not to show my appreciation because I have nothing to appreciate from them on the first place.

"Please don't make it seem hard for us Drew."

Sumbat ni Zed na walang pasensya sa mga gantong bagay. Mahabang paramdam ng katahimikan, 'pag nagsalita pa ako ng marami, maaaring maiba ang sitwasyon, lesser words mas mabuti.

"Okay."

My dark trickery in a nutshell. I am not insane, I consider my self a traitor rather than a friend. I am not used of being a good person, I am the villain of this drama, the dilemma that makes them suffer. I will play the role well in case this can be feature into a story.

Ilang segundong katahimikan bago inalis ni Zed ang posas sa kamay kong puno ng pasa at dugo.

Freedom doesn't feel good as it is before as they unlock the handcuff.

I can see my inner self laughing, they just let a snake loose in the world of haystack. Those glances coming from their hopeless eyes were priceless. They just showed their lack of planning on me, their secret, their lives, everything.

-----------

Higit isang oras ang lumipas bago nila ako binaba sa harap ng bahay nina Christian.

Ilang segundo ako sa dilim ng gabi, sumilong ako sa ilaw ng bahay at narinig ang katahimikan sa paligid. Pagod at antok ang tangi kong nararamdaman, ang mga talukap kong para bang may dikit na hirap dumilat.

Dala ang isang mabigat na bagahe ng sikreto, tumapat ako sa harap ng pintuan. Umiling iling ako ng sumagi sa isip ko na baka gawin ulit sa akin nila Erwin ang nangyari. Pero gusto ko silang gantihan, hindi naman siguro ako madadamay kapag pinagkalat ko ang sikreto ni Sir Alistair. Muli akong napa isip ng husto, hindi ko magawang kumatok sa pinto sa harap ko.

Pwede naman siguro akong magtago, o kaya bumaliktad sa grupo. Napatigil ako, pwede rin naman. Pero mas mabuting pag isipan ng maigi. Who knows? I might use the De Beer's monopoly propaganda, collect the cheap diamonds and control the flow of it as if it is rare and priceless.

In my case, gather the secrets and trade it in high price.

Biglang bumukas ang pinto, sinalubong ako ni Hyacinth nang may pagkagulat sa kanyang mga mata.

"Oh my gosh."

Tangi n'yang sabi habang hindi parin inaalis ang tingin sa akin.

"What? Who's that?"

Boses ng lalaki mula sa loob, alam kong si Romuel yun.

"Drew."

"Where have you been?"

Pumasok nalang ako ng hindi sinasagot ang mga tanong nila.

Kakatayo lang nina Curt at Micah mula sa sofa, si Jeff naman ay nanatiling nakaupo habang hawak ang isang aklat at maingat na pinapanood ang mga kilos ko.

Gusto kong mapag isa, pag iisipan ang mga plano kung paano ako makakaganti sa mga taong ginawang miserable ang buhay ko.

Diretso lang ang lakad ko patungong hagdan matapos silang tapunan ng blangkong tingin.

Walang ibang ingay ang maririnig kundi ang mga yapak ko sa hagdan.

Hindi rin magtatagal at sasabihin ko na ang katotohanan, hindi ko lang alam kung paano at saan. Wala na akong pakialam kung nasa panig na ako ng kadiliman. No that was wrong, we're all villain in someone else's story. We're equally in the spotlight, where the audience is also us. Doesn' t matter how bad the things you've done, the thing that really matters is that you sinned. An excuse for karma to come in.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top