028


Aira’s Point of View

Napakunot ang noo ko sa nabasa. Ano naman kaya ‘yong ipapakita niya sa’kin?

Napangiti pa ako dahil alam kong excited siya kapag ganoon kahaba siya kung magtext. I mean literally, pinapahaba niya ang mga salita.

Binalik ko sa bulsa ko ang cellphone ko at tumakbo papuntang jeep. Sinalubong ko ang makapal at medyo maitim na usok.

Woooooooow!!! Ang galing naman. What a great start. Medyo napaubo pa ako dahil sa usok. Tumayo na ako sa gilid ng kalsada.

“Oh, buhangin dyan! Buhangin!” sigaw ng driver kundoktor ng jeep.

Saka ako tumakbo at nakipagsiksikan sa loob. Tinignan ko ulit ang cellphone ko para icheck ang oras. Okay may about 20 minutes pa ako para makaabot sa school.

Pagbaba ko ng jeep agad kong inayos ang suot kong uniform kahit wala namang magbabago. Saka ako pumasok ng school.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top