051

051

Malakas ang pagpatak ng ulan.

Naglalakad lang ako sa daan habang bitbit ang dalawang bag ko at hila-hila ang maleta ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung ano ang gagawin ko.

Habang umuulan ay patuloy parin sa pag-agos ang aking luha. Hindi ko maiisip kung anong nagawa kong mali.

Naging manhid na ang buong katawan ko. Kahit maginaw, kahit masakit na ang mata ko sa kakaiyak ay iyong sakit parin sa puso ang nangingibabaw.

"Sana namatay ka nalang!"

Lalo akong umiyak dahil sa naalala.

Oo. Kung ang mamatay lang ang paraan para matapos na itong paghihirap ko.

Sana mamatay nalang ako.



***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top