048
048
Hindi pa ako tuluyang nakauwi ng bahay nang sinalubong ako ni Crissa.
“Aira! Ang mama mo!” bigla akong kinabahan. Hindi ko na siya tinanong kung anong problema at diretso ang akong tumakbo ng bahay.
Pagkarating ko, nasa labas ng bahay ang isang bag ko. Nasa labas din ang isa kong maleta.
Nakatayo si mama sa may pintuan. Nagtama ang aming mata. Malungkot siya.
“Ma?” takang tanong ko saka ako patakbong lumapit sa kanya.
Hindi pa ako nakalapit ay bigla niyang pabagsak na sinara ang pinto.
“Lumayas ka na!”
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top