055

055

Naglakad ulit ako hanggang sa nakahanap ako ng masisilungan.

May isang sari-sari store kaya doon ako sumilong. Nagsquat ako sa semento at nilagay ang gamit ko sa tabi ko.

Basang-basa na ako pero wala na akong pakialam. Gutom na rin ako pero wala na akong planong kumain.

9:00PM na. Madilim ang paligid, tanging ilaw nalang sa poste ang nagsisilbing liwanag. Tahimik na rin, may naririnig na lang akong tahol ng aso at busina ng sasakyan.

Nakita ko ang bigay na jacket ng lalake kanina. Kinuha ko ito at isinuot, para mabawasan din ang ginaw na nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Kung saan ako pupunta.

Wala ako sa tamang pag-iisip.

Mag-isa ako sa madilim at tahimik na lugar. Sa labas ng isang tindahan.

Mag-isa lang.

Ngumiti ako para balewalain ang sakit.

“Mama,…” pumikit ako habang yakap ang sarili.

Hanggang sa pagtulog ay dala ko ang sakit.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top