030


Aira’s Point of View

Natahimik na ang lahat nang dumating na ang adviser namin at Calculus teacher namin.

May pinagawa lang siyang activity at natapos din naman agad ako.

“Psst!”

Nagkunwari akong walang narinig noong una.

“Psst!”

“Aira,” mahinang tawag niya sa akin kaya lumingon na ako.

“Pakopya ako,” tinago ko ang ngiti ko. Ibibigay ko na sana ang papel ko nang biglang nagsalita si ma’am.

“Ms. Madanlo! Eyes on your paper!” sabi ni ma’am kaya agad na napayuko si Eloisa. Nahuli tuloy siya.

“Ms. Dela Cruz.”

“Yes, ma’am?” sagot ko at tumayo. Sumenyas siya na lumapit ako sa kanya.

“Nakuha ko na ang result ng elimination at ikaw ang first kaya ikaw na ang sasali sa Quiz bee natin sa Mathematics kasama ang nasa kabilang section,” tumango ako kay ma’am at tinago ang pagka-excited at saya ko. “Hindi ka ba masaya?”

“Masaya po! Syempre po,” sabi ko at hindi na napigilang ngumiti.

“Good, dumaan ka nalang sa office ko mamaya para maibigay ko na iyong mga reference sa’yo. At para makapag-prepare ka na rin in advance.”

“Sige po salamat po.”

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top