CHAPTER 18
Brianna Ziegler's POV:
Lumabas na ako ng classroom pagkatapos umalis nung teacher namin for the first subject, I'm going for a recess dahil gutom na rin talaga ako. Hindi naman na siguro ako malalason ulit. Hopefully.
Nagpaalam na sa akin si Zed dahil kasama n'ya ang mga barkada n'ya. I am happy for him, hindi na n'ya ako tinatrato na parang ibang tao. At sana maging tapat na s'ya sa sarili n'ya matapakan man ang pride n'ya.
Pagbaba ko ng hagdanan ay sinalubong ako ng malamig at malakas na hangin. Naililipad ang buhok kong nakalugay, pati necktie at id ko, maging ang skirt kong medyo maikli.
Maaliwalas ang paligid at mababa ang temperatura, nilalamig ang mga binti ko, pati ang mga kamay ko habang sinasalubong ng hangin ang buo kong katawan.
"Brie!"
Napalingon ako sa likod kung saan galing ang boses. Sa 'di kalayuan ay nakita ko yung classmate kong babae, si Rebecca.
Hinabol n'ya ako hanggang sa sabay na kaming naglakad patungo sa canteen.
Nanibago ako dahil naka ponytail s'ya ngayon, ang cute n'yang tingnan with the matching eyeglasses.
"You look so pretty."
Wala sa sarili kong sabi. Hindi ko napigilan at bigla nalang lumabas sa bibig ko.
"What? Thank you. You're prettier!"
Nagtawanan nalang kami, muli na namang gumaan ang loob ko dahil alam kong hindi na ako maa -out of place sa mundo dahil kasama ko na naman s'ya.
Erwin Baltazar's POV:
Pinatong ko ang basyo ng pinag inuman kong sofdrinks sa lamesa, habang ang mga kasama ko naman ay may kani-kaniyang ginagawa. Sayang at hindi ko magawang makasama si MJ dahil nga sa dapat naming itago ang personalidad n'ya. Kung hindi lang dahil sa pags-spy n'ya ay baka kami ang may pinaka malalang pda.
Hindi masyadong malakas ang sinag ng araw dahil nasa ilalim kami ng isang malagong ornamental tree na pula ang mga dahon, tambay lang habang pinapanood ang peace na yumayakap sa umaga ng S.U.N., ang mga estudyante ay inosente at disente, and we will maintain this 'till our last grip in this school.
"Ngayon daw ang dating ni Cy ah."
Tinuon ko ang pansin kay Sasha at sa mga kasamahan ko.
"I know right?"
Sambit naman ni Sydney na nakapatong ang ulo sa balikat ni Dwayne.
Nung mga nakaraang araw ay hindi ako pinapatulog ng konsensya ko, lalo na ng malaman naming alam ni Drew ang lahat at hindi namin alam kung anong mga susunod na gagawin. Hindi namin kayang saktan ang isa sa mga taong bumubuo ng pamilyang pino proktektahan ng bawat isa. Hindi kayang patayin ng nino man ang kahit sino sa kan'yang mga kapatid. That's our law.
Ang bigat lalo na't araw-araw ay nadadag dagan ang problema ng organisasyon. But it is our duty to clean the path of our future. Maayos naman ang business ng organisasyon sa pag iimport ng mga illegal firearms na s'yang dapat hindi maapektuhan ano mang mangyari.
"Bakit? Saan na nga ba s'ya galing?"
Tanong ni Dwayne na medyo naguguluhan. Hinahangin ang pula n'yang buhok habang nag hihintay ng sagot kay Sasha.
"Balmain, nakalimutan mo na agad?"
Sagot ni Franco na tamad tinapunan ng tingin si Dwayne na tinaasan nalang ng kilay nung isa.
Medyo marami parin ang mga estudyanteng palakad lakad dahil tapos na ang first subject, maaliwalas ang panahon at malamig ang sibol ng hangin.
"Nasa'n ba sila Sky? Papasok ba sila?"
Tanong ni Spencer kay Franco habang inaaliw ang sarili sa pag bubuklat ng aklat na hindi n'ya naman binabasa. Kahit anong oras ay papasok lang sila kung gusto nila. Sir Alistair don't actually tolerate those kind of behavior lalo na't kasama ang mga yun sa mob namin nila Sir Theodore, pero laging nagkakataon na hindi alam ni Sir Alistair ang mga gawain ng iba naming kasamahan.
"I don't know either, hindi ko pa sila naka usap mula nung maghiwa-hiwalay kami kagabi."
Napatigil si Spencer at tinitigan si Franco.
"May pinuntahan kayo kagabi? Bakit hindi n'yo ako sinama?"
"Dude, bar lang 'yon. At saka alam naming semi-finals na ng laro n'yo, at alam ng lahat kung gaano ka kadaling mapatumba ng alak."
Sagot ni Franco habang naka kunot ang noo.
"Tsk."
Tanging sagot ni Spencer.
Isang iskandalo na naman ang naamoy ko ng makitang nagsimula na namang magtipon tipon ang mga mag aaral sa gilid, napapahinto sila sa paglalakad at napapatingin sa kotseng kapapasok lang mula sa gate.
Huminto ang isang pamilyar na Lykan Hypersport na ngayon ko lang ulit nakita after almost a month. Napalingon na rin ang mga kasama ko at alam kong alam na nila kaagad kung sino ang sakay nun.
"Look who's here."
Walang ganang sabi ni Sasha at tumalikod na, binalik ang atensyon sa amin. Mistulang isang pelikula ang pinagtu-tuunan ng pansin ng mga estudyante. Hindi rin nagtagal at lumabas na si Cyainne mula sa kotse n'ya, mukhang estudyante ang dating n'ya dahil sa uniform n'ya. Ibang iba kapag hinarap mo sa kalaban, hindi mo makakalimutan kung paano magliyab ang galit n'ya, kung paano lamunin ng apoy ang pagkatao n'ya. We all have our own custom mask.
Mask that we use in front of strangers, in front of our friends, in front of our family. But the bare face is what we see in front of the mirror. The real us that was molded by the people around, molded by how we've been treated by showing their reactions. We became what they see, but it is for us to manipulate how they see us, to control how we want them to perceive us because what you see is what you get.
Sinalubong si Cyainne ng isang grade 11 representative mula sa SC. Nag usap sila habang naglalakad sa pathway, tumatango nalang si Cy bilang responde. Medyo humupa na rin ang tensyon sa paligid, mula sa 'di kalayuan ay napalingon s'ya sa gawi namin. Naglock ang mga paningin namin at hindi ko maipaliwanag kung anong ibig sabihin ng blangko n'yang tingin. He don't usually react this way when seeing his co-members. But people does really change.
Nag hiwalay na ang dalawa at tumuloy na si Cy sa lamesa namin. Alam kong may mga nagbago, hindi ko lang ma-pin point. Mas lumala mula nung umalis s'ya.
"Yow wassup?"
Salubong ni Spencer kay Cy pero binalewala lang ito ni Cy at umupo sa isang bakanteng upuan, katabi ni Sasha. Ngayon nalang ulit kami nagkaharap harap, pero wala yung tatlo.
"How's life Mr. Kingpin?"
Tanong ni Sydney na in-emphasize ang huling salita.
"You're thinking I'm the Kingpin of this mob? Huh? How 'bout MJ or Erwin?"
Sumbat ni Cy na isa isa kaming pinasadahan ng tingin, sabi ko na nga ba. Wala s'ya sa katinuan, sanay man kami sa pabago bago ng mood n'ya, pero nakaka bad trip lang lalo na't kararating n'ya.
Oo alam naming lahat maliban lang kay Cy na iba ang trato ni Sir Theodore sa kan'ya. Hindi ko nga alam kung sinasadya n'ya bang sumip sip at magpalakas kay Sir Theodore. But one thing is certain, he is treated more special than the real leader of this mafia, than me or MJ.
"Kalma lang Cy."
Mahinahong sabat ni Franco.
Lagi s'yang pikon pagdating sa ranggo namin. Nung una magaling s'yang makisama, pero hindi nagtagal ay nag iiba ang ugali n'ya, hindi ko alam kung anong tunay sa mga pinapakita n'ya.
"Tsk, wala bang ginagawa sa room?"
Pag iiba n'ya ng topic at lumingon sa katabi n'ya, napaiwas ng tingin si Sasha. Alam ng lahat na may hindi maipaliwanag at complicated na relasyon sina Cyainne at Sasha na sila lang talaga ang makakapag linaw sa aming lahat. Ilang taon nang stagnant ang love/hate relationship nila.
Walang nagyayari, pinapahirapan lang nila ang mga sarili nila.But I'm not in the place para mangialam.
Nawala agad ang atensyon ko sa mga kasama ko ng mapalingon sa 'di kalayuan. Halos parang na reset ang umaga ko ng makita si MJ, naka suot s'ya eyeglasses at naka puyod ang buhok habang nakikipag tawanan kay Brie.
They really have that smooth interactions with each other.
Ang pagpapanggap ni MJ ay hindi lang basta basta. Hindi lang dahil sa trip n'ya kundi dahil may mas mabigat pang dahilan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top