CHAPTER 12
Hozier Martinez's POV :
Nagising ako mula sa pagkakatulog ng maramdaman ang paggalaw ng kamay ni Brie na hawak ko mula pa nung pag alis ni Zed at nila Daddy.
I think pinuntahan lang ni Zed ang Tres sa school dahil tinawagan din ako ni Christian kanina bago pa kami nagpunta dito kila Zed, but I refused, I chose to stay beside Brie. Kasi alam kong pupunta at pupunta talaga si Zed kasi maaaring mahalaga yun.
Naalarma ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin,baka umatake nanaman ang lason sa katawan ni Brie, hindi ko alam kung ano bang magagawa ko sa kanya,ayaw ko syang masaktan.
Pero hindi ko inaasahan,parang normal na sya,stable na sya at hindi na masyadong malikot,nakahiga parin sya at nakatitig sa taas.
Parang kinukurot ang puso ko nang hindi man lang nya ako tingnan na para bang wala lang syang kasama ngayon,okay lang naman,hindi naman ako ang nagbigay ng maraming effort,mas maraming gabi ang pinagpuyatan ni Zed,pero masakit lang sa loob dahil ang tagal kong hinintay na masilayan muli ang mga mata nyang napakaganda at walang bahid ng kahit anong lason.
Parang winawasak ang puso ko nang nakita kong tumulo ang kanyang mga luha ng hindi ko man lang alam kung ano ang dahilan.
Gusto ko syang tanungin kung bakit.
Pero parang wala sya sa kalagayan ngayon para magsalita.
Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay nya para maagaw ang pansin nya.
Unti-unti nyang nilipat ang kanyang titig sa akin at muling tumulo ang kanyang mga luha.
Ang mga mata nyang napakaganda na ngayon ay punong-puno ng luha.
Inangat ko ang aking isang kamay at hinawakan ang kanyang pisngi,dama ko ang kalungkutan sa simpleng pagtitig sa kanyang mga mata.
"It's okay."
Yun lang ang tangi kong nasabi,wala akong maasip na iba,baka may masabi akong mali at baka masaktan ko pa sya.
Christian Peign's POV :
Mukhang may limitasyon na ang pagseserbisyo namin ngayon,kahit hindi naman talaga masasabing trabaho 'to o tanging pagkukusa lamang sa aming kaibigan.
Wala kaming karapatan para mangialam sa buhay nilang tatlo,pero naging kaibigan ko na rin sila kaya dapat akong tumulong pati na rin ang iba.Pero pananatilihin ko parin ang kanilang privacy.
Nilapitan ko sya,nakatitig lang sya sa gate mula dito sa second floor ng Senior building at ang kanyang dalawang siko ay nakapatong sa railings.
Tinapik ko ang kanyang balikat.
"I don't know what to do now,kung kailangan pa ba ako dito sa isang 'to.Pero tandaan mo pare,nandito lang ako at bukas palad at handang tumulong sa inyo nila Hozier."
Dinaanan nya ako ng tingin at muling ibinalik ang titig sa malawak na field nang school.
Medyo dumadami na ang mga estudyanteng papasok ngayon.
Napangisi sya ng bahagya.
"I know dude."
Tumango nalang ako ng isang beses at tumingin na rin sa gate kung saan niluluwa nito ang mga mangilan-ngilang mga estudyanteng papasok na.
Kailangan na naming umuwi at maghanda para pumasok ulit mamaya.Hindi pa ako nakakaligo at nag-aalmusal.Masyado rin kaming pagod at kailangan naming lahat ng pahinga.
"Christian?"
Dinig kong tawag ng isa kong kasama mula sa aking likuran.Si Curt.
"Hmm.?"
Sabi ko at nilingon sya na kalalabas lang sa pinanggalingan naming classroom kanina.
"Tara na."
Tumango nalang ako at muling tinapik si Zed sa likod.
"We all need some rest."
Sabi ko at nilingon nya ako at sumang ayon naman sya.
Bumitaw na sya sa railings at nakisabay na sa amin.Hindi ko man sya kaklase pero parang mag kasing edad lang kami.Mas matanda ako sa kanya ng isang taon,matagal ko na s'yang kaibigan.
Nagi-guilty nga ako dahil sa mga naging impluwensya ko sa kanya kahit alam kong ginusto nya rin ang mga pagbabago no'n dahil alam kong may pinagdadaanan sya at kailangan nya ng mga kaibigan.Hindi ko naman sya masisisi na sa amin sya lumapit.
Nagsisitinginan lahat ng nga nakakasalubong sa amin.Dahil na rin siguro sa mga damit namin at sa oras.Dahil kilala kami dito na laging late pumasok.Dumiretso na kaming lahat sa parking lot.Kanya-kanyang sakay na ang iba.Tinatanguan ko lang sila kapag nagpapa alam sila,ang iba ay may kotse at ang iba naman ay motor.
"Geh pre,pahinga ka."
Sabi ko kay Zedrick,tumango nalang sya at pumasok na sa kanyang kotse.Bumusina sya at pinanuod ko ang pagharurot ng kotse nya palabas ng gate.
Binaling ko na ang aking tingin sa motor ko na naghihintay kanina pa.
Kinapa ko ang aking bulsa pero wala doon ang susi.Kinapa ko ulit pero wala talaga.Napailing nalang ako at napagdesisyonan nalang na balikan at hanapin 'to sa Senior building.Doon lang naman kami galing kanina kaya malabong wala yung susi ko dun.
Patakbo kong tinungo ang building at nagmamadaling inakyat ang hagdan.Napapatingin ang mga nakakasalubong ko pero binalewala ko nalang.
Hinabol ko ang aking hininga ng makarating na ako sa harap classroom nila Zed.Sandali kong nilagay ang aking dalawang kamay sa aking tuhod para habulin ang aking hininga at umayos na ng tayo ng may nakita akong mga estudyanteng padaan dito.
Pumasok na ako sa loob,wala pa rin ni isang estudyante dito sa room na 'to.Malamig ang temperatura dito sa loob.
At ayun,nakita ko ang susi sa sahig.Bakit naman kasi may butas ang pants ko?.Pinulot ko na ito.
Nilibot ko ang aking paningin sa paligid,pero parang kakaiba ang pakiramdam ko ngayon,may nahagip ang aking mga mata.Hindi malinaw ang aking nakita pero parang isang tao sa bintana.
Pero imposible naman yun,walang estudyanteng magtatangkang pumunta dun sa likurang parte ng room dahil masukal na ang bahaging ng building na'to at mataas.
Maliban nalang kung hindi estudyante 'yun.
Tinitigan ko ang isa pang pintuan na katabi nung bintana.Hindi na binubuksan ang pintuang yun,bakas ang kalawang sa pintuan,pero pakiramdam ko ay kailangan kong buksan yun.Lumapit ako sa pintuan,wala itong lock kaya madali lang buksan.Masakit sa tainga ang pagbukas nito dahil na rin sa kalawang.
Malakas na ihip ng hangin ang sumalubong sa akin,lumabas ako at lumapit sa hangganan,tumingin ako sa baba,medyo mataas at nakakalula dahil nasa second floor ang room na to.
Napalingon ako sa aking gilid ng may marinig akong ingay.At hindi nga ako nagkamali.Nakita ko nanaman sya.
Nakaitim sya ng damit at may maskara s'yang silver.
Parang akong binuhusan ng malamig na tubig ng rumihistro ang maskarang yun.
Seira.
Anong ginagawa mo dito?Bihira lang s'yang magpakita.Nakakapagtaka lang at dito pa sa likod ng building.Mukha rin syang nabigla ng makita ako.
Ang ilang taon naming kaaway,pangatlong beses ko palang s'yang makita ngayon.Nagulat ako nung bigla n'ya akong inatake.Mabilis ang pangyayari at hindi ako handa dahil sa pagkabigla.Hinapit nya ang aking kwelyo at tinitigan sa mga mata.Mas lalong nawala ang focus ko ng makita ang mga mata nya.
Magkaiba ang kulay nang kanyang mga mata.Ang isa ay asul at ang isa ay berde.Gan'to pala ang mata nya kapag malapitan.Pero hindi ako dapat magpa apekto,masamang tao ang nakatapat ko ngayon at siguradong iba ang takbo ng utak nito.
At hindi rin nakatakas sa aking mata ang kanyang tatoo sa kanyang leeg.Ram.Hindi ko alam kung anong kinalaman ng ram sa kanya.Dahil lahat ng miyembro ng Ares ay may gantong tatak sa kanilang leeg.Sina Chester,Nile at iba pa.
Agad kong pinalipad ang aking kamao sa kanyang mukha na s'yang dahilan upang mabitawan n'ya ako.Napaatras sya ng kaunti,inangat nya ang kanyang tingin pero nasira ang kanyang maskara.May kinuha sya sa kanyang bulsa,isang kunai.
Hinagis n'ya ito at natamaan ako sa aking tagiliran.Mabilis s'yang kumilos at mahirap basahin.Nanuot ang matinding kirot sa aking tagiliran.Tiningnan ko ito,umagos ang aking dugo ng tanggalin ko ang kunai.
Tumingin sya sa baba at walang pagdadalawang isip na tumalon.Agad s'yang tumayo sa pagkakaupo nung pagtalon n'ya at mabilis na tumakbo at naglaho na sa kakahuyan.
Wala akong nagawa at pinanuod lang sya,masyadong mabilis ang pangyayari.
Hindi ako makapaniwalang nakatapat ko ang isa sa mga makapangyarihang tao.
Narinig kong may mga pumasok na sa classroom,dali-dali na akong lumabas habang hawak ang aking tagiliran at pinipilit pigilan ang pag-agos ng aking dugo.Binalewala ko ang mga titig nila at nagtungo nalang sa parking lot habang iniinda ang sakit.
Pinaharurot ko na ang aking motor at lumabas na ng school.
Pakiramdam ko ay matutumba na ako mula sa aking motor dahil sa kirot,pero hindi pwede.Kailangan kong makaabot sa bahay kung saan nandun din nakikitira ang iba sa aking mga kaibigan.
To be continued....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top