CHAPTER 14

Zedrick Reign Imperial's POV:

Walang sino man sa amin ang may balak gumawa ng ingay.Lahat kami ay napatulala sa hospital room kung saan naka confine si Cristian.Kita namin mula dito kung paano inaayos ng mga nurse at doktor ang mga bagay na nilalagay sa kanya mula sa half glasswall ng silid.

Tulala rin si Brie habang nakaupo.Ganun din si Hozier na katabi nya.Hindi ko alam kung anong iniisip nya sa mga oras na'to.

Sila Romuel, Jeferson, Curt, Micah at Hyacinth naman ay magkakatabi rin habang naka upo.Bakas ang kaba at pag aalinlangan sa kanilang mga mukha.Maaari ring iniisip nila ang iniisip ko.

Habang si Drew naman ay nakatayo at nakasandal sa pader habang nakabulsa ang dalawang kamay.Parang walang pinagbago sa reaksyon at emosyon nya.

Kahit kapatid na nya ang nasa loob ng nakakasakal na silid na yun ay wala pa rin syang reaksyon.Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nya ngayon.

Hindi na ako makapaghintay na malaman kung anong nangyari sa kanya.

Mabigat ang atmospera at ang bawat paghinga ay tila ba parang hinuhugot pa sa ilalim ng lupa.

Nalulunod sa mga tanong na sumasagi sa isip ko dahil hindi ko maiisip na malalagay sa gantong lagay si Cristian dahil alam kong kahit aksidente ay kaya nyang iwasan.

Nakarinig ako ng mga yabag ng paa.At hindi nga ako nagkamali, masyadong mabilis ang balita.

Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang nangyari kay Christian, pero hindi naman nakapagtataka dahil kahit ano pang sikreto ay kaya nilang tuklasin.

Hindi man kumpleto pero alam kong alam na rin ito ng ibang miyembro ng Triton.

Pinangungunahan ni Erwin.

Pakiramdam ko ay mas lalong bibigat ang atmospera dahil dumating pa sila.Hindi ako nakaramdam ng suporta sa kanila kundi kaba, natatakot akong mangialam sila.

Alam kong walang makakatagal na sikreto sa kanila.Gusto ko sanang gawing lihim ang nangyari kay Christian, pero wala na akong magagawa, alam na nila.

Napaayos ng upo sila Romuel, ganun din si Brie at si Hozier naman ay napatikhim lang.Habang si Drew naman ay tinapunan lang ng tingin saglit ang Triton at binalik ulit ang tingin sa pader na kaharap nya na tila ba walang pakialam.

"Did we arrived on time?"

Sabi ni Sydney ngunit walang pumansin sa kanya.

Napataas nalang ang kanyang mga kilay at tumango tango sa sariling tanong.

Pakiramdam ko ay mas lalong sumikip ang lugar dahil sa kanila, literal at metaporikal. Hindi ko rin masasabing kakampi namin sila sa mga oras na 'to. Iba ang takbo ng isip nila kapag nagsama sama na silang lahat.

Agad akong napatayo sa kinauupuan ko ng makitang papalabas na ang doktor.Napatayo rin ang ilan sa mga kasama ko kasama na sila Brie at Hozier.

"How is he?!"

Cristian is my long time nice friend.He doesn't deserve this.He's a good man with a strong will and determination that no one can destroy.

Napatingin sa akin ang doktor at sa mga kasama ko.Mukha naman syang nabigla ng makita si Brie.

Konti nalang maiinis na ako dahil sa tingin nya.

"What?! Are you deaf?!"

Tinanggal nya ang suot ng face mask bago nagsalita ngunit kay Brie nya binuhos ang atensyon nya.

"You again?"

Sabi ng matandang doktor na'to kay Brie na para bang magkakilala sila.

"Huh? Do I know you Mr.?"

Sambit ni Brie na para bang naguguluhan.Hindi ko rin matandaang may kilalang doktor si Brie maliban nalang kay tito Romeo na Scientist at doktor din.

"Oh come on.Bakit hindi mo sinabi sa kanila ang nangyari sa kaibigan mo?"

Sabi nya habang nakangiti pa.

Naguguluhan rin si Brie.Mukhang nang iinsulto lang sya.

"Are you making fun of us you old man."

Malamig kong sabi.

Hindi ko alam pero nawala ako bigla sa sarili ko, kinwelyuhan ko sya at tinitigan sa mata.

"Zedrick! Calm down!"

Rinig kong hiyaw ni Erwin.

"What?!Why would I do that?!"

Inosente nyang sabi habang nakangiti pa rin.

"Hey! What's going on Doc? What do you mean?"

Singit naman Sasha.

"Oh Ms., you're here earlier.Don't tell me you don't remember that?"

Sabi nya kay Brie.

"What? !No.I have never been in this hospital."

Tama,hindi ko matandaang nagpagamot si Brie dito kelan man sa buhay nya dahil nandyan naman si tito Romeo.

"Oh Ms. Shantell Briones.I already said that he is under comatose.And I am not sure how long he will be on a coma.Right? I said it to you."

What!

It's not possible.

Shantell.

I thought you're gone.

Nagkatinginan kami ni Erwin ng ilang segundo, dahil alam ko kung ano rin ang iniisip nya.

Alam kong kinakabahan na rin sya ngayon dahil sa binanggit na pangalan nung doktor na yun.

"Who's that f*ckin' Shantell Briones."

Basag ni Sasha sa katahimikan.

"What the hell is going on?"

Sabi ni Sydney na wala ring kaalam alam sa mga nangyayari.

Sana ang sikreto naming ito ay manatili na lamang sa amin.Pero dahil parang sinasadya talagang maungkat ang nakaraan ay tila wala kaming ibang paraan para malutas 'to kundi sabihin sa kanila ang totoo, pero sana mahanap namin ang tamang panahon.

"What do you mean Doc?Does that Shantell Briones looks like this girl?"

Sabi ni Micah sabay turo kay Brie.

Naguluhan ang doktor dahil siguro iniisip nyang mga impostor kami.

"Yes, why? Hindi ba sya si Shantell Briones?"

May mababakas na pagtataka sa mukha nya.

"Of course not! She's Brianna Zeigler! "

Sabi ni Hyacinth.

"Ahhh.Okay I get it . That's your twin right?"

Sabi nya kay Brie.

"What! No! Impossible.I don't have any twin or siblings."

"Well that's a little bit impossible."

Sabi ni Sasha.

Pinapanaliti ni Erwin ang kanyang seryosong tingin na tila ba wala syang kaalam-alam sa panayayari.Alam kong alam din ni MJ ang tungkol dito, or am I wrong.

"So the person that I've meet earlier is not you?Do you want to report it in the police station?"

"No thanks doc.You can go now."

Sabi ni Sydney.

Tumango nalang ng ilang beses ang doktor bago kami iniwan.

"So,can anyone explain what's happening right now?"

Tanong ni Sydney.

Isang katahimikan lang ang bumalot sa aming paligid.Dahil walang gustong magsalita at walang may ideya sa mga nangyayari.

"I know what you know."

Isang mahinahong mga salita ang lumabas mula sa bibig ni Drew habang naka taas ang isang sulok ng labi nya.

Napansin kong may hawak syang kwintas sa kanyang kanang kamay.Napunta na sakanya ang lahat ng atensyon na ikinababahala ko.

Ang mga simple nyang salita ay siguradong tatatak at magi-iiwan ng malaking katanungan sa mga taong nakapaligid sa amin ngayon.

Nakakapagtaka kung bakit nya nasabi ang mga salitang yun.Hindi ko alam kung totoo yun.

"Now you're worried."

Dagdag nya pa at saka sinabit ang kwintas sa kanyang hintuturo at pinaikot-ikot.

Magkahalong inis,pagtataka at pagkagulat ang aking nadama ng makita ang kwintas.

Hindi pwede.

Ang kwintas na yan ay dalawa lamang sa mundong ito at wala ng katulad.

Napatingin ako kay Brie.Patawad kung wala kang kaalam-alam tungkol dito.

Paano napunta sa kanya yun?

Hindi ko alam kung nananadya ba sya?O alam nyang magyayari 'tong lahat ngayon.

Nakita ko rin ang nararamdaman ko sa mga mata ni Erwin ng tingnan ko sya.

"Anong nalalaman mo dito Drew?"

Tanong ni Sasha.

Alam kong hindi titigil ang mga itong malaman kung ano ang nangyayari.

"It's a secret that should be kept forever.Right?"

Sabi nya at umayos na ng tayo at muling binalik ang kwintas sa kanyang bulsa at naglakad na palayo.

"That's it?"

Sabi ni Sydney.

"No it isn't.Sino ang pinatutungkulan nya?"

Sagot naman ni Sasha

"Sigurado akong may isa sa atin ang nakakaalam ng lahat."

Sagot ni Jef.

"It's kinda weird. I felt being kept away from a big secret."

Sambit ni Micah.

"Or maybe he or she just wants to make that secret guarded for the good of everyone."

Mahinahong sabi ni Erwin.

"F*ck guys,just f*ck it."

Wala sa sariling sabi ni Curt.

"Watch your words kid."

Singit ni Dwayne na kanina pa tahimik at ngayon lang nagsalita.

"Watch your attitude."

Ganti naman ni Curt.

"You really want to pick some real fight with me kid?"

Inis na sabi ni Dwayne

"Yeah.Why not dude?"

Hinawakan na ni Micah si Curt sa kamay na pilit nyang pinipigilan.

"Your companion is under comatose now,have respect if you really care and do respect him."

Awat ni Sasha na pangatlo bilang pinakamataas na pinuno ng Triton na sumunod sa magnobyong MJ na pinuno at Erwin na pangalawa.

Hindi pa rin naputol ang masamang pagtitinginan nilang dalawa.

"Stop it Dwayne.Let's go."

Sabi ni Erwin.

"Hindi ko alam kung anong sasabihin pero sana maka-recover na yang kasama nyo.Mauuna na kami para sa ikabubuti ng lahat."

Dagdag ni Erwin at tumalikod na.Sinundan na sya ng mga kasama nya paalis pagkatapos kaming tapunan ng masasamang tingin mula sa mga kasama nya.

Well,it is for the better.

Sigurado akong may maibabalita na naman sila kay Sir Theodore ngayon.

"Mas pumapangit lang ang lagay ng sitwasyon kapag nasa paligid natin sila"

Sabi ni Romuel.

Sumasagi parin sa isip ko ang mga sinabi ni Drew bago sya umalis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top