Silence and Serendipity

The thing is...when you're on the verge of becoming an 'old maid', some people just push their luck on you. Sa panahon kung saan kahit siya ay nagtataka kung bakit siya single ngayong malapit na siyang lumampas ng kalendaryo, saka pa naging malamig ang love life niya. 

When she was twenty, akala niya talaga'y mag-aasawa na siya by 25. Pero trenta na siya, at kapag ganitong nag-aalala na ang buong angkan niya at mga kaibigan niyang baka tumanda siyang dalaga ay may ginagawa sila sa buhay niya na minsan hindi na katanggap-tanggap.

Ramdam niya ang pressure na nararamdaman nila dahil magpapakasal na ang bestfriend niya. Kahit ang nanay niya ay mukhang desperada nang makahanap siya ng mapapangasawa. Kung sana nabibili lang sa supermarket ang isang butihing asawa, sana nakabili na siya, matagal na.

Kaya naman nag set-up ang bestfriend niyang si Iannah ng blind date. Hindi niya akalain na uso pa pala talaga sa edad niyang ito ang makipag meet-up sa isang stranger without prior notice and communication. Ayaw man niyang patulan ito ngunit sa pagmamakaawa ba naman ng lahat ay wala na rin siyang nagawa.

Blind date: Hi! Nandito na ako sa coffee shop. Nasaan ka na?

Me: Parating na. Anong kulay damit mo?

Blind date: I'm waving at the door. Naka – blue polo.

Me: Ikaw? Hindi ba pinsan ka ng best friend ko?!

Blind date: Yes

Ilang segundo siyang natulala sa text na natanggap niya bago ito muling nasundan ng isa pang mensahe.

Blind date: Also...sana okay lang sayo that we just text while we hang out. I'm mute.

Lumapit siya sa table at naupo sa harap ng lalaki.

Me: Oo naman. ☺

nag order ka na ba?

Umiling ito at nag text.

Blind date: Not yet. I was waiting for you. 

What do you want? I'll order it.

Me: Ikaw anong gusto mo?

Blind date: ikaw?

Me: Hot Cappuccino and blueberry cheesecake cguro

Blind date: cge, I'll have the same na rin.

I'll go to the counter and order. I'll pay for it.

Me: ha? sure ka?

Tumayo ito at napatingin sa kaniya. Napakagat siya ng labi. Hindi naman sinabi ni Iannah na sobrang guwapo pala sa personal nitong pinsan niya. His pictures in social media didn't give him justice.

Iniwan na muna siya ng blind date at umorder ito sa counter ng kape. Nakita niyang nag reply na ito sa huli niyang mensahe.

Blind date: Yes

I communicate through AAC and messaging apps. I'm Andrei.

Me: Nice to meet you Drei. Mitch here. Hehe.

I'm aware. Nakwento ka na ni Iannah sakin. 

Your story is an inspiration to us mga SLP

Bilang isang Speech and Language Pathologist ay hindi na bago kay Mitch ang makasalamuha ang mga taong may special needs. And Andrei Alcantara is the man who, despite having a disability became a functional member of the society. Naging inspirasyon din sa mga taong may kapansanan ang istorya ng buhay nito, na hindi naging hadlang ang kondisyon nito upang maging matagumpay sa buhay.

Andrei: Thanks teacher Mitch

Matapos mag order ni Andrei ay naupo na ulit ito sa harap niya dala ang mga order nila. Sumimsim siya ng mainit na kape.

Me: Teacher talaga? Lol. Di naman ako ang speech therapist mo. 

Call me Mitch.

Thanks for the treat

Andrei: ok

welcome

Wasn't expecting you're pretty

Andrei's facial expression was grave and it was making her uncomfortable. Masyado itong seryoso hindi niya mabasa ang iniisip nito. Masyado ring tipid kung mag reply ang lalaki. Hindi tuloy niya mapagtanto kung masaya ito o napipilitan lang na magcommunicate sa kaniya.

Me: hala. So nag expect kana na pangit ang kadate mo? lol

Naman. Pretty talaga ako sabi ng nanay ko. haha

Alam mo ba na ako ang date mo?

Andrei: Nope

Me: wala ka palang gf?

Andrei: No gf

Me: Bakit?

Hehe. Bat ka nga pala pumayag na makipag blind date?

Andrei: Not sure I can trust women

Yana forced me to come

Me: Ui...bawal judgemental

Not sure I can trust men too

Baka pala serial killer ka. lol

Di din ako happy na sinet up ako ni Iannah. haha. But

Andrei: Di ako serial killer

but?

Me: wahahahaha

Baka gusto ni Lord na mag meet tayo? Haha

Andrei: Ah. So you believe in divine intervention?

Serendipity?

Me: or maybe I'm an angel sent to earth to love you? Charot. Haha.

Ayiii. Haha. Baka pagalitan ako ng parents mo.

machismis akong nagtake advantage sayo. wahahahaha

Sa wakas sumilay rin ang isang ngiti mula sa lalaki sa huli niyang mensahe. She felt like she was able to break the wall between them.  

Me: gwapo mo pag nakasmile. ayiii. 🤣

Andrei: Mitch

Me: yes po?

Andrei: Is it too much to ask from God if that becomes true?


Me: na ano?
Pagalitan ako ng parents mo?!?! lol


Andrei: never mind

You think, if I pray to God to have someone love me 

He will answer my prayer?


Saglit siyang natigilan sa mensahe ng lalaki. Bigla kasing lumakas ang kabog ng dibdib niya at hindi niya maintindihan kung bakit.

Me: wow. Ang serious ng tanong mo.

Hehe. Di masagot ng tulad kong may pagkademonyo

Andrei: Are you always this funny?

If there's a person who can love someone 

with a disability

someone like me


Napahawak siya ng mahigpit sa kaniyang cellphone at napatitig ng matagal sa screen bago nagsimulang magtype ng reply.

Me: lol. Di ako funny. Super serious ka lang. wahahahaha

hey! you are so worthy to be loved.

never ever think you're unworthy just because you have a disability...because you are WORTHY. That's always my advocacy. ☺

big letters ang WORTHY para intense. lol

dami kong reply. flood reply lang ang trip. Lol. sorry naman. Waaaah.

Matagal bago nakapag reply si Andrei sa mga texts niya. Ngunit nabanaag niya ang isang ngiti mula sa guwapong mukha nito nang matapos nitong mag type at mag send ng mensahe sa kaniya.

Andrei: I think God just answered my prayer...♥

*****

Love & Light,

BC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top