041
041
Agad kong tinungo ang CR ng mga babae kung saan walang gaanong gumagamit. Nakasunod parin ang lalake sa akin. Kinuha ko sa loob ng bag ko ang nail cutter at nilabas ang matalim na parte nito. Saka ako umikot at hinarap siya.
“Sino ka?” tinutok ko sa kanya ang nail cutter. “Bakit mo ako sinusundan?”
“Whoa!” he raised both his hands in a conciliatory manner. “Easy, there, beautiful.”
“Huwag mo akong ma-beautiful dyan ha! Bakit mo nga ako sinusundan?” mas lumapit ako sa kanya at tinutok ang nail cutter.
Nandilat ang kanyang mga mata at nakatitig sa nail cutter. Gusto kong tumawa dahil sa itsura niya.
“I’m sorry, okay? I just want to make friends,” medyo kumunot ang noo ko dahil doon ko lang napansin na may accent siya.
Parang Australian accent. May lahing ibang bansa kaya ito? Ang puti niya kasi at ang tangkad. Matangos din ang ilong.
Umatras siya at nakatitig parin sa hawak kong nail cutter.
“Can you put that down now? Geez!” saglit ko siyang tinitigan saka ko binaba ang hawak na nail cutter. Huminga siya nang malalim.
“There you go,” ngumiti siya. “By the way, the name’s Eric.” Tinignan ko lang ang nakalahad niyang kamay.
“Ewan ko sa’yo!” sabi ko at iniwan siya. Tsaka ba’t ba siya english nang english? Tingin ko nakakaintindi naman siya ng tagalog.
“I believe you’re Aira?” napatigil ako sa kanyang sinabi. Stalker ba siya? “Did you like the chocolates?” he added. Umikot ako at hinarap siya.
“Ikaw nagbigay ng mga ‘yon?” he smiled and just shrugged. Napailing nalang ako at tuluyan siyang iniwan.
Sinundan niya ako at patuloy na kinukulit.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top