Two (1)

Thanks sa nag-add ng strory na ‘to sa kanilang reading list. Kahit maiksi ang update sana magustuhan niyo. I’ll try to update regularly as possible. Tinamaan ako dun sa sinabi ng isang writer na “gagawa-gawa pero di naman tatapusin”. Hahahha…

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Two (part 1)

“John Paul Ibarra, 19, taga-pasig, 2nd year college, galing sa broken-family, tahimik, mahiyain at saka hindi masyadong nakikihalubilo. Base sa deskripsyon ng taong malalapit at nakakilala sa kanya, wala sa ugali nito ang maging marahas sa kapwa niya.”

          Pagkatapos basahin, inilapag ni Merto ang hawak na folder sa mesa ko. Laman niyon ang report tungkol sa background ng lalaking nakita ko sa burol. Nagtataka lang ako sa mga kinikilos nito kaya pina-imbestigahan ko na rin para makatiyak.

          Binuklat ko ang folder at binasa ang mga nilalaman niyon habang patuloy na nagpapaliwanag sina Merto at Guzman ng pahapyaw na nilalaman ng report.

          Eight years ito ng maghiwalay ang mga magulang dahil palaging nag-aaway. Umalis ang ama niya at sumunod na taon ay nabalitaan nilang nakapag-asawa ng iba. Naiwan naman siya sa pangangalaga ng ina pero ng tumuntong siya ng edad na trese, nag-asawa na rin ang ina nito.

          Tumanggi itong sumama sa bagong pamilya ng ina niya at sa halip nanatili na lang sa isa sa mga pinto sa apartment na pinauupahan ng kanyang pamilya. Simula noon namuhay na ito ng mag-isa, walang kaibigan, walang kalaro.

          Napadako ang tingin ko sa medical history niya. Na-curios ako dun. Tiningnan ko ang dalawa kong tauhan, si Merto at Guzman, na nakaupo sa harap ng mesa ko. “Ilang beses siyang nagpabalik-balik sa Hospital?”

          “Totoo iyan. Simula nang mag-asawa ang kanyang mama, na natitira niyang pamilya, madalas na na-o-ospital ang binata. Nagkaroon siya ng emotional distress, na nagamot naman na sa continuous psychiatric counseling na in-undergo niya,” paliwanag ni Guzman.

          “Sa katunayan niyan, nitong mga huling buwan, madalas na nakikita ang binata sa mga bar at party na hindi ‘normal’ para sa dating ‘Paul’ at ikinatuwa naman iyon ng mama niya at ng ibang nakakakilala sa kanya.”

          Tumango-tango ako. Nakukulangan pa ko sa report. Gusto ko pang makilala ng lubos itong si John Paul Ibarra. Gusto kong malaman ang buhay niya at iniisip niya ng mga panahong nag-iisa siya. Gusto kong malaman kung ano ang naging dahilan kung bakit bigla siyang nagbago.

          “May bago akong assignment sa inyong dalawa: gusto kong makilala ang doktor na nagsagawa ng counseling sa binata at makahingi ng kopya ng naging medical findings at report niya sa kanyang pasyente.”

          “Bakit parang interesante ka sa kanya, sir? At bakit pa tayo mangangalap ng impormasyon tungkol sa kanya? Hindi ba na natin iru-rule out ang binata sa kasong ito since wala naman siyang kakayahan na gawin ang krimen?” sunod-sunod na tanong ni Merto.

          “Oo nga naman, sir,” segunda ni Guzman.

          Hindi ko sila sinagot. Kasi kahit ako hindi ko rin alam. Pero sinasabi ng gut feeling ko na i-pursue pa at pumasok sa pinaka-ila-ilaliman ng pagkatao ng binata. Sinasabi ng gut feeling ko na kapag nakilala ko ang binata ng lubos, lahat ay magkakaroon ng saysay, sagot, at resulta.

          Sa mga kasong ganito, malaking bagay ang sumunod sa dinidikta ng kutob mo. At iyon ang gagawin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top