029
Aira’s Point of View
To: Aira Luis Dela Cruz
From: Your Future Boyfriend
Nakalatag sa upuan ko ngayon ang isang bouquet ng flowers at may kasamang dalawang box ng chocolates.
“Yieeeeeeehhhh!!! Nakakakilig naman!” sabi ng katabi kong si Eloisa.
Sa oras na nakarating ako sa loob ng classroom namin, ito agad ang sumalubong sa akin. Tinignan ko ang mga kaklase kong nasa loob ng classroom.
“Guys?” agad naman silang napatingin sa akin. “Nakita n’yo sino naglagay ng flowers na ‘to dito?” tumango ang karamihan sa kanila.
“May secret admirer na ang top student natin dito, ha. Pakilala mo naman sa’min ‘yan Aira. Yieeeh!” sabi ni Juliet na dalang walis tambo.
“Eh, hindi niya nga kilala ang lalake. Pa’no niya masasabi sa inyo? Bobo ka rin, ‘no?” kumento naman ni Eloisa.
“Ikaw ba kausap ko?” inis na tanong ni Juliet.
“Tama na nga ‘yan,” suway ko sa kanila at kinuha nalang ang dalawang box ng chocolates at nilagay ito sa loob ng bag ko.
“Hindi ka ba kinikilig?” tanong ni Eloisa noong umupo na ako.
“Bakit naman ako kikiligin?”
“Eh kasi naman, pangatlong beses ka nang binigyan ng ganyan, ‘no.”
“Kahit lima o sampung beses niya pa akong bibigyan ng ganito hindi ako kikiligin. Tsaka 4th year high school pa tayo, wala pa sa isip ko ang mga bagay na ‘yan. Uunahin ko na muna ang nanay ko at ang pag-aaral ko. Bago ang mga ganyan.”
“Hello? Millennial na! Manang ka parin?”
“Manang talaga? Paano ako kikiligin hindi nga siya nagpapakilala sa’kin? Sabihin mo sa’kin.”
“So gusto mong magpakilala siya?”
Hindi ko nalang pinansin ang sinasabi ng katabi ko.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top