053
053
Mariin akong napapikit.
Naghihintay.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking bag at maleta.
Hanggang sa napamulat ako ng mata nang may sumigaw.
“Tangina! HEY BITCH! What the hell are you doing?!” galit na lumabas ang lalake mula sa sasakyan. Tinignan ko lang siya, hindi ako makagalaw sa takot.
“Sorry,” sabi ko at yumuko.
“Sorry?! May magagawa ba ang sorry mo pag nadisgrasya kami?! Kung gusto mo mong magpakamatay huwag dito!”
May lumabas na isa pang lalake.
Napaatras ako dahil mabilis na naglakad ang lalake palapit sa’kin. Pinigilan siya ng isa pang lalake.
“Pete, stop it let’s go, wala na tayong oras.” Sabi ng lalakeng umawat. Napatigil ang galit na lalake.
“Pasalamat ka nagmamadali kami,” nakita ko pa ang nakakuyom na kamao ng lalake saka siya bumalik sa kotse.
“Miss, you okay?” tanong ng lalake na umawat sa kasama niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
Napakagat labi ako at tumango. Nararamdaman ko na ang ginaw. Medyo umuulan pa kasi. Nagulat ako sa sunod na nangyari.
Hinubad ng lalake ang suot na dark blue jacket at binigay ito sa akin.
“Here,” inabot niya ang jacket. Tinignan ko lang iyon at hindi ko matanggap.
“Hey, Tim let’s go!” tawag ng isang babae mula sa kotse.
“Okay!” sagot ng lalake sa kasama.
Dahil hindi ko tinanggap ang jacket, nilagay niya na lamang ito sa itaas ng maleta.
“Just,… stay safe okay?” sabi ng lalake.
“Timothy! Tara na!” tumakbo ang lalake pabalik sa kotse.
“Bye, bitch!” paalam ng isang babae na kasama nila.
Napatitig nalang ako sa jacket na bigay ng lalake.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top