Two (2)

Note: Sana di kayo maguluhan sa pagpapalit-palit ko ng POV, at sa mga POV na hindi ko pinapangalanan. Salamat na lang kung in-address siya ng kausap niya, e paano kung hindi? Hahaha… I am trying to withheld information as much as possible para exciting. Hahaha…

 __________________________________________________________

Two (part 2)

Nagising ako na sobrang sakit ang ulo ko. Parang binagsakan ako ng ilang kilong hallowblocks. Mas naramdaman ko iyon ng subukan kong tumayo. Natumba tuloy ako at napahiga sa sahig na nagkalat ang mga bote ng alak.

          Alak? Sapo pa rin ang ulo, sinubukan kong umupo. Nagtatakang tiningnan ko ang madaming bote na nagkalat. Saan galing ba ang mga alak na ito? Ako ba uminom niyan? Bakit parang wala akong matandaan na bumili at uminom ng mga iyon? Ni hindi nga ako umiinom.

          Nagtataka man, binalewala ko na lang iyon. Ganoon naman ako, eh. Sobrang makakalimutin. Pakiramdam ko nga meron ako na kung anong uri ng amnesia. Ayoko namang pumunta ng doktor dahil natatakot ako sa resulta na makukuha ko. Mas okay na sa akin na wala akong alam sa kung ano man ang sakit ko.

          Pinilit kong makapunta ng banyo para maghilamos.  Pagtingin ko sa repleksyon ko, nagulat ako dahil nagkaroon ng kulay ang buhok ko. Mamaya ibabalik ko na ito sa pagka-itim.

          Sa loob ng ilang taon, ganoon na ang buhay ko. Araw-araw sinasalubong na ako ng kung anu-anong pagbabago. Hanggang sa nakasanayan ko na. At itinuturing ko na ang ganitong mga bagay na parte ng aking buhay.

          But things getting more and more absurd. At isa na ang araw na iyon. Inis na dinampot ko ang used condom na nakita ko sa sink. Tatlo iyon. At saka ko initsa sa basurahan doon. Sakto namang nabalingan ko isang pink na panty na nasa ibabaw ng toilet bowl. At isang pink na bra na nakasabit sa doorknob.

          Don’t tell me, aside sa pagpapakalasing sa alak, did I — nagpakalasing din ba ako sa… kandungan ng babae? Am I getting promiscous? Kaya ba nanlalagkit ang pakiramdam ko ngayon?

 _______________________________________________________

“Dr. Tasarra?”

          Mula sa papeles na binabasa, tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses. Napangiti ako ng mapagsino ang kanyang bisita. “This is a surprise. Come.” Tumayo ako at imiuwestra rito ang upuan sa harap ng mesa ko. “Mabuti naman at naisipan mong bumalik. Alam mo namang very crucial ang counseling na ‘to para sa’yo.”

          Hindi sumagot ang aking bisita. Tiningan lang niya ako ng uri ng tingin na kung sinuman na tao ay katatakutan. Pero hindi ako. Hindi ako naging psychiatrist para lang matakot sa ganitong mga emotionally distressed na pasyente. Ilang tao na ang nakasalamuha ko na katulad niya. Pero lahat sila ay umuwi na natulungan ko para magamot ang kanilang mga sarili.

          “After our fourtieth sessions, ‘di ka na bumalik pa. Tell me, what made you come back?” tanong ko sa kanya habang nakatitig sa galit nitong mga mata. Pinipilit kong basahin kung ano ang nasa loob ng pagkatao niya. Pero matayog ang pader na inihaharang niya at hindi ko magawang tumagos doon.

          Siya lang ang pasyente ko na bukod tanging umabot ang session namin sa apatnapu. Bukod sa hindi siya sumasagot ng totoo sa mga tanong ko, may iniiwasan din siyang mga bagay na mapag-usapan.

          Sa unang phase ng session namin, nahirapan ako na kilalanin ang pasyente. At sa puntong malapit ko nang maakyat ang pader na harang sa pagkatao nito, saka naman ito nawala at hindi na bumalik pa.

          At sa 35 years kong karanasan bilang doktor, ngayon lang ako na-excite ng totoo. I am about to unlock a secret of his persona, of his mind, of his body…

          “Madalas pa ba ang pagkawala ng memorya mo?” tanong ko.

          Hindi siya sumagot.

          “How about dizzy spells, seizures, or have you still inflected yourself of injury?”

          Hindi siya muli sumagot.

          “Do you want to talk about this tomorrow? When are you— Hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin. Bigla na lang niya ako sinakal. Wala ni isang salita, pero madami ang sinasabi ng kanyang mga mata. Wala ni isang salita, pero ang daming gustong ipakahulugan ng bawat detalye sa kanyang mukha.

          Pinangangapusan na ako ng hininga. At tila walang

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top