044

044

“Tao po?” napatayo ako dahil sa boses ng lalake sa labas. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pintuan at sumilip sa may butas.

“Maniningil lang po ng kuryente,” sabi ng lalake sa labas. Nakasuot siya ng sombrero na kulay pula. May hawak siyang papel sa kaliwang kamay. Napatingin siya sa kanyang wristwatch sa kanyang kanan.

“Tao po?” ulit na tawag nito. Sa boses niya ay halatang naiinip na ito.

Sumandal ako sa wall sa gilid ng pintuan. Saka ako nag-isip ng paraan. Wala si mama at alam kong kahit nandito man siya ay wala rin kaming perang ibabayad. Ano nang gagawin ko?

Noong nakaisip ako ng paraan saka ako dahan-dahang lumayo sa pinto at lumabas ng bahay gamit and exit. Saka ko pinuntahan ang kapitbahay namin.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top