046
046
Pauwi na ako ng bahay nang may tumawag sa akin.
“Aira, wait!” napahinto ako dahil pamilyar ang boses ng lalake. At hindi nga ako nagkamali.
“Ikaw na naman? Pwede ba Eric, tigilan mo na ako?” tatlong araw na kasi akong kinukulit ng lalakeng ito. “At alin ba sa sinabi ko ang mahirap intindihin? Hindi nga ako magpapaligaw.”
“Ouch!” hinawakan niya ang kanang dibdib niya at umaktong nasasaktan. “Your hurt me there.”
“Ewan ko sa’yo,” aalis na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang wrist ko at pinigilan ako.
“Aira Wait,” napatigil ako. “Okay, I get it. If you don’t want someone like me to court you, then can you we just be friends?”
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin. Napabuntong hininga ako. seryoso ang kanyang mukha.
“Unang-una okay lang naman makigpagkaibigan, ang akin lang, NASA PILIPINAS TAYO! Kaya pwede huwag kang English nang English? Sumasakit ulo ko sa’yo.” Itinaas niya ang dalawang kamay na tila sumusuko.
“Okay, if that’s your issue I’ll try speaking tagalog.’’
“At pangalawa, bakit ako? Maraming magaganda dyan pwede mong maging kaibigan—“
“K-kasi, ikaw gusto ko,” napatigil ako sa sinabi niya.
“Mag-english ka na nga lang, ang cringy ng tagalog mo,” sabi ko at naglakad palayo. Sumunod naman siya.
“See? I told you!” sumabay siya ng lakad sa akin papuntang gate. “So we’re friends now, right? Right, Aira?”
“Oo na!”
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top