049
O49
Aira's Point of View
“Ma?” kumatok ako sa pinto. “May problema ba?” tinignan ko ang bag at maleta ko sa lapag.
“S-sagutin n’yo naman ako, oh!” hininaan ko lang ang boses ko at baka marinig ako ng mga kapitbahay.
“M-may nagawa ba ako? Ma?” napakagat ako sa aking ibabang labi para pigilan ang luhang nagbabadyang pumatak.
“Ma, sorry! K-kung naging pabigat ako sa inyo. Kung naging ganyan ang buhay mo dahil pinagbuntis mo ‘ko! Mahal kita ma.” Hindi ko na mapigilang hindi umiyak.
“Ma? Nagsisisi ka ba dahil pinanganak mo ko? Sagutin mo naman ako, oh. Galit po ba kayo sa’kin?”
“Aira,” napalunok ako noong binanggit ni mama ang pangalan ko. Patuloy parin sa pag-agos ang luha ko.
“Lumayas ka na.”
“Ma? Bakit? Bakit n’yo ginagawa ‘to?” narinig ko ang pagkulog ng langit. Sumunod ang pagpatak nang malakas na ulan.
Dali-dali akong tumakbo at kinuha ang bag at maleta ko. Nilagay ko ang mga ito sa tapat ng pinto.
“Ma? Umuulan na po. Papasukin n’yo na ako. Mababasa na po ang anak n’yo. Magkakasakit ako nito. ‘Di ba ayaw n’yong magkasakit ang anak n’yo?” Basag na ang boses ko pero pinilit kong magpakatatag. Pinilit kong ngumiti.
“Ma? Nagbibiro ka lang ‘diba? Papasukin n’yo na po ako. Ang ginaw na po rito sa labas. Ma?” ngumiti ako at patuloy parin ang pagpatak ng luha ko.
“Papasukin n’yo na po ako, Ma. Basang-basa na ako sa ulan dito. Ma---“ napatigil ako noong bumukas ang pinto.
Walang ekspresyon ang Mama ko.
Yayakapin ko sana ang mama ko ngunit hindi ako makapaniwala sa sunod na nangyari.
Nanginginig sa galit si Mama saka niya ako sinampal.
“Aira?! Hindi mo ba ako naiintindihan?! LUMAYAS KA NA!!!”
“Ma,” nanginginig ako sa ginaw at takot at pagkabigla.
“Ayoko nang makita ang pagmumukha mo! Malas ka sa buhay ko! Sana hindi nalang kita isinilang!”
Hindi ako makagalaw sa mga sinabi ni Mama
“Sana namatay ka nalang!!!”
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top