4: Ang Reaksyon ni Ilyong 1


May nag-iwan ng isang pirasong papel sa ilalim ng lingguhang katanungan. At narito ang nakasulat:

Ako na naman ang inyong napagdisketahan! Kayo ba ay walang ginagawa? Bakit hindi na lang niyo ituon ang inyong mga atensyon sa pag-aaral imbes na gumawa ng mga walang saysay na mga katanungan?

Ako'y inyong tantanan, mga amigos!


Ang sagot sa sulat:

Perdoname, Senyor. Kami lang ay lihim na nasasabik sa atensyon na itinatangi sa iyo ni Binibining Tetay!

Lalo na ako!

-Walang ngalan


Sagot ni Ilyong:

Kilala kita, Senyor Estanislao Gomez! Hindi maikakaila ang iyong sulat-kamay!


(Photo by Putra Kusuma: https://www.pexels.com/photo/cursive-writing-on-paper-13207104/)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top