CHAPTER 13
Christian Peign's POV:
Bawat pagsabay ng aking dugo sa hangin ay sy'a ring dami at halaga ng segundong nasasayang.
Wala akong maramdaman kung hindi ang kirot at hilo.Nagsimula ng manlabo ang aking paningin.Mas binilisan ko pa ang aking pagpapatakbo, hanggang sa halos hindi ko na makita ang mga nadadaanan ko.Ilang busina ng sasakyan ang naririnig ko at ang aking mabilis na pagtibok ng puso.
Wala pang sinag ng araw ang makikita sa oras na 'to.
Hindi pwedeng dito lang magwawakas ang lahat.Pero sa dami ng dugong umaagos sa aking katawan ay mukhang hindi ko na makakaya pang makarating sa bahay.
*biiiiiiip*
Isang malakas na pagtama ang aking narinig.Nadagdagan ang kirot sa aking katawan at naramdaman ko nalang ang aking katawan na nakahandusay sa malamig na kalsada ng taglamig na umaga ng syudad.
"Mr.! Hold on! I am sorry! Please help!"
Isang tinig ng babae ang aking narinig bago tuluyang nilamon ng kadiliman ang aking paningin.
Shantell Briones's POV:
"Mr.! Hold on! I am sorry! Please help!"
Paano ba 'to!?
Kita ko ang usok na nagmumula sa aking sasakyan.Ang mga nagkalat na basag na salamin sa kalsada.Ang sasakyan n'ya ay tumilapon 'di kalayuan.
Nanginginig ang aking kamay ng hawakan ko ang kanyang pulso.
Ramdam ko ang pag agos ng dugo mula sa aking ulo.Dinama ko ang kanyang pulso pero halos wala kong maramdaman dahil sa kaba.Nilapit ko nalang ang aking mukha sa kanyang mukha para makita kong maigi ang lagay nya.
Halos mapuno ng dugo ang kanyang puting damit.Napansin kong may sugat sya sa tagiliran na syang dahilan ng malakas na pag agos ng kanyang dugo.
Tinapat ko nalang ang aking tenga para pakinggan ang kanyang paghinga ngunit nagulat ako ng may nadama akong malamig na kamay sa aking batok.
Tiningnan ko sya at ganun nalang ang aking pagkabigla ng makitang nakatingin sya sa akin.
Kita ko ang paghihirap sa kanyang mga mata.
"Shantell."
Hindi ako sigurado kung pangalan ko nga ba yung narinig ko mula sa kanya.
"Mr.! please! Kapit ka lang ! Wag kang matutulog, wag kang pipikit!"
Hinawi nya ang buhok ko na naka harang sa aking leeg.Na para bang alam nya kung nasaan ang tinatago kong nakaraan.
Hahawiin ko sana ang kanyang kamay pero nakita kong may sugat kaya hinayaan ko nalang.
"Shantell.02-04-1999"
Banggit nya habang nakatingin sa aking leeg.
Bakit nya nalaman na may tattoo ako sa aking leeg.Paano nya nalaman ang tungkol dito? Sigurado akong nakatago naman ito mula pa kanina.At hindi ito madaling makita dahil nasa bandang kaliwa ito ng aking leeg.
Isang malaking misteryo ang araw na ito.
Kanina medyo marami pang dumadaan na mga sasakyan.Pero ngayon ay nabawasan na.Umaga na pero bakit ang unti parin ng mga sasakyan.
Para akong hinahabol ng malas ngayon.
"Pa'no ba 'to?"
Hindi ko sya kayang buhatin.Mukha ring hindi nya kayang tumayo.
Masyadong malala ang lagay nya.
"I'm sorry."
Imbes na ako ang magsabi sa kanya ng salitang yun ay sa kanya ko na mismo na rinig.Bakit?
Bakit sya humihingi ng tawad?
"Sorr..?"
Hindi ko na natuloy ang nais kong sabihin ng madama kong hinapit nya ang batok ko at sa pagkakataong ito.
Naglapat ang mga labi namin.Sa unang pagkakataon, sa pagkakataong hindi ko inasahan.Sa isang aksidente ko mararanasan ang aking unang halik.
Dama ko init ng kanyang mga labi.
Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang mga luhang ilang taon ko ng pinipigilan.
The uneasiness I felt in everyman,will never gonna die.But this man.
He's different.I felt the highest peak of comfortability from the beginning that I saw him.I really don't mind him stealing the role of my first kiss.
Naramdaman ko nalang ang pagbitaw ng kanyang kamay sa akin at tuluyan na syang nawalan ng malay.
Kasabay no'n ang pagtama ng sinag ng araw sa balat ko.
Zedrick Reign Imperial's POV:
Pinihit ko ang door knob ng kwarto.Walang kasiguraduhan pero determinado na akong gawin ang abot ng aking makakaya para masiguradong ligtas ang mga taong nakapaligid sa akin.
Pero labis nalang ang kabang nadama ko ng hindi ko sya masilayan sa higaan na kaniyang hinihigaan ng iniwan ko sya.
Nasaan na sila?!
Lumapit ako sa higaan ng may nakita akong kapiraso ng papel.
*Rooftop*
Walang pag dadalawang isip na aking tinungo ang rooftop.
Sinalubong ako ng malakas na ihip ng hangin pag dating ko sa rooftop.
Asul na ulap at maaliwalas na panahon ang sumibol sa araw na 'to.
Agad hinanap ng aking mga mata ang isang babaeng kanina ko pa hinahanap.
At ayun, naka upo at naka sandal ang kanyang likod sa likod ni Hozier na nakatingala sa langit.
"Anong ginagawa nyo dito?"
Tanong ko habang naglalakad palapit sa kanila.
Napatingin sa akin si Brie ngunit si Hozier ay nakapikit lang habang nakatingala sa langit na para bang wala lang syang pakialam kahit nagsasalita ako.
Ayun ang ayaw ko sa kanya, hindi nya pinapahalagahan ang mga sinabasabi ko.
Agad kong sinalubong ng mahigpit na yakap si Brie.
Damn.
This annoying girl always making me feel like a concern father.
"Ah...a..Hindi ako makahinga."
Napangiti nalang ako dahil bumalik na rin ang dati nyang lakas.
Bumitaw na ako sa kanya at hinarap si Zie.
"Do you know how dangerous it is for you two to just stay here outside?"
Labis ang inis ko ng wala parin akong natanggap na responde mula sa kanya.
"Hozier, nang iinsulto ka ba?"
Wala sa sarili kong tanong.
Nang mukhang narinig nya na ako ay tsaka nya iminulat ang kanyang mga mata at walang emosyong tumingin sa akin.
"Bakit ko naman magagawa sa'yo yun?"
"Okay, I will get it straight to the point.I don't like your attitude."
Ilang segundo ang nagtagal ay napangisi nalang sya sa sinabi ko.
Hozier Martinez's POV:
"Okay, I will get it straight to the point.I don't like your attitude."
I don't like you either.
I just let out a smirk when he said that because it's just a very good thing,we don't like each other's way of everything.
I don't like you too.
It's better for me to shout these words inside my head.I don't want to fight with him.
"Uhm, pasok na tayo sa loob?"
I heard Brianna said in the middle of the heavy atmosphere.
Okay.
Nauna na akong tumayo at naglakad na pababa.Iniwan ko nalang silang dalawa dun.
I just want to get drunk right now.
I dialed Christian's number.
He's the only one that can understand me right now .He's nice to be around.
But there's no voice of him from the phone.
He's out of reach.
Why?
He's not that kind of man that runs when you need him.
I am getting uneasy right now.
I dialed Jeferson's number.And in no time, he picked it up.
"What?"
"Wala ba si Christian jan?"
"Nah, why?I thought kasama nyo sya jan nila Zed"
"No man . He's not here. "
"What?Kasama lang namin sya kanina sa school tapos...."
"Tapos?"
"Tapos. .."
" Tapos ano?!"
"Tapos...akala ko nakasunod sya sa amin."
"What? I don't get it."
"What's going on?"
I turn around when I heard Zedrick's irritating voice.
"Christian is missing."
"What?"
Napakunot ang kanyang mga kilay.
"That f*ckin' Seira."
"Bakit sya nadamay dito?"
Sinamaan nya nalang ako ng tingin.
"Be observant."
Okay. IDGAF about Seira. Christian is more important.
*Zedrick's phone rings*
Zedrick picked his phone up.
"Who's this?"
Mukhang walang sumasagot.
Mukhang nakaramdam na si Zed ng duda kaya ni-loud speaker nya ang cellphone nya para marinig namin nila Brie na tahimik lang sa tabi ni Zed.
Hindi ko pa pinuputol ang tawag ko kay Jeferson.Ni-loud speaker ko rin ang cellphone ko kung sakaling may masamang mangyari mula sa tawag na natanggap ni Zed.
"Hello.Who are you?"
Pagdududa at takot ang mababakas sa mukha ni Brie.Parang nai-imagine ko na nagtitipon-tipon sila Jef, Romuel, Hyacinth, Curt, Micah at Drew na nakikinig sa amin ngayon.
Ilang segundo pa ay may narinig kaming boses ng babae.
"He...hello?"
"Anong kailangan mo?"
Zed replied.
"I just want you to know that your friend is in the hospital right now."
"Wait! what? who are y..."
Habol ni Zed pero naputol na ang tawag.
"What happened to Christian? "
Rinig ko ang boses ni Romuel sa kabilang linya.
Agad umalis si Zed sa harap namin.
"Saan ka pupunta?"
Habol ni Brie.
"Stay right here."
"No.Sasama ako."
Pagmamatigas nya at hinabol si Zed.Wala nang nagawa si Zed at hinayaan si Brie sa pagsunod sa kanya pababa ng rooftop.
Pinatay ko na ang tawag at nagmamadali ring bumaba.Naabutan ko pa sila Zed sa parking lot.Ginamit nya ang kotse nya, kinuha ko naman ang motor nya at hinabol sila papuntang ospital.
Sigurado naman na akong narinig na nila Jef yung tawag kaya wala akong dapat ipaliwanag sa kanila.Sigurado rin akong susunod rin sila sa ospital.
Nag-aalala lang ako na baka malaman 'to ng grupo nilang Triton.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top