047
047
“Want me to help you?” kinuha ni Eric ang ibang makapal na papers na dala ko. Part time student assistant kasi ako at kailangan ko pang ihatid ang mga papers na ito sa records office ng school. 2 weeks na rin ang dumaan simula noong naging magkaibigan kami ni Eric, kinlaro ko rin sa kanya na magkaibigan talaga kami at doon lang iyon, bawal siyang manligaw.
Sabi naman niya sa akin na hindi na siya manliligaw dahil habang tumatagal kaming nagsasama, lalo lang daw akong pumapangit sa paningin niya. Maghahanap nalang daw siya ng ibang maganda. Mas okay naman ako sa ganoon. Pero ang ganda ko kaya.
“Wala ka bang training ngayon?” tanong ko habang kami ay naglalakad dala-dala ang mga papers. Nakasuot kasi siya ng basketball outfit niya.
“Meron, ihahatid lang kita. Then I’ll go straight to the game.”
“Pffft!” pagpipigil kong tumawa dahil sa effort niyang magtagalog.
“You’re laughing again!” sabi niya at binilisan ang paglalakad.
“Hindi ahh! Huwag mo akong iwan!”
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top